ALA-ALA (SPOKEN POETRY)

0 0 0
                                    

Ang piyesang ito ay para sa mga taong tanging ala-ala na lang ang pinanghahawakan .....tanging ala-ala nalng ang meron sila dahil iniwan sila ng taong mahal nila ....BOOM ang sakit

                           ALA-ALA
      
                     Sulat ni author❤

Ang hirap tanggapin na saakin ay wala kana...
Ang hirap isipin na yong tinuring kung pang habang buhay ay naglaho na parang bula...

Naaalala mo pa ba?...
Yung araw araw tayo na magkasama,  sa mga simpleng bagay, nagagawa nating maging masaya...

Mahalaga lahat ng ating pinagsamahan,... Kahit hanggang sa ala ala nalang....Pero nangingibabaw parin yung sakit na nararamdaman.... Dahil sa bigla mong paglisan...

Naaalala mo pa ba?...
Kung paano tayo nag simula,
Kung paano ang nararamdaman natin ay nagtugma,
Kung paano tayo naging masaya sa piling ng isat isa....

Ang dami nating ala alang dalawa
Mga ala alang hanggang ngayon nasa isip ko pa
Mga ala alang sabay nating ginawa
Mga ala alang hindi mapapalitan ng kahit anong material....

Bawat oras na kasama kita ay sinulit ko na 
Dahil alam kong balang araw iiwan mo rin ako sinta
Dahil alam ko sa sarili ko na mahal mo pa siya.....😢

Sariwa pa saaking ala ala ang mga binitawan mong salita
Mga salitang naging daan upang ikaw ay higit ko pang pagkatiwalaan....

Pero ang tiwalang yoon ay naglaho bigla.....

Sa isang libo mong salita
Di ko alam kung alan ang dapat paniwalaan
At sa isang libo mong mga pangako
Di ko alam kung saan ang matutupad o lahat ba ay mapapako....

Habang naka pikit
Mga ala ala bumabalik ng paulit ulit
Mga ala alang gusto kong kalimutan ng pilit
Para hindi na bumalik yung dating sakit....

Masakit magunita ang mga araw
Kung paano tayo nagsimula
Mga araw na pinagsaluhan natin ng walang sawa
Araw na pinagtagpo tayo ng tadhana
Mga araw na masaya,  at tayong dalawa ang may likha....

Naalala ko pa kung paano mo bigyan ng kulay,  ang buhay ko na walanh sigla
Ikaw ang pumuno sa lahat ng nawala,  dahil saiyo muli ang puso ko ay nagtiwala....

Binigay ko saiyo ang lahat, pero habang tumatagal tila hindi naging sapat....
Ang dating sakit na iyong binura,  ikaw rin ang nagbalik ng kusa....

Minahal kita ng subra,  sa pag aakala tayo ay hanggang katapusan, pero bakit ang sakit ng nakaraan ay dinala mong muli sa kasalukuyan......

Sa subrang sakit parang bumaksak saakin ang boung mundo... Umibig lang naman ako ng totoo... Pero bakit palagi nalang akong nabibigo... Hindi naman ako mahilig maglaro... Pero bakit palagi nalang akong talo..... Dahil kahit saan ako sumugal, hindi ako nananalo.....

Ala ala ng nakaraan na mahirap kalimutan
Ala ala ng minsan,  tayong nagmahalan
Ala ala na ayaw kung balikan
Ala ala na merong ikaw at ako, pero hindi nagkatuluyan

================================

Sana magustuhan niyo ito....... Kahit alam niyong hindi kayo ang gusto 😂

Comment and vote ♥ ♥ ♥

Mag sabi po kayo nang pamagat gagawan ko po

Thank you 😊

- ang nag mamahal pero hindi minahal 😔

SPOKEN POETRY Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα