I Love You, Goodbye

由 Aimeesshh25

34.2K 562 33

Paano kung nagmahal ka ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba? Ipaglalaban mo ba? O susuko ka na lang kasi... 更多

I Love You, Goodbye
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Special Chapter
Another?

Epilogue

2.2K 36 13
由 Aimeesshh25

Hi there! Kung nakaabot ka na rito! Super thank you po! Kahit na hindi ito perpekto dahil marami talaga ang mali, bagal pa mag ud! Hehe. Salamat po sa mga nagbasa! Pagbubutihan ko pa po! Thank you!(。◕‿◕。)

GABRIEL'S POV

Paulit-ulit kong tinatawagan ang number niya. Ngunit ganoon pa rin ang sagot ng operator sa kin!

"Fuck!" Inis na sigaw ko at tinapon ang cellphone.

"Init ng ulo." Lumapit sa akin si Owen, Natatawa.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag mo akong simulan." banta ko.

"Okay. Sayang may ibabalita pa naman ako." Nagkibit-balikat siya.

Mabilis akong lumingon. "What is it?"

"Akala ko ba huwag kang simulan?" He smirked.

Tumayo ako at nilapitan siya. "Sasabihin mo o-"

"Fine!"

Sasabihin din pala kailangan pang takutin!

"May bagong tumira sa apartment according to my source and baka kakilala niya 'yong ex mo."

"Girlfriend." I corrected him.

Humalakhak siya. "Okay! Girlfriend!"

Hindi ko na siya pinansin at inisip kung sino ang bagong tumira roon. Maaari ngang kakilala niya si Lou. Nabuhayan ako ng loob nang may naisip.

Inayos ko ang gamit ko at handa nang umalis.

"Wait! Where are you going?"

"Pupuntahan ko"

"Ano?  At bakit?"

I glared at him "Basta! Pack your things! Lilipat ulit tayo roon!" Saka ako tumalikod.

"Nababaliw na naman si Gabriel!" Rinig ko pang sambit niya.

Noong gabing iyon, binisita ko nga ang apartment. Bukas ang ilaw. Senyales na may tao nga. Sumasakit ang puso ko habang tinitingnan ang bahay.

Nandito lahat ng alaala namin ni Chloe.

Nagulat ako nang bumukas ang pintuan. Nakita ko siya. Ang babaeng nakatira rito. Taka siyang  tumingin sa akin habang palapit. Ngumiti agad ako.

Kahawig niya ang Chloe ko.

Ngunit nang makalapit siya ay mabilis akong sumeryoso. Binuksan niya ang gate habang nagtataka pa rin. 

"Hi! Ano pong kailangan nila?" Maayos na tanong niya. Parang anghel ang boses. Nanatili akong nakatitig na parang tanga.

"Hey kuya?" Ulit niya pa. Bahagya niyang tinaas ang kaniyang kamay kaya agad akong natauhan.

"Wala.." napapikit ako. "Sige, alis na ako." Mabilis akong tumungo sa kotse at pinaandar ito.

"Damn! Nakakahiya! Ano na lang iisipin noon sa akin?" Kausap ko sa sarili habang nagmamaneho. Iyon ang laman ng isip ko hanggang gabi. Hinahangad na makita kong muli ang babae.

Mabilis na tinupad ang dasal ko. Nakita ko siya sa bookstore. Tila may tinataguan. Natawa ako dahil nang kausapin ko siya, namumula at gulat na gulat. Kaya alam ko na agad na ako ang tinataguan niya.

Hmm bakit mo ako tinataguan?

"Gabriel Salvador." Pakilala ko. Nilahad ko ang kamay ko. "And you are?"

Nahihiya pa siya ngunit tinanggap din. "Krischel.." kinagat niya ang labi. "Krischel Mendez."

Nga lang, nang nalaman ko ang pangalan niya. Hindi ko na tinantanan. Kuryoso ako sa kaniya.

Pinuntahan ko ulit siya at pinapasok niya naman ako. Nagkausap kami. Nailibot ko pa ang tingin sa buong bahay. Mabait si Chel. Sobra.

Nagsisigawan ang mga students nang makita kami sa school. Nag transfer ulit kami ni Owen dahil sa kagustuhan kong makahanap ng impormasyon kay Chel. Napansin ko kaagad siya na nagtatago sa kaniyang upuan. I smiled.

Pumasok ako sa loob ng classroom nila at lumapit sa gilid niya.

"Good morning." I whispered. Bakas ang gulat sa kaniya. Natawa ako.

"G-Good morning din!" Natawa ako nang mautal siya.

"Sabay tayo mamaya, puntahan kita rito." Sambit ko at ginulo ang buhok niya. Iniwan ko siya roon na nanlalaki ang mga mata.

Naging malapit kami sa isat-isa. Dinala ko siya sa favorite place namin ni Chloe. Kung saan kami madalas. Sa burol. Gusto kong tanungin si Chel, kung kakilala niya ba ang dating may-ari noong apartment.

'Yon ang pakay ko. 'Yon ang plano ko pero unti-unting nababali ito dahil sa pagsibol ng nararamdaman ko sa kaniya.

Pagkatapos ng gabing hinalikan niya ako. Alam kong lasing siya. Pero iba ang naramdaman ko. Iniiwasan niya ako. Pumunta siya sa CR habang nagkakagulo sina Jelly sa canteen. Sinundan ko siya. Nanatili akong nakatayo habang nakapasok ang dalawang kamay sa aking bulsa.

Bumukas ang pintuan. Gulat siyang napatingin sa akin. "A-Anong ginagawa mo riyan?"

"Why are you ignoring me?" Tanong ko kaagad.

"H-Ha? Hindi ah!" Lumunok pa siya.

"Stop fooling around, Chel!"

Naiinis ako kasi pagkatapos niya akong halikan iiwasan niya ako? Ganoon?

"After you've kissed me, iiwasan mo ako?"

Nagulat siya sa sinabi ko. Siguro hindi niya akalaing naaalala ko nga. Ako na mismo ang sumagot sa tanong ng kaniyang mga mata.

"Yes, Chel. I remembered everything that night."

"L-Lahat?"

Hindi ko siya sinagot. Bumaba ang mga mata ko sa labi niya. At sa oras na halikan ko siya. Alam kong magugulo ako.

Makasarili ngang talaga ako dahil sinunod ko pa rin ang gusto ko.

"Please do something about it." Bulong ko sa kaniya. Nandito kami sa labas ng bahay niya dahil hindi ko na kaya. Gusto ko siya. "I want you to be mine." Nangilid ang luha ko.

"Be mine, Che."

Naging girlfriend ko siya. Wala na akong mahihiling pang iba. Nalimutan ko na kung ano ba talaga ang dahilan ko kung bakit ako pumasok sa buhay niya. Nalimutan ko na, na may hinahanap nga pala ako. At hindi ko akalaing ngayon ko pa siya makikita.

To: Love

Malapit na ako. Hintayin mo ako. H'wag ka munang lalabas sa gate, okay? I love you, love.

Huling text ko kay Chel. Dumaan pa ako sa flower shop para bilhan siya. Pinatakbo ko ang sasakyan at sumulyap sa oras.

"Shit! Late na!" Bulalas ko.

Ngunit agad akong napapreno nang may biglaang tumawid. Sinilip ko iyon. Kinabahan agad ako at baka nakabangga ako!

Mabilis akong bumaba ng sasakyan. Diretso ang tungo ko sa unahan. Isang babaeng nakaupo habang inaayos ang gamit niyang nahulog dala ng gulat.

"Miss?" Umupo agad ako at tinulungan siya. "I'm sorry! Hindi ko sinasadya."

"Nah! Okay lang, hindi ako tumitingin sa di-" nag-angat siya ng tingin s akin. Nagtama ang paningin namin. Nabitawan ko ang bag niya.

Nangilid ang luha niya. Gulat na gulat na makita ako. Ganoon din ako.

"C-Chloe.." marahang tawag ko.

Nang araw na iyon, nagkausap kami. Hindi ko alam kung bakit bumalik lahat-lahat sa akin! Naiinis ako kasi panandalian kong nakalimutan ang babaeng naghihintay sa akin.

Umuwi ako sa bahay. Tulala. Hindi ko maiproseso lahat. Nakita ko lang si Chloe, nabago na naman. Nagkagulo na naman ako.

Tiningnan ko ang cellphone ko. Maraming missed calls at exts messages. Naalala ko si Krischel.

To: Love

I'm sorry. May nangyari lang. Sunduin kita, bukas. I'm really sorry love. Sleep well. Goodnight!

Iyon lamang ang nireply ko sa dami ng texts niya sa akin. Napapikit ako. Hindi ito tama!

Nag-away kami ni Chel noong umaga. Mainit ang ulo ko sa mga tanong niya. Pinilit ko siyang iwasan. Wala ako sa sarili. Mukha lang ni Chloe ang pumapasok sa isip ko at natatakot ako dahil alam kong masasaktan ko si Krischel.

"Love?" Tumingin ako kay Chel.

"Hm?"

"Date tayo mamaya?" Masiglang aniya.

"Love? Marami pa akong gagawin e." Lumungkot ang mga mata niya sa sinabi ko ngunit ngumiti rin.

"Sa bahay na lang?"

"I'll try love." Huminga siya ng malalim. Dismayed was written on her face. Napayuko ako.

Kaya naman, nang makapasok kami sa library. Mabilis akong kinuwelyuhan ni Owen.

"What that fuck are you doing, Gabriel?!" Inis na sigaw niya.

Hindi ako nanlaban. Hinayaan lamang siya.

"Ang hot mo naman, Owen. Easy." Natatawang ani ko.

"Tsk! I'm not blind! Bakit mo ito ginagawa sa kaniya?" Ramdam ko ang galit niya sa akin.

Huminga ako ng malalim. "Hindi ko rin alam! Maayos kami! Pero..pero.."

"Pero ano?!"

Napapikit ako. "Damn it! I saw her yesterday!"

Nagulat si Owen. Alam niya na kaagad kung sino iyon. Galit siya sa akin. Lalo na sa pinapakita ko kay Chel. Kahit ako. Galit na rin ako sa sarili ko.

Dagdagan pa ng muntik nang may mangyari sa amin ni Chel noong gabing hinatid ko siya. Habang hinahalikan ko siya, sumagi sa isip ko si Chloe at ang nakaraan namin.

"Babe, I love you." Bulong ko. "I love you, Lou."

"I love you, Lou. H'wag mo kong iwan." Bulong ko ulit. Natauhan lamang nang iiwas niya ang mukha sa akin.

Kitang kita ko ang sakit sa mga mata ni Chel. Agad akong lumayo. Hindi makatingin sa kaniya.

Lalo pa akong nakonsensya. Gusto ko si Chel. Totoo lahat ng ipinakita ko sa kaniya. Totoo lahat ng naramdaman ko. Gusto ko nang sabihin sa kaniya lahat. Aminin sa kaniya pagkatapos ng lahat ng ito. Kakausapin ko na siya noong araw na iyon. Handa na ako sa matatamong galit sa kaniya.

Kaso wala siya sa apartment niya. Hindi ko alam kung nasaan. Hindi rin sinabi sa akin ni Jelly.

At hindi ko akalaing magkikita kami sa lugar na iyon.

Tadhana nga naman. Magkaibigan sila ni Chloe at inaanak niya pa si Chelsea. Hindi ako makapaniwala. Para kaming pinaglaruan. Noong una pa lang, alam ko na agad na ito ang gagawin niya. Ang magparaya at palayain ako.

"M-Maghiwalay na tayo.." nakikiusap na sambit niya.

Sobrang sakit. Kung sana sinabi ko kaagad! Kung sana inamin ko, hindi niya maiisip 'to. Pinagkatitigan ko siya. Gusto kong sauluhin ang bawat detalye ng mukha niya. Mukha ng babaeng alam ko na mahalaga sa akin. Na naging bahagi ng buhay ko.

I nodded. "A-Alright. If that's what my baby's want.." punong puno ng sakit na sambit ko.

"I love you.. goodbye." Sabay na bulong namin sa isa't isa.

Hindi ko siya deserved. Isa akong gago! Para paulit-ulit siyang saktan. Paano ko nagawang saktan siya?

Hinayaan ko siya. Nabakante ang apartment. Wala na rin siya sa school. Kinakausap ko si Jelly pero malungkot lamang siyang tumitingin sa akin, iniiwasan ako. Nagkaaway kami ni Owen. Ngunit kalaunan nagkaayos din.

Nagkausap din kami ni Chloe. Sinabi niya sa akin ang naging pag-uusap nila ni Chel.

"Hindi ko alam ang mararamdaman ko, Gab.." tumulo ang luha ni Chloe. "Siya ang tinuturing kong nag-iisang kaibigan..at ang malaman na ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ay nagpapadurog din sa akin.."

"Lou." Lumapit ako sa kaniya at pilit siyang hinawakan. Iniwas niya ang kamay niya. "Wala kang kasalanan, okay? Ako ang may kasalanan ng lahat. Hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo kasi akala ko..wala na. Akala ko wala na akong nararamdaman sa 'yo."

Nanlisik ang mga mata niya kahit puno ng luha ang buong mukha niya. Narito kami sa apartment ko, rito siya pansamantalang tumutuloy.

"K-Kung ganoon..hindi mo siya minahal?" Hindi ako nakasagot. Lalong bumuhos ang mga luha niya. "G-Gab, ginawa mo ba siyang..panakip butas?!"

"L-Lou, hindi.." kinagat ko ang dila at napakuyom.

Hindi ko masabi na minahal ko rin siya. Hindi ko kasi alam kung katanggap-tanggap ba iyon. Na sa maikling panahon ay nahulog ako sa ibang babae at minahal ko si Krischel at nang makita ko ulit si Chloe ay muling bumalik ang pagmamahal ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung maaari ba iyon. Kung may ganoon ba talaga. Ngunit iyon ang totoo.

"Minahal ko si Chel, Chloe." Sa wakas nasabi ko ang sagot sa matagal nilang katanungan.

Natigilan siya. Gulat siyang tumitig sa akin at lalong bumuhos ang mga luha.

"S-Sa maikling panahon na nakasama ko siya..minahal ko siya, Lou. Minahal ko si Krischel. M-Minahal ko ang kaibigan mo."

Lumabas ang hikbi sa bibig niya kaya mabilis niya iyong tinakpan.

"Baliw ba ako, Gab?" Tumingin siya sa akin. Doble ang sakit na naramdaman ko nang makita kung gaano siya kadurog. "Kasi masaya ako sa narinig mula sa 'yo pero at the same time nasasaktan ako.."

"Chloe.."

"M-Masaya ako na kahit sa kaonting panahon minahal mo ang kaibigan ko..hindi mo siya ginawang panakip butas. Pero..G-Gab.. hindi ko inakala na magmamahal ka ng iba..hindi ko nakinita na magkakaroon ka ng relasyon sa iba." Nabasag ang boses niya at halos manghina kaya mabilis akong umalalay. "At ang sakit na kaibigan ko.. siguro kung wala tayong anak..mas pipiliin mo siya.." nag-angat siya ng tingin sa akin.

Nabasag ako ng todo. Dalawang babae ang sinaktan ko.

"C-Chloe..hindi."

"Alam ko, Gabriel. Alam ko na iba ang pagmamahal mo sa aming dalawa." Humiwalay siya sa akin at kinuha ang bag at inayos ang gamit.

Mabilis akong lumapit at inagaw ang bag niya. "Saan ka pupunta?"

"Hahanap ako ng ibang apartment! Hindi ko kayang makasama ka rito!"

"Chloe!"

"Gab! Nasasaktan ako!" Nanlilisik ang mga mata niya habang nakalingon sa akin. "Hindi mo ba nararamdaman?! Nasasaktan ako! Nasaktan mo kami ng kaibigan ko! Kung hindi ka sigurado sa kaniya sana hindi mo na lang siya ginulo! At kung mahal mo talaga siya? Puntahan mo siya.." bumuhos ang luha niya na agad niyang pinalis. "H-Hahayaan pa rin kitang magpaka ama kay C-Chelsea. Hindi ko siya ilalayo kaya sana..please..maging totoo ka sa sarili mo."

Napayuko ako nang halos suntukin niya na ang dibdib ko. "Hindi kami laruan, Gab. Hinding hindi ako makikisama sa 'yo hangga't dalawa kami riyan." Kinuha niya ang bag at binitbit iyon saka lumabas ng pinto at ng buhay ko..

Natulala ako habang pinapanood siyang umalis.

Limang taon na ang lumipas at kung mayroon mang magandang nangyari sa mga taon ko ay iyon ang nagkaayos kami ni Chloe. Inayos ko ang sarili para muling maligawan siya at muling maayos ang aming pamilya. Ginawa ko iyon, hindi dahil iyon ang kailangan, kundi dahil mahal ko pa rin si Chloe.

Alam kong hindi ko na kayang humarap kay Chel. Hindi na ako maaaring sumapat dahil hindi talaga ako ang para sa kaniya.

Wala akong naging balita sa kaniya sa sumunod na mga taon. Kahit sa social media, hinanap siya ni Chloe pero wala rin. I bet she deactivated all of her accounts.

Naging maayos naman ang buhay ko kasama ang mag-ina ko. Mahal ko silang dalawa at kontento ako. Pero pakiramdam ko may kulang pa rin talaga. Hindi na nawala ang pakiramdam na iyon.

"Chelsea! Come here!" Sigaw ni Chloe. "H'wag kang masyadong magpawis!"

Lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ang baywang niya. "Calm down."

Umirap siya sa akin. "'Yang anak mo ah. Madami pang bisitang darating"

Ngayon ang seventh birthday ni Chelsea. Pinaghandaan namin ito, katulong ng pamilya namin. Maraming bisita at kanina pa nagsimula ang program. Dumalo rin si Jelly at syempre kabuntot si Owen na sa sobra nilang magbangayan noon ay magiging magkasintahan pala ngayon.

Halos gabi na hindi pa rin napapagod ang bata.

"Relax, babe. Hayaan mo muna si Chelsea." Natatawang bulong ko sa kaniya.

"Psh! You're spoiling her!" Humarap siya sa akin.

Tumawa ako. "Sakto lang."

Ngumiti siya at sinabit ang braso sa leeg ko. "Thank you, Gab."

Ngumiti ako at niyakap siya. "Nope. I should be the one who'll say that." Pinisil ko ang baywang niya. "Thank you, Chloe, for staying." Sumiksik siya sa dibdib ko at lalong humigpit ang yakap.

Nagtaka lang ako nang marinig ang sigaw ni Jelly. Napatingin ako sa may pintuan at nanlaki ang mga mata. Kumalas ng yakap sa akin si Chloe at tumingin na rin doon.

"Oh my gosh!" Bulalas niya at napatakip ng bibig.

"Mom! Tita Chel is here!" Masayang anunsyo ni Chelsea.

Tumawa ang babae at hinigpitan ang hawak sa kamay ng anak ko. "Ang laki na ng Chelchel ko." She giggled.

Nanuyo ang lalamunan ko. Hinila siya ng bata palapit sa amin. Halos lahat ng tao roon ay natigilan na rin. Sumulyap sa akin si Chloe.

Nang makalapit sa amin si Chel ay ngumiti siya sa amin. Nakasuot siya ng dress na kulay blue. Tube top iyon at hapit na hapit sa katawan niya. Maraming nagbago sa kaniya kaya hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagkakamangha. Ang kaniyang buhok na noon ay hanggang baywang, ngayon ay hanggang leeg niya na lang. Tumangkad siya. Lalong pumuti at tumingkad ang ganda.

"C-Chel.." ngumiti si Chloe.

Nangiti rin ang kaharap. "Chloe.." at mabilis na lumapit saka niya ito niyakap.

Tumulo ang luha ni Chloe. Nagyakapan ang magkaibigan. Nanatili akong nanonood sa kanila. Nakatingala rin ang aking anak.

"Kumusta ka na?" Nagpunas ng luha si Chloe.

"I'm doing good!" She smiled bago nilingon ang bata. "Happy birthday, Chelsea! " Hinalikan niya ito at inabot ang regalo.

"Thanks Tita Ninang!" Lumapit sa akin si Chelsea. Hinawakan ko naman agad.

Dumapo ang tingin niya sa akin. Napasinghap agad ako. Dahan-dahan siyang umayos ng tayo bago ngumiti.

"Hi, Gab! Kumusta?" Nakangiting tanong niya. Hinanap ko ang maaaring pagpapanggap ngunit wala akong nakita.

Tumango ako at ngumiti rin. Titig na titig sa kaniya. "I'm good, Chel."

"Uhm..puwede kayong mag-usap muna." Basag ni Chloe. Nagulat ako at napatingin sa kaniya. Tumango siya sa akin at nginitian ako.

Nasa labas kami ng bahay, sa garden. Tahimik na nakatayo. Sinulyapan ko siya, nakatitig siya sa buwan.

"It's nice seeing you again, Chel." Basag ko sa katahimikan.

Lumingon siya sa akin at tumango. "Hmm. It's good to see you too."

"Doon ka raw naninirahan sa parents mo?"

Tumango siya. "Doon ako nag-aral."

Hindi ko alam bakit wala akong mabuong salita. I looked at her, mesmerized by her beauty.

"I'm really sorry." Sambit ko. "Hindi ko alam na iyon na pala ang huli nating pagkikita. Patawarin mo ako sa lahat, Chel."

Tumango siya at hinarap ako. "You are forgiven, Gabriel. Napatawad na kita noon pa." Nagulat ako. Natawa siya sa reaksyon ko. "Ako lang din kasi ang mahihirapan. Hindi ako makakausad at wala na rin sa akin 'yon ngayon. "

Tumango ako. "That's good then."

"I'm happy for you." Aniya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Kitang-kita ang sinseridad sa kaniyang mga mata.

"Masaya ka ba nakilala mo ako sa kabila ng sakit na dinulot ko sa 'yo?" Tanong na matagal nang bumabagabag sa akin.

Natigilan siya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi bago bumuntong hininga. Tumingin siya sa maliwanag na buwan at ngumiti.

"Alam mo ba..noong naghiwalay tayo? Ilang beses kong inisip na sana..hindi na lang kita nakilala..sana hindi na lang kita minahal but would it change everything? Kesyo pagsisihan ko o hindi, I know, deep inside..at the end of the day, I would still choose to meet you that day in that apartment. I would still choose to love you even it will cause me an indescribable pain. I would still choose to hurt myself, Gab.."

Lumingon siya sa akin at nakita ko ang pagsilip ng luha sa mga mata niya. Kumirot ang dibdib ko sa nasaksihan.

Realizations hit me. Just like what she has said, I would also choose to love her even I knew at the end we will not be together.

Pinunasan niya ang luha sa mga mata bago dinugtungan ang sinabi.

"Because that pain and sorrows that I've experienced it molded me to who I am today. I couldn't say that I'm a better person right now but one thing's for sure, I have learned a lesson. Thanks to you."

Tumango ako sa kaniya. Wala akong masabi ngunit alam ko kung gaano naging mahirap sa kaniya ito.

"I don't know what to say, Chel..I just wish you all the happiness..." namasa ang gilid ng mga mata ko. "Ang mga pinangako ko noon, hiling ko na sana mahigitan iyon ng taong pag-aalayan mo ng buhay mo. I hope he would not hurt you the way I did.. because you deserve all the happiness and love in the world, Chel."

Tumulo ang luha niya at mabilis na lumapit sa akin. Agad niya akong niyakap kaya ginantihan ko iyon.

"I am really..really..sorry, Chel." I whispered while caressing her back. "I am really..sorry."

Narinig ko ang paghikbi niya at ang lalong paghigpit ng yakap sa akin.

"I'm okay now, G-Gab. You are forgiven. Napatawad na kita noon pa kaya sana mapatawad mo na rin ang sarili mo huh? Hindi ibig sabihin na nagkamali tayo ay hindi na tayo magbabago. Patawarin mo ang sarili mo.." bulong niya at dahan-dahang kumalas ng yakap sa akin.

Malumanay niya akong tinitigan bago nagpakawala ng isang ngiti.

"I hope you are at your happiest right now."

Tumango ako. "I am, Krischel."

Ngumiti siya. "So I only have one request, just please forgive yourself too..okay?"

Tumango ako. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at kinurap-kurap ang mga mata para hindi mahulog ang panibagong luha.

Naglahad siya ng kamay sa akin. Basa pa ang buong mukha sa kaiiyak ngunit nakangiti.

Tinanggap ko iyon. Kasabay ng pagtanggap na hindi kami para sa isa't-isa.

Lumawak ang ngiti niya. "We're okay now, right?"

"Of course. Can we at least be friends? I don't want to treat you like a stranger.." malokong sinabi ko.

She chuckled. "Of course! Likewise!"

Tumawa na rin ako at sabay naming binitawan ang kamay ng isa't isa.

"Take care of my best friend. Lagot ka sa akin pag pinaiyak mo 'yon, Gab!" Inirapan niya ako.

Lalo akong natawa. "Don't worry kahit hindi mo sabihin, I would never do that."

"Chel?" Natigil ang pag-uusap namin nang isang lalaki ang lumapit sa kaniya. Ngumiti si Chel dito.

"Lance? Wait lang."

Pumulupot ang braso ng lalaki sa baywang ni Chel. Nagtama ang paningin namin. Kilalang kilala ko siya.

"Gabriel." Tawag niya.

Ngumiti ako. "Lance."

Tumingin si Chel sa amin pareho. "Uhm, magkakilala na nga pala kayo." Tumikhim siya. "Lance, this is Gabriel. And Gab.." ngumiti siya at nilahad ang lalaking katabi. "Si Lance, my boyfriend."

Tumango ako at ngumiti sa kanila. Bumulong si Lance kay Chel. Ngumuso ang babae at bumaling sa akin.

"Sorry. Mauna na kami."

"Oh sure!"

Ngumiti siya. "Nice to see you, Gab! Masaya ako nagkausap tayong muli!" Nagulat pa ako nang lumapit siya sa akin at niyakap ako.

Pinagmasdan ko silang lumayo. Mahigpit ang hawak sa kaniya ni Lance. Parang anumang oras makakawala ang makulit na babae. Tumatawa si Chel habang seryoso naman ang lalaki.

Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Hindi ko alam bakit wala akong naramdamang sakit. Guminhawa pa ang pakiramdam ko. Ngayon alam ko na kung ano ang kulang. Kapatawaran. At ngayon, parehas naming natanggap iyon at nakapag-usap ng maayos.

"Gab.." lumingon ako sa babaeng minahal ako sa loob ng limang taon.

Ngumiti ako at lumapit sa kaniya. "Chloe."

"Y-You okay?"

Tiningnan ko siya at tumawa." Of course! Masaya ako na nagkausap na kami."

"Hmm, buti naman kung ganoon."

"Thank you." I whispered. "For everything. For accepting me despite of what I have done and for staying. Thank you so much, Chloe." Emosyonal na sinambit ko.

Bumuhos ang luha niya. "Ano ka ba! Mahal kita, kaya lahat gagawin ko."

Kinuha ko ang singsing na matagal ko ng gustong ibigay sa kaniya. Mabilis ko itong sinuot. Gulat siya nang maramdaman ang ginawa ko.

"G-Gab." Marahang tawag niya.

I smiled and kissed her forehead. "I love you. You will marry me." I said softly.

"Ang daya! Hindi mo na ako tinanong ah!" Hinampas niya ako.

"Syempre. Hindi ka puwedeng tumanggi."

Tumawa siya. "Yes, Gab! I will. I love you!"

I smiled. Hinawakan ko siya sa pisngi saka hinalikan sa labi.

Marami akong natutunan. Hindi lahat ng gusto mo ay makakatuluyan mo. Tinanggap namin pareho na pinagtagpo kami para may matutunan. Minsan nga napaisip ko bakit kaya pinagtatagpo pa ang dalawang tao kung hindi naman sila sa huli? At iyon ang magandang pasabog ng buhay. Hahayaan ka nitong masaktan, madurog, masugatan at muling bumangon.

Pinatatag lang pala tayo. Kasi kung nalagpasan mo na iyong pinakamasakit na nangyari sa 'yo sisiw na lang ang mga susunod.

Tiningnan ko ang cellphone ko. Binalikan ang huling text sa akin ni Chel noong araw na nakipaghiwalay siya sa akin, six years ago.

From: Love

I'm sorry. Alagaan mo sila ah. Masaya ako sa desisyon ko. Thank you sa lahat-lahat. I love you, goodbye, Gabriel.

Napangiti ako. Kung noon, tuwing binabasa ko ito. Sakit at panghihinayang ang nararamdaman ko. Pero ngayon, kaya ko nang basahin habang nakangiti. Pinindot ko ang delete at pinasok ang cellphone sa bulsa.

"Let's go inside." Bulong ko sa asawa kong limang buwan ng buntis. Nasa labas kasi kami at gusto na namang makita ang buwan kaya kahit na ayaw ko ay wala rin akong nagawa. Si misis 'yan e.

Tumango siya at ngumuso. "Tutulog na tayo?"

Tumawa ako. "Yes baby. Kaya halika na. Bukas 'yong appointment mo kay Dra. Kaya dapat magpahinga na tayo."

"Okay, Gab." Tumingin siya sakin. Nakanguso. Natawa ako at mabilis siyang hinalikan.

"I love you, Chloe." Sambit ko at inalalayan ang makulit kong asawa.

Masaya ako sa buhay ko at alam ko rin na masaya na si Krischel. Kinasal na siya kay Lance Sarmiento sa ibang bansa. Bumalik sa dati ang samahan namin at naging magkakaibigan. Masaya ako para sa kaniya at alam kong ganoon din siya sa akin.

And we both happily continued our life separately.


THE END.
.·´¯'(>▂<)´¯'·.

______
🤍💚

Hey there! Are you okay? Ehe. Thank you for reading this! Medyo nagtaka lang ako na ang daming reads ng kabanata 1 tapos sa huling kabanata..naubos na hahahaha. Inuuna niyo epilogue 'no? Kayo talaga.

Anyways, thank you so much! I hope hindi lang sama ng loob ang naipon niyo kundi may aral din. Kung hindi niyo bet ang ganitong ending, marami pa akong stories sa profile ko hahahaha.

Para sa mga nakarating hanggang dito, thank you so much!

You are loved! You are blessed! I love you!❤️

Yours truly,

Aimeessh25.

May special chapter? Opo meron, pakihintay na lang. Eedit ko pa hahaha.

继续阅读

You'll Also Like

24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
28.5M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
20.5K 1.1K 29
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
15.1K 286 39
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: