My Perfect Disaster

Von HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." Mehr

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Epal

294 29 2
Von HEYNEENAMOR

Rita's POV



"I think Claudia, sa ibang araw na lang ulit tayo mag-usap." rinig kong sabi ni Ken.. Hmp, tinatapos na niya yung pag-uusap nila dahil ginulo ko sila? Haha.











"Yeah. I have to go, may i-memeet pa akong client. So bye Kenny." sabi ni Caludia at kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano niya bineso at niyakap si Ken. Umikot ang dalawa kong mata pero sure akong di nila nakita dahil sa ibang direksyon ako nakatingin.. Pagkalabas ng office ni Claudia ay naiwan kaming dalawa ni Ken sa loob. Nakairap ako dito pero siya ay seryosong nakatingin sa akin.














"Ang bastos mo naman Ken Chan." sabi ko dito at tila nagulat ito sa sinabi ko.











"Bakit?"










"Dinalhan kita ng kape, hindi mo manlang tinikman. Mabuti pa si Ms. Claudia, tumikim at nakita ko.. Pero ikaw? Wala. Kahit hawakan manlang yung cup ay————" natigil ako sa pagsasalita ng inumin ni Ken ang cup. Diretso lang ang pag-inom nito na tila ba hindi mapait at mainit ang kape.. Kinakabahan ako habang hinihintay ang reaksyon nito... Natigil yata ang paghinga ko ng ilapag ni Ken ang cup ng kape sa desk niya at wala itong reaksyon.












"Labas." seryosong sabi nito sa akin.











"Ayoko." pagmamatigas na sagot ko dito.














"Isa.."















"Oh eto na nga. Lalabas na! Kukunin ko lang yung mga cup! To naman! Ang init agad ng ulo!!!" sabi ko dito at nagmadali akong kinuha ang mga cup tsaka lumabas ng office nito..



































-

"Oh? Anong nangyari? Nagalit ba?" bungad na tanong ni Camille sa akin at umiling ako..









"Bet na bet niya yung kape eh! Sanay yata sa mapait na kape. Tsss. Walang silbi yung ginawa ko. Tsk."







"Girl! Baka bawian ka ni Sir Ken! Binabalaan kita! Boss parin natin yun.."





"Hindi ko siya aatrasan! Bakit ba! Tsaka wag kang kabahan diyan, di ka naman madadamay.."

















Habang seryoso ako sa ginagawa ko sa harap ng desktop ay napahawak ako sa tiyan ko dahil kumukulo ito. Okay, hindi na kasi ako nag breakfast kaninang umaga kaya 10am palang ay nagugutom na ako. Ito ang napapala ng late na nagigising eh. Nilibot ko ng tingin ang buong team ko at seryoso sila sa ginagawa nila. Pasimple akong tumayo at lumabas ng office. Dumiretso ako sa pantry para maghanap ng makakain. Sinipat ko muna ang loob ng pantry kung may tao at ng mapansin kong wala ay tuluyan na akong pumasok at binuksan ang ref..




"Sandwich— ang alam ko ay meron dito—hmmmmm—- ay palakang kokak!!!" napahawak ako sa bibig ko ng medyo napalakas ang sigaw ko.. May bigla kasing bumulong  ng "Bawal yan" mula sa likod ko kaya nagulat ako. Paglingon ko, umayos ako ng tindig at muli kong sinarado ang ref..







"Multo ka ba hah? Alam mo bigla ka na lang sumusulpot kung nasaan ako. Wala ka bang ginagawang trabaho?" tanong ko kay Ken at kunot-noo niya akong tiningnan na para bang di siya makapaniwala sa mga sinasabi ko..




"Seriously? Nagsasalita ka ng ganyan sa harap ko? Ako ang walang ginagawang trabaho or ikaw? Working hours pa, wala pang lunch break.. Bakit ka naghahanap ng pagkain dito sa pantry? Gusto mo bang ma-suspend——-"







"Syempre hindi ko iyon gusto. Hindi nga din kita gusto eh. Duuuuuuuuuh.."





"Anong kinalaman ng pangalawa mong sinabi sa sinabi ko? May mental issues ka ba——"









"Hoy! Matino ako. Mas matino naman ako mag-isip keysa sa mga babae mo—— ang baba ng taste! Duuuuh"








"Nasa office tayo. Tratuhin mo akong boss mo."










"Okay. Fine. Sorry na boss.. Okay na? Masaya ka na?" inis na sabi ko dito at inirapan ko siya.










"Anong hinahanap mo sa loob ng ref hah?" tanong nito..








"Hindi ako nakapag breakfast kaya nagugutom na ako.. eh Ikaw, ano bang ginagawa mo dito sa pantry hah?" balik na tanong ko dito.







"Hinahanap ko yung kapeng dinala mo kanina sa amin ni Claudia.."

















Bigla akong kinabahan. Napalunok ako ng laway tsaka nag-isip ng isasagot sa kanya..














"Oy, nasarapan siya! Oorder kaba?" nakangiting tanong ko dito pero ang hudyo ay hindi ngumingiti. Seryoso parin siyang nakatingin sa akin na para bang anytime ay masisigawan niya ako...












"How much?" tanong nito kaya nanlaki ang mata ko..










"Totoo? Oorder ka? Hindi ka napapaitan?"













"Hindi. Sakto lang naman yung timpla. Naubos ko nga diba? Gaano kadaming asukal ang nilagay mo dun?" tanong nito..







What the f*ck!!! Yung may asukal na kape ang naibigay ko sa kanya? So si Claudia ang nakainom ng mapait na kape? OMG. OMG. Nakakahiyaaaaa! Ang bait bait sa akin ng tao eh! Aaaaarrrgghhh. Bilis naman ng karma!! Juskooo. Wala na akong magandang mukha na maihaharap kay Ms. Claudia.






"Hey? Bakit ka namumutla diyan? Gutom ka na ba talaga?" sabi ni Ken sa harap ko..







"Ah, hehe. Masarap ba talaga yung kape? Gusto mo ba? Papadeliver na lang ako sa bahay."






"Good yan. Sige. Sabihin mo lang kung magkano." Ngumiti ako at muling tumalikod dito at binuksan ko na naman yung ref at nagsimulang maghanap ng makakain.. Juskoooo failed na lang lagi ang pang iinis na ginagawa ko sa lalaking ito! Kahit kailan , panig talaga sa kanya ang Universe! Aaaarghhh..

















Universe! Kailan ka ba papanig sa akin hah?































"Bye guys! See you tomorrow!" nagmamadaling sigaw ko sa loob ng office at kinuha ko na ang bag ko para makauwi na ng maaga-aga. Kailangan kong maunahan sa pag-uwi yung lalaking iyon dahil may naisip na naman akong magandang plano.. Araw-araw na lang ay ganito, nag iisip ako ng plano para mapaalis ko sa bahay tong lalaking ito dahil medyo nagtatagal na siya eh.. Mahirap na, baka masanay pa siyang kasama ako sa bahay.. Mahirap ng mapaalis. Tsss..








Dahil pinili kong mag jeep na lang ngayon ay nagtiyaga akong naglakad sa gilid ng kalsada papunta sa terminal ng mga jeep.. Napahinto ako sa paglalakad ng may humintong sasakyan sa gilid ko...








"In. We need to talk." inirapan ko na naman ito at inis siyang tiningnan..







"Sasakay ako sa kotse mo? Baka may makakita sa atin, pagkamalan pa tayong mag jowa. I'm sorry pero mahal ko ang dignidad ko——" bigla akong kinabahan dahil sumeryoso ito ng tingin sa akin.. Na para bang naiinip na siyang pasakayin ako. Yung tingin niyang may authority at kailangan mong sumunod dahil baka bukas makalawa ay mawawalan ako ng trabaho kapag di ko sinunod..





"Oh eto na. Sasakay na.." mabilis akong sumakay sa backseat niya at rinig na rinig ko ang matunog na reklamo nitong "tsk" dahil sa likod ako umupo. Ang cute kaya!!! Ginawa kong driver yung boss ko! Bihira yun hah! HAHAHAHAHAH.








"So anong chika mo der? Aalis ka na ba sa bahay ko?" tanong ko dito habang prente akong nakaupo sa backseat nito. Feel na feel ko ang lambot ng upuan. So comfortable.






"Nagtimpla ka ng kape, isang cup lang nilagyan mo ng asukal? And si Claudia pa ang nakainom. She texted me."




Nanlamig ako sa sinabi nito. Parang hihinto yata ang pagpintig ng puso ko dahil sa kaba. Naku po. Ito na nga ba ang big karma. Baka masisante ako!!! Noooooooo..






"A-anong sabi niya sa text?"








"That coffee is from Batangas right? Alam niya iyon dahil may coffee business sila sa Batangas. Good thing na hindi siya nagalit sayo. Kung ako ang nakainom nun , I will suspend you sa Ka-Vogue.. Umamin ka nga, para sa akin yung kape na iyon diba?"






"Hah? Ah—- Nakalimutan ko lang naman lagyan ng asukal yung isa! Sorry na!!"








"Kilala kita. Alam kong sinadya mo——-"








"Hoy! Hindi mo ako kilala! Madami ka pang di alam tungkol sa akin!!! Kahit nga kulay ng pedicure ko ngayon, hindi mo alam! Hmp!"






"Sakit ka din ba sa ulo ni Oliver hah? Paano ka nagtagal sa Ka-Vogue?" medyo iritang sabi nito.







"Hoy! Kahit kailan, hindi ko binibigyan ng problema si Oli.."







"Hah. Really.."







"Oo! Kahit tawagan mo pa siya at itanong sa kanya ngayon. Pag na-contact mo siya ngayon, pakisabing miss ko na siya at may nag-hihintay sa kanyang muli siyang makita at mausap hah...."






"Tsss.. Umaasa ka sa pinsan ko? Your not even his type.."







"Aba! Ang pasmado ng bibig mo hah! Sino ka para malaman ang type niya hah? Hindi kayo pareho ni Oli! Wag mo siyang itulad sayo!!"









"Hindi ko siya katulad. Magkaibang magkaiba kami."








"Talagang magkaiba dahil hindi yun babaero!!"










"Marami kang hindi alam Rita." seryosong sabi nito.









"At wala akong balak alamin." inis na sabi ko dito.. Huminto ito sa gilid.. Akala ko ay papababain niya ako eh pero gusto lang niya palang lumipat ako sa harap..





"Lumipat ka na dito. Hindi mo ako driver." bumaba ako at lumipat sa harap bago pa umusok ang ilong nito.. Pasalamat siya at medyo napagod na ako sa pagtatatalak kaya minabuti ko na lang na tumahimik hanggang sa makauwi kami sa bahay..
























After ng dinner namin ay tulad ng dati, ako parin ang naghuhugas ng mga pinagkainan namin. Ang walanghiya ay prenteng nakaupo sa sofa at nanonood sa netflix.







"Ayos yan. Gusto mo ba popcorn? Ang sarap ng buhay mo eh.." sarcastic na sabi ko habang pinapahid sa damit ko yung basa kong kamay, kakatapos ko lang kasing maghugas..






"Potato chips na lang." sagot nito kaya mabilis kong pinalipad yung unan sa kanya na hinablot ko mula sa isa pang sofa.. Tumawa ang walanghiya na para bang ang saya-saya niyang nakikitang iniinis ako..







"Pumunta ka na ng room mo, dahil manonood ako ng Emily In Paris.." sabi ko dito at hinahampas ko siya ng unan para umalis sa sofa..









"Kita mong may pinapanood ako diba?"












"Doon ka na kasi! Shoooooo!" pagtataboy ko dito.










"Fine. Aalis na lang muna ako.." sabi nito pero na curious ako kung saan ito pupunta..










"Saan ka naman pupunta, aber?"















"To get some fire.." sagot nito kaya mabilis akong tumayo at humarang ako sa pinto..












"Wag kang magdadala ng babae dito sa bahay! Utang na loob! Tahimik na ang pagtulog ko.. Please.. Wag mong dalhin dito.."










"This is my house. Tsaka akala ko ba klaro na tayo sa ganung set up? Umagree ka na diba? Nakalimutan mo na ba?"











"Oo. Wala akong reklamo kahit ilang babae pa ang ikama mo pero Ken, utang na loob, wag naman dito sa bahay.. Get some premium hotel rooms!!!! Or mag SOGO kayo para mas tipid! May discount card ako diyan, ipapagamit ko sayo!"








"No. Hindi ako gagastos para sa babae.. Sila ang nagpi-pleased sa akin para mahawakan—-"










"Enough! Walang aalis!!" sabi ko dito pero dahil lalaki ito at mas malakas sa akin ay nakadaan ito sa pinto.. Mabilis siyang sumakay ng kotse pero mabilis din akong sumunod at sumakay din sa front seat katabi niya..











"Ano bang ginagawa mo hah? Parang kang girlfriend na nagseselos.." inis na sabi nito..










"Yuck! Eeew! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!!  "









"Bumaba ka na! Baka wala pang babaeng sumama sa akin at matakot pa sayo, sabihin nila, may kasama akong halimaw na tigre.."
pang-iinis nito tsaka niya pinihit ang susi para i-start ang kotse nito. Pero dahil ayokong umalis ito ay pinigilan ko siya at inagaw ko ang susi nito..










"Rita! Isa! Akin na yan!!" inis na sabi nito pero nilalayo ko ang susi at hindi niya makuha-kuha..











"Walang aalis!"











"Isa!!!"











"Huwag mo akong binibilangan Ken Chan! Marunong akong magbilang!" inis na sabi ko dito tsaka ako bumaba pero mabilis niya akong nahabol. Isinandal niya ako sa sasakyan para maabot niya ang susing hawak-hawak ko parin..









"Isa pang palag mo, hahalikan kita!"  pagbabanta nito..










"Papalag ako pero hindi ibig sabihin nun ay gusto kong magpahalik!!!" inis na sigaw ko dito.. Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Ken at kinagat ko iyon at mabilis akong tumakbo pero nahawakan niya ang kamay ko at kinabig niya ako palapit sa kanya kaya namudmod ako sa matigas nitong dibdib.. Hard.















"Aray! Ano ba yang dibdib mo? Sementado ba iyan!!" inis na sabi ko dito pero bago pa sumagot si Ken ay pareho kaming natahimik ng may marinig kaming iyak..































"Uhaaaaaa——Uhaaaaaaaaa..."






















Nagkatinginan kami ni Ken..
















"Ano iyon? Tiyanak ba iyon!!!???!" kinakabahang tanong ko kay Ken at napakapit ako sa braso nito.. Inis niyang tinatanggal ang pagkakakapit ko sa braso niya at naglakad ito papunta sa likurang bahagi ng kotse niya. Sinundan ko ito at habang papalapit kami sa kotse ay palakas ng palakas ang iyak na naririnig namin..



























"What the f*ck! Bakit may baby sa ilalim ng kotse ko?"
















❤️

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

6.7K 284 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
25.9K 2.2K 64
A Fanfic Story about Marcos Family
39.3K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...