Sunday, cheat day.

Von xochanels

85 3 3

Her life was perfect and complete but he made her ask for more. Book 1 of Days in Davao Series. Mehr

Sunday, Cheat day
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4

Kabanata 3

4 0 0
Von xochanels

Kabanata 3

What if I do?

Katulad nga ng inaasahan, nahirapan ako matulog kagabi. Bandang alas tres ata ako nakatulog sa hindi malamang dahilan.

It's nine am, and I woke up earlier than usual. Pag gising ko, naalala ko agad na may roommate pala ako. Dahan dahan akong sumilip mula sa comforter ko at nakitang maayos na ang kaniyang kama at walang tao.

Nakahinga ako ng malalim. Day one palang; kaya mo 'to, Chanel.

Tumayo ako at inayos ang kama. Hindi naman ako nag aayos ng kama talaga pero nakakahiya naman kung pag dating niya sobrang gulo ko tapos siya ang ayos ng mga gamit niya. Ang linis niyang tao kaya kailangan ko mag cooperate.

Dumiretso ako sa may cabinet. They planned to go to Tangadan Falls for today. I guess that's our only agenda outside and then we're going to go back here in our suite to have a mini house party.

Naligo na ako at pumili ng damit. Hindi ko alam nasaan si Psalm pero sinamantala ko munang solo ko ang kwarto. Naka robe lang ako lumabas mula sa restroom dahil hindi ako nagdala ng damit. Ngayon palang ako pipili ng susuotin ko.

I took a black and white dolphin shorts, and light pink colored nike tank top. It was oversized so I wore a cute sports bra inside na kulay black para match. I made sure to bring a hoodie with me, though. Nilapag ko muna sa kama ang hoodie at maliit na backpack na dala ko.

When I finished putting everything I need inside the bag, I sat on the swivel chair by the desk. May malaking salamin kasi doon at saksakan kaya doon ko napagdesisyunang ayusin ang buhok ko. Ipinlantsa ko lang ang harapang bahagi ng buhok ko at nag braid nalang.

I turned out the lights from the back of the mirror—nag silbing vanity mirror ito kaya nag simula na akong mag make up. As usual, cheek tints, powder, brows and eyeliner lang at ayos na ako. I made sure to not put any creams because we were going to hike, I don't want to look like an espasol cracking.

While in the middle of my makeup session, I turned the music up more. Sinasabayan ko pa ang tugtog habang nag aayos. Hindi ko minsan mapigilan ang matawa nang tinitingnan ang sarili sa salamin kasabay ng pag sayaw.

Halos mapatalon ako sa gulat kasabay ng paglaki ng mata ko nang may tumapik sa balikat ko. Nabitawan ko ang hawak hawak kong lip stick at nahulog 'yon sa sahig kaya napamura ako.

Inangat ko ang tingin ko kay Psalm na mukhang hindi niya natuloy ang sasabihin dahil sa gulat din. Napakagat ako ng labi at biglang nahiya sa nangyari.

"I'm sorry," aniya.

Pinatay ko ang music at kukunin sana ang nahulog na lipstick pero naunahan niya ako. Pagbalik niya ay wala na ang katawan ng lipstick, it was broken already and I saw the lipstick stain on the floor.

Hindi ko mapigilan ang pagsimangot. That was my fave lipstick from Chanel...

Mukhang napansin niya 'yon kaya sinubukan kong ngumiti sa kaniya. Mukhang galing siya sa baba. Naka suot siya ng kulay putting nike shirt, simple lang 'yon at plain tapos black shorts at sneakers.

"Ayos lang, it's just a lipstick." I said.

Hindi ko na siya hinintay sumagot at inayos ang mga nagkalat na make up sa table. Kinuha ko ang shades na hinanda ko kanina at sinuot 'yon.

"I'm sorry, Chanel." Sabi niya uli.

I can't help but let out a little chuckle, "It's really okay. Hindi mo naman sinasadya."

Kita ko ang pag hinga niya ng malalim at umiwas ng tingin.

"So, ano, bakit nga pala?"

"I was just going to call you for breakfast," I nodded at him.

Pumunta siya sa may cabinet at kinuha ang isang kulay blue na jacket niya at kulay itim na baseball cap. 'Yon lang ang dala niya.

I took my small backpack and hoodie. Sinabit ko 'yon sa braso ko tapos bigla niya akong nilapitan.

"Give me your bag," tinitigan ko lang siya at hindi pa nakasagot kaya kinuha niya ito mula sa braso ko at nauna nang lumabas ng kwarto. Galing naman nito kung magnanakaw siya! Matutulala sa kaniya ang ninanakawan niya dahil sa hitsura niya at parang susunod nalang sa iuutos niya.

Napakurapkurap ako. Naglakad na ako para sumunod sa kaniy at naabutan ko siya sa may door frame na nakatayo lang. Nang makita ako, saka pa siya tuluyang lumabas at naglakad. Tanging hoodie nalang na nakasabit sa baywang ang dala ko ngayon.

Nauna siyang naglakad at kita ko na ina-adjust niya ang maliit kong backpack dahil hindi yata 'yon kasya sa kaniya.

Nang makarating kami sa may restaurant, akala ko ay ibabalik niya sa akin ang bag pero nilagay niya 'yon sa lap niya nang makaupo. Nasa tapat niya ako umupo, katabi ni Zari.

"Grabe, may pa ganiyan na kayo? Close?" bulong ni Zari.

"He's just being kind," I said.

Humagikhik si Zari at tiningnan ako na may pang aasar, "Cute niyo!"

Mabilis lang ang breakfast dahil nandiyan na 'yung van na service namin sa buong bakasyon na 'to. Nauna pumasok sina Spade at Asher dahil sila 'yung nakaupo sa pinakalikod. Sumunod kami ni Psalm. Apparently, magkatabi pa rin kami.

"Listen," nilingon ko si Psalm nang makaupo siya sa tabi ko. Hindi ko tinuloy ang pag suot ng airpods sa tainga ko at nilipat ang atensyon sa kaniya.

Umupo siya at inayos muna ang bag ko na kanina niya pa hawak.

"Ako na mag hold niyan," I said and I saw his upper lip rose a bit.

"It's ayos lang, ako na mag hold." He chuckled.

Napasimangot ako roon. Did he just mock me?

"I don't talk like that," I said.

"Mhm," tumango siya at sinuot ang itim na shades sabay ng pag sandal niya sa upuan.

I can't help but gaze at him. Matangos ang ilong niya, hindi siya ganoon kaputi katulad ng kapatid niyang si Chance pero hindi naman siya pasok sa pagiging Moreno. It's probably because of his American genes.

"I'll melt, Chanel."

Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko kaya mabilis akong lumingon at nilipat ang atensyon sa daan. I felt him smirk but I didn't bother looking at him anymore.

Naidlip ako ng ilang minute bago kami makarating sa falls. We had to hike going there and it was so fun. Puro kami picture at nag vlog pa si Ciacia. Ito raw ang unang YouTube content niya at kahit nakakahiya pa mga pinanggagawa namin, nagsalita at nagsalita pa rin kami sa camera niya.

I changed into a black two-piece bikini because Zari wanted to take group photos. Naka maroon siyang one piece na bikini, si Addie, naka mint green two-piece na bandeau ang top at si Ciacia naman ay naka blue and white one-piece bikini. We look cute in our photos—si Cooper ang kumuha ng lahat ng 'yon dahil hindi naman siya makatanggi kay Zariah.

When we finished taking photos, I wore my extra black and white dolphin shorts and sat on the rocks. Naliligo na sila ngayon sa falls habang ako ay nagdadalawang isip pa kung pupunta at makisali sa kanila. There's something about fresh waters that scares me.

Sinuot ko uli ang shades ko at kumuha ng shole bilang pang takip. Zari kept calling me to join them but I swear, the water itself was creepy. Naiibahan ako sa kulay palang nito!

Solong solo naming ang buong lugar ngayon dahil kay Zariah. She was the one who made this exclusive because she didn't want to be in a crowded place. Napailing nalang ako. Hindi naman buong araw dahil babalik rin kami sa Thunderbird Resort dahil may plano rin mamaya. Bukas pa yata kami iinom sa labas. Sa hotel muna kami ngayon at kami kami lang.

"Why are you sitting there?" ngumiti ako nang umahon si Coby at lumapit sa akin para tabihan ako.

Umiling ako at natawa bahagya nang maisip ang dahilan.

"The water..."

"What about it?" he looked at me with an amused grin on his face. I can tell that he's ready to laugh at me.

"It's creepy," I honestly said. "what if there's a crocodile or alligators?"

Hindi ako nagkamali at tinawanan ako ni Coby nang malakas. Inirapan ko siya kaya mas lalo pa siyang natawa.

"It's safe out here, Chanel. Come on!" he tilted his head and stood up to jump back in the water. Niyakap ko ang binti ko at ipinatong ang ulo sa may tuhod.

"Nope, I'm good."

Umiling siya at bigla siyang binasa ng tubig ni Spade kaya lumangoy siya doon para bumawi. My friends—the girls know that I'm not fond of fresh waters that's why they didn't bother to persuade me.

I saw Psalm look my way until Asher splashed water on him. Nakuha no'n ang atensyon niya at nakisali sa tawanan nila. Ilang beses ko na yata namura ang mga kung anu-anong naiisip ko sa ilalim ng tubig na ito.

Hindi nag tagal ay umahon na rin sila. I decided to put on my tank top but it wasn't enough. Naiwan ko pa yata ang hoodie ko sa van at sobrang lamig na dahil mag gagabi na. I was about to get my backpack from when Psalm took it first. He was wearing a new plain white shirt with a small embroidered logo of a famous brand on his right chest.

I was about to say something when he handed me a hoodie.

"Wear it," simpleng sabi niya.

Napakagat ako ng labi at tumango nalang kasabay ng pagtanggap sa hoodie.

Bumalik na kami sa van at mukhang pagod na ang lahat kaya dumiretso silang lahat sa mga kwarto nila para mag pahinga. Ganoon rin ang ginawa ko habang nakasunod si Psalm sa likod ko.

I was the one who opened our room. Dala dala niya ang sarili niyang duffle bag at ang backpack ko na nakasuot pa rin sa kaniya. When we got inside, he put his duffle bag inside his closet and my backpack on top of the chair near the vanity.

"Thank you," I said. Nilingon niya ako at tinanguan lang.

Hinubad ko ang hoodie at nagdalawang isip pa ako kung ibibigay ko 'yon ng gano'n lang. Hindi naman 'to mabaho dahil hindi naman ako pinagpawisan.

"Here," I said and handed him the hoodie. Bigla ko tuloy naalala 'yung hoodie na binigay niya sa akin nong gabing nag Starbucks kami.

Pumunta ako sa may closet at hinalungkat ang isang bag ko at agad ko rin naman nakita 'yun. Inamoy ko muna dahil nakakahiya naman kung ibabalik ko na mabaho 'to. I wasn't contented so I took my perfume and secretly sprayed two pumps at his hoodie. Tanging ang pinto ng cabinet lang ang nagtatakip sa akin.

I heard him turn the TV on. Tingin ko ay magpapahinga na rin muna siya. Seven pm pa raw kami mag luluto—we decided to barbeque some meat tonight. Dumaan kami kanina sa palengke para bumili habang pabalik dito.

Sinara ko ang pinto ng cabinet at nag lakad tungo sa kaniya habang hawak hawak ang hoodie niyang kulay itim na nakatupi ng maayos.

Nakahiga siya sa kaniyang kama habang nanonood ng Netflix sa TV. Ang bilis naman niya at nakalog in na siya agad. Nilingon ko ang TV at kita kong Prison Break 'yung pinapanood niya. Hinarap ko naman siya uli at ngayon ay nakatingin siya sa akin kaya nilahad ko ang hawak kong hoodie sa kaniya.

"This is yours," I said.

Tumayo siya sa pagkakahiga at bored akong tiningnan. Kinuha niya ang hoodie at nilapag 'yon sa tabi niya.

"Nakalimutan ko ibalik noong gabing 'yon, I'm sorry."

"It's fine." Tumango ako, "When are you going back to Davao?"

"Sunday night," sagot ko.

He nodded, "Alright, you're staying at Costa Grande?"

Kumunot ang noo ko pero tinanguan ko lang siya.

"Why?"

"Nothing," aniya bago humiga uli.

Gusto ko siyang pilitin sagutin kung bakit niya tinatanong ang mga 'yon pero nahihiya akong kulitin siya. Hindi naman kami close pero gusto ko siyang barahin at kulitin pero pinigilan ko ang sarili ko. Bakit baa ng awkward? Hindi naman awkward kung nakikipag usap ako kina Spade at Asher, e.

They're both attractive, too. It's just that they're not that intimidating unlike Psalm. There's something about him that makes me so nervous.

Huminga ako ng malalim at tinalikuran siya para pumunta sa sariling kama at humiga doon. Bandang alas siyete na nang magising ako. Si Psalm, nakaupo sa kaniyang kama at may tina-type sa kaniyang laptop. He's wearing his specs again and I suddenly found myself watching him as he types. Medyo magulo ang buhok niya at dahil hindi naka-ayos ay bumagsak ang buhok niya kaya mukhang may bangs siya na nakagilid lang. Bagay naman 'yon sa kaniya.

Mabuti nalang at makapal ang kumot at nababalot ako nito ng maayos kaya hindi nakikita ni Psalm na gising na ako at pinapanood siya. I sound like a creep.

Tumayo ako sa kama. I tried my best not to look at Psalm even though I felt his gaze at me.

"Good morning to you," I failed myself, I looked at him. He wasn't looking at me anymore since he shifted his gaze back to his laptop but I saw it move back and forth. Gusto ko tuloy tumawa.

"Kanina ka pa gising?" tanong ko.

He didn't look at me, he just nodded. "Nasa balcony sila," he said.

"Bakit wala ka doon?" umupo ako sa kama at hinarap siya. "Hindi ka na dapat nag wait for me."

Gusto kong matawa dahil kitang kita ko kung paano natigil ang kamay niya sa pag type. Alam kong ang kapal ng mukha ko, nahihiya pa rin ako pero ang boring naman kung mababalutan ng lamig na samahan ang kwarto naming. I felt my cheeks heat up to that sudden thought.

Gusto ko lang na maging friends kami kahit papaano para hindi nakakailang. Tuwing kakausapin niya ako tumitiklop ako bigla, e.

"I finished my paper for transferring," he said and closed his laptop. Tumayo siya mula sa kama at nilapag doon ang laptop. Nilingon ko ang table at nakita kong puno 'yon ng make up at kung anu-anong gamit ko.

Nahiya nanaman tuloy ako! I forgot to keep them and set them all aside. Hindi tuloy siya nakagamit ng table. I sighed and looked at him.

"Pupunta ka na ba doon?" tanong ko.

Lumapit siya sa may cabinet at kumuha ng kulay itim na sweatshirt. Bigla niyang hinubad ang suot niyang shirt at kitang kita ko mula dito ang kaniyang likod. He works out, it's obvious. And I guess because he's sporty, too. He's Ateneo basketball's team captain, oo nga pala.

"Oo," he said when he turned around to face me.

I was still sitting there, frozen. I saw a hint of a smile in his face which made me blink a few times. Napatikhim ako at tumayo para ayusin ang buhok ko, not knowing what else to do. Ano ba 'yan, Chanel, ang over ng reaksyon!

"Okay, sige..." I stuttered. Sumandal siya sa may cabinet at nagkrus ang kaniyang braso sa may dibdib.

Naglakad ako tungo sa katabing cabinet kung nasaan ang mga gamit ko. I felt his gaze follow my every move which made me more careful. I feel like one wrong move and he's going to judge my whole existence already.

"You?" natigil ako. He tilted his head at me and watched me over his shoulders.

Pumunta ako sa may vanity sa hindi malamang dahilan. I have no idea what to do next anymore. Bumalik ako sa may cabinet at binuksan ng maayos ang pinto nito para hindi niya makita kung paano ako huminga ng malalim habang pinapakalma ang sarili. Kalma lang, Chanel, si Psalm lang 'yan.

"I'll prepare muna." I said. Kinuha ko nag robe kasabay ng mga pangbihis ko. Simpleng gray cropped hoodie at maong shorts lang ang suot ko. I wore a white criss corss bikini top which perfectly hugged my upper abdomen inside my hoodie. I paired it with a black marble patterned bikini bottom. Ang alam ko mag night swimming kami dahil may private infinity pool itong presidential suite.

Lumabas ako agad pagkatapos ko at malakas pa ang tunog ng travel-sized speaker na hawak hawak ko. Halos mabitawan ko 'yon nang makita si Psalm sa kaniyang kama at may binabasang libro. It was an engineering book again—I know because the title was big enough. Pero mas nagulat ako dahil nandito pa siya.

"Sorry," I said and turned the music off. "Akala ko bumaba ka na."

Tumango siya at sinara ang libro. Hindi ko muna siya pinansin at tumungo muna sa may vanity. My cheeks were redder than usual so I picked up a compact powder. I took my favorite waterproof liner as well, I even filled in a bit of my brows and put on some liptint. I was tempted to look at Psalm if he was looking at me but I didn't want to know.

"Done?" tanong niya nang mapasandal ako sa upuan habang may binabasa sa phone ko.

The girls kept sending messages in our group chat asking about me. Ang dami na nilang sinasabi dahil pareho kami ni Psalm na wala pa sa baba at kami nalang raw ang hinihintay. Malapit na rin daw maluto ang iniihaw nila.

"Yup, let's go." Tumayo ako. Binulsa ko ang phone ko at pinasadahan ng daliri ang buhok.

I was too lazy to fix my hair. Hinayaan ko nalnag 'yon na nakalugay.

"Tayo nalang pala ang hinihintay," I said as we walked downstairs.

Pag baba ay malaking ngisi ang bungad sa aking ng naka cropped floral off shoulder na si Ciacia habang may hawak hawak pang watermelon.

"Took you so long," si Addie. She smiled at me and handed me a plate.

Kinuha ko 'yon at umiling nalang sa kaniya, hindi na pinansin ang nang aasar nilang tingin. Si Psalm nasa kabilang dulo kung nasaan ang mga boys. I don't know what they're talking about but they're laughing so loud. Nag hihiyawan pa sina Asher.

"Close na kayo?" tanong ni Zari. Umiling ako.

"Sakto lang," the three of them nodded slowly.

"Okay, may three days pa naman." Humagikhik si Zari bago nilapag ang huling batch ng barbecue na naluto.

I helped them prepare, not minding their comments at me. I know how bad they want to get rid of Kent that's why they're trying to push me to Psalm.

"He's moving to Davao, I can only imagine the two of you, oh my gosh!" nilingon ko si Ciacia na mukhang kinikilig pa.

"Finally! I mean, he looks like the type of guy who's down to commit naman." Singit pa ni Addie.

"I know, hindi siya mukhang mag se-settle for MU label." Zari winked at me.

"You guys just don't like Kent," I said.

"True, not gonna deny that. But dude, the man got no balls. Ano ba nakita mo sa Kent na 'yon?" umiling iling si Ciacia habang nilalapag ang iilang mga plato.

Nagsilapitan na sina Cooper, Psalm, Asher, Spade at Coby sa amin at nagsimula na rin kaming kumain lahat. Sa 'di kalayuang table, may naka patong doon na mga drinks. Maraming Redbull, Mule, iilang bote ng Cuervo, the bar at Bacardi Gold. Mukhang wala na yatang bukas kung makapagplano ng inuman itong si Zari, e.

Maingay kami kahit kumakain dahil hindi yata nauubusan ng topic. Lalo na sina Coby at Asher. Buong araw sila ang hindi nauubusan ng sasabihin, e. Pero ayos lang din dahil mas masaya naman ang ganoon. Si Spade at Cooper ang mas tahimik at seryoso. Si Psalm minsan nakikisali, minsan seryoso lang.

"Ay naku, basta ang mga ibang lalaki talaga ngayon, masiyadong gago," ani Ciacia habang nag liligpit kami. Tumawa si Coby, kanina pa sila nag dedebate.

Apparently, Asher tried to court a girl but she ghosted him. Pinagtanggol ni Ciacia ang babae dahil una palang daw sinabi ng babae kay Asher na hindi ready mag commit 'yon. Doon na nagsimula ang napakahabang debate nila.

"Kaya ko naman kasi mag hintay, hindi ko naman siya minamadali!" singhal ni Asher.

Tumawa si Ciacia at Addie sa kaniya pati na rin sina Spade na mukhang nagulat sa sinabi ng kaibigan.

"Kadiri ka, Ash." Iling ni Coby.

"Kadiri my ass, kapag kayo na in love," ngumisi si Asher.

Nagsimula na kaming mag inuman. May malaking bean bag at doon umupo si Asher at Spade. May isa pa sa kabilang side at doon si Cooper at Zari habang kami ni Ciacia at Addie ay nandito sa mahabang couch. Si Psalm namna solo ang isang single sofa na nasa tabi ko. May harang naman na arm rest doon sa amin dalawa. Si Coby sa isang single sofa pero sa kabilang side, katabi ni Addie.

Sa mababang coffee table, doon nakapatong ang mga inumin. Pumasok pa sa loob si Asher at may kinuha. Pagbalik ay napareklamo kaming mga babae dahil sa dalang Bacardi 151. May surpresang Jager rin na baon si Coby.

"Hindi ako iinom niyan!" agad na sabi ni Zari.

Tumawa sina Asher at nagsimulang buksan ang Cuervo. It's our usual pre game drink.

"Balita ko ito 'yung ininom niya noong party niyo, Zari." Tawa ni Coby habang tinuturo ang 151.

"Tamang suka lang 'yang dalawa diyan sa CR, e." singit naman ni Coby at humagalpak sila sa tawa ni Cooper.

Nilingon ko si Addie at Ciacia na siyang tinutukoy ni Coby.

"Fuck you, Cob!" mura ni Addie sa katabi.

"Tingnan mo," tumawa pa si Coby lalo. "Welcome rin, girls."

"'Yung isa nga diyan nawala bigla, e." nilingon ko si Zari na nakangisi sa akin.

Kanina pa ako nananahimik dito dahil ayaw kong makita nila ako.

"Grabe, ganoon ata epekto ng 151 at nawawala bigla ang mga tao." Tumango tango pa si Asher.

"May alam ka ba, Ash?" tanong ni Spade at nilagok ang shot gloss na may Cuervo.

"Hula ko lang," sagot nito.

Kinakabahan akong lumingon kay Psalm na katabi ko. 'Yung dulo lang ng arm rest naming ang nagmemeet dahil medyo pa circle ang porma ng mga inuupuan naming ngayon. Kita kong nakasandal ang kabilang siko niya sa arm rest at ang daliri niya ay nasa labi niya.

"Sino ba?" tanong ni Spade.

I felt my cheeks heat up. I don't remember telling my friends exactly what happened but for sure my drunk self told Kuya Maverick about all of it that night when he took me home to our hotel and he probably told them. Hay nako, Kuya Maverick!

"'Yung na-late yata," nagpanggap pa si Ciacia na parang nag iisip kaya nilingon ko siya at siniko kaya napa aray ito. They just laughed at us.

"Saan kaya nagpunta?" this time, it was Addie who acted as if she's thinking. She crossed her arms in front of his chest and looked at me. Tinaasan niya ako ng kilay kaya inirapan ko siya.

"Gago," I mouthed.

Baka mamay isipin ni Psalm na kinwento ko bawat detalye sa kanila, e.

"Basta Kuya Said, dami niyang sinabi. Kinikilig pa raw dahil ang gwapo ng tumulong."

It was a very wrong move but I immediately covered Ciacia's mouth beside me. They all laughed and I felt my cheeks heat up. Gosh, nakakahiya! When I turned to look at Psalm, he was just looking at me seriously. Sana tumawa ka nalang, diyos ko, mas nakakakaba 'yang tingin mong ganiyan!

"I'll get ice," tumayo ako at kinuha ang ice bucket. Hindi ko na sila hinintay magsalita at pumasok ako sa loob para kumuha ng ice sa kusina.

Dali dali akong naglakad. Sumandal ako sa kitchen counter nang makarating doon at napahilamos sa mukha. Ginula ko ang buhok ko at napaupo nalang. I really wonder what he thinks right now but at the same time I don't want to know!

Napatayo ako when I heard footsteps. Nanlaki ang mata ko nang makita si Psalm papasok ng kusina. Umupo siya sa isa sa mga stool doon at kumuha ng apple.

"U-uh," napalunok ako. Hindi niya ako tiningnan at hinugasan lang ang apple doon sa sink sa may counter.

"Sorry about that," I said. "Nakapagkwento yata ako kay Kuya Maverick, 'yung Kuya ni Ciacia na siyang naghatid sa akin noong gabing 'yon. He was the one who took me home and I was drunk, I didn't know what I was saying. And I didn't know he told Ciacia probably, or she asked about it—"

Napatigil ako.

He smiled and looked at me.

"I think we should refrain from apologizing to each other," aniya.

"Huh?"

I blinked a few times, trying to process what he just said. Hindi ako mahiyain, hindi ako madaling mautal pero ibang iba talaga ang enerhiyang nakapalibot sa kaniya at hindi ko maiwasang hindi tumiklop.

Ngumiti siya sa akin at nilapag ang apple.

"It's fine, don't worry. It's cute," nalaglag ang panga ko.

Cute? Ang alin?

"Huh?"

He chuckled. "Wala, tara na. Let's go back outside."

Tumango ako. I was about to go but I remembered the ice bucket.

"Nakalimutan ko," lumapit ako sa ref. "I was gonna get ice."

Sumandal siya sa may door frame at pinanood ako habang kumukuha ng ice. He offered to help but I finished doing it already. Marami naming ice dito at mukhang prepared nga sila para sa inumang ito.

May mga red cups din na nakapatong sa counter at chips.

"Can you bring this?" tanong ko kay Psalm at binigay ang ice bucket na kinuha niya rin agad.

"I'll bring the chips."

Tumango siya. Kumuha rin siya ng iilang bag ng chips at tinulungan akong magbitbit. May dalawa siyang dalang malalaking Cheetos, at apat na iba't ibang klaseng chips naman ang dala ko.

Paglabas naming ay puro kantyaw na agad sila.

"Tapos na?" tanong ni Zari.

Nilapag ko ang mga dala ko sa table at minura siya kaya natawa lang sila.

"Tara laro," ani Coby.

Nag simula ang larong truth or dare. Hindi naman talaga 'to mawawala sa ganitong inuman, e. Malakas ang music at hiyawan naming buong gabi at nagtataka ako kung may malapit na suites ba sa amin na naiingayan.

"Walang tao diyan, probably. Baka nag party outside? They're a group of friends din like us." Zari assured.

"Bukas may party raw sa may beach kaya doon tayo," ani Ciacia.

"Paramihan guys, Chanel?" ngisi ni Addie.

Naghiyawan sila. Nilingon ko si Addie na nakataas ang kilay at hinihintay ang sagot ko.

"Parang noong isang gabi, ayaw mo." I said.

"Hindi ko sinabing ayaw ko, 'no," sagot niya. "Wala pa kasi akong tama no'n, Sis. We need liquid courage."

"Game na 'yan, Chanel! Pupusta ako sa 'yo." Ngisi ng pinsan kong si Zari.

"Sige, ako kay Addie!" singit naman ni Ciacia.

"Girls can be wild, too," tumawa pa si Cooper habang naka akbay kay Zariah. Umiling iling ako at nilagok ang isang shot. 'Yun na ang huling shot ng Cuervo. Ang jager ay ubos na rin so I guess it's time for the 151. Fuck.

"Ayaw mo ba, Chan? Hindi naman kayo ni Kent, e. You're technically single." Pagpumilit pa ni Addie kaya nanlaki ang mata ko.

"Uy, sino si Kent?" tanong ni Coby.

"'Yung lalaking lulubog lilitaw sa buhay ni Chanel. Hindi niya boyfriend, don't worry. We're not going to let her cheat if they're together." Sagot ni Zari.

I slowly looked at the man beside me who's been quiet the whole time. Wala siyang reaksyon. He was softly shaking the shot glass before drinking a small shot of 151. Nagtama ang tingin namin nang ibaba niya 'yon.

"Ayoko, pass." I said without looking at my friends.

Hindi ko alam kung tipsy lang ba ako pero nakita ko yata umangat ang gilid ng labi niya.

"Boo," they all said.

"May magagalit ba? Wala naming pake si Kent, e." Minsan gusto ko nalang sapakin si Ciacia dahil kung anu-ano na lumalabas sa bibig niya. Pati na rin si Addie at Zariah.

"Baka hindi si Kent!" humagikhik si Addie. She's drunk, that's obvious.

"Ha? Sino? Mas'yadong masikreto 'yang si Chanel!" Ciacia pouted and crossed her arms. "Hindi talaga siya mahilig mag kwento, kainis!"

They're drunk.

"Okay, back to the game na!" singit ni Spade.

Nakalimutan kong naglalaro pa pala kami. Marami na nangyari bago pa siningit ni Addie 'yung challenge sa akin. Nakapag body shot na si Zari kay Cooper. Si Addie at Coby nakapag five seconds walang malisya na. Ngayong naglaro uli ay mas naging wild sila!

Asher made Spade post a feet picture with the caption 'For Sale, PM is the key.' And everyone retweeted it. Halos mamatay ako sa tawa dahil may mga nag reply. I felt my face starting to get numb. Dinahandahan naming ang 151 at sinimulan ang Bacardi Gold para naman hindi kami mamatay agad dahil mag aalas dose palang.

"Hoy, ayan, si Psalm na!" sumayaw sayaw pa si Asher sa tuwa nang tumutok kay Psalm ang bote. Kanina pa kasi siya hindi natuturo.

"Si Chanel nalang hindi pa natuturo," tiningnan ako ni Zari at nginisihan. Kung anu-ano nanaman ang binabalak ng pinsan ko sa mga tingin niya palang ay halata nang mayroon!

"Shh! Truth or Dare, Psalm?" pinatahimik ni Coby ang lahat.

"Truth," he simply answered. Mukhang matino pa siya! Sobrang kalmado niya habang lahat kami dito ay mukhang wasak na, e. Sila nalang yata ni Cooper ang matino pa.

"Crush ko si Chanel," simula nito.

Natahimik kami. Kinabahan ako bigla sa sinabi niya—ano daw?

"Bobo, ikaw ba nag truth? Bakit ikaw umamin?" singit ni Asher bago sumipsip sa lemon. Tinuro niya pa si Coby.

Nilingon ko si Psalm na nakatingin sa nakatayong si Coby habang hawak ang shot glass. He looked like he's trying so hard to stand properly, medyo napapasayaw na ito sa kalasingan, e, at hindi na makatayo ng maayos.

"Hindi, ang sinasabi ko lang. Psalm," tawag niya sa kaibigan. I saw Psalm look at me for a bit then back at Coby. Pinatong niya ang siko magkabilaang arm rest. My hand was resting on my arm rest and his elbows touched it. Napaatras tuloy ang kamay ko.

"Ano?" tanong nito kay Coby.

"Gusto mo ba si Chanel?"

Kung may iniinom ako, siguradong maibubuga ko na 'yon dahil sa gulat. Kahit tinamaan na ako ay gusto kong sapakin si Coby. Ano ba naming tanong 'yan!

"Anong klaseng tanong 'yan," umiling si Asher. "Pang baby."

"What about it, Coby?" sagot ni Psalm.

"Amp—tama ba 'yon! Sinagot ang tanong ko ng tanong," tumawa si Coby.

Hindi ko na alam anong nangyayari. It was hard enough to keep up to their game because I was getting so wasted. Sobrang dami ko nang nainom ngayong gabi. Idagdag pa 'yong 151 na demonyo.

"What if I do?" seryosong sabi ni Psalm. 

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...