ElAINE'S POV
Buong Araw nandito si Timothy at buong Araw rin ako nitong inalagaan. Ang sweet nga niya Eh, Binilihan niya ako ng gamot, dinalahan ako ng Breakfast, Lunch at Dinner. Ang bait nga niya Eh parang naging kuya ko siya. Parang alalaang alala nga siya sakin Eh, at Inis na Inis siya sa ginawa ni Axel pero inavoid nalang namin na pag usapan siya. Kahit ako nga ay Inis na Inis parin ako Kay Axel, siya na nga nag promise na susunduin ako tapos Hindi niya ginawa. Ok pa sana kung nagtext man lang siya na Hindi niya ako susunduin, para atleast alam ko na wag nalang sana umasa na dadating siya. Siguro naman may reason siya kung bakit Hindi niya ako susunduin.
Kahit na kakaramdam ako ng galit sakanya, bakit ganoon nalang hindi ako makaramdam ng super Galit sakanya na dapat nararamdaman ko ngayon. Ganoon nalang ba ako napamahal sakanya na kahit ako na yung pinaasa, niloko, sunusungitan, Hindi pinapansin. Pero bakit hindi ko parin maalis yung pagkagusto ko sakanya. Kahit dahil sakanya kaya may Mataas na lagnat ako ngayon at nanghihina ako. Pero mabuti nalang andito si Timothy na inalagaan ako, binantayan ako, pinakain ako, at pinaramdam sakin yung gusto kong maramdaman Kay Axel. Yung May Pake sakin, kinakausap ako ng maayos, inaalagaan ako, concern sakin, at nararamdaman ko na masaya ako pag kasama siya.
Masaya ako na nakilala ko si Timothy, kasi simula nung nakilala ko siya napasaya niya ako, tinulungan niya ako, at inalagaan niya ako. Buong Araw rin akong binantayan ni Timothy kahit pag natutulog ako ay pag gising ko ay andiyan Lang siya, meron nga nung pag gising ko ay tulog rin siya sa upuan at parang nagiginig sa lamig, kaya kinomutan ko nalang siya kasi medyo malamig naman talaga sa kwarto. Ngayon ay Gabi na mga 5:30 nagkwkwentuhan kami ni Timothy gising kaming Pareho kasi kaka dinner Lang namin, habang nagtatawanan kami ay May biglang kumatok sa pintuan kaya napahinto kami. Bat naman kakatok si mama eh kanina naman Basta pasok nalang siya ah. Nagtinginan naman kami ni Timothy tapos tumayo na ito at binuksan ang pinto, medyo napahinto ito nung nakita niya Kung sino yung kumatok. Sino kaya yun?
"Tim Sino yan?" Takang tanong ko naman. Hindi naman siya lumingon at kita ko na bumuntong hininga siya.
"Si Axel." Halatang nagtitimpi ng galit si Timothy kasi kita kong na Fist position na ang kamay niya. Nung Narinig kong si Axel iyon ay nagulat ako at na Inis na rin. Ano naman ginagawa niya dito, diba wala siyang pakealam sakin kaya Nga Hindi niya ako sinundo kahapon Eh. Tapos ngayon pupunta siya dito. Hindi ko alam Kung magagalit ako or ano. Ano naman sasabihin nito at andito to, ano magexexplain siya, papatawarin ko ba siya Kung magexexplain siya at mag sosorry. Bakit ba ganito ako kahit dapat galit ako pero Hindi yung galit na dapat nararamdaman ko ngayon, parang mas nagagalit pa nga si Timothy Eh. Siguro na bubulag na ako sa pagkakagusto ko Kay Axel kaya Hindi ko kayang magalit ng Grabe sakanya. Bat ba ganito ako? Bat ba Hindi ko matangap na Hindi niya ako gusto, niloko niya ako at pinaasa niya Lang ako. Pero kahit lahat yun ay naramdaman ko, Hindi ko parin matangal ang pagkagusto ko sakanya. Ganito na ba ako ka addict Kay Axel, na kahit anong pananakit ang naramdaman ko na galing sakanya ay Hindi ko parin kayang wag siya mahalin at intindihin nalang.
"Tanongin mo Kung anong ginagawa niya dito." Malumay na sabi ko.
"Rinig mo yun. Ano daw ginagawa mo dito?!" Inis na sabi ni Timothy Kay Axel na nasa labas parin ng kwarto. Bigla namang pumasok si Axel at binungo pa si Timothy. Nagulat naman si Timothy at parang Na inis pa.
"Elaine let me Explain." Sabi ni Axel, bigla namang pumunta si Timothy Sa Harap ni Axel.
"Ano bang Problema mo Bat ka ng bubungo Ha!" Inis na sabi ni Timothy
"Pake mo ba, paharang harang ka kasi diyan sa Daan, eh kita mo namang papasok ako diba." Inis rin na sagot ni Axel.
"Eh Bat ka ba Basta Bastang pumapasok?! Kwarto mo ba to?!" Galit na sabi ni Timothy.
"Eh bakit ikaw, kwarto mo rin ba to. Hindi diba?! Eh bat ganyan ka makareact parang sayo to ah at anong pake mo Kung pumasok ako dito, Kase mas May Right pa akong pumasok dito kasi MasMatangal na akong kilala ng Parents ni Elaine."
"I doubt that." Biglang singit ni Timothy.
"Ayan ka nanaman paepal ka rin Eh. At ano ba ginagawa ko dito?!" Inis na sabi ni Axel bigla namang tinulak ni Timothy si Axel.
"Ako Paepal aba Gag* ka pala Eh. Tapos tatanongin mo pa ako Kung ano ginagawa ko dito. Malamang inaalagaan ko tong si Elaine na Nagkasakit dahil Sayo!! T*ngina Mo!" Malakas na sigaw ni Timothy Kay Axel.
"T*ngina mo Rin ah, Gag*!!." Malakas rin na sigaw ni Axel Kay Timothy. Bigla namang Hinawakan sa Kwelyo ni Timothy si Axel.
"Mas Gag* ka, ang lakas pa ng loob mong pumunta dito, pagkatapos ng ginawa ko Kay Elaine. Alam mo ba Kung Gaano kataas Lagnat niya at nanghihina pa siya ng Sobra. at ikaw ang may kasalanan nun. Kung alam ko Lang sana na Hindi mo rin pala siya susunduin Edi sana nasundo ko pa siya bago siya Na buhusan ng malakas na ulan at nagkasakit. At nangyari lahat yun Dahil Sayo!! Gag* ka!!" Galit na galit na sabi ni Timothy. Pansin ko namang naka fist na si Axel at parang gusto ng suntukin si Timothy at ganoon din si Timothy, kaya kahit Masakit ang katawan ko pag gumagalaw ay nagpilit akong makatayo at humarang ako sa Gitna nila. Binitawan naman ni Timothy si Axel nung humarang ako.
"Tumigil nga kayong dalawa!!!" Malakas na sabi ko. "Ano bang pumasok diyan sa mga ulo niyo at nagaaway at nag mumurahan kayo Dito sa Kwarto ko At dito pa talaga sa Harap ko. Umayos ayos nga kayong Dalawa."
"Eh kasi tong Gag* to" Sabi ni Timothy na lalapit pa sana kay Axel kaso pinigilan ko.
"Tim Huminahon ka nga." Sabi ko Kay Tim na napatingin na lang sa paglapit, kahit Halatang gigil na gigil na siya Kay Axel at parang gusto niya nang suntokin.
"At ikaw Axel anong Ginagawa mo dito?" Napatingin naman sakin si Axel.
"Ahhhh... Eh kwan."
"Anong Kwan." Biglang Singit ni Timothy na Halatang gigil parin.
"Pwede ba hayaan mo ako magsalita." Inis na sabi ni Axel Kay Timothy na nginisian Lang siya. Bigla naman ako nakaramdam ng sakit sa katawan ko. Tss... nagpumilit pa kasi akong tumayo. Nakita kong nahalata nila na nanghina ako Bigla.
"Elaine Okay ka lang?" Alalaang Tanong ni Axel.
"Malamang hindi." Inis na sabi ni Timothy na inaalalayan pa ako papunta sa kama para maka upo. "Bat ka pa kasi nag pumulit tumayo Ela, Eh diba masakit buong katawan mo."
"Swempre Kung Hindi ako humarang eh Baka nag bugbugan na kayo diyan."
"Tss... Hindi ka sana nilalagnat at masakit ang katawan Kung Hindi dahil sa Gag*ng yan." Galit na sabi nito.
"Tim." Sabi ko naman sakanya at hinawakan siya sa balikat. "Kalma Lang sabi diba."
"Pano ako kakalma eh yang Bwisit na yan ang May kasalanan Kung bakit ka nagkasakit."
"kaya nga andito ako Eh, para mag sorry at mag Explain Kay Elaine."
"Explainin mo yang mukha mo." Bwisit na sabi ni Timothy Kay Axel.
"Anong sabi mo." Nagbabantang sabi ni Axel. Tumayo naman si Timothy.
"Hoy! Sabing tigil diba!!!" Malakas na sigaw ko kaya napatingin silang dalawa sakin. "Oh Sige Axel bibigyan kita ng oras para magpaliwanag."
"Anong Explain papaexplainin mo pa tong Gag*ng to." Turo ni Timothy Kay Axel.
"Sinabi na nga niya na Oo diba, wag ka na ngang umepal pa Timothy." Inis na sabi ni Axel sakanya. Tinignan naman ng masama ni Timothy si Axel.
"Ako paepal. Baka gusto mong mag——"
"Tim, pwedeng lumabas ka muna para nakapag paliwanag na si Axel." Biglang singit ko.
"Ha! Bat pa kailangan na lumabas ako!?" Inis na sabi nito na nakatingin parin kay Axel.
"Eh Nagkakainiitan kayong dalawa dito eh, please Sige na Timothy." Pagpipilit ko sakanya.
"Fine." Sabi nito at lumabas ng kwarto, malakas pa niyang Sinarado ang pinto. Tumingin naman na ako Kay Axel na nakatingin narin sakin.
"Elaine........"
TO BE CONTINUED...
(THANK YOU FOR READING MY STORY, I HOPE YOU CONTINUE TO SUPPORT IT.)
VOTE
COMMENT
SHARE