Too Late, Ellie

נכתב על ידי tamestnaive

5.1K 86 0

Ellie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision... עוד

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Note for you

CHAPTER 11

147 2 0
נכתב על ידי tamestnaive

Chapter 11

"Remember, we have a classroom competition for the decors so I want you all to also give effort with our room. We hope to get the first prizee, right?"

Ang daming ganap araw araw. Hindi pa man nakakalahati ang buwang ito e padami nang padami ang mga gagawin. Muntik na tuloy naming makalimutan ang tungkol sa classroom competitions na dapat e ginagawa rin namin. Nakakahiya at puro si prof nalang lahat ang kumikilos rito.

"Galit na tuloy si prof." Bulong ni Millie sa tabi ko. She's the artist of the group, syempre manghihinayang din siya.

'Yung gustong gusto na niyang tumulong dito pero hindi pa magawa dahil may kanya kanya pang dapat tapusin para sa iba't ibang asignatura.

"Hay ang dami kasing gawain, muntik na natin makalimutan 'to." Saad ni Mich habang nililibot ang tingin sa paligid.

Wala pa kaming plano kung anong gagawin namin sa room, pa'no makakapagplano e lahat abala sa mga ginagawa.

'"Alam kong wala pa kayong naiisip na plano kaya ako na ang nag-isip ng lahat. Nakabili na rin ako ng mga materials na gagamitin and I started planning...." Saad niya.

We felt embarrassed on him and to the sub teachers. Nasa gilid lang ang mga sub teachers na nandito ngayon para sa isang gawain na binigay ni Dean at dito sila pinagagawa kaya nakakahiyang marinig ang mga pangaral at pag kadismaya ni prof sa amin. Tahimik lahat, syempre walang ma-isagot e.

"I expect you to help later and tommorow."

He immediately left after the final announcement. Magbibigat na paghinga ang maririnig sa buong sulok ng classroom. Mararamdaman mo talaga ang pressure at kaba ng bawat isa.

"Pag-usapan niyo muna ang magiging plano niyo para hindi mahirapang i-manage ang mga oras sa dami ng gawain niyo." Marius' mom said.

They we're actually helping us by giving ideas on how to do about it. Napapatango nalang kami habang nakikinig sa kanila. The president stood up after that quick talk.

"Guys, since nakahanap na tayo tent natin, I suggest na mag focus muna tayo sa classroom natin. We need to handle our time perfectly tsaka kahit ngayon lang dito muna tayo magfocus."

Napatahimik kami sa sinabi niya at tumango nalang. Lahat sumang-ayon na mamaya ay tutulong sa room dahil nilipat naman 'yong feast day dahil sa kakulangan ng mga gamit dahil nga masama ang panahon kaya binigyan ng extension para maghanda.

Hindi ko nga ala kung bakit masama ang panahon lagi. Nung October pa 'to nagsimula e December na ngayon at gano'n pa rin. Nakakaabala tuloy sa mga ginagawa namin.

"Since extended naman we still have our time to help with our room."

After that long discussion for the planning agad kaming nagtungo sa next class namin. Kakatapos palang ng exams kaya makukuha na namin ang test results ngayon. Omg, kinakabahan na ako nito.

"I have here your test results and alam niyo naman ang gagawin sa mga scores niyo..." 

Lahat tumango nang tahimik. Our Prof is always updated with our grades and she's also strict. She is a bit old so it's not easy to go and ask her about our grades that's why  we need to be alert and prepare on our own. I wondered how Kesha and her blockmates surpass the hardness of their Prof when it comes to their grades.

The seating arrangement were arranged depending on your scores. Nung first sem, I got the highest score so I was seated at the very last chair positioned for the highest student at ngayong second sem, I don't know what to feel but I'm nervous with the result right now.

"Molina, Santos and Lee."

She is now calling the names who got the lowest scores while we are still standing at the back waiting for our names to be called.

"De Guzman, Reyes, Lim, Hermosa."

Gosh, parami na nang parami ang nakaupo pero hindi pa rin ako tinatawag. Tinawag na sina Ash kaya kaming dalawa nalang ni Millie ang hindi pa.

"Benetiz, Aquino and Torres."

What? Kendrick? Medyo bumaba ata ang scores niya compared noong first sem. He was placed as the fifth highest before tapos ngayon medyo bumaba ang score niya. Kinabahan na tuloy ako pati si Kendrick na matalino medyo bumaba. I remembered the day when I took my examination and it made me tremble more.

Flashback
"Ellie, naiintindihan mo ba?"

I don't have energy to talk so I just shook my head to Vina. Hindi ko rin gets 'yung lessons e. Ang hirap kaya hindi ako nakaka focus dahil kinakabahan na kasi nga wala pang pumapasok masyado sa utak ko.

I have a bad feeling na hindi ko 'to maipapasa pero 'wag naman sana. Strikto pa naman si Prof pagdating sa grades at ewan ko ba naman kasi kung bakit hanggang ngayong second sem ay siya pa rin ang humahawak ng isang subject ko.

As I sat down, I tried my best to remember and memorize the details of my readings pero mahirap siyang maalala. Shit, tumatakbo ang oras. Ano bang gagawin ko sa papel na 'to.

"Bahala na nga 'to." Saad ko na parang sasabak sa gyera nang walang dalang armas.
End

Crap! Dapat talaga nangopya nalang ako no'n e. Hindi ko talaga alam kung saang banda ako uupp rito. Nasa lowest rank pa rin kami at hindi pa ako tinatawag pero kada salita ni prof, naiisip kong apilyedo ko na 'yon e.

Wala pa, wala pa. Pwede pa 'to. Pataas na nang pataas ang scores, baka nakakuha rin ako ng mataas, 'no? Sana ng--

"Santos, Tan, Rivera." Awweee. I took a deep breath.

I am happy but somehow I felt sad kasi pati ako medyo nag low din. Katapat ko lang si Ash tapos nagigitnaan naman ako ni Rainer at Marius. She continued calling some names again before going out.

"Marius si Ellie nga pala. Ellie si Marius." I looked at Ashley confusedly when she introduced us with each other.

She's grinning at us. "Bagay kayo." I parted my lips quickly and turns back to my normal self. 

I don't know but instead na mainis ay natawa nalang ako. Pati si Marius na kaibigan nina Kendrick na tahimik lang ay tinutukso ako. Patunay lang na wala talagang pakialam 'tong si Ash at kung sino sino nalang ang nililink sa akin. Now I don't have to think about them teasing me to Kendrick kasi kahit sino nalang naman e.

"Kinikilig si Ellie."

Marius and I are just laughing while they're teasing us. Hindi ko naman kasi siya gusto kaya natatawa nalang ako kasi wala lang sa 'min 'to. I was still laughing when my sight gazed at the front. I saw Kendrick who's looking at me. He seemed serious but he quickly looked away when our eyes met.

Anong nangyari sa kanya?

I stopped myself from laughing and quickly changed my expression when I raised a brows at Ash. I stopped laughing and looked at Kendrick's back who's now talking to Dina.

What was that? Parang wala naman ata sa kanya e, ako lang nag isip ng kung ano. Should I assume or not?

"Ellie."

I stopped looking at him when Rainer pokes my arms. He pointed Millie who's just behind us.

"Ellie, samahan mo ako bukas ah,  magpa-paalam na tayo sa may ari ng mesang pinuntahan namin ni Mich kahapon." Saad niya. Tumango lang ako sabay tingin ulit sa harapan ko.

I don't know but when Kendrick looked away with those eyes, I felt sadness in me also. Masyado ata siyang nasaktan sa biglaang pagbaba ng rank niya. Ako rin naman malulungkot kasi hindi na ako naging highest kaya ramdam ko ang nararamdaman niya ngayon kaya siguro gano'n siya. Hindi ko nalang pinansin at kinausap ang katabi ko.

"Marius, congrats. Umangat ka aahh." I  congratulated him for as well for having a good score.

Natawa siya sa akin nang sumagot. "Ngayon lang 'to, El. Tingnan mo sa susunod, bababa ulit ako." Biro niya at tumawa.

Nagulat ako sa sagot niya pero tumawa nalang din sa biro nito. "Grabe ka naman, judgmental mo naman sa sarili mo." Biro ko rin kaya nagtawanan kaming dalawa. 

"Oyyyy Ellie at Marius for the win!"

"Nice ka, Mar!"

Bigla akong napatigil nang pumasok sa tenga ko ang mga boses ng mga kaklase namin na nang aasar sa nakikita. Napakuyom ako ng bibig para itigil ang tawa at nilingon sila nang naguguluhan. Ashley was the main responsible for this. She was grinning at me.

"Tigilan mo nga." Pagtataray ko sa kanya.

"What? Wala naman akong ginagawa ah. Sila kaya 'yon." Inosenteng turo niya sa mga lalaki sa tabi.

Grr, what are they up to?! Seriously! Konting usap lang namin bigla bigla nalang mang aasar. Wala na ba kaming karapatang mag usap dahil para sa kanila e ibang interpretasyon na 'yon. Buong klase e hindi ko tuloy nililingon ang katabi ko kung saan nakaupo si Marius. Nakatalikod ako sa kanya para makapag focus sa lessons dahil nga nasa gilid kami, mahirap tumingin sa harapan kaya natatalikuran ko siya.

"Ken, tara laro!"

Next sub namin ay walang pasok kaya free ang lahat na gawin ang mga gusto nila. AJ suddenly invited Kendrick to play a game. I glance at him, who just nodded and get his phone silently. He is with his blank face right now, not the usual Kendrick I've seen.

"Bye, guys! Bukas nalang tayo gumala." Paalam ni Vina sa amin. The day ended weird for me. Walang Kendrick ang bumabati sa akin ngayong araw, nakakapanibago.

The next day, I arrived late because of oversleeping. Kagabi lang ako nahirapang matulog, parang may bumabagabag sa akin na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba, I feel really weird since yesterday.

"Ellie, ito 'yung test paper mo, nakalimutan mong kunin kahapon." Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Marius para ibigay ang test paper ko. Ngumiti ako at nagpasalamat bago kunin ang papel.

"Ellie, mamaya ah, 'yung table natin."

Millie reminded me again so I nodded. We had a quick discussion with the other subjects for the morning classes. Afternoon comes, we had a meeting with the upcoming event after classes. 

"Students, mag handa na kayo. Dapat malayo palang naghahanda na kayo para hindi nauubusan ng oras. Tingnan niyo, ang dami niyo nang ginagawa ngayon, nagsasabay sabay na kaya nahihirapan kayong ihandle lahat." Prof lectured us.

Nagkakahiyaan na naman lahat dahil sa mga pangaral niya. Walang sumasagot at tahimik lang lahat, walang balak sumagot lalo pa't medyo mainit na naman ang ulo ni prof.

After class, bumalik kaming room para magsimula na ng pag aayos. Konti lang kami dahil nag siuwi na ang iba kaya wala nang nagawa si pres. Mabuti la skla nakataas 'di ba, hindi mga takot e.

Nasa labas ako ng room at hinihintay si Millie kaya tumutulong nalang muna ako sa mga kasama ko habang hinihintay siyang dumating. Ngunit natapos nalang ako sa ginagawa e wala pa rin siya kaya balik ako sa paghihintay nang mag isa.

"Ellie, busy ka ba?" Napaangat ang ulo ko nang dumating si Fia sa harapan ko at nagtanong.

"Hindi naman. Bakit?" Takang tanong ko.

Ngumsi siya sa akin. "Pwedeng patulong magbuhat ng mesa sa room ni Ma'am Precy, wala kasi akong katulong e."

She was pertaining to their table to put it to prof's room. Doon kasi sa room niya ilalagay lahat ng mga mesa namin para mabilis lang pagkuha at pag decorate since may isang task naman kami sa kanya.

May mga ginagawa pa ang mga mga kasamahan namin pero nagpahinga lang ako saglit dahil may mga nakatoka naman sa mga ginabwa sa room. Nagtungo ako kay Fia para tulungan siya. We lift the table together, but it was quiet heavy so we had a hard time.

"Fia, ang bigat."

Mas lalo akong hindi maka focus dahil tawa nang tawa si Fia. She's a bit chubby and tall so it's difficult for me because I am quite shorted than her. Hindi pantay ang height namin at tsaka masyadong mabigat talaga ang mesa para sa aming dalawa.

"El, dahan dahan lang."

She can't stop laughing right now, how can I handle it. I did my best to lift the table slowly and carefully even though I am trying to stop my laugh but we really can't. 

"Ano 'yan?" Nagulantang ako sa boses na 'yon.

Simula kahapon ay hindi ko masyadong naririnig ang boses niya dahil ang tahimik niya lang kaya nagulat akong bigla nalang siyang dumating at nagtanong. Isang araw lang siyang tahimik pero kakaiba kapag hindi naririnig ang boses ni Kendrick na sobrang cheerful.

"Ken, tulungan mo naman kami oh. Dito ka sa gitna." Fia suggested to his friend. I remained silent, listening to their convo.

Nagtungo siya sa may gitna ngunit mabilis lang dahil may naisip siya. Bigla siyang pumunta sa side ko at naglakad paharap sa akin hanggang makarating sa mismong harapan ko.

"Ako na, Ellie." Isang ngiti. Ngiting totoo at puro. Ngting ngayon ko lang nakita ulit at narinig ang boses na 'yon.

Binaba ko na ang mesa para siya na ang magbuhat. Nasa likuran niya lang ako habang hinahawakan niya at tinitingnan nang mabuti ang mesa. Okay lang ba siya? Ba't ba ang tahimik niya kahapon pa although medyo okay na siya ngayon kasi namamansin na lalo na't ngayong kaharap si Fia ay nakikipagdaldalan pa at biruan, ang ingay niya ulit.

"Ellie, pakibuksan 'yung pinto." I stopped staring at him when I heard Fia's command.

I quickly opened the door for them to enter. They placed the table at the corner and carefully putted it in the center.

"Thank you, Ken. Libre mo ako mamaya ah." Biro ni Fia bilang pasasalamat.

"Anong ako? Ikaw nga ang dapat mag libre e, pinabuhat mo pa ako." He acted like his arms were hurt.

Nasa tabi lang ako at tahimik kaya nagpanggap nalang akong nag aayos ng mesa para hindi halatang awkward at out of place sa pagitan nila.

"Hoy, nagpatulong nga lang e." Nakangusong saad ni Fia at tumawa naman si Kendrick dahil do'n. "Sige na, advance birthday treat mo sa 'kin!"

"Wala akong pera." Natatawang saad ni Kendrick at naglakad palabas, nilagpasan ako nang hindi nililingon.

"Ang yaman mo kaya!" Biro pa ni Fia ngunit tuluyan nang nakalabas ng room si Kendrick.

He didn't greet me. He didn't even glanced at me when he walked beside me. Bigla naman atang naging cold? Damay ba ako sa problema niya? Well, why do I care? Okay rin naman kasi tahimik ang araw ko.

"Hi Nate." Nabaling ang atensyon ko sa may bintana nang biglang dumaan doon si Nathan kaya napangiti ulit ako.

Nate who's walking behind the window makes me thrilled kahit medyo malabo siya. Ewan ko ba, kapag nakikita ko siya parang napapawi bigla ang lungkot ko. 

"Ang ingay naman nila 'pag nakikita si Nate." I shifted my gaze to Fia who talked. I curiously look at her. I know she likes Nathan, ewan ko lang sa ngayon.

" 'Di ba may gusto ka sa kanya?" Tanong ko at nang aasar.

Napatigil siya sa ginagawa at tiningnan ako nang nakakunot noo. "Duh, that was before, Ellie, hindi na ngayon. Ang yabang naman e." Nagbago ang ekspresyon ko sa sinabi niya.

"Mabait naman ah." Asar ko sa kanya sa mahinang boses lamang.

"Mukha niya! Kilala lang siya kaya nag babait baitan." Hindi siya nagpatinag.

I felt sad when she mentioned about Nate's attitude. Ewan ko ba kung bakit siya pa rin ang pinipili ko kahit minsan na wiwitness kong tama ang mga sinasabi nila. Ano bang mayro'n kay Nate at siya pa rin ang pinipili ko kahit nasasaktan ako.



"Ken, ikaw na bumili ng mga materials, tutal ikaw lang naman ang may motor sa atin."

Saturday, no class but still working. Nasa likuran lang ako habang inaayos ang mga lightings na nakadikit sa may pisara. Nag kanya kanyang gawa rin ang mga kaibigan ko kaya hiwalay kaming lahat.

"Ang dami naman nito! Kailangan ko ng kasama."

I stopped myself from my doings right now. Nakaupo na ako sa sahig at inaayos ang mga lightnings nang marinig ko ang boses ni Kendrick. Kung sabagay, mahihirapan naman siya kapag walang kasama at mas mapapadali ito kapag may katulong siya, pero mukhang walang gustong sumama sa kanya kasi lahat abala sa mga ginagawa.

"Ako nalang, Ken." I heard Bea's word.

'Buti naman at siya na ang nag present. I wanted to help him too. I don't know. I feel like I wanted to hear his voice and see his usual self again.

"Nice, B. Tara na, bilis." Wow, B! Bibi? Char!

Nakalimutan kong malapit din pala sila sa isa't isa kaya mas lalong lumalalim ang pagkakaibigan nila. Sila na kaya? O baka may gusto sila sa isa't isa? O baka naman si Kendrick lang kasi masyadong siyang malapit kay Bea.

Ano ba naman 'to. Parang kahapon lang kinikilig pa ako kay Nate, tapos nung nakita ko naman si Kendrick na medyo malungkot at hindi pa ako pinapansin lately may kirot din. Nalilito na tuloy ako sa mga iniisip ko. So much for that, I continued working for about an hour already. I now went to my next task.

"Ellie, nasaan si Marius?"

The room went silent for a while when Vince asked me about Marius. Nakaupo ako sa sahig dahil inaaayos ko ang mga librong nakalapag kung kaya't natatakpan ang ibabang bahagi ng mukha ko ng mesang nakaharang sa harapan. Tiningnan ko sila at mukhang naghihintay talaga sa akin dahil lahat nakatingin kasama si Kendrick na dumating na kani kanina lang.

Bigla nalang akong natawa dahil sa mga mukha rin nila. "Malay ko."

Mabuti nalang ay wala si Marius at konti lang kaming narito ngayon kaya konti lang ang nakakarinig.

"Yieee ba't ka tumatawa? Kinikilig ka 'no." Asar ni Vince na agad na pagkunot ng noo ko.

Pambihira! Dapat pa ba akong makisabay sa mga trip nila at makitawa na rin sa mga tukso kung mas lalala lang ang mga pang aasar? What can I do? Natatawa lang naman ako kasi medyo malapit ako kay Vince dahil nagkakausap rin kami tapos kaibigan niya si Marius.

Alam mo 'yung wala lang sa akin 'to kaya pinagtatawanan ko nalang kasi friendly lang naman si Marius at mukhang na-mimisinterpret ata nila at nag aassume na ginugusto ko ang mga asar.

"Oy tumatawa." My eyes went to Ken who's looking at me with a smile. Pero bakit kapag si Kendrick na ang tinutusko sa akin, biglang ayaw ko na nang gano'n?

"Nice ka, Ellie."

Ngayon ko lang siya nakita at narinig na tinutukso ako kay Marius. Bigla nalang akong napatigil kakatawa at nag iwas tingin sa kanila para ipagpatuloy ang ginagawa. He's teasing me to his friend too? Akala ko ba.....kung ano ano kasi iniisip ko e.

Mabuti nalang at natahimik na sila dahil biglang dumating si prof kaya nagpatuloy ulit kami sa ginagawa nang seryoso at tahimik. Dahil tahimik at wala nang asaran, napaangat ulit ako ng ulo para hanapin siya at nakita ko nga kausap si Bea na naman.

Saya niya ah? Happy 'yan 'pag kausap si Bea?

Gabi na nang matapos kami. Ayaw ko pa naman ng nalalate masyado kasi ayaw ni mama tsaka mahirap ang sasakyan pauwi. Pero nakakahiya rin naman kasing tumanggi sa kanila lalo pa't ang konti lang namin tsaka dagdag points na rin daw 'to Sabi ni prof, sayang naman. Kaso, may points nga, mahirap naman akong makauwi nito.

Mag aalala tuloy si mama niyan kaya naman nagmadali na ako. Napahinga ako nang maluwag nung makisabay si Jasmine sa akin. Magkapitbahay lang kasi kami pero may apartment naman siya rito kaso ngayong araw e pinapauwi raw siya ng magulang niya kaya 'buti nalang talaga.

Paglabas ng room, madilim na lahat, dalawang ilaw lang ang nakabukas. Although narito pa ang mga kaklase nina Kesha dahil nag dedecorate rin sila, kaso wala na si Kesh pati rin ata si Nate kasi hindi ko nakita nung mapadaan ako sa kanila.

"Ellie, ang dilim tsaka may jeep pa kaya pauwi sa atin? Gusto mo mag bus nalang tayo, mura lang pamasahe." Salita ni Jas sa tabi ko.

Madilim na nga at hindi ko nasisiguro kung may masasakyan pa kami nito pauwi. Hindi naman ako masyadong kinakabahan kasi may kasama ako pero si Jas kasi 'yung tipo na go with the flow, e ako hindi, kasi lahat pinagpa-paalam ko pa kay mama para payagan ako. Ayaw na ayaw ng mga magulang ko na sumasakay ako sa bus kasi mabilis daw magpatakbo at delikado, ayoko rin naman kasi takot ako.

Hindi ako sumagot sa kanya at ngumiti lang ngunit umaasa magbabago ang isip niya. Nakita ko sa may unahan si Kendrick na papa start na ng motor niya kaya nag iwas tingin ako pero nakita rin ni Jas kaya tinawag niya ito.

"Ken, hatid mo kami sa may sakayan ng jeep!" Bigla akong kinabahan. 

I was uncertain because I feel awkward. I don't even know why I feel it but it's just uncomfortable being with him. Medyo malayo kami sa isa't isa pero klarong klaro ko pa rin ang mukha nito nung mapalingon sa amin kaya agad akong nag iwas tingin ulit at binagalan ang lakad.

Pinilit kong hindi makinig sa kanilang dalawa at hinitay nala na dumating si Jas sa tabi ko na may dalang balita.

"May dadaanan daw siya, sayang! Tara na, El." Napakalma ako dahil do'n.

Hindi na niya pinilit kasi mukhang wala raw sa mood. Pagdating sa labas, masigla ang paligid dahil sa mga ilaw kaya hindi nakakatakot. Ewan ko ba naman dito Kay has at naghahanap pa ng maghahatid sa amin kung pwede namang traysikel nalang. Hindi talaga siya tumitigil hanggang sa kumaway siya sa isang motor. Malakas ang ilaw kaya hindi ko kita, saka ko lang narealize kung sino ang tao nung mapatigil na ito sa harapan namin.

"Sir, pasabay naman kami sa may sakayan lang po ng jeep. Sige na, sir, gabi na po kasi e." Napakuyom nalang ako ng bibig at pilit pinipigilan ang mga ngiti at tawa.

Sheda, literal na walang hiya talaga 'tong babaeng 'to at sa secretary pa ng principal namin nakisabay. Nakakahiya pero hindi naman nagreklamo si sir at agad kaming pinasabay. Masyadong delikado na raw kasi. Hindi rin masama na kasama ko si Jas kung wala, hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon nito.

"Ellie, dinner time!"

I slowly opened my eyes when I heard mom's voice calling me. I looked at the clock and it's already eight in the evening. Nakatulog pala ako sa sobrang pagod at puyat. Ang dami naman kasing ginawa kanina at umabot pa kami ng gabi, no choice na rin ako kaya sa bus nalang sumakay para lang makauwi. Hindi ko nalang sinabi kay mama at agad nagtungo ng kwarto para magpahinga pero hindi ko nalamayang nakatulog ako.

"Nakatulog ka ba nang hindi nagpapalit ng damit?" Ngumiti lang ako kay mama at hindi sumagot.

Pagkatapos kumain, nagtungo ulit ako ng kwarto pagkatapos kong maghugas. Nagulat ako nang tumunog ang phone ko, sunod sunod na chats ang nagsilabasan kaya nagtaka ako kung kanino at sino ang gumawa ng gc.

Kath : Hi guys it's me kath

Clare : Hiii I'm Clare

Vina : Ang boring niyo naman

I was uncertain because we are not that close. Sina Kath at Clare ay barkada nina Vina sa lugar nila. Kesha got close to them too dati pa kasi nga palagi silang nag hahangout.  I didn't even expect na isasali nila ako dito.

Kath and Clare are also my friends because we also message each other pero hindi katulad nila. May konting ilangan din minsan lalo na at bago pa lang kaming nagkakilala.

Kath : Guys, let's hangout.

Ynna : G! Tara!

Marie : Paasa kayo!!!

Hindi ko na tiningnan kasi hangout na naman ang pinag-uusapan nila at wala naman akong maiaambag sa pagplano kung matutuloy man sila. I was scrolling through my wall when someone mentioned me on our gc.

Vina : Ellie, 'diba may gusto ka kay Torres?

Kath : Oyy HAHAHA

Pakshit! Wth are you talking about, Vina?! Grr pinapalala mo e. Nalaman pa nina Kath ang tungkol kay Ken e malalakas din lang asar ang mga 'yon.

Ellie : Hoy, issue!

Caryl : Iba ka talaga, Ellie. Bravo!

Kath : Aminiiiiin.

Ellie : Ako talaga?! Sa'yo kaya 'yon.

Ahh gano'n, pasahan pala ang gusto mo mo ah. Ano ba kasing topic nila at biglang napunta nalang sa akin. Hindi na nga ako nag seseen para hindi ako ang ma topic e. Kakagising ko lang, badtrip agad.

Marie : 'Wag ka nang mag deny!

Hindi na ako nagreply dahil baka mas lalong humaba pa ang 'yon. They changed the topic already so I've decided to look at it later. Nanood nalang ako ng tv pero ramdam ko pa rin ang vibration ng phone ko dahil sa kanila kaya binuksan ko 'yon ulit. 

I was scrolling and they're talking about their hangout again. I stopped when I saw my nickname.

Caryl changed your nickname to Torres

"Pambihira talaga!" Bigong saad ko sa sarili. Tumigil na nga, iba naman 'yong nickname.

Kinabukasan, nag desisyon sila na mag paabot ng gabi kahit ngayon lang para daw marami ang magawa. Uuwi na sana ako kasi halos lahat naman sila nagsiuwian na, kaso narealize kong mas kukonti kami lalo at tsaka sabi ni Prof pandagdag points pa rin kaya sayang din.

It is five in the afternoon kaya pakonti nang pakonti ang mga studyante rito. Ilang minuto lang ang lumipas at umuwi na rin sina Vina kaya kami nalang ni Millie ang natitira kasama ang iba pa. Jasmine is also here kaya nag decide siyang sabay nalang kami umuwi since uuwi rin siya sa bahay nila.

"Pagtapos nito uuwi na ako ah. Ipapadala ko nalang kay Karl." Rinig kong saad ni Kendrick nang utusan na naman siya upang mamili ng mga materyales.

Ang aga naman niyang umuwi. Ewan ko ba kung bakit pero nung lumabas siya ng pinto, tila ba'y nawalan ako ng ganang mag trabaho. Ewan ko kung bakit naapektuhan ako sa mga kilos niya lately, siguro hindi lang ako sanay.

Napaka cheerful at jolly niya kasi tapos biglang magiging cold, although I can't blame him. Gano'n din sigruo ako kapag bumaba ang grades ko kahit nga ngayon ay iniisip ko pa rin ang score ko e.

"Ang tagal naman nila."

Isang oras din ang lumipas kaya I assumed na umuwi na nga 'yon. Nakaupo ako sa sahig para ayusin ang mga ribbons na ikakabit sa dingding. Mag isa lang ako kasi may kanya kanyang teabaho ang iba. Gusto mo na nga ring umuwi pagkatapos nito e.

Maya maya lang ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Karl nang mag isa dala dala ang mga materyales na nabili. Wala na si Kendrick kaya minadali ko na lang din 'to para maka uwi na.

"Hindi kami nakahanap ng extra tape."

Automatikong umangat ang ulo ko pagkarinig palang ng boses na 'yon. Sa sobrang bilis niya maglakad e makapasok na siya at nakatingin sa dulo nang kausapin si pres para ipaalam 'yon. Hindi ko maipaliwanag pero bigla nalang akong napangiti nang makita siya ulit.

"Akala ko ba uuwi ka na?" Tanong ng kaklase namin sa kanya.

Nakatingin ako at nag aabang ng isasagot niya pero hindi siya nagsalita, sa halip ay biglang napadpad ang mga mata nito sa akin at nagtanong.

"Hindi pa kayo uuwi?"

Tumingin siya sa akin pero iniwas ko ang tingin sa kanya. Alam kong nasa likuran ko lang si Jas kaya baka siya ang kausap nito na agad rin namang sinagot ni Jas. Now I feel relieved.

Hindi pa pala siya uuwi at mags-stay pa kaso kami naman ni Jas 'yong pauwi na dahil madilim na rin. Alas 6 na ng hapon ngayon at magagabihan na naman ako nito pag uwi kaya naisip ni Jas na mauna na at iwan sila.

Paglabas ng room, gano'n pa rin ang paligid tulad ng dati. Madilim at dalawang ilaw lang. Sa tingin ko walang nga engineering students ngayon kasi madilim sa department nila at tahimik. Hindi tuloy namin mapigilang matakot dahil kami g dalawa lang.

"Ellie, balik muna tayo sa room, ang dilim." Kinakabahang saad ni Jas.

Kahit gusto ko nang umuwi, natatakot din naman ako sa safety namin kaya bumalik muna kami para magpasama. 'Yung pakiramdam na may parte sa akin ang gusto ring mag stay pansamantala, ewan ko ba.

Naunang pumasok si Jas dahil tinetext ko si mama. Pagbukas ko ng pinto, maingay sila at nangingibabaw ang boses ni Jas na nagkwekwento na kesyo madilim daw sa labas at natatakot kami. Kay text ko pa rin si mama nang bigla akong tinawag ni Vince.

Agad napaangat ang ulo ko dahil sa lakas ng boses niya kaya nataranta ako. Ngunit sa hindi inaasahan, mukha ni Kendrick ang nakita ko na nasa dulo at nakatayo sa ibabaw ng isang upuan dahil may ikinakabit. Napatigil rin siya sa ginagawa kaya nagkatinginan kami.

Nauna kong iniwas ang tingin sa kanya nang may makitang kakaiba. Hindi ko talaga sigurado kung totoo ba 'yon o ilusyon lang.

Tumingin muna ako sa gilid ko para maiwasan ang mga mata niya kaya nung nawala na ang mga tingin sa akin at ako naman at nakatitig sa kanya na ngayon ay nakababa na sa upuan at inaayos ang mga ikakabit. Nakatitig ako sa kanya at nag iisip.

Masaya akong masilayan muli ang mga ngiti mong matatamis, Kendrick. Sa tingin ko ay mukhang maayos ka na, kaya ayos na rin ako. Ewan ko ba kung bakit ang laki ng epekto sa akin sa mga nangyayari sa 'yo. Hindi lang siguro ako sanay na makita kang malungkot at tahimik.

Kahit na nahihiya ako sa mga may nakakarinig, mas nanghihinayang naman akong hindi marinig ang pagbati mo sa akin. Sa simpleng 'Hi' mo lang kahit hindi kita sinasagot, sana maramdaman mong naappreciate ko ang pagiging mabait mo sa akin sa pamamagitan ng mga pagngiti ko sa 'yo.

Hindi kita gusto, pero masaya ako kapag nakikita kitang nakangiti.

המשך קריאה

You'll Also Like

214K 10.3K 57
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
108K 3.3K 31
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
3.2M 103K 30
I wiped my eyes once again to see deep piercing green ones looking down at me. More tears came as I saw the root of my anger, and I stood up pushing...
171K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...