Chapter 11

3.2K 184 40
                                    

Isang linggo nang makalipas noong huli ko siyang nakita sa restaurant noong araw na 'yun. Hindi na rin ako naglakas loob na magpaalam sa kanya noong may katawagan pa siya kaya naman deretso na lang din ako umalis gamit ang sasakyan ni Duchess.

I sighed. Nalulungkot nanaman ako kapag naalala ko... part of me, nabibitin sa pagkakataong iyon but another part of me ... ewan, hindi ko alam. Naguguluhan na rin ako e, bakit ba lagi ko na lang siyang iniisip?

Napasimangot ako. Kamusta na kaya siya? Noong magsimula na hindi na kami pumunto roon... I tried finding his social media na sana hindi ko na lang ginawa.

When I saw his instagram account I quickly tap his recent post which was a week ago that time. He's with a man, they are both smiling and holding a wine. Napatingin ako sa comments pero hindi ko maintindihan, until I saw an english comment that says— "Hoping for a strong and healthy relationship to the both of you, Sir!"

I feel like the hope in me shattered when I didn't even know I have that in me. He's the only one I can think of, wala akong naging crush o nagustuhan man lang...

I know he's gay and way older than me...

Hays. Let's go to another episode of ice cream indulgence.

Malapit lang ang mall sa company kaya naman hindi na ako nag-abalang magmaneho papunta roon, you can actually pass through another company building to enter the mall.

I am wearing a tweed sets that kuya Duke gave me when he came back here, pinaresan ko ito ng 2 and a half inch na wedge sandals at clutch sling bag.

Pagkapasok ko sa Gelato shop agad ako nag-order ng 3 flavors kada pint— Turtle pie, Chocolate therapy and Coffee mudslide. Actually, ngayon lang ako nagtig-iisang pint.

Dito na rin ako kumain, matutunaw kasi kung dadalahin ko pa sa opisina. Nagsisimula na ako sa pagkain ko ng makaramdam ako ng presensya sa gilid ko.

Marahan akong napaangat at ganoon na lamang ang paglaki ng mata ko ng sumalubong sa akin ang mga gray niyang mata.

Earlier he's just in my mind, ngayon ang gwapo niyang mukha ay totoong nasa harapan ko na. Why does he look so fine?

His eyebrows quickly raised at nagpalit ang mga tingin niya sa akin at sa mga ice cream nasa lamesa. His presence will always have its place for intimidating others. Lalo na't parang mas lumapad pa ang katawan niya...

Napatikhim ako at umayos ng upo bago nag-aalangang ngumiti, "H-hi.."

He directed his attention in me, there are something in his eyes the way he looks at me but as always I can't name it.

"You really eat a lot amount of ice creams now, huh?" sagot niya sa akin, muling nakataas ang kilay sa mga pagkaing nasa harap ko.

Iniiwas ko ang aking ulo at itinuon ang atensyon sa labas na para bang doon ako makakahanap ng isasagot. Ano ba ang sasabihin ko? Ito nanaman kasi ung nararamdaman ko parang biglang kailangan ko turuan ung loob ko kung paano hihinga ng maayos.

Ganoon din ang pulso ko parang biglang nagkakarerahan. Napakagat ako ng labi bago muling humarap sa kanya, nakatuon lang ang pansin niya sa akin na para bang binabasa ako.

"C-cravings lang..." saad ko saka muling yumuko at tinignan na lamang ang kinakain ko.

Mula sa gilid nakita ko ang pagtango-tango niya, "Can I sit with you, then?"

Tumango ako.

Saglit siyang umalis at pagbalik niya wala na iyong box ng cake na hawak niya. He sit in front of me with his arms folded, mataray na nakataas ang kilay niyang nakatuon ang gawi  sa akin.

Nakakailang...

"Uh... D-do you want s-some..?" nauutal na alok ko sa kanya habang lakas loob na tumititig sa mukha niya. Bakit ganoon mas lalo lamang siyang... naging gwapo...

Tamad siyang umiling. "It's a good thing I saw you here, I was about to visit you."

Huh? Did I here him right? Why would he...

"B-bakit?" Pakiramdam ko biglang namula ang mukha ko ngayon.

Gusto kong kapain ang dibdib ko para pigilan ang lakas ng tibok mula dito. I bit my lower lip to straight my thoughts.

He suddenly showed a lopsided grin. "Oh, Can't I?" saad niya na mahihimigan ng kung ano ang tono.

"H-hindi naman!" biglaang asik ko. "I- I was just n-not expecting it..."

I pressed my lips when shyness starts to consume me. Ano ba 'yan... bakit kasi ganito katindi ang nagagawa ng presensya niya sa akin.

He chuckled. "Then girl, what are you expecting?"

I frowned. Why am I suddenly uneasy to how he calls me? It felt distant, new and... I don't know.. basta hindi ko gusto iyon.

Nang hindi ako sumagot narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya muli ko siyang sinilip, the way he swayed his head para maisaayos ang buhok niya walang pinagbago... may kaartehan pa rin makikita sa kanya...

"Eat your food, it will melt."  saad niya.

Tuluyan na akong humarap sa kanya at nginitian siya. Wala na muling emosyong makikita sa kanya, he was just sitting properly looking straight at me. Kahit nakakailang ay tinuloy ko na nga ang pagkain ko, kagaya ng sinabi niya matutunaw kung hindi ko pa gagalawin.

Sinubukan kong madaliin ang pagkain para naman mabilis nang matapos ito pero hindi iyon nakatakas sa mata ng nasa harapan ko.

"Don't rush your food," sabi niya naman.

Napanguso ako, sa lahat ng gagawin ko parang alam na alam niya ang sasabihin. He opened a bottle of water na binili ko rin kanina at iniabot iyon sa akin.

This set-up brings up so much feelings and of course, our memories as well those years.

I accepted it and smiled. "T-thank y-you.."

Nang makatapos ako kumain ay nag-aya na siyang umalis kaya sumunod na lamang ako. Kinuha niya rin muna ang cake na hawak niya kanina, pinaref niya muna kasi pala dahil ice cream cake ito at matutunaw lamang sa paghintay niya sa akin.

"Do you have a car with you?" tanong niya nang mag-umpisa kami sa paglalakad. This... feels nostalgic...

Umiling ako. "Hindi e. Malapit lang—"

"I know," putol niya kaya tumikom na lamang ako ng bibig. "May kailangan ka pa ba sa office mo? I'll drive you home,"

Ito nanaman ang nararamdaman ko, hindi makalma ang bawat pintig ng puso ko na para bang damang dama ko na. "W-wala n-naman pero 'yung sasakyan ko kasi,"

"I'll pick you up tomorrow too," simpleng sagot niya.

Napaangat ako ng tingin sa kanya na nakatitig na pala sa akin kaya muling kong ibinaling sa iba ang ulo ko. "O-okay.. kung a-ayos lang sa iyo.."

He sighed with what I said, "You haven't changed."

Napasimangot ako, "H-hindi ah.. a-ano, hindi na ako bata..." sabi ko at muling tumingala sa kanya.

Saglit siyang napatigil sa sinabi ko. Totoo naman ah? Don't tell me iyon pa rin ang tingin niya sa akin? It's been 3 years since we last saw each other, I grew up.

He showed an amused expression bago napailing. "Of course you're not anymore,"

Ngumiti ako.

"But you're still the Sapphire I know. Ikaw pa rin yung batang nawala noon. Aside from your age, nothing has changed baby girl,"

Zeno's Sapphire Where stories live. Discover now