Doctor Next Door(COMPLETED)

De AnnieF_30

163K 4.7K 381

WARNING|| MATURE CONTENTS Bettina Mijares decided to live alone away from her father.Kung kailan akala niya... Mai multe

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12(SPG)
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22(SPG)
CHAPTER 23(SPG)
CHAPTER 24

CHAPTER 15

5.3K 184 8
De AnnieF_30

Napabalikwas siya ng bangon ng maramdamang tila hinahalukay ang kanyang sikmura. Ilang araw na siyang ganoon. Bumabalik ba ang sakit niya? Akala ba niya okay na siya?
Halos pati sikmura niya ay gusto niyang isuka. Dalawang buwan na siyang nasa unit ni Rafa. Hindi ito natuloy sa pag uwi dahil may bago daw itong pinirmahang kontrata.

Impossible na babalik ang sakit niya kung ilang buwan na rin siyang hindi dinadatnan ng buwanang dalaw. Nanigas siya sa naisip. Mabilis siyang naghilamos at nagsipilyo. Walang sinayang na sandali ay agad niyang tiningnan ang menstrual period tracker niya. Mahigit dalawang buwan na siyang delay.

Saglit siyang kinabahan ngunit agad din niyang kinalma ang sarili. Kailangan niyang laging mag isip muna bago mataranta. Hindi lahat ng bagay na minamadali ay may magandang resulta. She learned from her mistakes. Kung hindi siya nagmadali hindi sana siya mahuhulog sa bitag ni Giu. Lalong nadagdagan ang pait ng kanyang panlasa.

Kailangan niyang magpatingin sa doctor. Kailangan niyang maging sigurado na hindi na bumalik ang sakit niya. Ang nararamdaman niya ngayon ay normal lamang sa taong hindi masyadong lumalabas. 

Hinayaan na niya ang boutique niya kay Jen. Tumatawag na lamang siya para kumonsulta pero hindi na siya sumipot pa roon. Ewan ba niya, pakiramdam niya kasi gustong gusto niyang matulog na lang buong araw o di kaya humilata lang sa kanyang kama.

_______

"Congratulations maam",anang nurse nang iabot ang resulta ng kanyang laboratory. Nasa St. Benedict siya at doon naisipang magpacheck up dahil may history siya doon. Iniisip niya kasi baka may koneksyon ang sakit niya noon sa nararamdaman niya ngayon. Ngunit, pagbati ang kanyang narinig mula sa babae na labis niyang ipinagtaka.

"Huh?"parang tangang sambit niya.

"You are eight weeks pregnant ma'am",anunsyo nito. Nabingi siya sa narinig. Hindi. Hindi maaari.

Nginig ang kamay na kinuha niya ang resulta ng kanyang labtest at tiningnan iyon. Natauhan lang siya ng makitang may tumulo sa papel. Saka niya napagtantong lumuluha na pala siya.

"Miss baka nagkamali lang ng---

"Ma'am,pwede po kayong magpa ultrasound para po sigurado.  Normal lang po ang reaksyon ninyo lalo pa at first baby ninyo."

Normal bang nasasaktan siya? Akala niya nakatakas na siya sa anino ni Giu, hindi pala. Buntis siya at sinadya nito iyon. Sinadya nito dahil gusto nitong sirain ang buhay niya.  Hindi. Maaaring nagkamali lang ang gumawa ng test.

Mabilis ang hakbang na tinungo niya agad ang Ob-gyne section. Laking pasalamat lang niya at hindi si Doctora Cynthia ang doctor na naroon.

Inutusan siya ni Dra. Martinez na palitan ang kanyang suot ng hospital gown. Tahimik lang niyang sinunod ang bawat utos nito. Bago siya nahiga ay huminga muna siya ng malalim bago ibinuka ang mga hita para sa gagawing Cervical scan  ng doctora.

Napakislot siya ng maramdaman ang lamig na iyon sa kanyang pwerta.

"Relax mommy...."nakangiting saad ng doctora. Natigilan siya. Ang salitang iyon ay nagdala ng mainit na pakiramdam sa kanyang puso.

Mommy.

"There it is", nakangiting pahayag nito sabay turo sa monitor. "It so cute."

Nakokonsensya siya sa naging reaksyon kanina.

I'm sorry baby for my first reaction. Mommy loves you.

"Is he a boy or a girl?" Naluluhang tanong niya. Pwede palang magbago agad ang nararamdaman ng tao. Kanina lang ay hindi niya halos matanggap na buntis siya ngunit nang makita ang laman ng kanyang sinapupunan ay napalitan agad iyon ng hindi mapantayang ligaya.

"You will know it after three more months."

Oh God. There's a life inside my womb!
I'm going to be a mom!

Hindi pa rin siya matigil sa pagluha habang nakangiti sa doctora.  Labis niyang pinagsisihan ang naging reaction kanina. Nahaplos niya ang tiyan.

"So far, you're pregnancy is good. But still, you need to be careful okay? I give you some vitamins and I scheduled your next check up."

"Ahm doc",agad na pigil niya rito nang akmang magsusulat ito. "I don't think I can able to do it here next time. I'm planning to move other place."

"It's not a problem. Just show your schedule to your new OB. And congratulations again. Your husband must be happy for the good news."

Napangiti siya ng hilaw sa sinabi nito. There's no way in hell na malalaman ni Giu ang ipinagbubuntis niya. No way. Ni ang makita ang mukha nito ay ayaw niyang mangyari.

Mabilis na rin siyang nagpaalam sa doctora nang makapagpalit ng damit. Hindi totoo ang sinabi niyang  lilipat siya ng tirahan. Ayaw lang niyang bumalik doon. May tendency na magkikita sila ng binata at malalaman nito ang kanyang sitwasyon. Na hindi niya papayagang mangyari. Pinuputol na niya kung ano mang ugnayan niya rito. Wala itong karapatang malaman ang ipinagbubuntis niya.

Kipit ang envelope na may laman ng laboratory niya at ultrasound ay nagmamadali siyang lumabas nang silid na iyon. Nakayuko siyang tinatahak ang hallway. Sa pagmamadali niya ay nabunggo siya sa pigurang nakatalikod sa kanya.

"I'm sorry",agad niyang hingi ng paumanhin. Ano ba kasi ang ginagawa nito sa gilid ng hallway? Saka niya napansing naka scrub ito. Nang lumingon sa kanya ang lalaki ay pareho silang natigilan. Dalawang buwan mahigit na hindi niya ito nakita. May maliliit na bigote ito at wala pang gupit ang buhok. Ang pangit pala nito.

"Bettina...."
Anong karapatan nitong tawagin ang pangalan niya sa nahihirapang boses? Wala. Wala itong karapatang tingnan siya at kausapin.

"Excuse me",sabi na lang niya at nilampasan ito.

Hey sweetheart, that's your daddy.
Sabay haplos sa kanyang sinapupunan. She'll make sure that it will be the last time na makikita siya nito.

We deserve better.

______

"Hi mommy", nakangiting bati niya sa puntod ng kanyang ina. Patagilid siyang naupo dahil nahihirapan na siya sa malaking umbok ng kanyang tiyan. She's seven months pregnant. She's proud of herself na kinaya niya yon mag isa.

"Thank you for visiting me in my dream. Don't worry makikipagbati na ako kay Daddy. In fact,deretso na kami doon ni baby girl",masayang pahayag niya.

Napanaginipan niya ang inang may tampo sa kanya. Unang beses na napanaginipan niya ito simula nang mawala ito sa kanila. At naiintindihan niya ang panaginip na iyon. Matagal niya ring napag isip-isip. Walang naidulot na maganda ang ginawa niyang pagrerebelde sa ama. Kailangan nitong malaman ang kanyang sitwasyon menus syempre ang tungkol sa ama ng dinadala niya.

Masuyo niyang hinaplos ang tiyan. Two months from now, ay mayayakap na niya ito.  She let go all of her bitterness para sa anak niya. She deserved a better life. And she make sure to love her more than her life. She will be having a daughter.  Minsan sumagi rin sa isip niya na pasalamatan si Giu. Dahil sa semilya nito ay ang dahilan kung bakit siya masaya ngayon. Ang batang nasa sinapupunan niya ang nagbigay sa kanya ng lakas na makakaya niya lahat ng pagsubok kahit ano mang mangyari.

Nagpatawad siya kahit hindi humingi sa kanya ng tawad ang lalaki. Ayaw niyang dalhin ng kanyang anak ang anumang galit sa kanyang puso. Iyon nga lang, madamot siya. Ipinagdadamot niya ang anak niya. Ayaw niya ng may kahati. Gusto niya, sa kanya lang. Sapat ng pinatawad niya si Giu. Pero ang maging bahagi ito ng buhay ng anak niya ay hindi pwede.

______

Ang katulong ang nagbukas sa kanya ng gate pagdating  sa kanilang mansyon. Nagulat ito nang makita siya kasabay nang pagtuon ng tingin nito sa umbok ng kanyang tiyan.

"Si Daddy ba nandiyan?" Tanong niya. 

"Wala ma'am Tina. Si Maam Tanya lang ang nandiyan. Hindi na rin dito umuuwi ang kuya mo", paliwanag nito. "Masaya akong umuwi ka na."

Ngumiti lang siya sa may edad na babae. Matagal na nilang katulong si Nana Nema kaya halos pamilya na rin nila ito. Iniwan siya nito sa sala at dinala nito ang kanyang mga gamit sa taas. Maraming nagbago sa bahay na iyon. Ilang taon siyang nawala.
Napatigil lang siya sa pagmamasid sa paligid nang may tumikhim sa kanyang likuran.

Napahawak siya sa umbok ng kanyang tiyan. Huminga muna siya ng malalim bago ito nilingon.

"Hi",kiming bati niya. Nagulat marahil ito sa kanyang pakikitungo kaya hindi agad ito nakapagsalita.  Awang ang labing nakatingin ito sa kanya.

The woman is gorgeous sa kabila ng edad nito.  Ang mga mata nito. Nakikita niya ang mga mata ni Giuseppe sa babae.

"Dad's not here?" Untag niya sa pagkatulala nito. Napakurap naman ito at napatikhim.

"Ahm, sorry. I was just caught off guard. Are you hungry? Are you tired? Maybe you want to rest?"

Umiling siya. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi dahil sa pag aalala sa boses nito.

"Okay lang po ako. Kumusta po kayo?"

Mas lalong napatulala ang babae sa mabait na pakikitungo niya. Umupo ito sa kanyang tapat at mataman siyang tinitigan pababa sa kanyang maumbok na tiyan.

"Magiging lola na po kayo", nakangiting sambit niya. Namagitan kasi ang mahabang katahimikan sa kanilang dalawa. Marahil kinakalkula nito ang sitwasyon.

"God, I can't believe this. Sigurado akong matutuwa si Alexander nito", naluluhang sambit nito. Lumapit ito kanya at bahagya siyang niyakap habang nakaupo. "Welcome home Hija."

"Thank you po",kiming sagot niya.
Pilit niyang kinapa ang galit na naramdaman dito sa mahabang panahon ngunit hindi niya makapa. Sinong magagalit sa katulad nito na parang anghel? Ang bait ng mukha ng babae at palagi itong nakangiti tuwing nagkakasalubong ang kanilang tingin. Hinaplos niya ang tiyan.

She's your grandma.

"Kasama mo rin bang lilipat ang asawa mo?" Nakangiting tanong nito. Mabuti na lang may naihanda na siyang sagot doon. Sa ama niya sana inihahanda iyon ngunit nauna nang nagtanong ang babae.

"Hiwalay na po kami. Hindi pa po kami kasal ay may nahanap na siyang iba", pinalungkot niya ang boses.
Ilang beses siyang humingi ng tawad sa anak sa paghahabi ng kasinungalingan. Hindi naman kasi pwedeng sabihin niyang, yung anak mo binuntis ako dahil sa galit sayo.

Ayaw niyang iparamdam sa anak na nabuo ito dahil sa paghihiganti. She was made by love. Dahil minahal niya si Giu.
Minahal? Hindi na mahal?

Bumuntung hininga siya. Ang totoo? Hindi niya alam. Giuseppe was her first love. Dito niya unang naramdaman ang magmahal ng totoo. Kaya sa una ang sakit na binigay nito ay muntik na niyang hindi kayanin. But her angel save her. Iniahon siya nito sa pagkakalugmok. Binigyan siya nito nang dahilan para lumaban.

"Bettina? Anak?"

Sabay silang napabaling ng ginang sa nagsalita. Ang kanyang ama na titig na titig sa kanya na para siyang isang aparisyon lamang. Marahil ay hindi ito makapaniwala. Sa haba ng panahon na nakaya niya itong tiisin.
Hindi na siya nakapagsalita at naluha na lamang. She missed him so much.

"Oh God, you're really home!" Bulalas nito. Nasa anyong gulat at hindi makapaniwala. "Akala ko niloloko lang ako ng Tita Tanya mo sa text."

"I've missed you daddy",sabay hikbi.  Napakawalang kwenta pala niyang anak para tiisin ito sa mahabang panahon. "I'm so, sorry."

Mabilia naman itong lumapit sa kanya at sunod sunod-sunod siyang hinalikan sa tuktok.

"It's okay. It's okay", paulit-ulit na anas nito. "I've missed you so much sweetheart."

Ang pangungulila sa ama ay ibinuhos na lang niya sa pag iyak. Hindi niya sukat akalain na tatanggapin pa rin siya nito sa kabila nang ginawa niyang pag iwan dito. Kung sana nandoon din ang kanyang Kuya. Humiwalay siya dito ng yakap at tinanong kung nasaan na ba ang kanyang kapatid.

"Hindi na umuuwi ang kapatid mo dito sa bahay. He bought his own house. Nagkikita na lang kami sa kompanya. You know, he's the new president.", paliwanag nito. Pinahid nito ang namamasa niyang pisngi at malamlam siyang tinitigan. Nasasalamin sa mga mata nito ang walang hanggang pagmamahal sa kanya

"And I'm going to be a grandpa soon?" Sabay haplos sa umbok ng kanyang tiyan. Katulad kanina sa sagot niya sa asawa nito ay ganon din ang sagot niya nang magtanong ito sa ama ng pinagbubuntis niya. Hindi nito kailangang malaman kung sino at ano ang nangyari sa kanya. Malakas ang tiwala niyang hindi mapapadpad doon si Giu dahil galit ito sa pamilya niya.

Kasunod na araw ay naging bisita nila ang kanyang kuya. Nagulat ito sa nakitang sitwasyon niya ngunit mas lamang doon ang saya. Ang akala niya noon na huhusgahan siya ng mga ito ay hindi nangyari. Sa halip, tinanggap siya nang bukas ang kamay at walang pag alinlangan.

Hanggang sa makasanayan na rin niya ang presensya ng kanyang madrasta. Ito na ang nag aalaga sa kanya. Kasa-kasama niya tuwing pumupunta siya sa kanyang Ob-gyne. Itunuring siya nitong parang anak na hindi niya lubos akalain na mangyayari.

Gusto niyang matawa minsan, dahil tila mas excited pa ito sa kanyang panganganak. Mas marami pa itong nabiling gamit ng magiging baby niya kesa sa kanya. Ano pa kaya kapag nalaman nitong apo talaga nito ang dinadala niya? Mahal na mahal na nito ang babay niya kahit hindi pa lumalabas.

Hindi siya nagsisisi sa naging desisyon. Bagkus pinasalamatan pa niya ang Diyos dahil itinuwid nito ang kanyang maling landas na tinahak. Sa naging karanasan niya sa pag ibig? Hindi siya nagsisisi.  Alam niyang may dahilan ang lahat. At ang dahilan na iyon ay ang pagbalik niya sa kanyang pamilya.
Si Rafa naman ay madalas na lang silang nag uusap. Bukod kasi sa magkaiba ang oras sa Pinas at sa Paris bawal na rin siyang magpuyat. Sinigurado naman nito na uuwi ito kapag nanganak na siya.

_____

"Dad, nasaan si Tita? Bakit hindi pa umuuwi?" Sunod-sunod na tanong niya. Gabi na kasi at nasanay siyang hindi na ito lumalabas sa ganoong oras.

"She went out. She met an important person",bahaw pa itong natawa at napailing pa.

"Why?" Nagawa niyang itanong.

"That person was just like you. But I think they're having a reconciliation. You know,like mother and son. Something like that."

Napatuwid siya ng upo. Alam niya ang tinutukoy nito. Wala ng ibang kapatid si Giu kaya sigurado siyang ito ang tinutukoy ng ama.

"Good for them",aniya sa kaswal na boses. Ayaw niyang magduda ang ama. Kailangan niyang maging kaswal lang kapag napag uusapan ang lalaki.

Isinanday niya ang likod sa sandalan ng sofa. Dahil kabuwanan na niya, nahihirapan na siya sa pag upo. Kailangang pasandal o di kaya ay patagilid dahil nahihirapan siyang huminga kapag naipit ang kanyang tiyan.

Nasa ganoon silang pagkukwentuhan ng kanyang ama nang dumating ang kanyang kuya. Magkasunod ito at si tita Tanya. Ang ngiti niyang inihanda sa dalawa ay nabura nang lumampas ang kanyang tingin sa dalawang pares sa likuran.

Kasabay nang pagpintig ng kanyang puso ay siya ring paggalaw ng kanyang baby sa loob ng kanyang tiyan.

Continuă lectura

O să-ți placă și

251K 3.4K 37
WARNING: MATURED CONTENT INSIDE. (NOT EDITED) ***** Alex Eilish is a Famous Writer and a CEO of his own Publishing company. He has a life of an ordin...
52.3K 1.8K 29
(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Alexander Lopez o mas kilala bilang Xander. Isang magaling at mahusay na NBI agent na magpapanggap at papa...
150K 4.5K 31
Brandon Taylor is the one successful businessman and owner of airline company a hotman and bachelor in and out of the country also a billionaire, wo...
209K 5K 33
See the billionaire's secret unfold. R-18 Matured Content ahead! 01/11/21 01/27/21