THE WEDDING DRESS

נכתב על ידי tornbetweennolovers

16.3K 996 232

When Abba learned that Heins, the man she dreamed of marrying, is in fact getting married (but not to her) sh... עוד

PROLOGUE Today, it all ends. . .
Main Cast
1. The worst news ever. . .
2. Crazy heart, why are you like this?
3. It started with a bang!
4. I just fell in love. . .
5. Abara Kadabra! Heinz Ketchup
6. My Guardian Angel
7. Friends
8. 7,701 reasons to hate him, but I won't.
9. Free Chance & Perseverance
10. All I want for Christmas..
12. The Wedding Dress
13. Of New Year's Resolutions and Jeffy
14. Abba goes berserk
15. Split Personality
16. Awkward
17. Promenade
18. Promenade Part 2. I want you to know
19. Promenade Part 3. The Confession
20. Promenade Part 4. It ends here
21.
22.
23.
24.
25.

11. All I want for Christmas.. Part 2

335 20 2
נכתב על ידי tornbetweennolovers

Dyan na nga kayo bahala kayong magbolahan..

Hindi ko na kinakaya ang pagpapanggap na okay lang ako and worse makipagtawanan pa kaya ng makahanap ako ng tyempo iniwan ko na sila Daddy.

Mukhang hindi naman nila ako napansin kaya dumiretso na'ko sa may parking lot.

Andame dame paring tao. Lahat masaya. Lahat may kasama. Ako malungkot. Magisa. Bigo pa. Makapag move on na nga! Ano ba yan nagmo move on wala namang nakaraan. Brokenhearted hindi naman nagka boyfriend.. Hay...

May nakasalubong akong magka date, ang sweet sweet nila habang kumakain ng puto bungbong. Violet kay girl white kay boy, tapos nagsusubuan pa.

Dapat nagpalit nalang kayo e noh? Maghihiwalay din kayo!! Bitter lang hahaha

Naglalakad na ako papunta sa may sasakyan namin ng makita ko si Heins, grabe lang kahit sa gitna ng maraming tao nakita ko sya, kunsabagay matangkad sya. Teka wala  na si Pocahontas?

Tumuntong ako sa may malaking bato para makita ko kung sino namang kasama nya. Wala naman syang magandang katabi.. Doon na ako sa may upuan umapak para makitang mabuti.

Bumibili sya ng bibingka at talagang nabano sa lutuan ha kasi sinisilip pa ni Heins yung apoy tapos parang iniexplain sa kanya nung katabi nya.. Nanay nya yata. Exotic din ang Nanay nya? Ay joke lang biyenan ko yan! Assumera lang hahaha

"Abara anong hinahanap mo?"

"Ang lahat lahat sa akin." Wala sa sarili akong sumagot.

"Anak! Anong lahat ang pinagsasabi mo?" Ay si Daddy pala!

"Ang lahat po ng aking kaibigan hinahanap ko." Tumalon ako mula sa kinatatayuan ko. "Dad una na po kayo, hindi na ako sasabay."

"Saan ka naman pupunta paskong pasko lumalandi ka!" Si Mabelbel umeksena na naman, may dala pa itong pamaypay kulay pula.

"May nakita lang po akong kaibigan, susunod nalang ako." Ang dumi talaga ng isip, hindi ba nya narinig yung sabi ng pari kanina?

"Anak baka may kasintahan kana, pakilala mo nalang sa amin at sa bahay kamo bumisita, ano nalang ang sasabihin ng mga tao.." Sa huli yung sasabihin parin ng mga tao este botante ang mahalaga. Hays.

"Itong hitsura po bang ito yung may boyfriend?" Tinuro ko pa yung mukha ko para ma emphasize ang ebidensya.

"I didn't know you're aware ate." Inasar na naman ako ng kapatid kong si Taylor panganay na anak ni Tita Mabelle. Binelatan ko nalang ito, kung wala ang Nanay nya malamang bugbog sarado na naman sakin yang batang yan.

Si Ate Abby to the rescue. "I have to see my friends din pala nandito pa sila. Sabay nalang kami Dad."

"Okay papasundo ko kayo before 9 ha at ang lolo nyo kanina ka pa hinihintay Abara." Sumakay na sila sa sasakyan at naiwan kami ni Ate Abby.

Tumingin si Ate Abby sa relo nya. "We have forty minutes. Kita tayo sa may Snowman before nine. Bye."

Hindi pa ako nakakasagot nag disappear na ito. Si Ate yata ang may kadate?

Wala akong time para alamin kung sino ang katagpo nya kaya kahit curious ako bumalik na ako sa pwesto ko kanina at buti nalang matagal maluto yung bibingka nandoon parin sila.

Pahakbang na ako papunta kela Heins ng maalala ko.

Di ba magmo move on na ako? I step backward.

Pano 'tong gift ko? I step forward ulet.

Pinisil pisil ko yung purse na dala ko kung saan nakalagay yung gift ko sa kanya. Chineck ko lang baka nawala e.

Hindi na nga ako pinapansin may pa gift gift pa ako? Again, I step backward.

Para nga mapansin ka! Napaisip ako. Oo nga noh!

Naglakad na ako. Hindi ako makakarating nito e!

Habang naglalakad ako sa kalagitnaan ng maraming tao hindi ko na napansin sila Heins kasi nawala na sila sa pwesto nila kanina. Naku, sign na siguro ito na tumigil na ako kapapantasya..

Pinagmasdan ko ang paligid. Wala. Tumigil kana sabi Abba wala ka ng pagasa!

Bagsak na ang balikat ko, napahawak nalang ako ng mahigpit sa purse ko kinakapa yung regalo ko sana.

"Looking for me?" Pamilyar na boses sa may likuran ko naramdaman ko pa ang hininga nya sa may batok ko, naka pusod kasi ng mataas ang aking buhok.

Pinilit ko munang alisin yung malawak na ngiti na biglang naregister sa pagmumukha ko bago ako humarap.

Hinampas ko sya sa braso. The Abba way.

"Why?" Hindi nya ako magets.

"Nakakainis ka! Pag kasama mo yung mga babae mo nakakalimutan mo yung 'real friend' mo!" Nangingiti ako hindi ko mapigilan hindi tuloy consistent, naiinis daw ako nakasmile naman.

"I didn't neglected you! I said peace." Nag peace sign pa sya.

I roll my eyes 360° hindi ko napigilan kahit mukha akong may S.

"Malaglag yan." Huh?

"Alin?" Tanong ko.

Napailing nalang sya. "Ang sloooooooowwwwww."

Binigwasan ko sya sa tiyan. This time totoo na walang halong landi. Lagi nalang nyang iniinsulto ang inteligence ko! Ano ba kasi yung malalaglag?

Bago ko pa maibigay yung gift ko hinigit na nya ako. "Uy san tayo pupunta hanggang 9 lang ako.." Sinasabi ko 'to pero hindi naman ako pumapalag.

"I've always wanted to go up there." Tinuro nya yung kampanilya sa may simbahan.

"Hoy kung aakyat ka dyan magisa ka! Antaas kaya nyan saka bawal nuh gabi pa naman." Pinigilan ko na sya pero wala akong nagawa anlakas nya e wala nga syang ka effort effort paghila sakin.

"I actually planned to go with Teresa but they have to go home early.. but you are here.. so ikaw nalang." Nakalampas na kami sa maraming tao sa may harap ng simbahan. Papunta si Heins sa may gilid kung nasan yung daan paakyat sa may kampanilya, sumusunod lang ako no choice e.

"Ganun? Second choice lang ako?? Hiyang hiya naman ako!"

"Correction. Fifth." Fifth? Napabilang tuloy ako. Teresa Rachel Janna, 1 2 3.. may isa pa??

"Panglima pala ha?! Ba't hindi ka magpasama dun sa iba?!!" Pilit kong tinatanggal yung pagkakahawak nya.

Humarap sya sakin. "You see it doesn't matter if you're the last option coz I ended up with you here."

Natigilan ako. Nainspired..

Sana ganyan din mangyari sa love story namin. Kahit ako yung last option nya sa huli ako parin ang nakasama nya.. Kahit marami syang stop over na gawin ako parin yung final destination. Kahit saan sya dumaan sakin parin ang uwe nya. Kahit sinong dumaan sa buhay nya sakin parin ang bagsak nya..

Dahil kinilig ako sa sinabi nya sasamahan ko na sya. "Doon tayo sa loob ng simbahan dumaan sarado dyan."

"You didn't tell me?" Sya pa ang galit?

"Sinabi ko na nga diba?!"

* * *

Buti nalang walang nakakita samin pagakyat kasi pinagbabawal na talaga ang pagpunta dito sa may kampanilya dahil maraming nahuhuling nagde date, romantic naman kasi talaga sa gabi lalo na ngayon na napakaraming Christmas lights sa ibaba isama pa yung marami paring tao. Napakagandang pagmasdan mula dito sa itaas parang nawala ang stress ko buong maghapon. Bawing bawi.

Naalala ko tuloy yung sa white city. Sa sementeryo, yung mga candle lights over the nitso pero ngayon medyo totong version na. Sana itong kasama ko maging totoo na rin.

Tiningnan ko si Heins, ninanamnam parin nya ang view. Sulit ang pagod ko, nawala ang sakit ng balakang ko sa pagakyat. Mas maganda pa sya sa tanawin sa baba.

Naalala ko yung gift ko. Ibibigay ko na ba?

Romantic view. Check.

No disturbances. Check.

Cold air. Check na check.

Perfect!

Kinuha ko na yung regalo ko sa purse.

"Ehem." Hindi nya ako pinansin. "Hoy!" Tumingin sya sakin, nagtatanong lang ang mga mata nya hindi sya nagsalita. "O.." Inabot ko sa kanya ang gift ko, tinitigan lang nya.

"What's that?" Nagtanong pa.

"Regalo. O.." Inilapit ko pa sa kanya, hindi pa nya inaabot e.

"Gift? Why?" Ano ba ngalay na ako...

"Merry Christmas! O.. kunin mo na ngalay na ako e!"

Nag alangan pa sya pagabot. "You don't have to do this." Sabi pa nya.

"Hoy baka isipin mo special ka, lahat ng friends ko may gift. Buksan mo na." Muli, tiningnan lang nya ako. Hay nabobo na sa Tagalog? "Open it." Excited ako.

Tinanggal nya yung wrapper. Sinuri nya. "A pendant?" Hindi ba halata?

Tumango nalang ako, nakangiti. "It opens.."

"I guess so.." Pagbukas nya nagulat sya. "Why do you have to put your face in here?!"

Yung reaction nya para bang kadiri na nandoon yung mukha ko sa pendant. Nainsulto ako dun ha. Natahimik lang ako. Am I going overboard? Am I crossing the line? Is there a line? Where?

Tapos natawa pa sya hindi manlang nakahalata na na offend ako. "Are you campaigning in advance or what?" Nagtatawa pa rin sya. Nakakainis na!

"Hindi ako nangangampanya! Saka yang sayo lang yung may maganda kong mukha! Akin na nga yan!!" Pilit kong kinukuha pero itinaas nya wala na akong laban hindi pa kasi umi-effect yung Cherifer e.

"I thought I'm not special?" He looks at me quizzically.

"Hindi nga!" Tumatalon na ako hindi ko parin maabot.

"Then why it has your face?" Inilipat nya sa kabilang kamay yung pendant.

"Akin na nga kasi. Hindi ko naman kukunin e binigay ko nga sa'yo e! Ei explain ko lang!"

"Sinabi mo ba?" Binigay naman nya.

"Tinanong mo ba?!" Kinuha ko yung pendant. "Kasi.." Hindi ko alam kung panu ko sisimulan..

"Ah.. this was taken the first time Nanay.. Dad.. and I were together on Christmas Eve.. at the hospital.. but that was the first and the only time we were together on that day, the traditional noche buena.. hindi 26.." Pinilit kong ngumiti. "So this was my happiest face ever!" I look at him, mukhang iniisip nya yung connection, yung essence kung bakit ko yon binibigay sa kanya.

I explain further.. "You said.. you see your bestfriend Mika in me but everytime you mention or heard her name.." Tinuro ko yung mukha nya."That! That gloomy face!"

Huminga ako ng malalim. Malalim na malalim. Yung buntong hininga.. Tagalogin ko na nga!! Pinapahirapan ko pa sarili ko e!

"Ayokong nakikitang malungkot ka.. although hindi ko alam yung reason kung bakit. Sabi mo guardian angel mo sya, pag naalala mo sya tingnan mo lang 'to o isipin mo ako para sumaya ka. Isipin mo nalang guardian angel mo din ako." Total lage naman akong naka buntot sayo e! Gusto ko sanang idugtong pero wag na obvious na.

Binalik ko na sa kanya yung maliit na pendant na hugis oblong na medyo antigo na. Pero bago iyon pinabili ko kay Ate Abby sa Binondo saka pina-fengshui ko haha. Pag di pa naman nya ako nagustuhan. May orasyon yon. May mantra pa.

"Why would I be happy seeing this face?" Hinarap pa nya sa mga mata ko yung picture ko. Anong gusto nyang palabasin?!

"Kasi nga sabi mo nakikita mo sya sakin so magkamukha kami! Masayang masaya ako dyan! So yan yung isipin mo pag naalala mo sya para hindi na dumilim yang gwapo mong mukha!!" Wait, did I just say gwapo? Tss. Hindi ko na mababawi!

Dahil sa sinabi ko haping happy na naman ang kurimaw. Sayang saya pag napupuri ha!

"Sabagay.. just looking at your face matatawa na talaga ako." Tinawanan na naman nya ako ng pang asar. "Thanks for the thought hahahahaha."

"Mag pasalamat kana lang, okay? Hindi yung nangiinsulto ka pa! Ang ganda ko kaya dyan!" Quotang quota na talaga sya ha!

"Salamat..." Medyo nahimasmasan na sya.

"Yon lang?" Grabe wala syang gift ha! Kahit hug nalang! Hahaha lumalandi na naman ako!

"I don't have anything for you but-"

"May bukas pa naman!" Hindi ko na sya pinatapos magsalita.

"Let's just do this. Make a wish and I'll guarantee!" He says excitedly.

Huh? Ang tipid naman!

"Anong guarantee? Diyos ka ba?!"

"No. Just make a wish. It might happen after a long years. But it will come true. Promise I can guarantee!" Para syang bata na sobrang excited.

"Genie ka ba?!" Malapet na akong pumayag ha.

"No. But come to think of it. A human person has an average life span of seventy years so chances are.. it can just happen.. whatever you wish for.." Oo nga noh? Ano ba yan ba't naniniwala ako, hindi nalang kasi ako bigyan ng gift pwede naman bukas. Ano ba yan ang buraot ko haha!

"O sige na. Iga guarantee mo ha!" Pumikit na ako at nagwish..

Sana po maging kami ng kurimaw na 'to..
Sana magpakasal kami..
Sana magkaanak kami ng lima..
3 boys.. 3 girls..
Ay anim pala yon..

"Antagal naman. One wish only!" Reklamo nya.

Nagmulat ako. "Tss. Oo na uulitin ko nalang, pwede?" Pumikit ulet ako.

Sana kami ni Heins ang magkatuluyan..

Nagmulat na ulet ako. "Hindi mo ba itatanong kung ano yung wish ko?"

"No. Keep it to yourself!" Para talaga syang bata.

"Panu mo maga guarantee kung hindi mo alam?"

"Basta it will happen. Trust me." Sabay kumindat pa sya. Gumaganon?

"Sabi mo yan ha!" Ang saya ko grabe! Baby all I want for Christmas.. is you!!!

Napapakanta na tuloy ako. Can't wait to go home and have a concert! A Christmas special!!

*laters* :)

המשך קריאה

You'll Also Like

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...