Ewan ko. Basta Masarap Magkape.

54 1 1
                                    

December 19, 2012; Umaga. Technically tanghali na ayon sa time-space continuum ng nanay ko kahit alas-nuebe pa lang. Kailangan ko pang magmadali sa paliligo dahil may aasikasuhin kami sa munisipyo, financial assistance daw. Sabi kasi nung tauhan ni mayor itetext daw kapag ok na yung cheke pero eto sembreak na di ko parin narerecieve yung text. LR ata si Manong o kaya LR ako. So eto nakuha namin ung cheke pero langyang haba ng pila sa banko para mag encash. medyo wala ako sa wisyo nitong araw na ito kasi di pa ako nagaalmusal at lalong hindi pa ako nagkakape. Alas-diyes nung pumasok kami ng banko, alas-dose nung lumabas at hindi pa namin na encash. Lintek ang bulok na sistema nila na nauuna pa yung ibang kakarating lang.

Sabi ko nga kanina di pa ako nagkakape so punta muna ng Mcdo. Tangina lakas ng pangumbinsi ko sa nanay ko ngayon ah. Bente-singko pesos para sa "Pure Roasted Arabica Coffee" at hindi siya nagreklamo ng "Aba anak anong akala mo sa akin nagtatae ng ginto? Bumili ka na lang ng 3-in-1". Eto pa sinamahan pa ng burger and large fries ung kape ko kaya tiba-tiba na naman ang mga sawa at buwaya sa tiyan ko. Nagulat lang ako bigla kasi lumitaw ang 'pinakamamahal' kong kapatid habang kumakain kami. As usual hihingi ng pera, magrereklamo kasi kulang, tapos aalis. Nampucha 900 pesos baka daw wala siyang mabiling damit para sa Christmas party nila? TANGINA THIS. Nga pala, nakabili na sila ng nanay ko ng dalawang t-shirt kahapon sa SM pero di raw type ng kapatid ko na isuot sa party nila. Tumal ako nga masaya na sa simpleng ukay-ukay tpos siya di makuntento? Wow ha.

So, eto bigla akong napasisip pagkauwi: ANO NGA BA ANG GUSTO KO SA BUHAY? Kuntento na ba talaga ako sa damit na galing ukay-ukay? Di ko talaga alam. Sa sobrang pag-aalala ko sa ibang tao di ko na namalayan na nakalimutan ko nang alalahanin ang sarili ko. Bigla ko lang narealize lahat ng mga dahilan kung bakit nag-excell ako sa mga ginawa ko noon. Naging Salutatorian ako noong elementary (oo pwera biro) dahil gusto kong umunlad ang pamilya ko. Noong high-school naman gusto kong grumadweyt dahil mas attractive sa chix ang may matinong trabaho. Ngayon hindi ko na alam kung para saan ang mga ginagawa ko.

Via observation, napansin ko lang na kapag para sa sarili ko na ang ginagawa ko nawawalan ako ng gana. Parang lahat ng sipag sa katawan ko nauubos kapag kinabukasan ko ang nakasalalay. Akala ko dati dala lang yun ng genes ng tatay ko pero ngayon narealize ko na occasional lang ang katamaran ko. Pero kapag dumarating ang panahon na nagkakaron ng dahilan, specifically mga tao: pamilya, kaibigan, special someone, o kaya mga putang inang nanggagago na gusto kong sampolan ng mga kaya kong gawin sa buhay ko ----- biglang nagkakaron ng "boses" sa utak ko na nagsasabing "GO TROY GO! DO THAT SHIT AND SHOW THEM WHAT YOU'VE GOT!" Maybe I just got used to caring for others that I have forgotten how to care for myself. Shit happens 'ika nga ng iba.

Everything in this world is spontaneous and it's randomness increases as time passes. Yun ang sabi ng Second Law of Thermodynamics medyo pinasimple ko lang. So walang bagay na expected. Lahat ng plano, kahit anong gawin mo, magkakaroon ng variables na hindi mo makokontrol. Ganun nga siguro kaya bigla ko na lang din nasulat itong kwento ng buhay ko para sa araw na ito. Everything happens for a reason. isa pang guiding principle ng buhay ko. Pero ako mismo, di ko maisip ang mga dahilan ng lahat ng ginagawa ko. Pero ang alam ko, habang isinusulat ko ito (or appropriately tina-type) masarap magkape. Tatayo na ko, nakulo na yung tubig.

-Troy

Too Much CaffeineWhere stories live. Discover now