Chappie One

17 0 0
                                    

Mary Magdalene San Miguel

"Ilang buwan ka nang di nagbabayad ng upa,Maria.Ano?May plano ka pa bang magbayad?Ha?Dahil kung hindi,aba!Pauupahan ko na iyan sa iba.Hindi ka mayaman at mas lalong di ka celebrity kaya wag kang pa-special"

Napakunot ang aking magandang noo ng makita kong tila may sinasabi si Aling Nena.Di ko Naman siya marinig. Nakaheadset kasi ako.
Tinanggal ko muna ang isa.Binili ko pa to sa kapitbahay kong bading.

"Teka nga lang..may sinasabi ho kayo Aling Nena?"

Napataas naman ang kanyang fake na kilay .Napatingin siya sa kamay kong may hawak na headset.

"ABA'T!Putang Ina kang Bata ka?!Di mo ko narinig?!!Lumayas ka sa harapan ko ngayon kung ayaw mong lumayas habang buhay!"

Dali dali naman akong tumakbo palabas ng pinto ng inuupahan ko. Nakakatakot ang mukha ng leche!Parang mangangain ng mga bobo.

Siguro tungkol na naman iyon sa di ko nababayarang upa.Wala pa naman kasi akong pera.Wala akong trabaho.Naghahanap pa.Hayss...Maria siya nang Maria ,sabing Mary Magdalene nga.

Patay na ang mga magulang ko.Naaksidente sila noong seven years old palang ako.Tapos inampon ako ng tiyahin kong talo pa si Chaka Doll sa kakapalan ng mukha't make up.May ipokrita pa siyang anak na kasing edad ko rin.

Inalila rin nila ako hanggang sa naging 18 years old at pinalayas na dahil mabubuhay na raw ako ng ako lang.Pisti.Magsama sila ng anak niyang may Facebook account na "Cynthia Makalarlar".Nilait ko pa siya bago ako lumayas dahil sa pesteng account name niya, pero Sabi niya lang naman,"Huh!Uso to ngayon.Di ka lang updated kasi walang kang cellphone!Tsupi!Yur saw anoyeng!"
Peste siya.Di niya alam ang sinasabi niya.Pero,..well, pareho lang naman sila ng mama niyang "Nenith Mtfkr" ang account name.

So ito ako ngayon naghahanap ng trabaho.High school graduate lang naman ako.Sana nga may tumatanggap. Nasa point na ako ng buhay ko na papatusin ko na kahit pagmemaid.

Nasa may high way na pala ako.Tang ina.Di ko namalayan.Marami pa namang sasakyan. Nakikita ko na sa kabilang kalsada iyong "Mays Restaurant".Balak ko sanang mag apply bilang waitress man lang.Nagugutom na rin pala ako.

Kasalukuyan akong tumatawid nang biglang may bumusina ng napakalakas.Humarap ako at nakita kong malapit na akong mabunggo ng isang itim na sasakyan.

*Screeeeeeeeeeeechh*

Napatumba nalang ako sa takot at napapikit.

Peste talaga...

FADED:Von Theodore Nicholas' StoryWhere stories live. Discover now