Road Of Our Souls

Par nikMarikit2

2.2K 1.2K 128

In the middle of the time where many people achieving their goals. Here Alma Ria Asuncion, still seeking on w... Plus

Road Of Our Souls
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 7

78 68 1
Par nikMarikit2

"oh nak,kaya mo na 'yan. Huwag tatanga tanga sa daan ah. Sumabay ka sa tao kapag tatawid."

Tumango ako kay mama na nasa labas ng pintuan namin. "Okay ma."

Tumango sa akin si mama at kinuha ang wallet niya. "oh baon mo nak." Kinuha ko ang perang nakalahad sa kamay ni mama.

"Sige ma, alis na ako. Ba-bye!"pagkatapos ay tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

Binuksan ko ang pitaka ko at ipinasok doon ang isang bente at sampung piso. Thirty pesos ang baon ko palagi,kasama na doon ang pamasahe ko.

Noon ay madalas akong magreklamo. Pero kalaunan ay nasanay narin ako.

Wala naman kasi akong magagawa. Iyon ang nakayanan ng magulang ko kaya dapat ay ipagpasalamat ko pa iyon.

Sa susunod na lang siguro ako maghahangad kapag kaya ko ng tumayo sa sarili ko lamang.

Naglalakad ako sa gate ng school namin ng nakita ko sa harapan ang bag ni linlin. Tumakbo ako para maabutan siya.

"Bakit ba ang bilis bilis maglakad nito."naibulong ko sa sarili ko.

Tumigil ako sandali ng malapit na ako sa kaniya. Saka tumakbo ng nakabawi ng kaunting lakas.

"Hoy linlin!" Umakbay ako sa bag niya. Hinihingal ako kaya kailangan ko ng suporta.

Tumingin siya sa akin."Oh ang aga mo ah?"

"Siyempre ako pa ba?" Nag peace sign pa ako sa harapan niya.

"Baliw!"

Tumawa ako sa huli niyang sinabi saka kami sabay na naglakad. Katulad ng dati ay kahit pa mayroon kaming nakakasalubong na mga kakilala namin ay dinadaanan lamang kami.

"Napaka snobber talaga ng mga tao ano?"

Napangisi ako kay linlin. "Sinabi mo pa. Masasanay na lang nga ako eh."

"True. Hayaan mo na. Hindi naman tayo belong sa mga..." Tumingin siya sa akin. "Alam mo na?" Nagkibit balikat na lamang ako.

Sa labas ng room ay nakikita ko na ang mga busy naming kaklase. Dahil doon ay may bigla akong naalala. Hinawakan ko agad sa braso si linlin para kuhanin ang atensyon niya.

"Oo nga pala. Anong nangyari sa contest kahapon?nanalo ba?"

Kumunot ang noo niya. "Ay hindi ka ba nag online girl?" Agad akong umiling.

"Oo panalo tayo!"ngumiti siya sa akin. "Kaya kasali pa sila sa isang round para sa championship."

Agad na natuwa ang kalooban ko. "Wow ang galing naman!"

Tumango siya sa akin. "Oh kaya tara na tulungan natin sila sa pag aayos."

Tumango ako at pumasokna kami sa room. Bumungad sa aminang mga nakatayo naming kaklase, mga upuan nakakalat, at ang ingay ng mga bunganga nila.

"Grabe palengke na naman tayo ah?"

Narinig ko na lang ang tawa ni linlin sa akin bago ay nilapag ko na sa kabilang puwesto ang bag ko.

Nilibot ko ang paningin at nag hanap ng maaring maitulong. Pero bigla ko na lang nakita si Carlo na palapit sa gawi ko.

"Gosh! Ano na naman ba 'to?" Napatingin ako sa labas ng bintana saka nagpanggap na may ginagawa.

Naramdaman ko na ang paglapit niya. Ang assumera ko dahil lumagpas siya sa mismong kinaroroonan ko.

Saglit akong natigilan at napakagat sa labi ko. Pasimple ko siyang sinulyapan. Naroon siya sa bahaging likuran ko... At nakaharap sa salamin!

Nakakainis naman! Ito na naman ako nangangarap ng gising!

Sa inis ko ay tumayo ako pero dahil naiinis nga ako ay napatunog ko ang upuan na nasa gilid ko.

"Ah Ria?"

Napapikit ako at dahan dahan na hinarap si Carlo. Weird akong ngumiti sa kaniya saka nagtaas ng kilay.

"Ah patulong."lumapit siya sa akin.  "Patupi naman ng polo ko hanggang siko. May gell kasi 'tong kamay ko." Inilapit niya sa akin ang braso niyo.

"O-okay..."agad akong kumilos at ginawa ang sinabi niya. "Kabila rin ba?" Tumango siya sa akin. Naiilang ako dahil nakatingin siya sa akin..

"Ayan tapos na." Umalis ako kaagad sa tabi niya.

"Okay salamat ng marami Ria!"

Ngumiti na lamang ako at tumango. Pilit kong iniiwas ang tingin sa kaniya. Kasi grabe!kakaiba ang itsura niya ngayon!

Buti na lang ay nakuha ng president namin ang atensyon ko.

"Guys! Pinayagan tayo ni Ma'am Enriles na magpa-excuse sa klase niya."

Agad na umingay ang buong classroom.

"Wait lang! 'di pa'ko tapos!" He cleared his throat first. "So ayun pumayag nga... Pero mag quiz daw muna tayo sandali. Kasi kailangan na matapos yung about sa lesson natin."

Biglang nanlumo ang mga kaklase ko at nagsipag reklamo. Matataoang magreklamo kapag wala yung teacher. Pero kapag nandiyan sa harapan si Ma'am or Sir ayaw naman magsipag salita.

Sa pintuan ay nakita ko si ginger na kanina pa nakatayo doon. Pinapatapos na magsalita si President. Nang matapos ay agad siyang naghanap ng tao. Bigla ay napatingin siya sa gawi ko. Agad siyang naglakad papunta rito.

Nang palapit siya ay napansin kong wala ang paningin niya sa akin. At nasa gilid ko iyon. Mukhang alam ko na. Pero hindi ko dapat ito isipin...

Nang mailipat niya ang paningin niya ay nakita niya ako. Ramdam at alam kong nagulat siya. Kaya naman nagtataka ako ng lumapit siya sa akin.

"Uy Ria! Andiyan ka pala. Kanina pa kita hinahanap."ngumiti siya sa akin.

Pero hindi ako nakarespond sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ko dahil alam ko naman na hindi ako ang pakay niya.

Isinantabi ko 'yon at hinarap siya. "Ah nandito lang naman ako. Baka 'di mo lang ako napansin kanina."

"Ah oo nga eh." Nakita ko ang paningin niya sa likuran ko. Saka niya inilipat ang tingin sa akin. "Ah Ria! Tara doon tayo magpapaturo pala ako sa Science. Hindi ko pa natatapos sagutan yung ipapasa mamaya eh."

Lumalay ang balikat ko saka tumango sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

***

"Ito oh?"ipinakita ni ginger ang papel niya. "Paano sagutan 'tong number 13-15?"

Kinuha ko iyon sa kamay niya saka ipinaliwanag sa kaniya. Ginabayan ko rin siya sa lecture para maintindihan niya. Pero nahahalata ko na wala na naman ang paningin niya sa akin.

Hindi naman siya nakikinig sa akin...

Sayang lang ang pagsasalita ko...

"Ayun lang. Oh sige sagutan mo na 'yan."

Tumingin siya sa akin ng iabot kong muli ang papel niya. Kinuha niya 'yon at tinignan. Sa pagkakataong 'yon ay umaasa ako na masasagutan niya na iyon. Kaya kinuha ko sa bulsa ang luma kong cellphone.Nag scroll ako sa gallery ng mga Luma kong pictures.

Hindi pa nakakailang minuto ay siniko ako ni Ginger. Tumingin ako sa kaniya at agad na nagtanong.

"Ahmm.. Ria 'di ko talaga magets kung paano eh."

Napangaga ako pero hindi ko na iyon pinahalata. "Madali lang 'yan ginger. Sundin mo lang yung sinabi ko kanina."

Tumingin siya sa akin. "Ahmm.. ano. Pahiram na lang ako ng papel mo."

"Huh?"

"Titignan ko lang kung anong ginawa mo. Hindi ko talaga magets eh."

Gusto kong umangal...

"Sige na please. Ngayon lang naman eh."

Sana ngayon lang talaga... Pero ilang beses na 'to ah?

"Okay sige." Tumayo ako at kinuha ang papel ko sa bag. Sa gilid ng bag ko ay nakita ko si linlin at rinz. Nagpang abot kaming tatlo na nagkatinginan. Umiling silang dalawa sa akin. Alam ko ang pag iling na iyon.

Pero wala akong magawa..

"Hayaan niyo na.." ngumiti ako saka bumalik kay ginger.

"Ito oh." Pag abot ko sa kaniya.

"Thanks!"

Sa gilid niya ay nag cellphone ako ulit. Pero pasimple kong tinignan kung ano ang gagawin niya.

Hindi ako nagkamali..

Wala pang ilang minuto ay mahilis na siyang nagsulat sa papel niya at kinopya ang mga sagot ko.

Bakit?

Bakit parang ang dali lang sa kaniya na gawin 'yan sa akin?

Ilang minuto ang nangyari na hindi ako nag reklamo sa kaniya. Nang matapos siya ay agad niya inabot sa akin ang papel ko.

"Thank you so much Ria!"

Ngumiti lang ako at hindi siya tinignan.

"Bawi ako sa susunod. Sige bye muna ah puntahan ko lang yung mga nasa labas."

Hindi na niya ako pinagsalita at tumayo na siya. Sa labas ay nasulyapan ko na naroon din si Carlo.

Napatingin na lamang ako sa paa ko.

"Paano 'to nagagawa ng kaibigan ko?"


Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

34.6K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
5.6M 278K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
17.2K 351 58
Forbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her i...