Seasons 3: The Fall of Autumn

By CFVicente

11.7K 427 38

Mula pa pagkabata ay mainit na ang dugo ni Gabby kay Sid. Lagi kasi siya nitong nauungusan sa academics. Paki... More

Prologue
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty (Final)

Chapter One

620 17 2
By CFVicente

"It's a bright Saturday morning, listeners," wika ni Gabby sa microphone nang umagang iyon. "This is Autumn once again, and I'm here to help start your day right. For starters, let's listen to one of my favorite songs. If you have a particular song on your mind, don't hesitate to call this number." Sinabi niya ang numero ng estasyon.

Ilang sandali pa ay tumugtog na ang isang masayang awitin.


"I was afraid to open my eyes
Don't even know how many tears that I've cried
Now that I've found the love of my life
I don't get down,down,down,down,down

Happy (sha-la-la-la)

It's so nice to be happy (sha-la-la-la)"

Sinabayan ni Gabby nang pag-indak ang musika. Sa mga ganitong pagkakataon ay masaya siya na maging resident DJ ng Seasons FM na pag-aari ng pamilya Montecillo. Kapag ganito lang kasi siya nakakapag-relax malayo sa demands ng opisina niya. Hindi naman kasi siya bato na hindi nakakaramdam ng pagod kahit pa iyon ang tingin sa kanya ng mga ka-opisina niya. Ang tingin kasi ng mga ito sa kanya ay pader na hindi pwedeng magiba.

Pero hindi naman niya masisisi ang mga tauhan sa kompanya nila. Siya ang panganay ni Alfredo Montecillo. Hindi niya mapapayagan ang kahit na sino na sabihing hindi siya karapat-dapat na mag-manage ng kumpanya nila balang-araw. Kung masyado siyang dedicated sa trabaho niya, dapat lang iyon para mapatunayan niya sa lahat na hindi porke't babae siya ay hindi niya kayang pasunurin ang mga tauhan niya.

Nang makita niya ang kulay pulang ilaw sa tabi ng telepono ay sinagot niya ang tawag.

"Good morning. This is Autumn, speaking..."

"Gabby!" malakas na tili ng babae sa kabilang linya. "May chika ako sa'yo, kapatid."

Sumandal siya sa upuan nang marinig ang tili ng kaibigang si Nica. Isa rin ito sa mga resident DJs ng Seasons na ang screen name ay Summer. Ang isa pa nilang kaibigang si Atasha ang DJ tuwing gabi na may screen name na Winter. Si Andy, na ngayon ay kasalukuyan pang naglalamyerda sa Paris ay pinapauwi na niya para mag-take ng isa pang post sa radio station na 'yon.

Sa kanilang apat na magkakaibigan, si Nica ang mas madalas niyang nakakausap. Ito lang kasi ang laging updated sa mga tsismis kahit na nga ba busy rin ito sa trabaho nito. Para naman kasing hindi na natutulog ang kaibigan nilang ito.

"O, ano na naman 'yan, ang aga-aga niyan. Nagc-clog ang linya ng telepono dahil sa mga tawag mo, eh," pang-aasar niya dito.

"Ay siya! Ayaw ko na, magsisi ka," wika nito. Nang hindi siya umimik ay hindi rin nakatiis ito. Natawa na lang siya. So very typical of Nica. "Anyway, natatandaan mo yung pinasundan mo sa'kin noong isang araw? Iyong boyfriend mong hilaw na si Noel?"

Her ears perked up instantly upon the mention of the name.

"O, ano'ng nalaman mo?"

Hininaan naman ni Nica ang boses sa kabilang linya.

"Sister, Noella siya sa gabi!" na-e-eskandalong sabi nito, sabay tawa ng malakas.

Saglit siyang natigilan. "Sure ka?"

"Oo nga! Regular customer namin sa bar yung boyfriend niya. Ay teh, mas gwapo yung boyfriend!"

Nanggalaiti siya. "Sinasabi ko na nga ba! Ginagawa pa niya ako'ng tanga na kesyo inaasikaso daw niya ang business nila ng Papa niya."

"Mukhang ginagamit ka lang niyang front para hindi sila mahuli ng ama niya. Tsk tsk. So Sid was right again, wasn't he? Hindi ba at sinabihan na niya ikaw noon na hindi nya gusto si Noel para sa'yo dahil may matinding lihim daw?"

Pagkarinig sa pangalan ng assistant ng ama niya ay parang mas sumakit pa ang ulo niya. Ang pangalan ni Sid ang kahuli-hulihang gusto niyang marinig nang araw na iyon.

"Walang kinalaman si Sid dito," halos sikmat niya sa kaibigan. "It just happened that I got fooled by Noel's large assets in the bank. Maganda sanang mag-merge ang kumpanya namin sa kumpanya ng mga Capilit," aniyang ang tinutukoy ay ang malaking kumpanya ng damitan ng mga Capilit. "O isipin mo. Libre na lahat ng mga damit mo kung sakali."

Pero alam niyang hindi naniniwala sa kanya si Nica. Hindi niya alam kung may ESP ba si Nica. Pero kayang-kaya nito'ng basahin ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

"Don't worry Gabby. May alam ako'ng pang-kulam. Saka, ilang linggo pa lang naman kayong mag-on ni Noel. Eh, ano kung masarap kasama 'yong tao? Magka-wavelength lang talaga kayo kasi pareho kayong bulaklak," dire-diretsong sabi nito.

Kahit paano ay natawa siya. "Thanks, Nica. Don't worry, I can handle this. Hindi naman ito ang unang beses, hindi ba?"

"Gabby, why don't you look farther than the bank assets? Baka sakaling mahanap mo ang matagal mo nang hinahanap. Baka maunahan ka pa ni Andy diyan sa ginagawa mo, eh."

Pagkarinig sa pangalan ng kapatid ay kumunot ang noo niya. Her only sister was in love with JAC's Apollo Joaquin. Simula pa pagkabata ay minahal na ni Andy ang lalaki sa kabila ng pagtutol niya. Pero hindi niya alam talaga ang kwento kung bakit bigla-bigla na lang nagsabi ang kapatid niya noon na ayaw na nito kay Apollo. At ngayon naman, nang mabalitaan nilang ikakasal na si Apollo sa iba ay para namang namatayan ang kapatid niya at isinubsob ang sarili sa trabaho.

"Aba, dapat lang. Hindi na nga dapat nagpapa-apekto si Andy sa balita eh. Andy deserves to be happy."

"At sasabihin mo na naman na ikaw ay hindi? C'mon, Gabby."

Hinilot niya ang sentido. Bigla ay napagod na lang siya sa mga nangyayari sa buhay niya.

"Hindi naman sa gano'n. It's just that—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin. Ano ba kasing dapat sabihin sa mga ganitong pagkakataon? "Never mind. Anyway, thanks for informing me. Magkikita pa naman kami mamaya ni Noel. Parang ang sarap niyang sabunutan! Ginawa pa niya ako'ng lesbian."

"Kaya mo ba?" may himig ng pag-aalala na sa boses ni Nica.

Kung ibang tao ay titirikan niya ng mata. Pakiramdan niya kasi ay mina-maliit ng mga ito ang kakayahan niyang mag-handle na mga bagay-bagay. Pero alam niyang hindi niya kailangang magpanggap kay Nica. Pero ayaw din niyang mag-alala ito.

"Kaysa ako ang intindihin mo, intindihin mo ang trabaho mo. Balita ko ay susunod-sunod daw si Mac sa'yo ngayon ah," panunukso niya dito.

Nai-imagine na niya si Nica na itinitirik ang mga mata. "Excuse me lang, ha! Baka di ko siya matantya. Anyway, aalis na ako. May idedeliver pa ako ngayon, eh. Later!"

Hindi pa siya nakakapagpaalam ay ibinaba na nito ang telepono. Napailing siya. Kapagkuwan ay naalala niya ang sinabi nito.

"Sid was right again.."

Yeah, yeah right, she thought with sarcasm. Kailan ba nagkamali ang pesteng lalaking iyon?

Mabuti na lang at umilaw na naman ang telepono kaya hindi na kailangang magtagal ang isip niya kay Sid. Automatiko ang sigla sa boses niya nang sagutin ang tawag.

"Good morning, this is Autumn..."

"Autumn, it's Eros again."

Napangiti siya nang marinig ang boses ng lalaking caller. Ilang buwan na niyang nakakausap ang caller na iyon na paminsan-minsan lang tumawag. Kapag tumatawag ito ay alam na niya kung para kanino ang kanta. Hindi nga siya nagkamali nang tanungin niya ito.

"What song do you want me to play, Eros?"

"I've Got A Crush On You."

Hinanap niya ang kanta sa playlist niya. "By Frank Sinatra? Kanino mo naman ito ide-dedicate this time?"

The guy chuckled on the other line. "The usual. Kay Miss Snob."

"Nag-usap na kayo?" interesadong tanong niya habang inila-line-up ang kanta.

"Nah. I just got home from the airport. I intend to see her tonight. Kaya lang ay nakikinita ko na ang mangyayari. Susungitan na naman ako no'n."

Natawa siya habang ini-imagine ang caller na sumisimangot. May crush daw kasi itong babae pero ang laki ng galit dito. Noong una niyang makausap ito may ilang buwan na ang nakakaraan ay sinabi nitong nang marinig daw nito ang boses niya ay naaalala daw nito ang crush nito. He was her regular caller since then. Pero nitong mga nakaraang buwan ay dumalang ang pagtawag nito.

"Why don't you tell her your feelings? Para matapos na ang dilemma mo. Matagal na 'yan, 'di ba?"

Natawa naman ito. "Someday, maybe. Not now. She won't look at me. So, hangga't ganito pa ang sitwasyon ko, pagtiyagaan mo muna ako."

Napangiti siya. Masarap kabiruan ang caller na ito. Kahit paano ay nawawala ang pagod niya sa trabaho.

"Sure, Eros. And now for your request...." Pinatugtog niya ang kanta. "Enjoy your song."

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...