The Billionaire's Secret | Pu...

נכתב על ידי iamJonquil

2.3M 57.9K 9.3K

#2 in Romance [ Highest Ranking in Romance Genre 07.11.20 ] A ROMANCE STORY WRITTEN BY JONQUIL עוד

The Billionaire's Secret
Teaser
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
TBS | Special Chapter
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
AUTHOR'S NOTE
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
The Billionaire's Secret | Book 2
Soon To Be Publish under LIFEBOOKS
Buy your copy of THE BILLIONAIRE'S SECRET.
The Billionaire's Secret COMPLETED

Chapter 17

45.7K 1.3K 150
נכתב על ידי iamJonquil

PAHINAMAD pa si Zafrina nang bumangon sa kama. Halos hindi pa niya maimulat ang mga mata dahil sa sobrang antok. Alas nuebe na rin nang magising siya. Pero hayon at antok na antok pa rin ang kanyang pakiramdam dahil hindi agad siya dinalaw ng antok kagabi. Hindi siya pinatulog ng ginawang paghalik sa kanya ni Sovereign. Kung para saan ba iyon?

Napabuntong-hininga siya bago bumaba na sa kama at hinayon ang banyo habang medyo nakapikit pa rin ang mga mata. Sigurado siyang nasa opisina na si Sovereign nang ganoong oras. Lalo na at araw ng Lunes. Nang buksan niya ang nakapinid na pinto ng banyo ay muli niyang ipinikit ang mga matang bahagya lang na nakamulat. Agad din niyang hinubad ang suot na pambaba niyang pajama nang maisara ang pinto.

"Hey!" apila nang isang boses nang akmang huhubarin ni Zafrina ang pang-itaas na damit.

Bigla ay tila binuhusan nang malamig na tubig si Zafrina nang tuluyang magising ang diwa sa narinig na boses na iyon. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Nakatatlong kurap pa siya bago luminaw sa paningin niya ang lalaking nakatayo sa harapan niya.

Naibaba niya ang kamay na nakahawak sa laylayan ng damit niya na umabot sa wala pang kalahati ng hita niya. Pakiramdam niya ay namutla pa siya sa kinatatayuan nang makita si Sovereign na tanging brief lang ang suot na saplot sa katawan.

Hindi niya napigilan ang sarili na mapatili dahil sa nakitang halos hubad nitong katawan. Napailing pa si Sovereign na ipinagpatuloy ang pagtutuyo ng buhok nito gamit ang puting towel.

"Mind you, ikaw ang pumasok na lang bigla. So, 'wag kang mag-expect na ako ang mag-a-adjust sa ating dalawa," sabi pa ni Sovereign.

Nanginginig ang mga kamay na nailagay niya iyon sa bibig niya. Pumikit siya nang mariin para hindi makita ang tanawing iyon. Bakit pakiramdam niya ay sobrang nagkasala siya ngayong umaga?

"H-Hindi ko alam na may tao rito." Lord, please, paki-erase sa memory ko 'yong nakita ko kanina. Noong naka-boxer nga ito ay halos maeskandalo na ang mga mata niya. Ito pa kayang naka-brief lang ito? Nakagat pa niya ang ibabang-labi nang maisip na lantad na lantad ang legs niya rito dahil hinubad niya ang pajama bottom niya. Sa susunod hindi na talaga siya basta papasok sa banyo na halos antok pa ang buong diwa. Pahamak masyado.

"No wonder, first time mo ring makakita ng ganito kakisig na katawan," tudyo pa nito. "Perks of being a firs timer."

"Sovereign, please, lumabas ka na."

"Nauna ako sa iyo rito."

Napalunok na naman siya. "Okay. Ako na ang lalabas. A-Ano ba?" asik niya nang hawakan nito ang mga braso niya. Lalong nanlambot ang pakiramdam ni Zafrina. Nananadya pa talaga itong si Sovereign dahil nilapitan pa talaga siya. Umatras siya ngunit pinto na ang nasa likuran niya. Hindi naman niya magawang imulat ang mga mata dahil ayaw niyang mas maeskadalong lalo sa maaaring makita.

Napangiting lalo si Sovereign nang makita ang reaksiyon niya. "Zafrina."

Hindi pa rin niya iminulat ang mga mata. Pati paghinga niya ay halos mapigilan niya. Nanunuot ang mabangong amoy ni Sovereign sa kanyang ilong na nagpapalambot lalo sa sistema ni Zafrina.

Isang titig pa kay Zafrina bago ito dinala ni Sovereign sa may gilid. "Lalabas na ako." Iyon lang at binuksan na nito ang pinto sa banyo.

Unti-unting iminulat ni Zafrina ang mga mata nang marinig ang pagbukas at sara ng pinto. Wala na nga sa loob ng banyo si Sovereign. Saka lang nakahinga ang dalaga.

"Jesus," naiusal pa niya nang sumandal siya sa may pader. Malay ba niya na naroon pa si Sovereign nang ganoong oras? Buong akala niya ay nasa kumpanya na ito.

Nasapo niya ang dibdib na ang bilis ng kabog. Iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng lalaking nakasuot lang ng brief at lantad na lantad ang kakisigan ng katawan sa harapan niya. Napalunok pa siya nang maalala iyon.

Napaawang ang bibig niya nang mayukuan ang sarili na walang suot na pajama bottom. Mariin siyang napapikit. At ano naman kaya ang iniisip sa kanya ni Sovereign?

Matapos maligo ay agad din siyang lumabas sa banyo. Nakasuot lang siya ng roba at walang ni isang saplot na panloob. Nasa walk-in cabinet ni Sovereign ang mga gamit niya.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang makita si Sovereign na nakaupo sa may couch. Bihis na rin ito. Napatingin din ito sa kanya. Pagkabukas sa pinto ng walk-in cabinet ay mabilis siya roong pumasok. Ni-lock pa niya ang pinto bago kumuha ng mga damit niya at nagbihis.

Napili niya ang cute na chiffon floral mini dress na nabili pa niya sa boutique sa Alager. Nude ang kulay niyon na umabot ang haba hanggang sa may medyo lampas ng kanyang tuhod. Tinirnuhan niya iyon ng flat na jelly shoes na transparent ang kulay.

Nang maayos na ang sarili niya at ipasya ng lumabas sa walk-in cabinet ay halos titigan na lang niya ang hawak na door knob. Hindi niya magawang pihitin pabukas. Dahil natitiyak niya na makikita niya sa labas si Sovereign. Napalunok siya. Bakit ba kailangan niyang mailang?

Hindi dapat makita ni Sovereign na nakakaramdam na siya ng pagkailang dito. Purely business, Zafrina! Pakatandaan mo 'yan dahil iyon ang dahilan kaya ka nasa poder niya ngayon.

Huminga muna siya nang malalim bago lakas-loob nang lumabas doon. Nang ilibot niya ang tingin sa loob ng silid ay nakita niyang nakaupo na sa may lamesa na malapit sa may terrace si Sovereign. May umuusok ding pagkain sa lamesa. Abala ang binata sa pagdutdot sa screen ng cellphone nito. Mukhang doon sila mag-aalmusal.

Natigilan siya. Hindi pa rin ito kumakain?

Sinikap niyang gawing kaswal ang lahat-lahat sa kanya. Tumikhim siya nang makalapit dito. Hindi ito nakasuot ng pang-opisina nito. Kumunot tuloy ang kanyang noo.

"Hindi ka ba papasok ngayon?"

Saka lang nag-angat ng tingin si Sovereign sa kanya. Humagod pa ang tingin nito sa kabuuan niya bago itinuon ang tingin sa mukha niya. "Naka-leave ako," anito na tumayo muna para ipaghila siya ng mauupuan sa tapat nito.

"Bakit?" taka niyang tanong nang makaupo. "I mean. Bakit ka nag-leave?"

Bumalik muna sa pagkakaupo si Sovereign bago sinagot ang tanong niya. "Dahil kailangan. Mag-stay tayo sa Leisure Club. Maybe six days."

Imbes na matuwa sa sinabi nito ay kabaligtaran ang naging reaksiyon niya. "Sovereign, hindi ako puwede sa ganoong lugar," mariin niyang apila.

"Kung ibang babae ka lang, siguradong magtatatalon ka pa sa tuwa. Knowing na makakapasok ka sa Leisure Club."

"Alam mong ayaw kong ma-expose sa labas."

"Zafrina, one of the safest place ang Club para sa iyo. Walang mangangahas na maglabas ng inpormasyon mo mula sa loob kung 'yon ang iniisip mo. Do you think na gusto rin kitang dalhin doon? Kung ako lang, ayaw ko."

Hindi agad siya nakaimik sa sinabi nito. Ibig sabihin ay wala talaga itong balak na dalhin siya roon? Napipilitan lang ito dahil alam na sa Club na nag-asawa na ito at no choice na rin ito kundi ang dalhin siya roon. Nagbaba siya ng tingin sa nakahaing pagkain sa lamesa.

Ano ba'ng dapat niyang asahan? Para lang sa mga siniseryosong babae ang lugar na iyon. At hindi naman 'sila' ni Sovereign para nga naman dalhin siya nito roon ng bukal sa loob nito. Dito na rin nanggaling na kung ito lang ay ayaw siya nitong dalhin doon.

Pero bakit ang sakit sa pakiramdam?

"Zafrina, don't get me wrong," mabilis na bawi ni Sovereign sa huling sinabi nito nang mapansin ang reaksiyon sa mukha niya. "It's just that..." bumuntong-hininga ito. "Ayaw ko lang na makita ka ng mga ka-member ko."

Nagsandok na siya ng kanin at nilagyan ang pinggan niya. "Bakit?" Ito naman ang hindi nagsalita kaya napatingin dito si Zafrina.

"Masyadong makukulit ang ilan sa kanila. You won't like it."

Iyon nga kaya ang totoong dahilan? Ibinalik niya ang tingin sa hapagkainan. Naglagay naman siya ng bacon at itlog sa pinggan niya. "Puwede naman na hindi mo na ako isama."

"Kung puwede nga lang, why not?" Nagsandok na rin ito ng kanin mula sa serving bowl at inilagay sa pinggan nito. "Mamayang hapon tayo pupunta roon."

Mukha namang wala na rin siyang ibang pagpipilian pa kagaya nito. "Okay," tipid niyang sagot.

Isa sa ipinagpasalamat niya ay ang hindi na pagbanggit pa ni Sovereign tungkol sa nangyari kanina sa banyo.

המשך קריאה

You'll Also Like

393K 9.9K 39
(Completed) WARNING: SPG | Mature Content |R-18| "Alam mong hindi puwedeng mahalin pero minahal mo pa rin. Alam mong maraming tutol sa inyo sa huli p...
5.3M 56.9K 44
Dahil baon sa utang ang kompanya at pagpapakamatay ng ama ay walang nagawa si Griselda kung 'di pumayag na ikasal kay Alexander, ang panganay na anak...
5.9M 112K 32
COMPLETED || General Fiction || Light Romance || Mature Cover by: xxsleep_addictxx -- WARNING! TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS ARE PRESENT IN THIS STOR...
15.2M 292K 58
Kung sa panahon ngayon ay napakahalaga ng pera. Maniniwala ka bang maaring kapalit ng milyong milyong piso ay ang buhay ng isang tao? But it's possi...