The Sunset's Cry (Nostalgia O...

juanleoncito द्वारा

2.9K 526 160

//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise i... अधिक

PANIMULA
PAUNANG SALITA
PROLOGO
KABANATA I: Takipsilim
KABANATA II: Pag-alangan
KABANATA III: Pag-alok
KABANATA IV: Bungad
KABANATA V: Bisita
KABANATA VI: Galak
KABANATA VIII: Pagsang-ayon
KABANATA IX: Nahumaling
KABANATA X: Ramdam
KABANATA XI: Mapanukso
KABANATA XII: Pikit-mulat
KABANATA XIII: Naghahangad
KABANATA XIV: Pag-oobserba
KABANATA XV: Pinagmulan
KABANATA XVI: Tahanan
KABANATA XVII: Pagtuon ng Pansin
KABANATA XVIII: Hindi Makapaniwala
KABANATA XIX: Tensyon
KABANATA XX: Kasama
KABANATA XXI: Lungkot
KABANATA XXII: Balang Araw
KABANATA XXIII: Bagabag
KABANATA XXIV: Sumasagi
KABANATA XXV: Pagtanaw
KABANATA XXVI: Pag-amin
KABANATA XXVII: Pagkakataon
KABANATA XXVIII: Nagpapakasasa
KABANATA XXIX: Pagdating
KABANATA XXX: Trafalgar Square
KABANATA XXXI: Paggaan ng Loob
KABANATA XXXII: Asahan
KABANATA XXXIII: Tanong
KABANATA XXXIV: Masaya
KABANATA XXXV: Panaginip
KABANATA XXXVI: Sabi-Sabi
KABANATA XXXVII: Malamig na Luha
KABANATA XXXVIII: Katotohanan
KABANATA XXXIX: Makulimlim
KABANATA XL: Aligaga
KABANATA XLI: Pamamaalam
KABANATA XLII: Bumubuti
KABANATA XLIII: Bagong Umaga
KABANATA XLIV: Ngiti sa Labi
KABANATA XLV: Dapithapon
EPILOGO
AUTHOR'S NOTE

KABANATA VII: Napaisip

55 16 0
juanleoncito द्वारा

"... Buhos ng ulan, sa bintana nakadungaw,
Hindi alintana, alaala muli'y natanaw..."

Nakadungaw, napatulala sa bintanang tanging tanaw ang pagbagsak ng ulan. Bakit naayon sa aking nararamdaman ang buhos ng panahon ngayong araw?

Papel, bolpen, nakalatag sa mesa, nag-iisip sa susunod na mga linya. Ano bang ginagawa ko?

Napabalik, naiisip, mga alaalang ginuhit noong makalawa, alaalang kasama siya na pawang nalilito na ang damdamin. Mga kwentuhang umuusisa sa takbo ng orasan, hindi natanto subalit nakatanaw lamang noon sa lawak ng dagat.

"Alam mo, ngayon lang ulit ako naging masaya ng ganito." bigkas niya nang nakaupo lamang kami noong makalawa sa upuang malapit sa baybay.

"B-Bakit? Ano bang nagpapalungkot sa'yo?" ani ko naman habang nakatanaw sa lumulubog na araw.

"Hindi ko alam, araw-araw nalang akong nakakaramdam ng lungkot sa tuwing mag-isa ako." mahinahong salita niya na tila bang ramdam mo ang lungkot na nararamdaman niya. "Kaya siguro ganito nalang ako kasaya kapag may kasama ako." dagdag pa nito.

"I-Ikaw lang ba talaga mag-isa? W-Wala kang kasama?" pagtatanong ko sa kanya.

"A-Actually, I don't need someone to be with me. Para bang mas gusto ko nalang 'yung mag-isa parati." pagsagot niya na ikinagulat ko noon.

"You would choose to be alone?" pangungusap kong muli.

"Yes, siguro nga. By the way, sa tanong mo na ako lang ang mag-isa? H-Hindi, I have a boyfriend but we're not good as anyone. Siguro 'yun nalang din 'yung dahilan ko at pumunta rito para magpakasasa sa masayang buhay. Remember the day, noong una tayong nagkita? Nag-away kami no'n. 'Yung pangalawa? No'ng nakita mo akong may kayakap? Nagtalo din kami no'n." paliwanag niyang muli na tila bang galit ang nararamdaman ko kung kaya't napailing na lamang sabay pagtingin muli sa kanya.

"A-Ano?!"

"Yes and you're right, he is Xavier. Xavier Del Viejo." bigkas muli nito habang ako nama'y napakumot ng kamay kung kaya't galit muli ang nararamdaman sa nalaman ko. "Siya ba ang Xavier na kilala mo?" dagdag niya pa.

"H-Hindi, iba." pagkautal ko at iyon na lamang ang nasabing dahilan. "A-Ano bang ginagawa niya sa'yo? Sinasaktan ka ba?" pagbaling ko na lamang.

"H-Hindi naman, hindi niya naman ako sinasaktan. Nagtatalo lang kami kapag hindi kami nagkakaunawan sa isang desisyon." paliwanag niyang muli na nagpatigil sa aking paggalaw.

"Tanginang lalakeng 'yon." mahina kong bulong sa sarili ko kung kaya't pawang narinig ito.

"Ano?"

Natigilan ako, walang salitang binitawan, ni hindi malaman ang dahilan. Pawang ikaw ang taglay ng alaalang dumudungaw sa isip ko.

Gustuhin mang tumakbo, magwala, magalit sa taong kinaiinisan ko, walang maggawa kung kaya't mapupuno ng pagtataka ang isip nito.

"Wala. Kay sarap lang ng hangin. Kay sarap pagmasdan ng kulay kahel na langit." pagbaling ko sabay paggala ng mga mata ko. "Diba---"

Sa aking paglingon pabalik sa kanyang malulungkot na mga mata tila bang hawak-hawak na ang ulo nito't magulong mga buhok.

"Czea, okay ka lang ba? Cz-Czea!" sigaw ko no'n kung kayo hindi malaman-laman ang nangyayari sa kanya.

Agad naman itong tumayo pawang hindi naririnig ang mga sigaw ko. Ako ri'y napatayo sa pagkakataong iyon, hinawakan nito ang mga kamay sabay pagyakap ko nang hindi inaasahan. Hindi nais na gawin ngunit tila bang nadala na lamang.

"S-Sorry. Okay ka lang ba?" pagbitiw ko at nagtanong kaya't pawang gumaan ang pakiramdam nito.

Napamulat muli ng mga mata nang natigil sa pag-alala. Dumudungaw pa rin sa bintana kalapit ng pagbuhos ng ulan. Tila bang pumatak ang luha na hindi inaasahan sabay pagpunas na lamang nito.

Ba't ba ako nagkakaganito? Huminga na lamang ng malalim at napatangin sa mesa. Paghawak ng bolpen at sinimulan na lamang muli ang pagtatagpi.

"... Pagpatak ng mga luha, ikaw sana'y hangarin,
Napailing, ibinaling na lamang sa hangin..."

Ano bang naggawa ko? Inilapag ang bolpen sabay paglukot ng tulang naroon sa papel. Inilagay sa kahon kung kaya't nakalagay ito sa mesa at isinara sabay pagsandal na lamang sa sofa.

Tumunog ang telepono at pawang tawag ito. Dali-daling hinablot ang teleponong nakalapag sa mesa't sabay pagtingin nito't bumungad ang numero ni Jim.

"Bro, saan ka ba? Akala ko ba makikipag-meeting ka sa location department? Mag-aalas dos na." pagtatanong ni Jim na nasa kabilang linya.

"P-Pasenya na sumakit 'yung ulo ko kanina. Umulan din kasi eh, nagpapatila pa ako. Don't worry, I'll be there." sagot ko sa tawag niya.

"Sige, bilisan mo." bigkas pa nito at tuluyang ibinaba ang linya nito.

Napadungaw muli sa bintana, kitang-kita ang pagtila ng ulan. Inayos ang mga gamit sa lamesa't pinagpag ang sofa.

Napahinga muli ng malalim kasabay ang pagtayo't pagtingin sa salamin. Kanina pang nakabihis, nagpahinga lamang dahil umulan. Inayos ang buhok pati na rin ang damit, ibinulsa ang telepono. Muling umupo at isinuot ang sapatos, napangiti na lamang at tuluyang lumabas nang pintuan.

Unti-unting pagtila ng ulan, dumiretso agad sa garahe. Binuksan ang gate at sinimulang ilabas ang kotse. Isinara't kinandaduhan pagkatapos ay bumalik at ipinaharurot ang sasakyan.

Sa kabila ng kahabaan ng daan, trapiko ang naghihintay dulot na rin ng pagbuhos ng ulan. Ginala na lamang ang mga mata habang naghihintay ng pagberde ng traffic light.

Ilang minuto'y nakalilipas, narating ang paroroonan. Agad na ipinarada ang sasakyan sabay pagkuha ng sumbrerong nakalagay sa lalagyan.

Lumabas, isinara. Dumiretso sa loob ng kompanya sabay pagbungad sa aking mga mata ang nakatayong si Jim sa may hallway nang may kausap sa telepono.

"Jim!" pagtawag ko sa kanya.

"Oh Lance, tagal mo naman. Sandali, tatapusin ko lang 'to." pagsagot niya sabay pagbaling nito ss kanyang telepono.

Pinagpag ang damit, tinanggal muna ang sumbrero upang ayusin ang buhok. Hinihintay na matapos ang tawag ni Jim.

"'Yung request pala natin to shoot in Pampanga is okay na. Locations are set there." ani nito nang natapos na ang tawag nito sa kanyang telepono sabay pagbulsa nito.

"Nice, thanks bro. 'Yung mga scouts andito ba?" sambit ko nang nagsimulang maglakad paakyat ng meeting room.

"Yes, 'yung iba papunta pa, na traffic din kasi dahil sa ulan." sagot ni Jim.

"Napakaulan talaga maswerte ka nalang dahil nauna ka dito." bigkas ko pang muli.

Ilang saglit pa'y narating na ang meeting room kung saan naghihintay na rin ang iba. Bumungad din sa akin ang papalapit na si Yaz upang bumati.

"Good Afternoon, Direk." pagbati nito.

"Good Afternoon. Tsaka nga pala Yaz, may appointments pa ba ako after this?" pagtatanong ko.

"As far as I know, this will be your only meeting today since the continuation of the script reading is postponed. But tomorrow Direk, you'll have a meeting at ten, sabi kasi ng assistant ni Mr. Lacson, you'll need to meet with the producers of Primavera." sambit ni Yaz na nagpakunot ng noo ko sabay pag-upo ko sa upuan at inilapag ang sombrerong dala ko.

"Okay. So, ano raw 'yung pagme-meeting-an?" tanong kong muli.

"Wala naman silang sinabi Direk. But, I heard kanina with the producers, it will be about the shooting days." sagot ni Yaz habang nakakunot pa rin ang noo ko.

"What? Okay, I'll just talk to Mr. Lacson, later." sagot ko na lamang sabay pagsandal sa upuan.

"Okay Direk."

Tila bang napaisip muli at napailing na lamang, saktong-saktong kumpleto na ang mga panauhin.

"So, good afternoon." pagbati ko.

"Good Afternoon, Direk."

"Give me first an update regarding with our locations." ika ko sabay pagdiskusyon nila.

"As what I have laid to you Direk Lance. The scouts assigned to the Pampanga, already given me a go signal that the permit was already approved by their officials." bigkas ni Jim habang tumatango naman ang ilang location scouts.

"Sa katanuyan po Direk, babalik po kami do'n bukas para magsubmit ng exact dates to shoot." dagdag pa ng isang scout.

"Actually, there are fixed dates na kung kailan tayo magsisimulang mag-taping but unfortunately, my assistant said that Mr. Lacson invited me with him to attend the meeting at Primavera's dahil mayroon tayong possible changes sa scheduled tapings natin. I don't know but my assistant will just relay the happenings tomorrow para alam niyo kung kailan kayo pupunta." paliwanag ko na pawang naintindihan nila.

"What is this about Lance?" pagbulong ni Jim kung kaya't nasa kanan ko lang siya.

"Hindi ko nga alam bro. Ewan ko kung ano na naman ang mga pinagsasabi ni  Xavier. By the way, kapag nakausap ko si Mr. Lacson, sasabihan kita na sumabay ka sa akin." pagsagot ko naman sa pagtataka niya.

"Sige."

"So next, how about the locations in London? Madami-dami rin tayong locations doon. We have the London City Airport, The Diamond Company, of course Trafalgar Square at marami pa." ani kong muli.

"We already contacted Mrs. Harrington, our representative to London. She is already waiting for the approval. I'll be going there also, with some of my scouts and I think Mr. Burgos and Mrs. Javier, this Friday to study more about the locations." paliwanag muli ni Jim.

"Good, we're targeting by Monday or Tuesday na dapat all locations must be secured para wala na tayong magiging problema." bigkas ko sabay paghawi ng buhok ko.

"Hindi ka ba talaga sasama bro? You need to be there, ikaw ang mas nakakaalam sa pasikot-sikot ng istorya." pagbigkas muli ni Jim nang napasandal ito sa kinauupuan niya.

"Gustuhin ko man but the taping will start next week maybe, we need to double the work kasi may hinahabol tayong deadline." pagsagot ko na lamang.

"How about the AD Department, nakausap mo na ba sila?"sambit pang muli nito.

"Oo, nakausap ko na sila." simpleng sagot ko na lamang.

Nagpatuloy ang diskusyon sa loob ng meeting room. Iniisa ang mga posibleng himayin kasabay na rin ang pananatili nila. Ilang minuto'y lumipas, ito'y natapos na at unti-unting nagsilabasan ang mga empleyado.

"Bro, balitaan mo nalang ako kung anong mangyayaring meeting bukas, mauuna na ako, may pupuntahan pa kasi akong isang location." ani muli ni Jim sabay pagtapik ng balikat.

"Sige, sige." sagot ko na lamang at agad itong umalis.

"Yaz, nakita mo ba si Mr. Lacson? I need to talk to him."  pagtatanong ko kay Yaz sabay pagdampot ko ng sumbrerong nakalapag sa mesa.

"I saw him earlier in his office. Baka nandoon pa po siya." sagot nito.

"Okay thank you, I'll just check him sa office niya. Palagay nalang nitong sumbrero sa mesa ko. Mauna muna ako." pangungusap ko sabay pagtango't ibinigay sa kanya ang sumbrero at tuluyang umalis patungo sa opisina ni Mr. Lacson.

Pawang nagbibilang ng pagtapak ng mga paa patungo sa opisina ni Mr. Lacson. Pumasok sa elevator kung kaya't nasa taas pa ang opisina niya. Lumabas nang bumagting ang elevator sabay paglalakad patungo sa opisina nito.

Kumatok at binuksan ito.

"Mr. Lacson?" bati ko sa kanya.

"M-Mr. Samaniego, what brings you here?" pagkagulat nito na pawang nauutal ito kung kaya't kitang-kitang may kausap sa telepono. "Bakit hindi ka naman dumaan muna sa assistant ko?" dagdag pa nito sabay pagkunot ng noo ko.

"Ah, wala po kasi 'yung PA niyo. By the way, ano po 'yung sinasabi ng assistant ko na we will be having a meeting again in Primavera about the taping schedules? I thought, we already agreed about that?" dire-diretso kong pananalita sabay pagngiti ko na lamang sa huli.

"Yes. Buti nalang you opened it up. Maupo ka muna." ani niya't umupo naman ako.

"So what is it?"

"Primavera just wanted to move the first shooting day maybe next, next week. I don't know why but that was the message relayed to me by their assistant." paliwanag ni Mr. Lacson at napangisi na lamang ako.

"At pumayag po kayo? Akala ko ba, our goal is to be an entry in the film fest? We don't have enough time to move shooting days." paliwanag ko sa kanya kung kaya't pawang naiintindihan niya naman ako.

"I haven't. Kaya nga, we need to be there tomorrow to verify what will happen in the following days." sagot nito sabay pagsandal sa upuan nito.

"If it will be moved, madadamay rin 'yung mga locations natin. Actually, we had a meeting earlier with the location department and we need to submit exact dates as soon as possible." paliwanag kong muli at tumango naman ito.

"Okay, I understand. We need to attend the meeting first para ma-address natin ang mga concerns." dagdag niya pa.

"Okay, I'll invite also Mr. Larrienza for location whereabouts." ani ko pang muli.

"Okay, sige. Just be there before ten."

"Yes, thank you, Mr. Lacson. I need to go." sagot ko at tuluyang lumabas ng opisina ni Mr. Lacson.

Hindi ko maintindihan, bakit pa ba kailangang baguhin? Hindi pa rin mawala ang pagtataka subalit huminga na lamang at napangisi.

Ibinaling na lamang at napailing, napag-isipang tumungo na lamang sa opisina at napagpasyahang magpapalamig na lamang.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

28.4K 1.3K 58
[Soon to be PUBLISHED under LIB] Lahat tayo ay may hinahangaan. Minsan minamahal na natin sila pagiging idolo natin sa kanila. Gumawa nang mga para...
97.5K 550 6
(SPG/ R-18) ❤️ Owl City boys Series - 3 ❤️ This story is no longer available here. To read the complete version, please visit my Dreame account. Than...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...