Leprechaun

jaypot7594 द्वारा

2 1 0

Main characters - Micha Shibutani - Katindig - Jay Francis अधिक

Leprechaun "Chapter 1- Golden Coin"

2 1 0
jaypot7594 द्वारा

Ako si Micha Shibutani 16 years old, Taga-Ilocos pero lumaki sa Quezon City lumipat kami ng Quezon City ng twelve years old palang ako and after 4 years babalik na ulit kami ng ilocos.

Puntod ni apo yolly ( lola ) malungkot at tahimik ang lahat sa pagbabalik namin ang paghagulhol ng iyak ni papa ang maririnig sa buong lamayan lumapit ako kay papa at niyakap namin sya ni mama sabay lapit ng mga kapatid ni  papa at nag-iyakan na kaming magkaka-pamilya .

Lumapit sakin ang isang kapatid ni papa si tiya conching , may inabot siyang maliit sa sobre tinitigan ko siya sa mata, " bat parang masaya si tita? " Sabi ko sa sarili ko." Ikaw ang napili ni apo micha, mahalaga ang laman neto pakiusap ingatan at alagaan mo to, " sambit ni tiya conching sa akin ng naka-ngiti, Dahan dahan kong binuksan ang maliit na sobre at ang laman neto ay isang golden coin na may mark na  four cloverleaf.

" Tutulungan ka ng bantay, poprotektahan ka nya at tutuparin ang mga hiling mo, pero mag-iingat ka sa paghiling mo at di muna yun mababago." Pahabol ni tiya conching habang nawe-wirduhan na sa nangyayari, " Tiya conching, ano po ba talaga to? Anting-anting po ba? Mabebenta ko po ba to? " Pabiro kong sinabi, Humarap si tiya conching sa'ken, " Micha , isang bagay pa wag na wag mong subukang ebenta ko o gamitin sa masama ang gintong barya malalaman mo din sa takdang panahon kung gaano ito kahalaga." Lumakad si tiya papalayo saken,  Shit sobrang pormal ng mga kapatid ni papa, Apat silang magkakapatid panganay ni tiya conching, sumunod si tiyo cando na di ko pa nakikita, si tiya Cassie at bunso si Carlo Shibutani ang papa ko sanggol pa lang daw si papa ng namatay si lolo, sobrang hirap sila nung nawala si lolo hapon ang tatay nila papa si Tsukasa Shibutani mayaman daw si lolo sabi nila pero nung namatay sya binigay nya lahat ng ari-arian nya sa isang charity. What?! Di man lang nagtira si lolo sa mga anak nya? Parang sobrang damot ni lolo well may tinulungan naman sya kaso dapat nagtira pa din sya. -

Araw na ng libing ni apo yolly malungkot ang lahat, nag alisan na ang ibang nakipag-libing iniwan namin sila papa sa putod ni apo yolly tatlo silang magkakapatid dun at tila may pinag uusapan " malamang pinag uusapan nila ang tito mo, Wala kasing balita sa kanya di rin alam kung nasan na siya." Sambit sa akin ni mama .

" Micha ..! Kamusta kana ? Salamat at Nakita na din kitang kulot ka ! I'm so happy to see you again kulot. " Biglang bati saken ng kababata kong si Jay. " Okay lang pumopogi ka ngayon taba aa." Bati ko rin sa kanya, hmm.. wow tumangkad at pumayat na si Jay Francis , Ang dami na singurong nalokong babae neto halos di ko na nakilala. " Condolences sa Shibutani Family, " Bati ni Jay kay mama na nginitian lang siya. " Kamusta jay? Nagkausap na pala kami ng mama mo." Sabi ni mama sa kanya, Parang may di ako malalaman dito, well, actually mag-bff ang mama ko at mama ni jay francis nung high school palang sila, pero ang alam ko nasa Malaysia si tita at nagta-trabaho as a cleaner.

Iniwan ko muna si mama at si Jay para makapag-usap sila ni mama ayoko na munang sumawsaw sa usapan nila dahil napapa-isip na din ako kung ano ng nangyari kay tiyo cando. Nag biglang may humarang sa dinadaanan ko. " Ikaw pala ang ika-lima ? Sana tama si yolly sa pag-pili sayo, you don't even look smarter or something special." Sabay dumaan sa akin, " excuse me sir,!"  Pagtalikod ko nawala na siya.

" Maputla? 5'5 yung height cold magsalita, nakagreen na t-shirt at leather jacket na black? Ang weird ng fashion niya. Hahaha baka multo yung nakita mo kasi nasa sementeryo tayo kanina, wag muna isipin yun." Reaksyon ni jay ng ikwento ko yung nangyari. "Teka, ano pala pinag-usapan nyo ni mama kanina? Mukhang seryosong usapan yun, well okay lang if ayaw mong ishare, curious lang naman ako as your friend." Sinabi ko ng may tonong pagbabanta para ishare nya din haha, kilalang kilala kita jay francis alam kong sasabihin mo din saken yung pinag-usapan nyo ni mama. " Well, sasama ako sa pag uwi nyo ng QC, At habang di pa nakakauwi si mama galing Malaysia... Hmmm.. Dun muna ako titira... Sa bahay nyo." (.....) "WHAT?! SA BAHAY NAMIN?! " Napasigaw ako gulat.

Dali dali akong tumakbo papunta kay mama sa kusina. " Mama ! Si jay kasama na natin siya sa bahay ?! I mean pag-uwi natin ng qc dun muna siya sa'tin mag i-stayed? " Ngumiti si mama sakin pagharap niya. " Hmmm.. oo alam ko din naman na magiging masaya ka kung andun siya sa'tin , alam kong kapatid na turingan nyo sa isat isa tsaka parehas kayong walang mga kapatid kaya nag-usap kami ng tita mo, malapit na siyang umuwi kaya malamang mga isang buwan lang siya sa atin." Napatalon ako at niyakap si mama ng mahigpit, " wag mong sabihin kay jay na masaya akong dun siya sa'tin tutuloy ma, baka kung ano pa isipin ng lokong yun." Sabay takbo papalabas ng kusina, masaya ako kasi magkakaroon ako ng kasama sa bahay, yung masasabi kong kapatid ko never ko kasing naranasan na magkaroon ng kapatid or ano bang feeling ng may kapatid, tapus yung best friend ko pa since when were a child.

Hinahanap ko si jay sa labas ng bahay pero kahit anino niya di ko makita, naka-ilang ikot na din ako sa bakuran namin pero wala siya. " Pa? Nakita mo ba si jay? Di ko kasi siya makita ey." Tanong ko kay papa na nagpapakain ng manok. " Sinamahan si tiya conching mong mamalengke, bakit mo siya hinahanap? " Tanong sakin ni papa habang hinihimas ang manok. "  Wala pa, may sasabihin lang sana ako."

Lumabas ako ng bahay para silipin kung padating na ba sila tiya conching galing palengke, pero wala padin sila napatingin ako sa langit "wow super ganda talaga ng mga rainbow, bat parang ang lapit mo ngayon." Sobrang linaw ng mga kulay ng rainbow na to at mukhang nasa likod lang ng bahay ni apo yolly yung dulo neto, pinuntahan ko yung dulo neto dahil na rin siguro curious ako or bored na din pinuntahan ko na. "Paano ka nakapasok sa bahay ko? Paano mo nagawa yun? " Shit! Nakita ko ulit yung binatang humarang saken nung libing ni apo. "Sabihin mo, paano ka nakapasok sa bahay ko?!" Pasigaw na tinanong saken, pero wala akong masagot dahil di ko rin alam kung anong nangyayari, nasan ako? Shit, shit shit. Isip Micha!

Hawak niya ako sa braso ng mahigpit at halos magdikit na ang mga mukha namin sa sobrang lapit, " sabihin mo,! paano mo nagawang pumasok sa bahay ko?! " Nakatingin siya sakin na parang gusto niya akong gustong patayin. " Bitawan mo ako, Nasasaktan na ako kuya.. " Pero wala syang kibo at nakatingin lang siya ng masama saken, " Ayaw mo akong bitawan? Sabing nasasaktan na ako ee...!" Hinawakan ko sya sa braso nya tsaka ako pumihit papunta sa likod nya at bigla ko siyang sinipa sa likod papalayo sa kanya at ng tatakbo na ako sa pintuan ay andun na sya, " Shit ! Paano ka napunta jan? " Sabi ko ng gulat na gulat at biglang may kumalabit sa likuran ko at napasigaw ako sa gulat at di ko na malayang nasuntok ko yung kumalabit sa likuran ko. " Shit ! Sorry di.. di ko talaga sinasadya .. na-nagulat kasi ako .. ta-tapus .. " sa sobrang takot ko ay di ko na alam ang gagawin, kaya nyang mag-teleport? Di ko namalayang nakatulog siya sa suntok ko.

Leprechaun pov's ---

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo, Biglang tayo ako sa higaan ng maalala ang nangyari, "  Aray !hhmmgg.. Babae ba talaga yun? Ang lakas sumuntok ng lokong yun, Nasan na kaya siya? " Alam kong hindi siya makaka-alis sa bakuran ko maliban nalang kung papaalisin ko siya, nag-iisip padin ako kung paano niya nagawang pumasok sa bakuran ko wala ng kapangyarihan ang bahang hari para magpapasok ng tao dito.

Bigla akong may narinig na sumigaw sa kusina ko, " Sabi ko na't andito kapa." Tumakbo ako papunta sa kusina at nagulat ako pag-tingin ko sa kanya, "Kandiwata ! Tara dito !" ( Si kandiwata ay alaga kong Dyler, mukha siyang aso, Ang kinaibahan niya lang ay meron siyang pakpak at balahibong katulad din sa mga ibon.) Nagtago pa siya sa likod ni micha wala ka ng pag-galang sakeng hayop ka samantalang matagal kitang tiniis alagaan. "Wag mo siyang takutin! Di ko alam na may ganto palang ka cuuutee .. na nilalang dito, Pwede bang akin kana lang, kutchi kutchi kooyy..!" Pagtatangol ni micha kay kandiwata. "Kandiwata ang pangalan niya at di mo siya pwedeng kunin saken, mahirap mag-alaga ng katulad niya." Sabi ko sa kanya, mukhang di mo kayang lumabas sa bakuran ko, paano kung dito kana lang at kunin ko nalang yung gintong barya.

Micha pov's ---

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya, "May masakit ba sayo? Mukhang matibay naman yung mukha mo kahit mukha kang pale, Micha. Ikaw?" Tanong ko pagkatapus kong magpakilala. "Katindig," Sagot niya sakin at napansin kong nakatitig lang siya saken at yung mukha niyang maputla ay unti-unting namula kaya bigla ko siyang binitawan. "Yuck ! Hahaha ..! Katindig ? Surename mo nalang, pinasasakit mo yung tiyan ko" Ang panget ng pangalan sobrang luma di ko mapigilang tumawa. "7,594 years ko ng gamit yung pangalan kong katindig, at wala pang nilalang ang tumawa sa pangalan ko bukod sayo." Sagot niya saken na sobrang lamig ng dating at naka-poker face, "7,594 years,?!!! Wow naman kuya .. Kapatid mo ba si Matheo Do? Alien ka din ba ? Haha." Bigla akong napatigil sa pagtawa ko ng bigla siyang napunta sa likuran ko, "Di ako part ng isang kdrama series, fiction movie .. 7,594 years na ako sa mundo dahil isa akong.. Leprechaun."

To be continued..

End of Chapter 1- " Golden Coin"

Leprechaun will be back soon..

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

Something Spectacular April द्वारा

किशोर उपन्यास

16.7M 722K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
Garnet Academy: School of Elites Cai द्वारा

किशोर उपन्यास

28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...