𝐀𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐝𝐞𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐰�...

Bởi Lalalaykk

263 39 12

A young hardworking girl who pursue her dream not just for herself but for her family also, especially when s... Xem Thêm

ANG MODELANG KWELA
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36

CHAPTER 27

13 2 0
Bởi Lalalaykk

Merry Christmas and a Happy New year!! Late upload, Lumamon pako guys. Enjoy!




"So? May bago ka na palang secretary?" Nakita ko kung paano siya mahinto sa pagkain nang sabihin ko iyon.

Tinaas-taas ko lang ang aking kilay na animong naghihintay at naiinip sa magiging sagot niya. Wala namang kaso sa akin ang pagpapalit niya ng bagong secretary pero alam mo yun? Hindi ko mapigilang magtampo, kasi nagkakasama naman kami pero ni minsan e hindi niya naisipang mag kwento.

Napasiring ako sa naisip at inis na nilibot ang aking paningin sa kabuuan ng restaurant. Actually nasa labas kami, mga mars ang ganda kasi! May mga lights sa buong paligid, hindi din malamok at mainit.

Muli akong napatingin kay trenz nang tumikhim siya. "Ah yeah. I forgot to tell you, but yeah"

Muli ko siyang tinaasan ng kilay, Sinesenyasang magpatuloy.

"Her name is Deainy marisse Cortez, My colleague suggest her to me since I'm looking for new. She's hardworking and good, Vince never disappoint me." He proudly said while taking his first bite on his burger.

"Ah ganon?" Kunwaring interesadong sagot ko dahilan para mapahinto nanaman siya sa pagkain.

Nakita ko kung paano niya dahan-dahang ilapag ang burger niya sa plate at tinignan ako ng may ngisi sa labi.

"Are you mad?" Hindi ako sumagot, tinitigan ko lang siya. "Okay! Okay! Sorry! Sorry for not telling you about this, It's just like when I'm always with you I always forgot the un-important things, cause you know.. I want to focus on my most precious girl, here in front of me."







Dahan-dahan ko nang ibinaba ang aking kamay nang makitang wala na sa aking paningin ang kotse ni trenz. Kaagad na akong pumasok sa bahay habang hawak-hawak ang pasilubong ko kila papa at renz.

"ATE KITTY!!" Bungad sa akin ni renz pagkapasok na pagkapasok ko palang sa pinto.

Inilagay ko sa lamesa ang bitbit at lumuhod ng kaunti sa sahig para mag pantay ang ulo namin ng kapatid ko, kinurot ko ang pisngi niya.

"Kamusta ang school?"

"Okay naman po!! Lagi pong mataas ang nakukuha ko! Lagi din akong may star ate!!" Masigla nitong ani.

Napangiti ako.

"Aba?! verry good ah?! Dahil diyan may pasilubong si ate!! Tara sa kusina!!"

Nang makapasok sa kusina ay naabutan ko si papa sa may kitchen sink, Kaagad siyang tumigil sa ginagawa para salubungin ako.

"Pa kumain na kayo? Kain muna! May dala akong pagkain."

Nakangiti siyang tumango bago sinimulang maghain, Tinanggal ko na din sa plastic yung mga binili ni trenz na pagkain para maipasalubong ko kila papa.

Nag-enjoy talaga ako sa date namin! At syempre.. keneleg.

"Ay! Atsaka nga po pala pa hindi na po nakapag paalam si trenz sa inyo kasi may emergency siya sa office, pero po ikinakamusta niya po kayo" Dugtong ko pa nang maalala.

Inaya ko na din si renz na maupo na sa hapagkainan.

"Naku ayos lang naman kitty, anak! Nag tetext-text naman kami ng batang iyan, lagi din akong kinakamusta."

Napangiti ako. Hele?! Eng beet nemen neng bebe ke!!







Days passed faster as if it's running to something, It's becomes a days, a weeks and almost a month, until the calendar stop on the month of november. And of course kapag usapang buwan ng nobyembre tabi-tabi muna at makikidaan ang birthday namin ni renz, November five ang kaarawan ni renz samantalang ang sa akin naman ay november eighteen plus three.

November one palang ay umuulan na sa mga bati ang buong araw namin ni renz, masaya siya dahil ang daming nakakaalala, pero minsan ang sarap ding mangbato ng kaldero.

"KITTY! HAPPY BIRTHDAY SAINYO NI RENZ HAH?!" Napahinto ako sa pagsasara sana ng gate nang lumapit sa akin si aling kutsin para bumati.

It's seven o'clock in the morning, Papasok na sana ako sa trabaho ko nang batiin nga ako ng kapit-bahay namin na si kutsin, mabait naman 'yan sa katunayan OFW ang lola mu sa singapore, kakauwi niya lang din ngayong taon, nabiyayaan pa nga kami ng chocolates at sabon.

Atsaka oo nga pala, Wala namang masyadong ganap sa nagdaang linggo, bukod sa busy nga palagi wala namang dapat ikabahala dahil maayos naman ang buong nagdaang araw.

Napangiti nalang ako bago mag pasalamat sakanya, Kaso naisara kona ata lahat lahat ang gate namin at lalakad nalang papunta sa sakayan pero hindi padin umaalis si aling kutsin sa gilid ko, humarap ako sakanya, hinihintay ang idadagdag niya.

"Naku kitty hindi kami makakapunta sa selebrasyon mo!" Humihingi ng pasensya ang tono niya. "Alam kong mag p-party party kayo kase jack pot ka sa trabaho mo pati nadin sa jowa mo!" Napangiwi ako, Bukod sa desisyon siya apaka advance mag-isip!

"Baka nga, haha." Nakitawa siya sa sinabi ko, Hinampas pa niya ng mahina ang balikat ko

"Ikaw talaga! Haha! Pakihatid nalang sa bahay yung ibibigay niyong handa." Patawa-tawa pa niyang ani bago dumiretso sa tindahan ng pandesal sa kanto.

Napangiwi ako, Ang tinde.

"Hays! Malapit na nga pala ang birthday ng pamilyang pipigshugin."

Napakunot ang noo ko bago napalingon sa kaharap naming bahay, at ayown!

Speaking of a chismosang palaka, Nasa harap ko na siya ngayon, Si Cecil. God! It's been a long time since I last saw this frog.

Maikli na ang buhok niya at medyo nagkakalaman nadin siya.

"Hayst! Please bitch don't forget to give us food, I just want to see what losers food are looked like! Haha!"

Boang talaga, hindi nalang diretsuhin na gustong makahingi ng handa namin! Tinapunan ko lang siya ng tingin, Ang lola mu naman panay ang awra na akala mo'y naiinggit ako sakanya! Yayks. Pero wait, ang dami talagang nagbago sa gagang 'to, Pero sana naman ugali ang susunod na baguhin niya.

"Naku Cecil! Di ko sure kung mabibigyan kita.." Kunwaring malungkot kong ani

"Ha?!! Bakit?!!"

"Uunahin ko muna kasing bigyan yung mga kapit-bahay namin, After na yung sa mga dogs."

"EXCUSE ME???!!!!" Inis niyang sigaw saakin, napangisi ako.

"Daan na, Dora."









"GAGA KABA?! SIMPLENG TRABAHO LANG DIMO MAGAWA-GAWA NG MAAYOS?!!"

Mas lalo akong napayuko nang sigawan ako ng head namin sa ibang department, Aksidente ko kasing natapunan ng kape ang papers na dapat ay ipapasa na ngayon.

Puta kitty?! Bat ang tanga-tanga mo kasi!!!!

Nilibot ko ang aking paningin.

Nadaanan ko ng tingin sila Jade at mariam na parehong nag aalala sa akin, ngumiti lang ako sakanila ng tipid, Alam ko naman na gustuhin man nilang tumulong ay hindi pupwede dahil malalagay din sila sa alanganin katulad ko.

Pero halos kumulo ang ulo ko nang sunod ko namang madaanan ng tingin si mazna'ng patawa-tawa sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin! May nalalaman laman pa siyang pa tawa tawa diyan samantalang sinanggi niya ko kanina!!

"Shushunga-shunga kang babae ka!!! Ano nang gagawin natin dito?!! Kung hindi kaba naman tanga-tanga edi sana napasa na 'to?!!"

Napahinga ako ng malalim, Unti nalang talaga e maiiyak nako! Bakit sa dinami daming head sa bawat department e bakit siya pa?! Napaka sungit!

"M-Ma'am sorry po.. h-hindi ko po sinasadya.. uulitin ko nalang po ma—" Hindi niya ako pinatapos, muli siyang sumigaw.

"ABA DAPAT LANG!! ANO BANG AKALA MO?!! MAKAKALAMPAS KA?!! WAG AKONG HUTHUTERA KA!! PASALAMAT KA AT PINATULAN KA NG BOSS NATIN! SA ITSURA MO BA NAMANG GANYAN?!! MUKHA KANG BASURA!"

Gulat akong napatingin sakanya, hindi ko napigilan at pumatak ang mga luha ko.

"A-Ano Po?" Hindi ko mapakaniwalang ani, Nirig ko din ang pagsinghapan ng mga katrabaho ko.

Grabe naman ata 'yon..

"O BAKIT?! ANONG INIIYAK-IYAK MO DIYAN?! NAG PAPA AWA KA?!" Mayabang na sigaw niya sa akin.

"M-Ma'am parang sumusobra naman na po ata kayo—"

"BOBO KABA?! PALIBHASA EXPECTED KO NA 'YAN SA MAHIRAP AT DI NAKAPAG TAPOS NA BABAENG KATULAD MO! ANG TINDE MO DIN NO?! BAT HINDI KANA LANG KAYA MAG PABUNTIS SA MGA TAMBAY NA NASA PINAGGALINGAN MO?! ANG GUSTO MO PA E ANG BOSS NAMIN?!" Hindi ako mapakaniwalang napatitig sakanya, Gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko magawa, nauunahan ako ng mga luha ko. "AY??!! SABAGAY?!! GOLDDIGGER NGA NAMAN!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig, Patuloy padin ako sa pagluha habang nakatitig sa galit na galit niyang mukha. Kitang-kita ko na awang-awa nadin sa akin ang mga katrabaho ko, pero gaya ko din naman sila, ayaw makisawsaw dahil may umaasa din sakanila, natatakot madamay.

Hindi ko alam ang dapat na sabihin, Parang naubos ang lahat ng boses ko, Nakatitig nalang ako sakanya habang sinasampal sa akin ang katotohanan.

Hindi nga ba talaga ako nababagay kay trenz?

Kung oo sino ba siya para sabihin lahat ng Ito saakin? Putangina?! Ang sakit.

Para siyang audience lang sa isang penikula na kami ni trenz ang bida, Wala siyang karapatang sumali dahil nakikinood lang siya, binayaran man niya o hindi wala siyang karapatang pahiyain ako dahil lang sa hindi niya gusto ang takbo ng kuwento.

Oo, Aaminin kong mahirap lang kami.. Pero kahit mahirap lang ako ni minsan ay hindi ako naging ganito kabastos.

Sadly, Marami ngang educated sa mundong 'to pero bilang lang ang well-mannered.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...