Chapter 3: Ice Hockey

32 0 0
                                    

(A/N: Uyy~ Yung mga bagong readers naman po jan! Follow po kayo sa akin if you like my story. Or kung may iba pa kayong gusto tungkol sa akin! Enjoy reading!!)

{Reema Mieya's POV}

God! Ang lagkit ko na nung umuwi ako ng bahay! Pinatawag pa kami sa Principal's Office! Well, kami pa rin ang nanalo! Sila Kayle? Ayun! Pinaglinis ng canteen! Ahahaha! Win, win!

At eto ako ngayon, naglalakad pauwi ng bahay. Actually, may kotse naman kami, eh sa ayaw kong mag kotse pauwi ng bahay, nung magagawa niyo? Mas piliin ko pang maglakad.

Hayy. Nandito na ako sa bahay! Bahay namin? May tatlong mahahabang path, yung nasa gitna sa mismong bahay namin yung nasa kaliwa papuntang garden yung sa kanan hanggang likod yun kasi papuntang swimming pool. Naintindihan nyo ba? Well dapat lang kasi di ko na uulitin sa susunod. XD

"Andito na po ako!" sigaw ko. Routine ko na yan lagi pagdating ng bahay. Teka, bakit ang daming bagahe? Lillipat na ba kami ng bahay? Better start packi- "Acck!!" sabi ko. May yumayakap sa akin. Sino ba toh? Inalis ko yung kamay nya sa may leeg ko. Ang higpit ng yakap nya!

"Reema/Ate Zarina!" sabay na sigaw namin. Umuwi na pala sya? Akala ko ba next week pa? Pangalan ng ate ko ay Zarina Yvette Hanford. May mas matanda pa nga pala sa akin noh? Nakalimutan ko. -_-

Uyy~ Gumaganda sya lalo ah! May boyfriend na kaya toh? Sa ganda ba naman ng ate ko siguro naman meron na diba? Ano kaya nangyari sa kanya sa Canada? 

"Wait, ate bukas ka na lang magkwento. May practice kami ngayon." sambit ko. Well, may team kami ng ice hockey players. Hehe. Di ko nasabi sa inyo..

"Palagpasin mo muna tong araw na toh Reema! Sige na! Ngayon na nga lang tayo ulit magkikita eh!" pakiusap nya. "Bawal." sabi ko. Tapos nun umalis na sya ng padabog. Eto, di ko alam kung sino ba talaga mas matanda sa amin. o.O

Maghahanda na muna ako. Mehehehe. Half shirt, jacket, fitted jeans at Converse! Tapos eyeliner lang atsaka lip tint. Tapos! Ready to go!

 Yung ice hockey arena (Di ko alam tawag dun eh, paki tama na lang po Keke~) maeyo malapit sa Trinoma. Kita kita muna kami nila Scarlette sa DQ, para sabay sabay kaming pumunta dun. 

Andito na pala sila! Late nanaman ako. -_- "Yaahh! Reema, late ka!" naka-pout na sabi ni Becca. "Gusto mo bang hatakin ko yang nguso mo?" malamig na tanong ko sa kanya. DUCK FACE.

"Di bagay sayo pacute. Mukhang tanga." sambit ko sa kanya. Mas lalong humaba yung nguso nya. Psh. Hard-headed. "Tara na! Mamaya ma-late pa tayo!" sabi ni Abigail.

Pagkatapos ng walang pinatunguhang pag-uusap namin ay umalis na kami. Kumakain pa rin ako ng ice cream ko. COOKIES N' CREAM~   

Andito na kami. IceLand daw? Wews, sa tagal ko dito ngayon ko lang nalaman na ito pala pangalan ng lugar na toh. Psh. Bahala na nga. Pumasok na kami at sakto na tapos ko na rin kainin ang ice cream ko. At nagpalit na rin kami ng damit pang practice.

"Girls! You're in!'' sigaw sa amin nung coach namin. Pumwesto na kami. Ang training namin ngayon ay, yung puck papadaanin sa cones ng pa zigzag ng di dumidikit doon. Lam' nyo yun? Ah basta!  

And then, may mga di inaasahang bisita. Nakita nila ko, tinitigan ko sila isa-isa. Makikilala nila ko, dahil di ko pa naman sinusuot helmet ko eh. Bleh. nginitian ko sila na parang nagyayabang, saka ko sinuot yung helmet at sakto rin na nag-whistle si coach, means start.

{Kayle Justine's POV}

Nginitian kami ni Reema ng parang nagyayabang. Psh. Pakitang gilas lang yan eh. Halos mapatalon ako sa gulat nung nag-whistle yung coach nila. Nagsimula na ring gumalaw si Reema, ang bilis! Parang kidlat lang. At ang bilis nya lang natapos yung drill na yun. Sunod ay si Megan.

Napa-whistle si Scott sa mga nakikita nya. Ang bilis at astig rin kasi nito gumalaw. Nagtanggal si Reema at Megan ng helmet nila at nag-apir. Sa totoo lang maganda naman talaga sila lahat eh, panget lang nung aura nila.

Nanuod lang kami sa kanila buong araw. Kaya kami nandito ay dahil kay Mark at David. Uy! Tapos na pala sila mag practice oh! At bihis na rin sila. Woah! She's oozing hot! I mean ang sexy nya! Shit no! Ang ganda lang pala. "So anong ginagawa nyo dito?'' pag basag ng katahimikan ni Scarlette.

"Nanuod kami ng practice, pero di namin alam na kayo pala ngayon may practice, wala kaming pakay manood.'' sunod-sunod na sabi nila Mark, David at Dylan.

"Psh. Possesive boys.'' sagot ni Reema. "Wala naman kaming sinabing manood kayo. Nagkusa kayo diba?'' sagot naman ni Megan.

"Sya. Tara gala. Sama kayo kung gusto nyo. Bahala kayo.'' yaya ni Reema. Sumunod sila Scott. Psh, no choice. 

(A/N: WAAAHH!! Sorry po sa matagal na UD! Sobrang sarap lang po talaga kasi ng weekeds ko. BTW. Paki correct na lang po yung mga mali ko. If ever na meron. Ciao!)

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now