ELAINE'S POV
Natapos na ang klase namin at nag paalam narin ako kina sam at Jane na mauuna na ako. Nagulat ako ng habang patungo sana ako para makipag kita kay Timothy ay nakita ko si Axel. Nagkatinginan kami saglit ni Axel pero inalis ko kaagad ang tingin. Pansin ko pang nakatitig pa sakin si Axel, pero hindi ko nalang to pinansin at nagtuloy tuloy lang as paglalakad hangang malampasan Ito.
"Elaine." Rinig ko pang Sabi niya pero hindi ko Ito pinansin at nag tuloy tuloy lang. Kaya mo to elaine! Sabi ko sa sarili ko. Hindi mo siya kailangan at marami pang Lalake sa Mundo hindi lang siya.
~ ~ ~
Lumipas na ng ilang buwan at Christmas Break na namin. Nagtuloy tuloy lang ang pag iwas ko kay axel nung una ay sinubukan pa niyang makipag usap pero hindi ko siya pinansin. Sa huli ay Sumuko nalang siya at nagtuloy ang iwasan naming dalawa, Kahit minsan na magkita kami dahil sa magulang namin ay hindi parin kami nag papansinan. Minsan ay napapapunta pa ako sa Bahay nila axel dahil nakikipag laro ako sa Nakakabatang kapatid niya, pag nakikita niya ako dun ay Either umaalis to ng bahay or Hindi lumalabas ng kwarto. Kaming dalawa naman ni Timothy ay Mas naging close pa kami, minsan dito na nga siya sa bahay natutulog Eh, parang naging kwarto narin niya yung guest room. Tapos palagi rin kaming lumalabas nila Tim, Sam, Jane at Harrison, Pansin ko nga parang May something si Jane at Harrison eh pero Ewan ko.
"Elaine Bumaba ka na dito at nakahanda na yung Dinner natin." Sigaw ni mama kaya tumungo na ako sa baba. Pagpasok ko ng kusina ay andun na si dad na mukhang gutom na gutom na. Tumungo na ako sa upuan ko at umupo na dun.
"Ay oo nga pala Elaine May Pupuntahan pala tayo ng 1 week sa tagaytay sa Monday hangang Sunday next week." Sabi ni papa nung nakaupo na ako. Nagulat naman ako dito kasi hindi man lang nila ako sinabihan kaagad Eh dalawang araw nalang Monday na.
"Pa bat ngayon mo lang sinabe?!" Natarantang Sabi ko.
"Ahhhhh kwan kasi ummmm Surpise." Sagot ni papa.
"Surpise ba talaga or na kalimutan mo lang akong sabihin?"
"Both , hehhehe." Natatawang sabi ni papa.
"Eh sino ba kasama natin?" Takang Tanong ko.
"Si ———-" bago pa matuloy ni papa ang sasabihin ay biglang nag ring yung doorbell namin.
"Sino naman yan? Gabing gabi na ah." Sabi ko pa. Tumungo naman na si Mom para buksan ang pinto kaya binalik ko kay Dad ang tingin. "So sino nga kasama natin."
"Ako." Biglang sabi ng isang pamilyar na boses pag talikod ko ay nakita ko si Timothy na nakangiti sakin.
"Tim!?" Natarantang Sabi ko.
"Yan si Timothy kasama natin dito sa Christmas Vacation natin." Sabi ni dad
"Oh sige na mamaya mo na Dalihin yang gamit mo sa kwarto at mag dinner ka muna." Sabi ni mama. Iniwan muna ni Tim yung gamit niya sa living room bago bumalik sa Dinning room at umupo.
"oo nga pala." Biglang sabi ni Dad
"Ano yun pa?"
"Kasama rin natin yung family Axel." Sagulat ay napatingin kami ni Timothy Sa isat isa. Bakit sa lahat ng pamilya ang pwede namin makasama Eh yung kay Axel paaaaaa. Ganda na sana ng vacation nung kaming dalawa lang ni Timothy Eh sumali pa si Axel. Sobrang natataranta na ako. Kalma Ela, Kalma. Sabi ko sa sarili ko.
"Bakit kasama sila Dad?!" Natataratang Tanong ko.
"Matagal na natin kaibigan ang Family nila, kaya naisipan kong mag vacation kasama sila. Parang dati lang tuwing summer pero ngayon Christmas break naman." Pagpapaliwanag ni Dad.
"Ahhhh." Wala naman kaming magagawa ni Timothy, kaya kumain nalang kami at nakipagkwentuhan. Pagkatapos nito ay Pumunta pa kami dun sa kwarto ni Tim at nag kwentuhan pa komti, bago tuluyan akong inantok kaya bumalik na ako sa kwarto.
~ ~ ~
Pagkagising ko ay naligo na ako at nagpalit bago tuluyang bumaba na. Nakita ko naman si Dad at Timothy na nagkwekwentuhan sa Living room.
"Good morning,"
"Morning. " sagot naman nila.
"Himala nagising ka na!" Pang asar naman ni Timothy.
"Oh sige na mag breakfast ka dun at tapos na kami." Sabi ni Dad kaya pumunta na ako sa dinning Hall at umupo na.
"Oh nagising ka narin Ela." Sabi ni mama.
"Heheheh. Late na Kasi ako nakatulog kagabi eh."
"Ahhhh. Oh sige kumain ka na."
Nag kwentuhan naman kami ni mama mahabang kumakain ako at nag cocoffee naman siya. Habang nag kwekwentuhan ay biglang nag ring phone ko, nakita ko namang si Sam yung tumatawag kaya sinagot ko kaagad,
"Hello?"
"Ela."
"Oh Sam Bakit ka Napa tawag?"
"Labas tayo mamaya nila Jane, Harrison at Timothy, kasi Sabi ni Tim Eh aalis daw kayo ng one week."
"Ahhhh wait paalam lang ako." Tumingin naman ako kay mama. "Ma nagyayaya si Sam na labas daw kami mamaya."
"Sige basta wag kayo masyado late umuwi at maaga tayo bukas."
"Sige ma." Sabi ko naman. "Hello Sam Sige, Eh Anong oras ba?"
"Mga 2 kita kita na tayo."
"Sige sige."
"Ok cya later." Sabi ni sam at pinatay na yung phone. Nagpatuloy naman na ako sa pagkain at pagkatapos tumungo na sa Living room.
"Tim, Labas daw tayo mamayang 2 nila Sam, Jane at Harrison." Sabi ko sakanya.
"Sige."
~ ~ ~
Kakadating lang namin ni Timothy sa Mall at patungo na kami sa Meeting place. Pagdating naman dun ay nandun na sina Sam, Jane at Harrison.
"Soo anong gagawin natin?" Tanong ko naman.
"Nood tayo movie." Suggest naman ni Jane.
"Pwede." Sabi ni sam
"Sige G." Sabi naman ni Timothy
"Anong papanoorin?" Tanong ni Harrison
"Tingin tayo." Sabi ko naman. Tumungo naman na kami sa cinema at tinignan ang mga pinapalabas na movies.
"Ito nalang oh." Sabi ko.
"Ano yan?"
"Romance movie."
"Sige yan nalang." Sabi ni Sam
"Boring yan." Sabi ni Timothy
"Oo nga." Pag Sang ayon naman ni Harrison. Lumapit naman ako kay Timothy.
"Baka gusto mo yung horror nalang." Bulong ko sakanya. Biglang parang nanigas naman siya.
"Ay Oo ok na siguro yan." Biglang sabi ni Timothy na ikinagulat ni Harrison.
"Taksil." Sabi ni Harrison kay Timothy.
"Sige na Harrison pumayag kana, May konting action naman yan eh." Malambing na Sabi ni Jane.
"Sige na nga." Pag payag ni Harrison, tss si Jane lang pala katapat Eh.
"Sige bili na tayo tickets at Food." Sabi ni Sam
~ ~ ~
Bumili na kami ng tickets at foods at tumungo na paloob ng cinema. Medyo mataas yung pinili naming upuan kasi dun nalang yung May kasyang limang tao pero gitna parin. Ang Pwesto namin ay. Timothy, Ako, Sam, Elaine, Harrison.
"Ako talaga gitna no, porket kayong dalawa tong May kasamang ka date." Sabi ni Sam na natawa naman kami.
"Bat kasi hindi mo Tinawagan si Jerome." Pang asar ko naman sakanya. Kasi pansin ko ring palagi sila nag aasaran ni Jerome Eh. Sa totoo lang bagay nga sila Eh.
"Tumahimik ka nga Elaine." Inis na Sabi ni Sam.
"Chill lang Sam, oo nga pala Bukas na Alis niyo dun sa Christmas trip niyo diba?"
"Oo, pero hindi ako gaano excited." Sagot ko naman.
"Bakit naman?" Takang Tanong ni Harrison.
"Kasama kasi namin Family ni Axel at swempre Siya." Pagpapaliwanag ko naman.
"Ha Bakit kasama sila?"
"Sa totoo lang paminsan minsan din kasi pag bakasyon eh nag tratravel family namin together, pero ngayon yung first time na Christmas Break nangyare."
"Ahhh."
"Speaking of the Devil." Biglang sabi ni Sam.
"Bakit?"
"Dun oh." Turo ni sam sa pinto papasok sa cinema. Tumingin naman kaming lahat dun at nagulat nang nakita sina Axel at Kiara na magkasama. Ang swerte naman namin Bwisit!!! Tumungo naman na si Axel at Kiara sa upuan nila na limang lane sa harap namin pero kitang kita parin namin sila. Hindi nila kami napansin kasi dumilim narin sa cinema. Nag kwentuhan pa kami Konti ng Biglang nag umpisa na yung movie kaya nanood na kami.
~ ~ ~
Isang oras na simula nung nagumpisa yung Movie at medyo Dramatic tong scene. Napatingin naman ako Kina Axel at Kiara at nakita kong Inakbayan ni Axel si Kiara at sinandal naman ni Kiara ang ulo niya sa braso ni Axel. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam parin ako ng pagseselos. Siguro hindi pa talaga ako 100% na naka move on kay Axel. Nakaramdam ako ng Malamin na lungkot at parang maluluha na ako. Hangang ngayon pa naman puso mahal mo parin siya tss. Bigla namang May humawak sa kaliwa kong Kamay at si Timothy iyon.
"Wag mo nalang pansinin, at hayaan mo na sila. Tandaan mo hindi ka niya deserve Ela." Bulong ni Tim sakin.
"Salamat." Sabi ko sakanya at ngumiti naman siya. Nagtuloy tuloy ang movie at parang inantok ako. At bigla akong napasandal sa Braso ni Tim pero bumangon ako kaagad. Narinig ko namang tumawa to ng mahina. Maya Maya ay naramdaman ko ang Kamay niya sa ulo ko at sinandal nito ang ulo ko sa braso niya.
"Sumandal at matulog ka lang pag gusto mo. Wag kang mag alala gigisingin kita pag tapos na." Sabi niya sakin. Napangiti naman ako at sumandal nalang ako sakanya hangang natapos na yung movie. Pagkatapos ng movie ay Nag shopping shopping muna kami bago kumain at umuwi na. Pagdating namin sa bahay ay nagpark na si Tim at bumaba na kami sa sasakyan. Nagulat ako ng nakita na kakadating lang rin ni Axel at kakababa lang nito sa sasakyan niya. Nakita kami nito at nakita ko pang ngumisi Ito bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila...
TO BE CONTINUED...
[Ano kayang mangyayare sa Christmas Vacation nila sa Tagaytay?]
(SALAMAT PO ULIT SA LAHAT NG PATULOY NA NAGBABASA AT SUMUSUPPORTA SA STORY. MARAMING SALAMAT PO.)
VOTE
COMMENT
SHARE