Chapter 16

3.4K 174 58
                                    

Ilang minuto na ata ang nakalipas pero wala pa rin akong naririnig sa kanya. Nagkandabuhol-buhol na ata ang mga organs ko sa takot na tignan ang reaksyon niya.

Napakagat labi ako, kinakabahan ako sa kung ano na ang susunod na mangyayare... Will he avoid me? Will he ignore me?

Kusa na muling tumula ang luha ko sa kakaisip ng posible niyang gawin, hindi ko ata makakaya iyon. Palagi ko kasing hinahanap ang presensiya niya tapos...

"Shhhh," pag-aalo niya. Sa wakas ay nakarinig na ako ng reaksyon sa kanya. "Look at me,"

Namumula ang mga mata kong sinunod iyon. Tumitig ako sa kulay abo niyang mga mata na hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas na gawin.

"You know that I'm gay, right?" He softly asked, paramg iniingatan ang bawat salitang bibigkasin.

Marahan akong tumango. Itinikom ang labi para muling pigilan ang pagluha.

"Answer me, Sapphire Light..." may bahid ng kung ano nanaman sa pagsabi niyang iyon.

"O-oo.." Inalis ko ang tingin sa kanya at inilipat iyon sa iba pero ang ulo ko ay sa kanya pa rin nakaharap.

"Then... why do you like me?" He slowly asked this time. Deretso ang tingin sa akin na parang hindi mo pwedeng istorbohin.

Nanginginig ang mga labi ko sa gustuhing humikbi pero pinigilan ko iyon. "I-I d-don't know... ba-basta ayaw k-kong.." I trailed of.

"Ayaw mong?" He quickly continued.

Humarap ako sa kanyang nag-iinit na ang pisngi."M-maging... l-little s-si-sister lang.. ang a-ano tingin mo sa..akin..."

He was staring at me when his eyes got dilated even more as if I said something unexpected. Napalitan din agad iyon at nagpaskil siya nang paglarong ngiti, "What do you want then, baby girl?"

Hindi ako nagsalita. Inaalisa ko pa sa aking isip kung dapat ko bang sabihin ang mga naiisip ko. But he asked right? I only wanted to be honest with him.

Saglit pa ako nag-alangan at saka huminga ng malalim. "Don't... avoid me, p-please.."

Ang kaninang mapaglarong ngiti niya ay naglaho, saglit na naging madilim ang ekspresyon niya at naging blanko. "I won't, what made you think that?"

Kinakabahang umiling ako, "W-wala..."

Pinagmamasdan niya lang ako. Ramdam na ramdam ko pa rin paningin niya sa akin na para bang naghihintay pa siyang may idagdag akong sasabihin.

"What else Sapphire Light?" nanatya niyang tanong.

Napalabi ako, bumukas ang bibig ko pero napapasara rin sa tuwing umaatras ang lakas ng loob na magsalita pa, "Diba.. hindi mo naman boyfriend iyong kanina?"

He amusedly nodded.

"You mean... wala kang boyfriend?" nag-aalangang tanong ko.

He smirked at me. His expression is etched with enthusiasm, like this is such an enjoying scene for him. "I have none. Do you want me to have one?"

Agad ako umiling. "N-no! I-I mean.. w-wag ka muna maghanap..." I bite my lip after saying that.

Napataas ang dalawang kilay niya sa akin. Napatawa siya at naiiling na hinawi ang buhok niya. "Gosh, Do you think I need to find a man?"

Nagtataka akong tinignan siya. Bakit parang ang bilis magbago ng mga ekspresyon niya. Ano ba ibig niyang sabihin?

"I'm a gay who can get a man whenever I want, baby girl. I don't need to find," nakangising anunsyo niya na nagpasimangot sa akin.

I frowned even more when he gave me a smug smile. Oo nga at gwapo siya, he has a nice body. Matangkad rin siya, kahit masungit at may pagkaistrikto siya sigurado akong maraming nagkakagusto sa kanya.

Kasali nga ako sa kanila e...

"What will you do with that?" He asked again. His smile is still plastered in his face, nakakainis na siya, parang inaasar pa ako.

Sinubukan ko siya bigyan ng masamang tingin. Napa-arko  ang mga kilay nito na tila may bago siyang nakikita.

"Are you mad?" pigil ngiting tanong niya.

I furrowed my eyebrows before shaking my head. "Naiinis na ako... sa iyo,"

He stared at me for a while, kunot-noo akong lumihis ng tingin. "Oh my gosh, you are?" This time he didn't stop himself from showing his smile and let out a hearty laugh.

Bakit pag ako ang naiinis hindi nila ako sineseryoso? Totoo namang naiinis na ako, hindi na kasi ako nakikipagbiruan e.

"Okay, okay. What do you really want, baby  girl?" He flashed a knowing smile.

Bahagya kong naramdaman ang pagkarera ng pintig ng puso ko, pati ang pag-init ng pisngi ko ng lambingan niya ang pagtatanong sa akin.

Napasinghap ako saglit at saka kinagat ang labi dahil sa muling pag-ahon ng kaba ko. "Ano.. ako na lang,"

"You what baby girl?" tanong niya. "Bakla ako, Sapphire." dagdag niya.

Tumango ako. Alam ko nga iyon, hays.

"Wala naman akong sinasabihing hindi, ano ba gusto mo?" lakas loob kong sagot.

Tinaasan niya ako ng isang kilay bago yumuko para makatapat ang mukha ko ,iniayos ang buhok ko papunta sa tenga.

"What if I say, I want a boyfriend?" harap-harapang tanong niya.

Bumuntong hininga ako at napalabi. Saglit pa ako nag-isip ng sasabihin, "I'll be... your b-boyfriend,"

Napapikit ako. I know it sounds stupid but I can't say anything else. I just wanted him to know that I like him this much.

Ang kaninang nanunuksong tingin niya sa akin ay napalitan ng ngiwi. Umangat siya muli at napaface palm na lang.

Kung nandirito si Duchess, sa palagay ko ay kanina pa siya tumatawa. Hindi ko rin alam pero wala naman akong ibang nasa isip e. Kaya ito na lang sinasabi ko.

"Forget it, baby girl. I was just teasing you,"

Sumimangot ako, "Hindi naman ako nakikipagbiruan e,"

He amusedly looked at me. Ngumiti na lang siya at naiiling na pinisil ang pisngi ko. "Of course," aniya. "What I mean is you don't have to bother being a boyfriend because I'll be your boyfriend, okay?"

Nanlalaki ang mata kong tintigan siya nang sabihin niya iyon. I'm not hallucinating, right? Napalitan ng kaseryosohan ang mukha niya, he's not joking?

"T-talaga? Hindi mo ako niloloko?" Wala sa sariling banggit ko.

His expression hardened, "I maybe  gay, but I won't do that to you." He assuringly said. "You're now my girlfriend, baby girl."

Napaawang ang labi at hindi ko na itinago ang ngiti ko. Ang saya sa pakiramdam!

Agad ko siya yinakap na agad niya ring pinalibot ang mga braso niya sa akin. I felt a kiss on the top of my head kaya lalo akong napangiti. 

Ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko pero mas nangingibaw sa akin ang excitement dahil boyfriend ko na siya! I really love him.

"Thank you," I said.

He kissed my forehead, "You shouldn't be. I am the one thankful." bulong niya.

Hindi ko gaano naintindihan pero humagikgik nalang ako. Ewan ko pero sobrang saya lang talaga ng nararamdaman ko e, hindi ko maipaliwanag basta ang saya saya ko.

Zeno's Sapphire Where stories live. Discover now