A Forbidden Affair (Guieco Cl...

Von LovieNot

35K 1.8K 237

Marciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to... Mehr

BLURB
PROLOGUE
CHAPTER 1- SEDUCTIVE BOSS
CHAPTER 2- FORBIDDEN AFFAIR
CHAPTER 3- LETTING GO
CHAPTER 4- TERRITORY
CHAPTER 5- CHILDHOOD FRIENDS
CHAPTER 6- BATTLE OF LOVE
CHAPTER 7- CLASH OF CLANS
CHAPTER 8- REWRITE THE STARS
CHAPTER 9- FAVORITE CAR
CHAPTER 10- COMFORT ZONE
CHAPTER 11- GIVING IT UP
CHAPTER 12- ASHELL
CHAPTER 13- SYNTAX ERROR
CHAPTER 14- UNBEARABLE PAIN
CHAPTER 15- HATRED
CHAPTER 16- SUDDEN ATTACK
CHAPTER 17- LOST LIVES
CHAPTER 18- KARMA
CHAPTER 19-SNELLENN FAMILY
CHAPTER 20- SYSTEMS DEFENSE
CHAPTER 21- ROBOTS
CHAPTER 22- THANK YOU KISS
CHAPTER 23- NTH CHANCE
CHAPTER 24- START BUTTON
CHAPTER 25- RIGHT TIME
CHAPTER 26- OFFICIALLY
CHAPTER 28- FEAR AND DOUBT
CHAPTER 29- LIKE A STAR
CHAPTER 30- SILENCE MEANS YES
CHAPTER 31- DREAM
CHAPTER 32- CONFESSION
CHAPTER 33- FORBIDDEN LOVE
CHAPTER 34- FIGHT FOR LOVE

CHAPTER 27- LUCKY ONE

578 40 4
Von LovieNot


"Good morning, Marci, my pwend!" nakangiting bati sa akin ni Kenya.

Ang ganda naman yata ng mood niya ngayon? Eh kahapon lang ay parang gusto niya ng ipa-salvage ang asawa niya at si Beatrice, ah?

May pagka-bipolar ba talaga ang mga Guieco?  Well, bakit pa nga ba ako nagtatanong, eh halata namang 'oo' ang sagot, eh.

"Good morning," tipid kong tugon at napatingin sa counter para hanapin ang lalaking text nang text sa akin na dito na lang kami magkita.

Pinigilan kong mapasimangot nang makitang nilalandi na naman siya ng babaeng dahilan lagi ng kaguluhan dito sa DH.

"Good morning, Marci, baby!" sigaw ni Mer mula sa kusina nang similip ito sa pull-out area.

Napalingon naman siya sa akin at nginitian ako pero hindi ko ginantihan iyon. Ngingiti pa ako eh sa halos ikiskis na ng linta ang katawan nito sa kanya eh.

Idagdag pa na nakapulupot na naman ang kamay ng babae sa braso niya.

Putulin ko kaya ang mga braso nila pareho? O mas mabuti kung kay Beatrice lang.

"Uy, martes pa lang pero 'yang mukha mo parang pang biyernes santo na, ah?" puna pa sa akin ni Xandria ng dumaan ito sa gawi ko. Hindi naman ako umimik.

"Stay away from me ,Trice," malakas ang pagkakasabi niya niyon kaya lahat na nandidito ay napatingin na talaga sa kanila pero pasimple lang iyon. Gawain ng mga chismosang kapit-bahay.

"Duh? Bakit? Single ka naman, 'di ba? Tsaka may magagalit ba?" Natatawa at may halong kalandian pa ang boses ng babae. Napasinghap pa muna siya bago tumugon.

"No, hindi ako single and yes may magagalit," deklara niya sabay saglit na sumiring sa akin.

"Owws," rinig ko pang sambit ni Kenya.

Malamang sa malamang ay hindi na naman nakaligtas sa kanyang numero unong chismosang kapatid ang pagsiring niyang iyon sa akin.

"Talaga ba? Who's the lucky girl?" nanghahamon naman ang tinig ng babae na para bang ayaw talagang maniwala sa kaniyang idineklara.

"Si Marciella. Sa tingin mo may iba pa ba akong gusto? And oh, she's not a girl but a woman."

Kalmado ang pagkakasabi niyang iyon na para bang walang pakialam sa magiging reaksyon ng mga kasamahan namin. Ayun na naman iyong bulungan at sikuhan ng mga haduf. Nakita ko pang napadungaw na rin si Mer na nasa kusina.

"Marciella? Ha! Hindi hamak naman na mas maganda at mas sexy ako sa kaniya, Ashmer, eh," maktol ni Beatrice.

"You're a woman, of course, you're beautiful but I don't like you," pamamarangka niya sa isa.

Akmang magsasalita ang babae ng biglang tumayo at sumingit si Shines.

"Teka nga, sinasabi mo bang girlfriend mo na si Marciella Perrer, Boss Ashmer?" pangugumpirma pa ng haduf din. Tumingin siya sa akin at ngumiti ulit.

"Yes. She's my girlfriend now," saad niya. Sumilip pa siya sa kinaroroonan ni Lovimer. "So, back off, Lovimer," aniya sa kanyang inosente ngunit daot na pinsan.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa anunsiyo niyang iyon. Umaalon sa iba't-ibang emosyon ang dibdib ko.

Katahimikan pa muna ang namayani bago sumigaw si Jinro. "Whooa! Sa wakas! Finally!"

Umugong na ang isagawan at hiyawan sa loob. Si Mer ay lumabas pa talaga sa kusina at ipinatong ang dalawang kamay nito sa magkabilaang braso ng pinsan at nag-sexy dance pa.

Natatawa na naiiling na lang ako. Hinanap ko ang pwesto ni Gab para alamin ang reaction niya. Nakatitig na rin pala siya sa akin. Una ay wala akong mabasang reaction sa mukha niya kundi pagkabigla, mga minuto pa siguro bago siya ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya at nakahinga nang maluwag.

"Kaya naman pala todo asikaso 'yong lalaki kagabi, eh. Natapunan lang ng sabaw 'yong isa ay akala mo lava ang natapon, magjowa na pala," parinig ni Kenya na ang tinutukoy ay ang sabaw na dala-dala ni Kendra kagabi na hindi ko sinasadyang masagi.

Natawa ako dahil naalala kong ako naman ang may kasalanan pero ang kanyang pinsan pa ang pinagalitan. Binalikan niya pa 'yong kamuntikan na akong matamaan ni Kendra ng baseball. Buti na lang talaga at good mood din ang Kendra kagabi dahil imbes na magalit sa panenermon niya ay inalaska nang inalaska pa siya. Kesyo feeling protective boyfriend na hindi naman. 

"The right time has come for Ashell," rinig ko pang sambit ni Jennie.

"Yong car ni Marci?" bulong din ni Crystal.

Awtomatik na napalingon ako sa kanila. Mga haduf! Alam nila? Kailan pa? Sinong nagsabi sa kanila?

Malamang si Silang na naman!

"Tanga, hindi. I mean, Ash and Ell. Slow, vuvu," hirit naman ng isa.

"Makalait ka naman, as if hindi ka din nagpapakatanga sa lalaking gumigiling-giling na 'yon, oh," alaska pa ni Crys sa isa.

"Haduf ka! Move-on na ako matagal na 'no? Tsaka, malandi lang talaga ang Lovimer na 'yan, akalain mong hinahanap 'yong crush niya na Havana ang pangalan. Well, good luck na lang kung mahanap niya talaga."

"Parang sounds bitter ka naman?"

"Manahimik ka nga, Crys."

Naitikom naman ng isa ang bunganga niya. Muli kong itinuon ang aking paningin kay Ashmer and Lovimer na nasa counter pa rin. Hinaharot pa rin siya ni Mer.

"Stop Lovimer," utos niya sa isa kaya naman naka-pout ito na humarap at tumingin sa akin.

"Anong nagustuhan mo dito, Marci baby..."

"Stop calling her baby too."

"Eh? Baby..."

"Isa pa at makakatikim ka."

"O siya, oo na, Boss. Makabalik na nga lang sa kitchen. Ipagluluto ko kayong dalawa ng recipe ko para naman tumatag pa ang relasyon niyo. Beatrice," tawag pa ng haduf sa babaeng nakasimangot na habang nakatingin lang sa kanila.

Mabuti naman at natahimik, zsss.

"Ano?"

"Ako na lang ang landiin mo, 'wag na itong 'boyfriend' ng Prime natin, ha?"

"Zsss, as if natatakot ako sa kanya."

"Ay naku, bahala nga kayo," sukong saad ng binata at bumalik na sa kusina. Tumayo ako at pumunta na rin sa counter.

"Anong kakainin mo?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa menu. Lumapit naman siya sa akin at hinapit pa ang bewang ko.

"Ikaw, pwede?" bulong niya sa akin.

Nanindig ang balahibo ko sa batok at tila ba nanginit ang pisngi ko. Naalala ko na naman tuloy ang ginawa namin kagabi, kung gaano kasagad ang pagbanggaan ng trono at yungib. Parang nararamdaman ko pa iyon hanggang ngayon.

Shock! Bakit iyon ang nasa kukuti ko? Umayos ka nga, Marciella! Ang manyak mo na talaga!

Naiilang na tiningnan ko si Handy na siyang naka-assign sa counter, mukhang hindi naman narinig ng dalagita ang sinabi niya.

"Umayos ka nga, sapakin kita, eh," naiinis kong sambit. Bahagya lang siya tumawa.

"Hoy! May pila pa, kung busog na kayo dahil sa ka-sweet-an niyo, ako naman ay gutom na gutom na! Baka gusto niyong kayo ang kainin ko," asik ni Shane na nasa likuran namin.

"Lutuin ko muna sila, Kenshane baby, gusto mo?" singit naman ni Mer tsaka humagalpak ng tawa.

Wala kaming choice kundi ang madaliin ang pagkuha ng pagkain namin. Nauna na ako sa kanyang maupo, ang dami pang kaartehan, eh.

"My pwend," tawag sakin ni Kenya na nasa kabilang mesa lang din naman.

"Yes?"

"Kailan ang kasal?"

Napangiwi naman ako. "Kasal agad? First day palang nga namin."

"Eh? Di na kayo bumabata 'no? Lalo na 'yang si Kuya."

"Napakahaduf mo, nagmamadali?"

"Nagtatanong lang ito naman."

Nailing na lang ako. Kagaya ng nakasanayan, hindi halos kami nag-usap habang kumain. Pagkatapos naman ay nauna na siyang lumabas ng DH dahil kailangan pa naming mag-usap ni Shane.

"Any update?" agad na usisa ko.

"Yeah, napasok ko ang bahay ni Gabriel kagabi."

"Kagabi? Bakit 'di mo sa'kin sinabi? Sana dalawa tayo."

"Duh? Tinawagan kita pero pinatayan mo lang ako, haduf ka talaga."

Pasimple akong napangiwi. Siya pala ang tumawag sa gitna ng milagrong ginagawa namin ni Ash. Ang bossungit ang nag-off ng phone ko dahil nadidisturbo kami.

Wow, ha? Disturbo talaga?

"So, 'yon na nga, nakapasok ako doon dahil nilagyan ko ng  G-Camera ang loob. Tatlo ang na-install ko doon. Wala doon si Gabriel, tanging ang bata at ang yaya lamang ang nadoon. And I found something in that house."

"Ano naman?"

"Nai-send ko na sa system mo ang mga pics, hindi ako sure kong lahat ba talaga ng house doon ay parang merong secret passage."

Kinuha niya ang kanyang phone at may ipinakita sa akin. Sa isang kwarto makikitang parang may leak ang sahig, para bang kapag binuksan iyon ay meron kang matatagpuan sa ilalim niyon. Hindi mo iyon mahahalata sa isang tinginan lang.

"Paano mo napansin ito?"

"Na bored ako kaya tumambay muna ako sa kwartong iyan. Wala namang nag ookupa dahil bukod sa mga gamit na provided na talaga ay wala ka nang makikita pa. Aksidente lang napatitig ako sa part na iyan kaya kinuhanan ko na ng pics. Meron na rin akong camera na inilagay sa loob."

Napatango-tango naman ako. Wala namang ganito akong napansin sa house na inuukopahan namin doon. Something weird nga about this room.

"I'll check it in my own. Baka mamaya," deklara ko.

"You should. Pero mag-iingat ka, kakaiba nga ang Gabriel na iyon," may halong inis ang pagkakasabi niya kaya na curious naman ako.

"Bakit?"

"Naalala mo noong araw na nakausap natin siya? Yong sinabi niyang nasa bakasyon pa ang Snellenn?"

"Yes. What about that?"

"Naiilang ako sa klase ng titig niya sa akin para akong hinuhubaran. Noong paalis na tayo, pinisil niya pa ang kamay ko, trip yata ako." Huli na nang mapagtanto kong nasa likuran niya na pala si Faller.

"Eh di ayaw mo pa niyon?" Patay malisya ko sa presensiya ng lalaking nasa likuran niya pa rin.

"Konti na lang nga, papatulan ko na 'yon," may halong biro niyang saad sabay tawa.

"Uy, Faller, may kailangan ka kay Shane?"

Ngali-ngali namang lumingon siya. Napansin kong sinamaan siya ng tingin ng lalaki. Parang gusto kong matawa na ewan. Halatang 'di nagustuhan ng isa ang huling sinabi niya.

"Uy, Mr. Summer Guy, nandito ka pala. Hindi ka man lang umimik diyan, kanina ka pa?"

Nailing na lang. Endearment machine talaga ang isang ito. Kung ano-anong nicknames ang itinatawag kay Faller.

"Ngayon lang," walang ganang tugon ni Fall.

"Sigurado ka? Anong narinig mo?" paninigurado niya pa.

"Papatulan mo 'yong nagkagusto sa'yo, sino ba 'yon?"

"Mauna na ako Shane, basta update mo pa rin ako ha?" saad ko dahil ayaw ko ng masaksihan pa ang bangayan nila.

"Sige."

Tumayo na ako at naglalakad palabas na ng DH pero narinig ko pa ang palusot ni Shane.

"Nagbibiruan lang naman kami ni Marci, papatulan ko na 'yon, ang yabang kasi, gano'n talaga 'yon."

I quickly made my way to my flat to review the photos Shane had sent me. I focused on the image of the room with the leaky floor. If there's a concealed space underneath, how would one access it?

A key, perhaps?

But it's covered in tiles. Alternatively, could it be as simple as pressing a specific tile, though that would be too conspicuous if it shifted when stepped on.

Or maybe it's a puzzle or a button?

I needed to inspect it in person to find out.
After going through everything, I got up. Evaluating all the information we gathered daily, I could only conclude one thing: I had underestimated the complexity of this mission. Gabriel was no ordinary individual; there had to be a formidable force aiding or protecting him.

I required two additional agents for this task. It's a comprehensive case, and Shane and I can handle the information gathering, but if my suspicion about a powerful figure supporting Gabriel is correct, we need to be prepared.

Our team is understaffed with just the two of us assigned to this case. Moreover, our colleagues are unaware that the Snellenn family is the victim. Having backup is essential, just in case. For this, our potential partners need to be well-informed.

I need Faller and Mer. I'll notify Ashmer about it.

Napasinghap ako at pinatay na ang aking computer. Kailangan kong pumunta sa BV para mapasok din ang bahay ng suspek namin. Mas mabuti sana kung gabi pero hindi na ako makapaghintay pa. Dapat ay wala kaming inaaksayang panahon dahil habang tumatagal ay mas lalong maging malabong na maresolba namin ang case.

Sa pagkakataong ito, tanging karapatan namin bilang alagad ng katotohanan at hustisya ang aming puhunan. Walang bayad ang serbisyong ito dahil kung tutuosin, kulang pa nga ito para mabayaran namin ang tatlong buhay na nawala sa teritoryo namin mismo.

Para na rin kay Allyssa kaya namin ito ginagawa.

Speaking of that kid, parang wala ng balak ang mom at dad na ibalik siya dito sa camp. Pabor din naman iyon sa akin since busy naman ako lagi.

Busy sa? Misyon o sa Boss? Both.

Nagpalit ako ng damit at lumabas na ng kwarto. Sakto namang may nag-ring  ng bell ko. Pinagbuksan ko naman ang kung sinong haduf na gustong mambulabog na naman.

Tumambad ang gwapong mukha ng nyawa.

"Oh?" intrada ko pa at pinapasok na siya.

"Aalis ka?"

"Yeah, punta akong BV. I need to check something."

Napasimangot naman siya. "Gusto ko matulog eh," angil niya.

Natawa naman ako. "Eh 'di matulog ka, bakit? Nasa akin ba ang mata mo?"

Mas bumusangot pa ang kanyang mukha.

"Gusto ko matulog katabi ka."

"Eh di wow, Ashmer. May kailangan akong gawin, you sleep here or sa room ko, I just need to go, okay?"

Matutulog na lang, kailangan kasama ako? Zsss, 'di na ba siya nakontento kagabi? Sabagay hindi naman siya natulog dito. Nakipaglandian lang siya sa akin pagkatapos ay umalis din dahil marami pa siyang aasikasohin. Halatang wala pa siyang tulog.

Lumapit siya sa'kin at niyakap ako. "Please? Wag ka na munang umalis, mamayang hapon na lang."

Isiniksik niya pa ang ulo niya sa pagitan ng leeg at balikat ko habang nakalapat sa balat ko ang labi niya.

"Hindi nga pwede, pwede ka namang matulog dito nang wala ako. Tsaka hindi naman ako magtatagal doon eh."

"Ewan ko sa'yo," sukong saad niya at pasalampak na nahiga sa sofa.

"Sa kwarto ko ikaw matulog. Aalis na ako, I love you."

Pagkasabi ko niyon ay lumabas na ako sa flat. Dumaan pa muna ako sa flat ni Shane pero wala namang tao.

Nasaan na naman kaya yon?

Dumiretso na lang ako sa parking lot. Sakto lang na nakapasok ako sa loob ng sasakyan ko nang tumawag ang haduf na Shane.

"Hello? Dumaan ako sa flat mo pero wala ka."

"Nasa control room ako ngayon. Nasaan ka na?"

"Parking lot, papunta na sa BV para i-check yong sinasabi mo."

"Huwag ka na munang pumunta doon ngayon, mamaya o bukas na lang."

"Why?"

"Nakabalik na si Gabriel may kasama siya, parang gang or what. Delikado, imo-monitor ko na lang muna sila."

"Ilan ang kasamahan niya?"

"Walo, iyon lang ang nahahagip ng camera. I'll record it at i-send ko sa'yo ang footage."

"Sige, thank you." Binaba ko na ang linya. Nabuntonghininga na lang ako at bumalik na sa flat. Nadatnan ko ang boss na nasa sofa pa rin talaga.

"Ash," untag ko sa kanya.

Bahagya lang siyang napadilat pero pumikit lang din naman ulit. "Akala ko ba ay aalis ka?"

"Hindi na tuloy."

"Umalis ka, kahit saan mo gustong pumunta. Walang may pakialam."

God, so childish. Nyawa talaga.

Umupo ako sa tiyan niya dahilan para mapaigik siya. Natawa lang ako.

"Aray, ang bigat mo, Marciella, umalis ka."
Bahagya niya akong itinulak pero 'di ako nagpatinag.

"Grabi ka naman sa akin, Baby Ash. 50 kilos lang naman ako."

"Kahit na, isang sakong bigas ka pa rin."

Humiga ako sa ibabaw niya. "Ang sabi ko diba, sa kwarto ko ikaw matulog?"

"Tapos?"

"Zsss, bakit ba galit ka?"

"Sa kwarto mo ako matutulog, eh wala ka naman doon, sinong katabi ko?"

"Pwede 'yong mga unan ko. Dami niyon eh o kaya 'yong penguin o teddy bear pillow na ibinigay mo sa akin kahapon. Kasing laki ko din 'yon, para naman maramdaman mo ang feeling ng laruan ang katabi mo."

"Zsss, hindi 'to laruan, Marciella. Hindi mo ma-appreciate kasi wala namang karoma-romantic 'yang sistema mo."

Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya.
"Nagsalita, ah? Romantic ka? Eh robot ka eh, may romantic bang robot?" natatawa ko pa kunwaring saad para asarin siya.

Naramdaman ko na ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko para hindi ako mahulog sakaling kumilos siya.

"Parang ikaw ay hindi rin robot, ah?"

"Uy, at least man lang ako nagagawa kong bumunghalit ng tawa sa harap ng mga haduf, eh ikaw? Laging walang emosyon 'yang mukha mo o kaya ay nakabusangot kaya laging ilag sa'yo ang mga nasasakupan mo."

"Ngayon ay nilalait mo na ako?"

"Hindi kita nilalait, sinasabi ko lang ang obserbasyon ko 'no?  Kung di ka lang boss, walang papansin sa'yo," prangkang saad ko.

"Kaya pala ng daming nagkakandarapa sa akin since elementary, hindi pa naman ako boss noon."

Pinitik ko naman ang tenga niya. Kainis, bakit kasi kahit masungit siya ay attractive pa rin? Mas iyon ang nagugustuhan ng mga babae sa kanya.

"Habulin din naman ako," deklara ko pa.

Akala niya naman siya lang. Eh, kung hindi niya tinatakot ang mga nagtatangkang manliligaw sa akin noon ay baka mahaba na rin ang listahan ng mga manliligaw ko.

Huli ko na nabg malaman ang totoong rason kung bakit ang mga lalaking sa ngayon ay nakabuntot sa akin, bukas ay ilag na sila. Iyon ay dahil sa tinatakot niya pala, paano ko nalaman? Ipinakita sa akin ni Keirah ang video kung saan actual niya na sinisindak si Paul, 'yong huling nanligaw sa akin. Graduating na rin kami nun sa college.

"O bakit bukod sa akin ay wala kang naging boyfriend noon?" nang-aasar niya pang tanong.

"Baka kasi ang bait-bait mo sa mga manliligaw ko. Konti na lang iisipin kong obsessed ka talaga sa akin eh."

"Masama bang maging adik sa'yo?"

Wew! Stars are shining and sparkling again.

Bigla na lang siyang tumayo at binuhat ako papuntang kitchen and pinaupo sa mesa.

"Gagawin mo?" usisa ko pa.

"Gagawin natin," pabulong na pagtatama niya sa sinabi ko. Nanginit naman ang mukha ko at umiwas ng tingin.

"Magbi-bake tayo ng cookies, ano ba iniisip mo?" nang-aasar ang tono niya.

Ahh, bake pala, pink minded ka na naman, Marciella.

"W-wala a-akong iniisip."

"Bakit nauutal ka?"

Inirapan ko siya dahilan para matawa siya. "Tigilan mo ako."

"Ayoko nga. I love you kaya 'di kita titigilan hanggang sa makabuo tayo."

"Nyawa ka talaga!"

Tumawa na naman siya. "Makabuo ng cookies, ano na naman ba iniisip mo, ha?"

"Huwag mo akong inaasar," nakanguso kong saad.

Yumuko siya para pagpantayin ang mukha namin at ginawaran ako ng magaang halik. "Hindi na. I love you."

"Mamaya na ang response kapag luto na ang cookies mo."

Siya naman ang napabusangot. "Daya. Pero sige, watch and learn," aniya at kinindatan pa ako.

My God, sarap gahasain...

Opps! Wala akong sinabi ah? Wala talaga. Guni-guni niyo lang iyon.



...

Vote. Comment. Follow.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

699K 15.1K 40
Status: Under Editing Start Posted: February 12, 2017 End: March 17, 2018 Obsessed, ruthlessly and dangerously man better known to her brother. Lahat...
1M 37.1K 50
[Complete] | Tanaka Series #1 Who would believe that an uncrowned yakuza heiress would babysit a rebellious Tanaka?
58.7M 1.1M 38
All his life, Andrius Salazar only wanted three things. A peaceful life that he plans to live to the fullest, he wanted to be left alone by his famil...