My Bipolar (Forbidden Love Se...

Autorstwa MauR13S

108K 5.5K 518

Synopsis Juan Michael Bueno the Industrious guy from the province of Batangas. He always dreamt to be a... Więcej

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
AUTHORS NOTE
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHARACTER'S PROFILE
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
LAST CHAPTER
EPILOGUE
ABOUT SERIES 2
SPECIAL CHAPTER 1
Series 2
Related Stories
SPECIAL CHAPTER 2

CHAPTER 21

1.7K 122 3
Autorstwa MauR13S

"WALA PA RIN KAMING LABEL!"



Biglang napatakip ng bibig si Michael dahil 'di niya namalayang napalakas pala ang pag kakasabi niya.


"Sino kaya yun?" nagulat si Michael nang biglang mag salita si Mira sa gilid niya.


"Hehe wala..." Agad na sambit ni Michael.


"Tapatin mo nga ako ako Michael, mag kaibigan ba talaga tayo?" napatigil si Michael sa sinabi ni Mira.


"Oo naman..." Mahinang sambit ni Michael.


"Oh e bakit hindi mo ako mapag katiwalaan sa mga sekreto mo? Napapansin ko na ang dami mong tinatago sa akin." hinanakit ni Mira. Na guilty naman si Michael sa sinambit ng dalaga.


"Eh kasi..." Hindi mahagilap ng binata ang mga salitang dapat niyang sabihin.


"Oh tamo...wala ka ngang tiwala sakin. Sige alis na ako." sambit ni Mira at akmang aalis na nang hawakan ni Michael ang pala-pulsuhan niya para patigilin siya. Lihim na napangisi ang dalaga.


"Sige na ! Sasabihin ko na" Sambit ni Michael, natatakot siya na baka mag tampo na talaga sa kanya ang dalaga.


"'Wag na, napipilitan ka lang ata" kunwaring irap ni Mira.


"Ah okay" sambit ni Michael at binitawan na ang pulsuhan niya.


"Huy joke lang. Sige kwento mo na" agad na sabi ni Mira at naupo ng muli sa tabi ni Michael. Narito sila ngayon sa garden.


Nag simula na ngang ikuwento ni Michael kay Mira ang tungkol sa lahat ng nangyari sa kanilang dalawa ni Allen, mula sa una hanggang sa nangyari kaninang umaga sa kwarto ni Allen. Habang nag kukwento si Michael ay naka awang lamang ang bibig ni Mira dahil hindi siya maka paniwala sa lahat ng naririnig niya. Dati ay napapansin ng dalaga ang mga interaction ng dalawang binata pero pinag sawalang bahala lamang niya iyon dahil akala niya ay mag-kaibigan lamang ang mga ito.


"Hoy ano? yang bibig mo baka mapasukan ng langaw yan." sambit ni Michael. Itinikom naman ni Mira ang bibig niya.


"O em ji. I kenat" slang na sambit ni Mira. "Teka...diba lalaki ka , lalaki din si Sir Allen, ibig sabihin nun bakla isa sa inyo? O ano nga ba tawag dun? Bi--bixe--" Tumigil si Mira sa pag sasalita para isipin kung ano nga bang term yun.


"Bisexual." sambit ni Michael.


"Oo ayun nga." pag sang-ayon naman ni Mira.


"Ako, bisexual ako." Sambit ni Michael. Napa isip naman si Mira.

"Eh Si sir Allen?" Tanong ng dalaga.


"Hindi ko alam" sambit ni Michael. Ang totoo niyan ay nakalimutan niya na ang bagay na iyon. Hindi naman niya ito naitanong kay Allen pero dahil umamin ito sa kanya ay baka nga bisexual din ito.

"Eh? Dapat tinanong mo!" sambit ni Mira.


"Next time" sambit ni Michael.


"Teka galing ka sa part time job mo?" tanong ni Mira.


"Oo"


"Bakit hindi ka pa nag papalit ng damit? Amoy araw ka oh" sambit ni Mira na akala mo'y nanay.


"Opo, inay" birong sambit ni Michael at tumakbo na paalis sa garden dahil baka batuhin pa siya ng tsinelas ni Mira.


Nang makarating sa kwarto si Michael ay nag palit na siya ng damit pag katapos ay umakyat sa kamay niya. Ngayon niya lamang naramdaman ang pagod mula sa part time job niya. Kinuha niya ang isang asul na pouch sa loob ng bag niya na nakalagay sa gilid ng kama. Sa pouch nakalagay lahat ng perang naiipon niya mula sa part time job at sa sweldo niya sa mansion.


Nang matapos niyang bilangin ang laman ng pouch ay napangiti si Michael dahil sapat na ang laman nito para maka bili siya ng laptop. Mabibili na niya ang laptop na inaalok sa kanya ni Mina. Padami na kasi ng padami ang mga project, thesis at research kaya nahihirapan na siyang mag pabalik-balik sa computer shops.


Ting*


Napalingon si Michael sa cellphone niya nang may mag text. Kinuha niya ito at tiningnan kung sino.

From: my bipolar

-come to my room, now.

Napakunot naman ang noo ni Michael matapos mabasa ang text ni Allen. Para kasing napaka seryoso nito base sa text. Nag kibit-balikat na lamang si Michael at ibinalik na ang pouch sa bag at pag katapos ay bumaba na sa kama. Lumabas na siya sa kwarto at nag tungo na sa kwarto ni Allen.

Hindi na siya kumatok at binuksan na agad ang pintuan at pumasok sa loob. Nakita niyang naka upo si Allen sa kama at mag ka cross ang dalawang braso. Mukang hindi naman nito napansin ang pag pasok ng binata dahil malayo ang tingin niya.


"Sir Allen ?" tawag pansin ni Michael. Napa baling naman sa kanya ang atensiyon ni Allen at sinamaan siya ng tingin.

"Come here" malamig na sambit ni Allen, napalunok naman si Michael at dahan-dahang lumapit.

Nanlaki ang mga mata ni Michael ng bigla siyang hawakan ni Allen sa mag kabilang balikat at malakas na inihiga sa kama. Serysosong nakatingin sa kanya ang binata na tila ba may nagawa siyang napaka laking kasalanan rito. Ramdam ni Michael ang pamumuo ng mga pawis niya dahil sa mga titig ni Allen. Air-condition ang kwarto pero pinag papawisan pa rin siya.

"S-sir---" napatigil sa sasabihin si Michael nang biglang sumuntok si Allen sa may gilid ng mukha niya. Akala niya ay siya ang susuntukin ng binata.


"Why the hell are you calling me sir?" Mababakas ang iritasyon ni Allen sa boses niya. Sinampal ni Michael ang sarili sa kanyang isipan. Bakit ba nakalimutan niyang ayaw na ayaw nga pala ni Allen na tinatawag niya itong sir. Ilang araw kasi niyang tinawag itong Sir kaya marahil ay medyo nasanay siya.


"Sorry hehe, Kian." sambit niya. Nakahinga na siya ng maluwag ng umalis na si Allen sa ibabaw niya. Bumangon naman siya at inayos ang damit niya. "Bakit mo ako pinapunta dito?" tanong ni Michael.


"Tsk, I wanted to see you. Got a problem with that?" napakagat sa labi si Michael para pigilan ang sarili na mapangiti dahil sa sinabi ni Allen. "Stop doing that" napa kunot naman si Michael sa sunod na sinabi ni Allen.


"Alin?" maang na tanong ni Michael.


"Never mind." Irap sa kanya ni Allen, namumula ang mga tenga nito. Hindi alam ni Michael kung bakit pero parang kusang gumalaw ang kamay niya at hinawakan ang tenga ng binata dahilan para mag katinginan silang dalawa. Nang maisip ang ginawa ay agad na bumitiw si Michael at tumikhim.

"A-ano...ehum...nakapag sorry ka na ba kay Kate dahil sa nangyari kahapon?" tanong ni Michael. Changing the awkwardness in the room.

"That's the other reason why I called you here. I don't know how to apologize to my sister. She's been ignoring me." sambit ni Allen.


"Anong gusto mo gawin ko?" tanong ni Michael. Allen give him a wide smile , showing almost his gummy.


Cute!


"Help me. My sister loves toy maybe I could bribe her with them" napailing naman si Michael sa sagot ni Allen.


"Naku, instead of bribing her Mr. Kian. Bakit hindi ka nalang mag sorry ng ayos." He advised.


"Hmm? Will that do?" seryosong tanong ni Allen kanina lang ay para itong bata. Well, that isn't Allen if he doesn't shift moods.

"Oo naman" sagot ni Michael. Allen nodded. Nang may ma alala ay agad na napatingin si Michael sa orasan.


"Hala, sige una na muna ako. Tutulungan ko nga pala mag luto si Mira."sambit ni Michael. Tumango naman si Allen. Tumayo na si Michael mula sa pag kakaupo.

"Alright thank you, babe." Michael blush hearing the word 'babe", tumalikod na siya at akmang aalis na sa kwarto nang maramdaman niya ang pag tampal ni Allen sa pang upo niya dahilan para mapatingin siya kay Allen na nakangisi lang sa kanya samantalang si Michael ay namumula ang pisngi dahil sa ginawa ng binata.


"Kian!" nasambit na lamang ni Michael.

"What?" sambit ni Allen na akala mo'y inosente. Napa iling na lamang si Michael at dali-daling lumapas sa kwarto. Nang masarado niya ang pinto ay napahawak siya sa dibdib niya.


Did he just slapped my butt?


NANG MATAPOS ANG dinner ay mag kasunod na nag lalakad sina Allen at Michael patungo sa kwarto ni Kate. Ngayon na kasi ang tamang oras para mag sorry si Allen sa kapatid. Nang makarating sila sa tapat ng pinto ay tinanguan ni Allen si Michael na sinasabing siya na ang kumatok. Hindi na naman umangal ang binata at kumatok na. Hindi naman nag tagal ay binuksan na ito ni Kate na medyo nag taka nang makita ang dalawa.

"Good evening Kate." bati ni Michael. Napalingon naman ang binata sa likod niya nang mapansin na tila ba nag tatago si Allen rito. Hinawakan niya ang braso ni Allen at pinapunta sa gilid niya.


"Good evening, Kuya Michael. What's the matter?" tanong ni Kate.

"Uy Kian..." sinundot sundot ni Michael ang tagiliran ng binata pero tila ba nahihiya ito. Napailing na lamang si Michael. "Pwede kami pumasok?" tanong niya, ngumiti naman si Kate saka tumango. Hinila na ni Michael si Allen papasok sa loob.

"Ahmm" napatampal sa noo si Michael nang ayaw pa rin mag salita ni Allen. Rinig naman niya ang mahinang pag tawa ni Kate na tila ba naaaliw sa kanyang kuya. "S-sorry Kate...for my tone that day, I'm just in a bad mood." Sa wakas ay nakapag salita na rin si Allen.


"Its okay Kuya! I understand naman." napangiti naman si Allen sa sagot ni Kate agad itong lumapit sa bata at niyakap. Samantalang napangiti na lang si Michael habang pinapanood ang dalawa. Na alala niya tuloy ang kapatid na si Mia.

"By the way...are you two okay now?" tanong ni Kate. Tumango naman ang dalawa. "That's good! Don't ignore each other again huh?"

"Yes ma'am!" pilyong sagot ni Michael at nagtawanan silang tatlo.



******

RR done! Don't forget to leave a vote💓






Czytaj Dalej

To Też Polubisz

528K 26.9K 43
Tanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui...
1.2M 44.5K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
305 41 13
What if you went to a school full of mysteries you did not know where to start? Once you go to that school your life will start to change. You are fr...
108K 5.5K 56
Synopsis Juan Michael Bueno the Industrious guy from the province of Batangas. He always dreamt to be a successful lawyer so he didn't think twi...