HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1)...

بواسطة Vis-beyan28

678K 11.2K 519

(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always en... المزيد

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 31
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Important Note
BOOK 2

Chapter 53

7.3K 140 3
بواسطة Vis-beyan28

Chapter 53: 'Birthday 1.2'

December 8, 2011

Ahli's POV

Kinaumagahan, maaga akong nagising. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang naliligo dahil ngayon ang BIRTHDAY KO! Sa tagal ng panahon, ngayon na naman ako na excite sa birthday ko. Sobrang saya na halos wala ng mapaglagyan ang ngiti sa mukha ko. Excited nga akong lumabas dahil gusto kong gumala. Ang ganda kasi ng resort na napuntahan namin at ang ganda ng panahon.

Pagkalabas ko ng banyo, nagulat na lang ako ng wala na sila norine, haeni at ayna.

Bakit hindi ko napansing gising na pala ang mga yun at nauna pa talaga silang lumabas. Gutom na ba ang mga yun?

Taka akong pumunta sa harapan ng salamin para magsuklay at saka isinawalang bahala ko na yun dahil paniguradong nagugutom lang naman ang mga yun kaya nauna na silang bumaba.

Pagkatapos kong magsuklay ay lumabas na ako. Halos matigilan pa nga ako sa gulat dahil may nakita akong nakapaskil na puting arrow sa sahig. Parang may tinuturo. Bagamat nagtataka ay mabilis ko naman yun sinundan. Kahit may namumuo ng konklusyon ang isip ko kung sinong may kagagawan nito hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari.

Hindi ako makapaniwala dahil kapag nagkataon ito na ang pinaka espesyal na birthday para sa akin.

Walang direksyon ang paa ko habang tinatahak ang hallway hanggang sa may namataan akong bulto na nakatayo sa elevator.

"Lester!"-sigaw ko at dali daling nagtungo dun.

Mabilis siyang humarap at nginitian ako dahilan para magulat ako. Matagal ko ng kaibigan tong ugok na to at alam kong kailanman ay hindi siya ngumingiti. At nakakagulat sa parte kong nginitian niya ako!

"Happy birthday ahli."-bati niya at tinap pa ng bahagya ang buhok ko.

Napangiti naman ako sa kinilos niya at di mapigilang yakapin siya sa sobrang tuwa. "Thank you lester."-masaya kong tugon na mabilis niyang kinangiti.

"Sakay ka na."-tinuro niya ang kanina pang nakabukas na elevator. Hindi na ako nagtanong dahil pumasok na ako pero nagtaka ako ng hindi siya sumunod sa akin.

"T-teka, hindi ka sasama?"-naguguluhang tanong ko. Nakangiti niya lang akong inilingan bago ako iniwan. Kahit nagtataka sa kilos niya hindi na ako nagprotesta pa ng sumarado na ang elevator.

Pakiramdam ko ngayon lang dumagundong ang kaba sa dibdib ko dahil hindi ko alam ang nangyayari pero kahit ganun natatabunan pa din yun ng saya.

Humugot ako ng malalim na hininga bago lumabas ng elevator. Dun ko nakitang naghihintay pala dun si gelo.

"Bestfriend! Happy birthday!"-masayang bati niya kaya halos napunta lahat ng tingin ng tao sa amin.

"Ang ingay mo talaga kahit kailan!"-natatawa kong puna pero nginusuan lang niya ako.

"O siya sige na. Alis ka na dahil nakakahiya sa naghihintay sayo."-tinignan niya ako na parang nang aasar kaya nagtaka ako.

"Ha?"

Ngumuso lang siya sa labas ng hotel at mabilis akong linayasan tulad ng ginawa ni lester kanina. Lalo akong nagtaka sa nangyayari pero nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang malamyos na ihip ng hangin na may halong init ng sinag ng araw. Napangiti na lang ako dahil sa ganda ng tanawin. Sobrang kulay asul ang dagat habang banayad naman ang alon ng nito.

"*ehem*"-agad na nabaling ang atensyon ko sa nanggalingan ng boses at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni zad.

"Pwede bang ihatid ang birthday girl natin?"-natatawa niyang tanong at saka inabot pa ang kamay niya sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang tumawa.

"Okay?"-hindi siguradong sagot ko at kinuha ang kamay niya. Naglakad kami sa buhanginan. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero nasasabik talaga ako.

"S-saan niyo ba talaga ako dadalhin?"-taas kilay kong tanong.

"Sa kanya..."

"Ha? Hindi ko narinig!"-reklamo ko pero tinawanan lang niya ako.

"Anyway, happy birthday to the most precious bestfriend I ever had. Be happy and enjoy, okay?"-hindi ako nakasagot dahil hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko bago iniwan tulad ng ginawa ni lester at gelo sa akin kanina.

Napatingin ako sa paligid. Nasa gilid ako ng dagat habang may speedboat naman at wala man lang akong makitang anino dahil ako lang ata ang tao dito. Anong gagawin ko dito?

"Yow!"

"Shit!"-napamura ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni renzo sa tabi ko.

Humalakhak naman ang gago. "Grabe ka magulat."-iiling niyang sabi at saka sumakay sa speed boat. "May I?"-maginoo niyang inabot sa akin ang palad niya na para bang Isa siyang prinsipe. Natatawa na lang akong napailing at inabot ang kamay niya. Ano na naman bang pakulo to?

Nang makasakay ako ay pinaandar niya ang speed boat papalayo.

"Saan ba tayo pupunta? Itatakas niyo na ata ako eh."-biro ko na kinaismid niya.

"Kung pwede lang, edi sana tinanan ka na ng gago."-bulong niya na hindi ko naman narinig dahil sa ingay ng speed boat.

"May sinasabi ka?"-malakas kong sigaw.

Napangisi na lang siya at umiling. "Wala."

Nagkibit balikat na lang ajo at hindi na umimik. Tinanaw ko ang resort pero halos ilang kilometro na ang layo namin.

Saan ba talaga ako nila dadalhin?

Hindi ko alam pero magkahalong excitement, kaba at saya tong nararamdaman ko. Halos mamawis na nga tong palad ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung anong dadatnan ko sa pupuntahan namin.

Nabalik lang ako sa realidad ng huminto na ang sinasakyan namin. Bumungad sa harapan ko ang napakagandang maliit na Isla. Puno ng mga bulaklak at at mga naglalakihang puno. Lalo akong namangha dahil sa sobrang puti ng buhangin.

"Baba ka na. Happy birthday ahli!"-pahabol pa niya bago pinaharurot papalayo ang speed boat.

Tanging huni lang ng ibon ang naririnig ko kaya nakaramdam ako ng konting kaba. Baka magisa lang ako dito? Huwag nilang sabihing papabayaan na lang nila ako dito ng mag isa? Mga loko!

Akmang aalis na sana ako ng marinig ko ang boses ng kapatid ko.

"Saan ka pupunta?"-taas kilay niyang tanong sa akin ng makitang aalis na ako.

"Akala ko, pinabayaan na nila ako dito kaya babalik na sana ako."-paliwanag ko kaya napasimangot siya.

"Paano ka makakabalik ate? Lalanguyin mo dito hanggang duon? Nag iisip ka ba?"

"Aba at!"-akmang babatukan ko siya pero nakaiwas ang loko! "Hoy totoy! Huwag mo kong inisin, birthday ko ngayon!"-paalala ko pa.

"Alam ko kaya nga may regalo ako sayo."-ngingiti niyang sabi kaya kumunot noo ko.

"Ano?!"

"Wala akong mahanap na brief kaya boxer na lang hahahaha!!!"-malakas siyang nataw dahil sa mukha kong namumjla na dahil sa sobrang galit.

"Bwisit ka! Aalis na talaga ako."-inirapan ko siya at akmang lalayasan na ang damulag na to ng pinigilan niya ako.

"Joke lang naman ate. Parang di ka na mabiro, hahaha."-hinila niya ako at saka kami naglakad.

"Kailan ka pa nagbiro toy?! Gago ka ha, namumuro ka na."-dinuro ko siya pero natawa lang ang loko.

"Nakakatawa ka talaga kahit kailan ate. You're face was priceless."-iiling pa niyang komento.

Psh. Ume-english na pala ngayon tong kapatid ko.

Natigil kami sa paglalakad ng mapansin kong may parang bahay na gawa sa kahoy sa gitna ng isla. Napapalibutan yun ng mga bulaklak at puno dahilan para lalong nagmukhang maganda ang bahay.

"Happy birthday ate. Sumbong ka lang sakin kapag sinaktan ka niya ha? Ayoko kitang umiiyak, napaka iyakin mo pa naman."-natatawa niyang ginulo ang buhok ko.

Di ko naman mapigilang mapangiti sa sinabi niya. Kahit ganun kasimple alam kong totoo yung sinabi niya kaya naman mahal na mahal ko tong kapatid ko eh.

"Salamat hans."-seryoso kong sabi at ginulo din ang buhok niya. Natawa na lang kami bago niya ako nilayasan at ako naman ay huminga ng malalim.

Dahan dahan akong pumasok sa bahay at una kong nakita ang isang center table na may nakalapag na isang bouquet na red rose. Hindi ko mapigilang mapangiti ng kuhanin ko yun. Lalong kumabog ang puso ko ng makitang may nakasulat sa maliit na papel.

'Follow the path, and you will find me'

~k

Napakagat labi ako sa nabasa. Kahit naman hindi niya sinabi ang nagbigay nito alam ko ng sa puso't isip ko kung sino. Wala naman ibang taong nagbibigay sa akin ng pakiramdam na ito kung hindi siya. Wala ng iba.

Mabilis kong ginala ang paningin ko sa buong bahay. Wala namang kakaiba kundi ang mga arrow sa sahig na para bang duon ako dadaan. Hindi na ako nag aksaya ng oras dahil kahit bitbit ko ang bigay niyang bulaklak, tumakbo na ako patungo sa tinuturo ng arrow.

Para bang sabik na sabik na akong makita siya at mayapak. Gustong gusto ko na siyang makita at magthank you sa lahat ng ginawa niya. Simula pa lang, alam kong ang gusto lang niyang gawin ay pasayahin. Kahit minsan iniinis niya ako hindi parin siya nabibigong patawanin ako.

Mabilis kong binuksan ang pintuan sa likod ng bahay. May nakita akong path duon na may mga nakakalat pa talaga na petals. Lalong kumabog ang dibdib ko dahil may naririnig akong strum ng gitara at kumakanta.

Sa lamig at lalim ng kanyang boses, sigurado na akong siya yun. Si khanz na yun....

"~I want to know

Who ever told you I was letting go

Of the only joy I have ever known

Girl, they're lying...~

Siya yung taong walang ginawa kundi ang pangitiin ako. Walang ginawa kundi ang protektahan ako. Si khanz....walang ginawa kundi ang mahalin ako...

"~Just look around

And all of the people that we used to know

Have just given up, they want to let it go

But were still trying...~

Paano ba niya ako nagawang mahalin? Paano niya nagawang mahalin ang isang tulad kong walang wala sa kalingkingan niya? Ako na ata ang pinakama swerteng tao dahil ako lang naman ang babaeng minahal ng Isang Khanzler Varhmiel Lacuesta. Bakit ba mahal na mahal kita khanz? Anong ginawa mo sa akin para umabot sa puntong kaya kong isakripisyo ang lahat para mabuhay ka?

Nangiligid ang luha sa aking mata ng matanaw ang lalakeng mahal ko...

"~So you should know this love would share was never made to die

I'm glad were on this one way street just you and I, just you and I...~"

Kasabay ng marahang paglakad ko sa path ay ang pagbuhos ng luha ko sa sobrang sayang nararamdaman ko ngayon. Ang paningin ko ay nasa kanya lang.

Nakaupo siya sa isang swing habang nakapikit na tumutugtog ng gitara. Napakaganda ng paligid dahil open field dito pero punong puno ng mga bulaklak at naglalakihang puno. At ang lalakeng kasalukuyang nakaupo doon ay ang lalakeng tanging mamahalin ko lang habang buhay.

~"I'm never gonna say goodbye

Cause I never want to see you cry

I swore to you my love would remain

And I swear it all over again and I

I'm never gonna treat you bad

Cause I never want to see you sad

I swore to share you're joy and you're pain

And I swear it all over again

All over again....~"

Nang buksan niya ang kanyang mala tsokolateng mata ay agad na nagtama ang mga paningin namin. Kusang tumibok ang puso ko ng sobrang lakas at mas lalong nangiligid ang luha ko ng nginitian niya ako at tumayo.

Napakagat labi ako para pigilan ang hagulgol ko dahil nakakahiya. Sa sobrang sayang nararamdaman ko hindi ko na makontrol ang mga nagbabadyang luha ko. Hindi ko na makontrol ang emosyon ko pagdating sa kanya.

Hindi ko aakalaing magagawa to lahat ni khanz. Akala ko wala siyang kasweetan sa katawan pero mukhang nagkakamali ako. Kaya lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya eh. Palagi na lang niya akong sinusupresa sa lahat ng bagay at hindi niya kailanman ako nabibigo.

"Hi..."-ngingisi niyang panimula habang naglalakad papalapit sa akin. Nakasuksok pa ang mga kamay niya sa kanyang bulsa habang marahang sinasayaw ng hangin ang kanyang kulay brown na buhok.

Saka ko lang napansin ang suot niya. Khaki short at v-neck lang na white pero ang lakas ng dating niya sa simpleng damit lang.

"H-hi..."-naiilang kong sagot ngunit patuloy pa din ang pagbuhos ng luha ko na kinatawa niya.

"You know you're cry is my weakness, ahlisha."-malambing niyang hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya at saka marahang pinunasan ang mga luha ko. Lalong kumabog ang dibdib ko sa simpleng ginawa niya. Napalunok ako.

"K-kasalanan mo kase."-bintang ko. Umangat naman ang gilid ng kanyang labi.

"Really? Why?"

"Hindi ko naman aakalain na ganito pala ang ginawa mong surprise. Ayan tuloy, naiyak ako."-para akong batang nagsusumbong sa kanyang tatay at hindi makatingin sa kanya dahil sa Intensidad ng kaniyang pagtitig.

"You don't like it?"-tanong niya pa at dahan dahang pinulupot ang kanyang matitipunong braso sa bewang ko kaya naman lalo akong napalapit sa kanya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sobra ng namumula ang pisngi ko sa ilang. Ngayon lang kami naging ganito kalapit ni khanz at nahihiya talaga ako. Langya!

"H-hindi naman sa ganun..."-nauutal kong sabi kaya napalunok ako. "Hi-hindi ko lang ineexpect."

"Are you not happy?"-taas kilay niyang tanong at dahan dahang linapit ang mukha niya sa akin kay mas lalo akong kinabahan.

Steady ka lang ahli. Umarte ka ng natural. Pigilan mo hininga mo. Waaah! Para akong mamamatay! Bakit ganiyan ka khanz?

"M-masaya..."-halos pabulong kong sagot na naging dahilan ng pagngiti niya.

"Happy birthday baby. And I promise you that this will be you're most memorable birthday with me. Only with me..."-seryoso niyang pangako at saka marahang hinalikan ang noo ko.

Napapikit ako sa gaan ng halik niya at bahagyang napakapit sa kanyang dibdib.

"I..."

Bumaba ang halik niya sa aking ilong.

"Love..."

At saka dinampian ng mabilis na halik ang labi ko.

"You..."

Nagmulat ako at nagtama agad ang paningin namin. Lalong lumundag ang puso ko dahil sa mala tsokolate niyang matang punong-puno ng emosyon.

Nagtitigan kami ng ilang segundo bago siya ulit nagsalita.

"I love you, ahlisha zoxzhen bustamantelo..."

Lalo akong napangiti sa sinabi niya.

"Mahal na mahal din kita khanzler varhmiel lacuesta..."-nakangiting sagot ko na naging dahilan ng pagsilay ng kanyang ngiti.

"Damn baby, you're making me insane."-saad niya bago halikan ang labi kong kanina pa naghihintay.

Mabilis akong yumakap sa kanya at ginantihan din ang magaan niyang halik sa aking labi.

Hindi pa man kami nagsisimula ngunit alam ko ng masaya na ako dahil simula pa lang kontento na ako dahil nandiyan siya sa tabi. At hinding hindi ko na hahayaan pang mawala sa akin si khanz...ngayon pinapangako kong siya na ang buhay ko.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

25.1M 628K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
14.7M 326K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
23.4M 780K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
10.2M 153K 27
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...