Plumeria [COMPLETED]

HasmineYasmine

2.2K 1.6K 11

Ang totoong pag-ibig ay maihahalintulad sa bulaklak ng Plumeria. Magsisimula sa isang binhi, magkaka-ugat, tu... Еще

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30

Kabanata 5

116 94 1
HasmineYasmine

Nandito kaming lahat sa labas ng mansion. Napag-usapan daw kasi nina Nanay Felly at Ate Marcel na mamasyal. May magandang lugar daw doon sa may malapit, para naman daw hindi kami mabagot dito.

Hinihintay lang namin ang maghahatid sa amin sa lugar na sinasabi ni Nanay Felly.

"Abby, bilisan mo na. Ikaw na lang ang hinihintay namin dito" sigaw ni Ate Marcel sa labas dahil hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas si Abby. Masyadong matagal talaga itong mag-ayos. Teenager nga naman ngayon.

"Hayaan mo na Ate. May pinagagandahan lang 'yon" sabay siko ko kay Eduard na abala sa pag-asikaso ng mga bag na dadalhin namin. Napakamot na lang ito sa ulo.

"Bakit ba kasi tayo aalis pa?! Ang init-init oh?" palabas na pagmamaktol ni Abby na nakajacket?

At ang dami-dami nitong dalang bag. Nakakawindang naman ang babaeng to!

"Abby, Seriously? You are wearing a jacket, malamang maiinitan ka ng sobra!" pagtataray ko dito. Agad naman siyang sinalubong ni Eduard at kinuha ang mga dalang bag.

"Tapos look oh, parang dala mo na lahat ng gamit mo. Uuwi rin tayo. My God" dagdag ko sa mga sinabi.

"Hayaan mo na, Ellie. Halika dito, Abby kay Ate" suyo ni Ate Marcel sa bunsong kapatid.

Lumapit naman ito at hinawakan sa kamay ang Ate.

"Mga iha, nandito na si Alex. Siya ang maghahatid sa inyo doon sa sinasabi kong lugar" papalapit sa amin si Nanay Felly habang kasama ang lalaking ipinapakilala niya.

"Oh sya! sya! Sakay na kayo para makarating kayo agad doon" Nilagay na rin ni Eduard ang mga gamit na dadalhin sa likod ng van. Kasama rin namin siya para maging tour guide, pinayagan na rin naman kasi siya ni Nanay Felly.

"Mag-iingat kayo" kaway sa amin ni Nanay habang papa-andar na ang sasakyan.

"Ilang oras po ba ang byahe, Manong Alex?" tanong ko kay Manong. Napatingin naman ito sa akin.

"Isa't kalahating oras po Ma'am." Panay ang titig nito sa akin. Ako kasi ang katabi niya dito sa loob ng van at nasa likod sina Ate. Mas pinipili ko talagang dito pumwesto dahil madali akong mahilo.

"May dumi po ba ako sa mukha?" sabay hawak ko sa aking mukha at tingin sa salamin sa unahan.

"Wala po, Ma'am. Sobrang kamukhang-kamukha niyo lang po ang Lola Cecilia ninyo. Pasensya na po" napakunot ang noo ko sa sinabi ni Manong Alex. Marami rin ang nakapagsabi sa akin 'non. Sa aming tatlo raw, ako ang pinakahawig ni lola.

"Ahh si Lola po. Marami nga pong nagsasabi niyan" sagot ko kay Manong

"Tsaka h'wag na po ninyo akong tawagin na "Ma'am". Nakakatanda po ehh. Ellie na lang po"

Tumango ito at ngumisi.

"Yan naman po si Ate Marcel" pagpapakilala ko kay ate na busy kumain ng chips.

"Hello po" kumaway ito at ngumiti

"At si Abby po, bunso naming kapatid. Siguro naman po ay kilala niyo na si Eduard?" sabay tawa ko kay Manong.

"Oo naman po. Di ba Eduard?" tumingin ito sa rear view mirror at sabay silang tumango ni Eduard.

Tanaw na tanaw ko ang ganda ng probinsya. Ang mga luntiang palay at mga puno. Ang mga kubo na malayong malayo sa itsura ng nagtataasang gusali sa syudad. Pati ang mga batang naliligo sa ilog. Napakasaya nilang tingnan. At ang mga babaeng nagkukumpulan sa labas ng tindahan. Heto ang mga ganap na hindi makikita sa syudad. Pati ang amoy ng sinusunog na mga tuyong dahon ay napakahalimuyak sa akin.

"Nandito na po tayo"

Bumaba kami at sumalubong sa akin ang ganda ng Malumpokunan Hills.

"Ang ganda dito, Ate" namamanghang saad ni Abby.

"Buti at sumama ka" ani ko dito.

Hindi gano'n kataas ang burol. Kayang-kayang lakarin ito. Inilatag na ni Eduard ang sapin. Tumulong na rin ako sa pagbababa ng mga gamit namin. Siguro ay dito na lang ako sa baba. Ang ganda kayang pagmasdan ang ilog dito, pati ang mga bulaklak.

Nandito kami ngayon sa may lilim ng puno ni Ate na naka-upo.

"Abby, kuhanan mo kami ng picture ni Ellie" sigaw ni Ate dahil nasa medyo may kalayuan si Abby kasama si Eduard.

Mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa. Buti naman kung gano'n para naman makilala nila ang isa't-isa.

Lumapit sa amin si Abby pero hindi gano'n kalapit na distanya.

Umakbay ako kay Ate at gano'n din ang ginawa niya sa akin sabay peace sign. Nagthumbs-up naman si Abby sa amin. Pagkatapos ay lumapit ito ng tuluyan.

"Ate, magpapalam lang po ako. Punta po kami sa taas ng burol. Kasama ko si Eduard" ani nito, habang inaayos ang dadalhing camera.

"Sige. Mag-iingat kayo, Abby at Eduard" at tuluyan ng lumakad ang dalawa. Kami na lang ni Ate ang natira dito.

"Ate Marcel, mukhang nagiging okay ang dalawa" sabay tawa ko dahil sa napansin.

"Kaya nga eh. Buit naman para umayos-ayos ang ugali ni Abby" at nagtawanan na lang kaming dalawa.

"Maiba tayo, Ellie. Kumusta pala 'yong wallet? Naisauli mo ba sa may-ari?" humarap ito sa akin sabay kuha ng saging at kinain ito.

"Naisauli ko na po Ate" sagot ko sa kanya.

" Paano? Gwapo diba, diba?" tanong niya sa akin na mukhang interesado kay Francis.

"Mahabang kwento, Ate" napa-iling na lamang ako at naalala ang mga nangyari at ikwenento na sa kanya.

"Kumusta naman 'yong matanda?" tanong nito sa akin matapos kong sabihin lahat ng nangyari.

"Still in coma, ate. Naawa na nga ako eh. Sana gumaling na" sabay tingin ko sa kumikislap na ilog. Naalala ko na naman ang mukha ni Lolo ng hawakan ko ang palapulsuhan niya.

"Ellie? Ellie?"

"A..te? Bakit?"

"You are spacing out again. Sabi ko kung gwapo at mabait ba si Francis?"

"Oo ate. Okay naman po siya."

"Baka siya na Ellie" sumilay ang pilyang ngiti nito sa akin.

"Attttteeeeeeeeeeeeeee! Look! I'm here at the top!" napatayo kami ni Ate dahil si Abby kasama si Eduard ay nasa tuktok na ng burol.

"Abby, mag-iingat kayo riyan" sigaw pabalik ni Ate.

Kinuha ko ang dalang camera at kinuhanan ng litrato ang dalawa habang magkahawak kamay.

Pagkatapos ay lumayo muna ako sa kanila upang tawagan si Francis para mangamusta. Buti na lamang at may signal dito kahit papaano. Gano'n pa rin daw ang kalagayan ni Lolo. Walang pagbabago. Sinabi ko rin sa kanya na bibisita ako bukas.

Ala-syete na rin ng maka-uwi kami sa mansion. Si Abby ay tulog na tulog kaya'y pinabuhat na lang namin kay Eduard papunta sa kwarto nito.

"Kumusta ang lakad ninyo mga, Iha?" sinalubong kami ni Nanay Felly at nagmano naman kami ni Ate Marcel.

"Nakakapagod, Nay pero sulit. Ang ganda po 'don at ang presko" saad ni Ate habang papa-upo sa silya.

"Ang ganda po ng ilog pati na rin ang burol sa itaas. Pero hindi po ako pumanhik" hagikhik ko.

"Maganda talaga roon. Ang lugar na 'yan ang tagpuan ng mga magsing-irog, iha" kwento ni Nanay Felly sa amin.

"Doon din po kayo nagdi-date ni Tatay Felipe, Nay?" kinikilig na tugon ni Ate.

Matagal ng wala ang asawa ni Nanay Felly. Sa pagkaka-alam ko ay namatay ito dahil sa sakit sa bato.

"Haaay, oo Iha. Doon kami nagtatagpo kapag papalubog na ang araw"

"Yiiiiiiiiiie si Nanay!" sabay naming biro ni Ate at nagsitawanan kami.

Nagpaalam na ako at nagpasyang pumunta na sa aking kwarto.

Naligo, nag-ayos at nagisip-isip muna ako sa kwarto. Bigla akong nauhaw kaya ay naisipan kong lumabas ng kwarto.

"Riiiiiiiiiiiing! Riiiiiiiiiiiiing!" nagulat ako dahil biglang tumunog ang telepono. Lumapit ako at tinitigan ito sandali pero sinagot ko naman agad ito.Napatingin ako sa lumang orasan sa pader at nakitang alas-nuebe na ng gabi.

"Hello?" sagot ko mula sa kabilang linya.

Calle Buen

Mayo 13, 1956

Alas-nuve ng gabi

Ala-syete na ng gabi ng maka-uwi kami ni Piling galing sa burol ng Malumpok. Ako ay nagpasama sa kanya upang makapasyal man lamang dahil masyado nang nilalamon ng pag-iisip ko ang sarili. Mabuti nga at pinayagan ako ng Mamá na umalis ngunit sa isang kondisyon, 'yon nga ay ang samahan ako ni Piling.

Hindi pa rin mawaglit sa isip at puso ko na gagawin lamang akong pambayad ni Papá sa mga pinagkaka-utangan niya. Napakasakit isipin dahil ideya iyon ng mismong sarili kong magulang. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi ko gugustuhing suwayin ang kagustuhan ni Papá.

"Kumusta ang iyong pamamasyal, Iha?" salubong sa akin ni Mamá nang maka-uwi kami. Ako ay humalik sa kanyang pisngi.

"Mabuti naman po, Mamá. Napakaganda pa rin po ng burol" lumapit din ako sa Papá upang magbigay galang.

"Oh siya, magpahinga ka na, Annie. Alam kong pagod ka. Bukas ay nakatakda ang pag-uwi ni Daniel galing Espanya. Sasama tayo sa pagsalubong sa kanya" saad nito sa akin sabay himas sa aking balikat. Napatango na lamang ako at diretsong pumanhik sa aking silid.

Ako ay naligo, inayos ang sarili bago matulog. Ngunit tila hinihila ako ng telepono na lumapit dito kung kaya't hindi ko sinasadyang mapihit ang mga numero doon.

"Hello?" ani ng nasa kabilang linya. Si Ellie ito. Oo, tama siya nga ito, ang nakaka-usap ko na ng ilang araw.

"Ellie, ikaw ba ito?" tanong ko pa rin sa kausap

"Yep. Annie? Kumusta?" magsasalita na sana ako kaso ay patuloy pa rin siya sa mga sinasabi niya.

"I'm really sorry about last time na pag-uusap natin. Nawala ako bigla. Pero nakuha ko 'yong huli mong sinabi about pupunta ka sa Jones Bridge at Intramuros kasama ang mahal mo, tama ba?" naalala pa pala niya iyon.

"Oo, Ellie. Pero parang hindi na iyon mangyayari." Malungkot na wika ko sa kabilang linya.

"Why? Anong nangyari? Diba hindi mo pa naman nahahanap ang mamahalin mo?" sagot nito sa akin.

"Ipinagkasundo na ako ng aking papá sa taong hindi ko man lamang kilala at mahal" isang malalim na hininga ang pinakawalan ko.

"Uso pa pala ang mga kasunduan? I can't believe it, Annie. Sabihin mo na ayaw mo." Himutok ni Ellie sa kabilang linya.

"Hindi maaari, Ellie. Ayokong suwayin ang aking ama. Labag iyon sa aking kalooban."

"What?! Diba labag din naman sayong kalooban ang magpakasal sa lalaking ni hindi mo man lang kilala?" may punto si Ellie, ngunit hindi ko kayang gawin ang sinasabi niya.

"Sa katunayan ay magkikita na kami ni Daniel, ang lalaking nakatakdang ipagkasundo sa akin. Sasalubungin namin siya sa daungan kinabukasan" kwento ko kay Ellie na nakikinig nang mataimtim.

"Annie, makinig ka. Kung yan si Daniel ay mabait at sa tingin mo ay siya ang karapat-dapat sayo, bigyan mo ng pagkakataon pero kapag naramdaman mong hindi, h'wag na h'wag kang tutuloy sa kasal" payo sa akin ni Ellie. Ngunit buo na ang aking pasya. Dahan dahan kong ibinaba ang telepono.

Продолжить чтение

Вам также понравится

The Billionaire's Obsession Jamille Fumah

Художественная проза

20.7M 510K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
818K 28.1K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
Ang Mutya Ng Section E Lara

Художественная проза

135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
Chasing Hell (PUBLISHED) KIB

Детектив / Триллер

63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!