Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

41.4K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Ilaw at Sigaw

392 16 2
By Sheree_Mi_Amour


Unang araw:

Nakatira ako sa isang liblib na probinsya at kasalukuyang nag-aaral sa isang sikat na university. Bente uno anyos na ako at magiging isang magaling at marangal na pulis kung papalarin. Ibabalik ko ang di malilimutang nakaraan nung ako'y dose anyos pa lamang. Sana po ay maunawaan at magustuhan nyo ang ang kwentong ibabahagi ko sa page na ito.

Walong taon na ang nakalilipas, di ko na masyadong matandaan ang eksaktong araw. Uso na naman sa amin ang paglalaro ng gagamba. Kinaaliwan ito ng nga batang kagaya ko noon dahil sa itsura at kung paano ito makikipag-away sa ilalim ng walis tingting. Ordinaryo lang akong bata noon, tahimik at kalmado lalo na't wala kang matalik na kaibigan na mapaglalabasan ng kabaliwan. Tila ba sigaw sila ng sigaw sa kanilang nasasaksihan at sa di kalaunan ay sumilip ako. Nakakaaliw pala talaga, pustahan pa sila ng tig bente pesos. Recess nun, narinig kong nag-uusap ang dalawa kong classmate na sila Jun at Ryan tungkol sa gagamba sa sulok ng classroom. Aakyat daw sila ng bundok mula alas singko ng hapon hanggang 7:30 ng gabi para maghanap ng gagamba. Sumabat ako sa usapan nila at tinanong ko sila kung pwede ba akong sumama sa kanila, maswerte at pumayag naman sila. "Basta magdala kalang ng flashlight, tsaka maraming lalagyan ng posporo ah para may mapaglagyan ka ng gagamba." Sabi ni Jun sa akin."Dun tayo magkita sa may kanto papuntang eskwelahan ah." Ika rin naman ni Ryan. First time ko talaga ito kaya excited na akong umuwi agad ng bahay. Alas kwatro na ng hapon, uwian na. Nagmamadali akong umuwi sa bahay para hanapin ang shoulder bag, malaking flashlight, payong, limang pirasong biscuit, lalagyan ng tubig, at bumili ng sampung pirasong posporo sa tindahan. Pag punta ko sa tagpuan na aming pinag-usapan ay natanaw ko na si Jun at Ryan na may kasamang apat pang iba. Tila ba pinagtawanan nila akong lahat. "Ba't ba naka-bag ka pa? Hindi naman tayo magka-camping sa bundok ah? Hahanap lang tayo ng gagamba." Pinagtawanan pa rin nila ako pero dedma lang ako dahil turo yan ng boys scout eh, laging handa. 5:30 na ng hapon, akmang didilim na ang paligid, first time ko umakyat ng bundok. Tanging ingay ng insekto ang naririnig mo, madamong daraanan, malalaking puno, at masukal na gubat. 6pm na ng gabi, nagsimula na kaming maghanap ng gagamba sa gitna ng gubat. "Wag kang masyadong lalayo sa amin kung ayaw mong maengkanto at maligaw." Sabi ni Ryan sakin. "Kung medyo nakalayo ka samin sa paligid sigaw ka lang ng malakas ah? Sesenyas kami ng ilaw sa kalangitan." Tugon naman ni Jun sa akin. Tumango lang ako at inilawan ko na ang mga damuhan sa paligid ko para maghanap ng gagamba. 30 minutes na ang nakalipas tila ba wala pa rin akong nahahanap, pero yung mga kasamahan ko marami na at naririnig ko pa na tumatawa sila dahil sa nahanap nilang gagamba. Naghanap pa rin ako ng naghanap ngunit mag-aalas syete na ng gabi wala pa rin akong nahahanap kahit isa, konti nalang mapipikon na ako. Sumigaw ang isa naming kasamahan na "Maghanda kayo maya-maya bababa na tayo ng bundok." At isa-isa rin silang sumigaw ng "Oo." Napikon na ako dahil wala talaga, kaya binagalan ko ang lakad ko at maigi kong inilawan ang bawat damuhan. Maya-maya pa ay biglang umulan, mabuti nalang talaga nagdala ako ng payong. Ilang minuto pa ang nakalipas ay abot hanggang langit ang tuwa ko at talon ako ng talon dahil nakakita ako ng malaking pulang gagamba, binitawan ko pa ang hawak kong payong. Akmang gagawa pa ng bahay at mukhang umiinom ito ng tubig ng ulan. Nagdadalawang-isip ako paano ito hulihin dahil first time, kumuha ako ng isang pirasong posporo at itinapon ang laman nito. Mabilis kong dinakip ang gagamba gamit ang kanan kong kamay, inihipan ko at pilit ipasok sa lalagyan gaya ng ginagawa nila sa eskwelahan. Pagkatapos ay naglakad ako ng ilan pang hakbang at nakahanap ulit ako ng malaking gagamba at kulay itim. Sa sobrang aliw ko hindi ko na napansin na napalayo na ako sa mga kaibigan ko. Umabot hanggang anim ang nakuha kong gagamba at may pakanta-kanta pa ako sa daan. Tuwang-tuwa ako dahil ipagmamayabang ko talaga bukas ang mga nahanap kong gagamba. Ilang segundo pa ay napatigil ako sa paglakad. Napakatahimik ng lugar at matataas na damo ang natatanaw ko, mukhang naligaw na yata ako. Sigaw ako ng sigaw sa kalagitnaan ng kagubatan, akmang babalik na ako sa dinaanan ko ngunit parang hindi naman ako dumaan dito kanina. Hindi ako tumigil sa pagsigaw dahil kinakabahan na ako, mukhang hindi nila ako maririnig dahil palakas ng palakas ang ulan. Parang may naririnig rin akong sigaw at may natanaw na dilaw na ilaw, tila ba umaapoy. Nagtataka ako bakit may parang umaapoy sa kalagitnaan ng gubat habang umuulan, kaya sinundan ko ito, baka senyas na ito ng mga kaibigan ko. Kaya binitawan ko ang hawak kong payong at takbo ako ng takbo sa kinaroroonan ng ilaw at sigaw. Pakiramdam ko tila ba parang hinahatak ako ng gubat. Ilang minuto na akong takbo ng takbo sa kagubatan, napapansin ko na tatlong ulit na akong pabalik-balik sa napakalaking puno ng mangga. Hindi ko na marinig at maaninag ang misteryosong sigaw at ilaw. Mangiyak-ngiyak na ako sa takot, kakaibang kaba ang nararamdaman ko at palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Sigaw pa rin ako ng sigaw sa gitna ng kagubatan, pero kahit isang sigaw ng pangalan ko, wala akong narinig. Napapagod at nagugutom na ako, lagpas alas otso na ng gabi, patuloy pa rin ako sa paglalakad sa gitna ng kagubatan. Kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko, baka may aswang, engkanto, sigbin, tikbalang at kapre akong makakasalamuha sa daan. Nanginginig ako sa ginaw at takot na nararamdaman ko sa paligid, dasal ako ng dasal na sana gabayan ako sa bawat daraanan ko. Huminto na ang ulan, tumingala ako sa langit at umupo, kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang mga gagambang nahanap ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad, natanaw ko na may mga maliliit na puno ng saging kaya pumitas ako ng anim na dahon ng saging. Naghanap ako sa paligid ng malalaking damo para gumawa ng sahig sa ilalim nito at magmimistulang bahay-bahayan. "Dito nalang muna ako magpapalipas ng gabi." Sabi ko sa sarili ko. Kinuha ko ang tubig sa sling bag ko at isang pirasong biscuit para kumain. Mangiyak-ngiyak ako at nanginginig habang kumakain dahil sa nararamdaman kong takot, ginaw, at kaba. Bigla kong naalala na kumusta na kaya sila mama, baka salubungin ako ang palo nila pag-uwi ko. Habang humihiga ako ay nakadilat pa rin ang aking mga mata, nagmamatyag at nakikinig lang ng ingay ng uwak, at mga insekto sa paligid. Tinipid ko masyado ang apat na natitirang biscuit sa bag ko dahil hindi ko alam kung kailan ako makakalabas ng buhay sa gubat na ito.

Ikalawang araw:

Nag-beep ang relo ko. Alas dose na ng madaling araw at di pa rin ako makatulog. Napakaraming pumapasok sa isip ko kaya hindi talaga ako makatulog, walang kahit sinong taong gustong matulog sa ilalim ng malaking damo at humiga sa dahon ng saging sa kalagitnaan ng gubat. "Hinahanap kaya ako nila Jun at Ryan ngayon?" Tanong ko sa sarili ko. Ngunit di ko pa rin maalis sa isipan ko kung ano ang narinig at nakita ko. Nangangati na ang mga paa at tuhod ko dahil sa mga makakating damo. Sa mga oras na iyon iniisip ko kung paano ako makakaalis, ilang araw pa kaya akong mananatili dito, at paano ako makakahanap ng tulong. Masyado ng mabigat ang nga pilik mata ko at pagod ako kakatakbo kaya di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Kinaumagahan mga alas syete yata yon, nagising ako dahil parang napakainit na ng sinag ng araw sa mukha ko. Akmang babangon na sana ako ngunit naramdaman ko na parang may gumagapang sa binti ko. Masakit sa binti ko ang mga kuko nya at nararamdaman ko rin ang madulas nyang katawan. Dahan-dahan kong sinilip, unti-unti itong gumagapang sa tiyan ko patungo sa ulo ko. Nanginginig ako sa takot dahil di pangkaraniwang nilalang ito. Hinayaan ko itong gumapang sa ulo ko at hanggang sa umalis na. Mga half meter ang tancha ko sa haba ng ahas na yun, may mga kamay at paa ito. Bumangon agad ako at nagmamadaling tumakbo, mga ilang metro ang layo tumigil ako dahil hinihingal na ako. Gutom na ako, kaya naman habang naghahanap ako ng pagkain di ko maiwasang mapasilip sa bag at kumuha muna ng isang pirasong biscuit. Habang naglalakbay sa masukal na daraanan napagtanto ko na mali pala ang ginagawa ko. Dapat pababa ako dahil bundok ito pero, ang problema naman ay ang lugar na dinaanan ko, masyadong patag di gaya kagabi parang pababa. Hindi ko alam kung saang direksyon ako pupunta, kaya naman naguguluhan na ako kung ano ang gagawin ko. Naghanap ako ng iba pang paraan, bigla kong naisip ulit na maghanap ng ilog para sundan ang agos nito pababa. Maingat ako sa bawat daraanan ko dahil baka makaapak ako ng ahas. Umabot hanggang alas dose ng tanghali ang paglalakad ko, walang kahit maliit na ilog man lang ang natagpuan ko sa lugar na iyon. Nagpahinga ako sa ilalim ng punong mangga dahil pagod na ako, di kalaunan ay nakatulog na naman ako. Alas kwarto na ng hapon, nagising ako dahil parang may bumato sakin mula sa itaas at napakasakit. Akala ko kung ano na, tinamaan pala ako ng isang nahulog na bunga ng mangga, isang "manggang carabao" kung tawagin dito sa amin. Medyo malaki ang puno subalit hindi naman ito gaanong kahirap akyatin kaya isinuot ko ang dalawang tsinelas ko sa magkabilang braso at umakyat. Pagdating ko sa itaas ay dahan-dahan kong inaabot ang ang bawat malapit ng mahinog na mga bunga at nagsimulang kumain. Nagpasya ako na dun muna sa itaas ng punong mangga magpapalipas ng gabi dahil kumportableng higaan ang mga sanga dahil sa letrang "V at Y". Pwede nga akong tumae habang nasa itaas, simpleng hubad lang ng short sa itaas at ayun, deposit na. Alas syete na ng gabi, umakyat ako sa pinakatuktok ng punong mangga upang matanaw ang gubat. Napakalawak pala ng gubat at mukhang imposibleng makalabas ako ng buhay dito, kinuha ko ang flashlight sa bag ko at winagayway ko ito sa kalangitan, nagbabakasakaling matagpuan nila ako. Napakadilim ng paligid, ngunit napakaraming bituin rin ang matatanaw mo sa kalangitan. Napakagandang pagmasdan ang kalangitan, Pinilit kong hanapin ang tinatawag na "North Star" at gawing compass kung saang direksyon ako pupunta pagsapit ng umaga. Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng tahol ng mga aso. Nagdadalawang-isip ako baka mga lobo lang iyon, ngunit sa pagkakaalam ko wala naman yatang lobo sa Pinas. Ilang metro ang layo mula sa puno parang may natanaw ulit akong ilaw at umaapoy, doon ko rin narinig ang tahol ng mga aso. Kaya naman napagpasyahan ko na bumaba ng puno at pumunta sa kinaroroonan ng ilaw, nagbabakasakaling mayroong naninirahan doon. Lagpas 15 minutes kong nilakad iyon at hindi nga ako nagkamali, isang bahay ang natagpuan ko. Nagmatyag ako sa paligid sa mga damuhan, anim na aso ang natatanaw ko sa labas at pawang malalaki lahat at matataba, kumakain pa sila. Takot ako sa mga aso kaya ayoko munang pumunta doon. Maya-maya pa may lumabas sa bahay na mag-asawa, unang lumabas yung ale. Mga nasa edad 40+ na yung babae, medyo mataba at mukhang masungit. Maya-maya pa sumunod na lumabas yung lalaki, mukhang kaparehas lang sila ng edad at mukhang inosente naman ang pagmumukha. Aalis sila at may dalang mga matutulis na bagay, baril at umaapoy na ilaw habang sumusunod sa kanila ang anim nilang aso. Hinintay kong makaalis at makalayo sila, lumapit ako sa pinto at bubuksan ko na sana, ngunit naka-lock pala ito. Naghanap ako ng ibang madaraanan, napansin ko nakabukas ang bintana nila ngunit di ko masyadong maabot kaya naghanap ako ng hagdan at umakyat. Pagpasok ko sa loob parang may naamoy akong napakaanghit at di kaaya-aya. Nasa isang kwarto pala ako, kaya pagbukas ko sa pintuan ng kwarto palabas ay pumunta agad ako sa kusina para maghanap ng makakain. Maganda ang loob ng bahay kahit kahoy lang ang sahig, pader at mga kandila lang ang ginagamit na ilaw. May nakahanda sa lamesang sisig at kaning mais, hindi ako kumakain ng bigas na mais pero gutom na ako kaya kumuha agad ako ng plato at kumain ng kumain. Napakasaya ko dahil sa wakas makakakain na rin ako. Naglilibot ako sa buong kusina habang kumakain dahil naghahanap ako ng toyo at suka, napansin ko napakadumi pala ng lababo nila dahil may dugo pa at hindi man lang hinugasan. Sa paghakbang ko sa kaliwa may naapakan akong parang basa at malagkit sa paa. Nagtaka na ako sa aking nasaksihan nung sinilip ko ang naapakan ko. May parang cabinet sa ilalim ng lababo nila at dun nangaling ang dugo, kaya kinuha ko ang kandila sa lamesa at dahan-dahan ko itong binuksan. Pagbukas ko ng kabinet nabitawan ko ang bitbit kong ilaw at napatigil ako sa pag nguya, hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Nanlaki ang aking mga mata at napasigaw ako ng malakas. Isang bangkay na duguan, walang paa't mga kamay habang nakadilat ang mga mata't nakahandusay sa loob ng cabinet. Napaatras ako at parang nahihilo, suka ako ng suka sa lababo dahil sa mga nasaksihan ko, sinuka ko lahat ng kinain ko pati yung mangga. Maya-maya pa ay narinig ko ang mga aso at mukhang pabalik na sila sa bahay. Kinakabahan na ako, agad na pumunta ako sa pintuan ng kusina nila ngunit di ko mabuksan dahil parang may nakaharang sa labas. Bumalik ako sa kwarto kung saan ako dumaan, pagsilip ko sa bintana ay naaaninag ko na sila. Kaya tinulak ko ang hagdan para matumba at nagtago sa ilalim ng madilim na kama. Tinapat ko sa harapan ko ang isang malapad na box upang hindi agad ako mapansin sa ilalim.

Ikatlong araw:

Habang nagtatago ako sa ilalim ng kanilang kama ay pilit kong tinatakpan ang bibig ko dahil hiningal ako sa kaba. Naririnig ko ang bawat kalabog sa dibdib ko habang nakikinig sa kanila na nag-aaway papasok sa bahay. "Ilang araw nang walang laman ang mga bitag mo Henry! Hindi tayo makakain ng dahil sa katangahan mong yan!" Sigaw nung ale habang papasok sa kwarto. "Hoy Linda, tumigil kana ha. Naiinis na ako kanina mo pa ako sinisigawan!" At patuloy ang pag-aaway nila. Lumabas yung ale at nagsigawan sila sa labas ng kwarto papuntang kusina. Sumiklab pa ang away nila dahil sa may nakita silang tirang pagkain sa lamesa. "Ano 'to? Diba sinabi ko sayo sabay tayong kakain pagbalik natin? Hindi kaba makaintindi?!" Galit na galit na tanong ng babae. "Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo! Ano ba kasing problema mo palagi mo nalang akong sinisigawan!" Pumasok ang isa nilang asong maitim at sinisinghot ang sahig, tila ba parang naamoy nya ako. Papunta sya sa direksyon ko at dahan-dahan akong umatras sa pinakadulo ng ilalim ng higaan. Hindi nga ako nagkamali at nahanap ako ng aso, kaya naman tahol sya ng tahol. Sumunod agad ang dalawang aso na pinagtatahulan ako sa ilalim ng kama at pilit na inaabot nila ang kanilang mga bibig sa kinaroroonan ko. Naghanap ako sa ilalim ng pang palo ng aso, ngunit isang stuffed toy ang nahawakan ko at inabot ko sa asong maitim. Biglang pumasok ang mag-asawa dahil sa ingay at pinag-aagawan na ng mga aso ang stuffed toy at isa-isa rin silang pinalabas sa kwarto. Halos mamatay na ako sa kaba at pinagpawisan ako ng sobra sa pangyayari, hindi dapat nila akong mahuli sa loob ng bahay. Habang patuloy pa rin silang nagtatalo ay dahan-dahan akong lumabas sa ilalim ng kama, nagmatyag at sumilip sa bintana. Masyadong mataas ito para sa akin kung tatalon ako, baka mabalian ako kaya nagdadalawang-isip ako kung tatalon ako o magtago sa ilalim ng kama at maghintay ng tamang pagkakataon. Pinili ko nalang ang magtago muna sa ilalim ng kama at naghintay kung kailan uli sila aalis. Lumipas ang ilang oras ay pumasok na sila sa kwarto, ngunit parang may naririnig akong hindi ka aya-aya sa kanila. Nakikita ko ang mga paa nila, nag mamadali silang maghubad ng damit at parang may hindi magandang mangyayari. Naririnig ko ang bawat salita't sigawan nila sa kwarto, pawang mga kabastusan. Naririnig ko ang mga ungol nila na pawang naririnig ko kapag nanonood ako ng porn noon, mas intense pala kapag personal mong naririnig ito. Nandidiri ako sa kanila, kaya naman tinakpan ko ang dalawa kong tainga at kinagat ko ang dila ko para hindi matawa sa pinaggagagawa nila. Alas dos ng madaling araw, mukhang tahimik at tulog na sila. Kaya naman dahan-dahan na akong lumabas ng ilalim ng kama at naging maingat sa bawat galaw ko dahil tumutunog ang sahig. Nang makahawak na ako sa doorknob ay dahan-dahan pa rinako sa pagbukas, medyo matunog din kasi ang pinto kapag binubuksan. Kinakabahan ako sa ginagawa ko at panay ang pagpatak ng mga pawis ko. Kaya naman ang ginawa ko ay inangat ko ng konti ang pinto ng habang hinay-hinay na binubuksan upang hindi masyadong maingay. Paglabas ko ng pinto dumiretso ako sa kusina at nagbabakasakaling mabuksan ko ang pinto, ngunit ayaw pa rin itong mabuksan. Pinagplanuhan ko ng maigi kung papaano ako makalabas ng bahay ng hindi nila napapansin at hindi hahabulin ng aso. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang mga damit nila at itinago sa ilalim ng kama. Pagkatapos ay inabot ko ang isang box ng tumbtacks sa aparador ng mga rebulto. Kumuha ako ng malalaking pirasong karne na itinabi nila malapit sa lababo at pinatay ang iilang ilaw. Hindi naman gaanong kadilim ang paligid dahil sa ilaw na nanggagaling sa kwarto nila at sinag ng buwan na lumulusot sa pader na kahoy. Sinilip ko sa ilalim ng pinto, tulog ang mga aso, hindi sila dapat makatahol dahil baka magising sila. Habang binubuksan ko ng dahan-dahan ang pintuan palabas isiningit ko ang kaliwang kamay ko para itapon sa gilid ang karne. Tinamaan ang isang aso at nagising silang lahat at pinag-aagawan na nila ang karne. masyado silang maingay dahil nag-aaway-away sila. Dali-dali kong ikinalat ang thumbtacks sa sahig malapit sa pinto at lumabas ng pintuan ng hindi nila napapansin. Dumaan ako sa gilid ng bahay para pulutin ang tsinelas ko ng biglang may sumigaw na "Hoy! San ka pupunta?!" Paglingon ko nakasilip sa bintana ang lalaki. Halos atakihin ako sa gulat at nerbiyos ko kaya kumaripas ako ng takbo habang hawak ko ang tsinelas ko. Naisipan kong magtago sa damuhan pero baka maamoy ako ng mga aso kaya patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Naririnig ko na ang mga sigaw at tahol ng mga aso kaya nagmamadali kong isinuot ang tsinelas ko dahil masakit sa paa at nagpatuloy sa pagtakbo. Hindi ko na alam kung saan ako tatakbo dahil baka maapakan ko ang isa sa mga bitag na ginawa nila, bigla ko tuloy naalala ang bag ko na naiwan sa bahay nila dahil sa takot at kaba. Sa may bandang kaliwa may natanaw akong taniman ng mais kaya pumunta ako dun at nagtago. Yumuko ako habang dahan-dahang dumadaan, baka mapansin nila na gumagalaw ang mga pananim na mais at matukoy nila ang kinalalagyan ko. Maya-maya pa ay dumating na sila, may dalang baril ang babae habang may dalang mahaba at matulis na kutsilyo naman ang lalaki. "Paano sya nakapasok sa bahay?! Kailangan nating mahanap ang batang iyon sa lalong madaling panahon!" Sigaw ng babae. "Hindi ko alam! Ayaw mo kasi akong paniwalaan na hindi ako ang nag-iwan ng tirang pagkain sa mesa! Bungangera!" Sagot naman ng lalaki. Nagsimula silang maghiwalay ng direksyon sa paghahanap sa akin. Nagpatuloy na ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa taniman ng mga kape. Nagpahinga muna ako ng saglit habang nakikinig sa paligid. Tila ba may naririnig ako na yapak sa mga damuhan, paglingon ko akmang sasaksakin na ako ng lalaki at sumigaw sya. Nakailag ako ngunit nasugatan pala ang kanang braso ko at napakasakit. Walang tigil ito sa pagdurugo habang tawang-tawa ang lalaki sa ginawa nya. "Akala mo makakatakas ka sa amin? Akala mo di ko mapapansin ang mga pepetsugin mong patibong? Nagkakamali ka ng akala bata." Kakaiba ang mga titig nya at dilat na dilat ang kanyang mga mata. Gumagapang ako patalikod at palapit sya ng palapit, "Manong wag po!, maawa kayo sakin. Ilang araw na po akong nawawala at wala nang matirhan at makain" Tugon ko sa kanya ngunit parang wala lang syang naririnig. Lumapit sya ng malapitan sa mukha ko at akmang sasaksakin na nya ako sa gilid. Nang biglang sumigaw ang asawa nya at humihingi ng tulong. Paglingon nya tinusok ko ang mata nya gamit ang daliri at sinipa ang betlog nya, at dali-daling tumakbo. Takbo pa rin ako ng takbo hanggang sa makarating sa mga malalaking kahoy at nagtago sa malalaking mga ugat nito. Dahil sa maraming dugo ang nawala sa akin, nahimatay ako habang nagtatago sa ilalim ng puno. Kinabukasan, pagdilat ko tanging sinag ng araw at ingay ng kagubatan ang bumungad sakin. Medyo nahihilo na ako dahil wala pa akong kain, may sugat pa ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa milagrong nakahanap ako ng ilog. Dali-dali akong pumunta upang uminom ng tubig at mag hugas dugo sa kamay dahil napakalagkit na. Mahapdi dahil malaki ang sugat, kaya pinunit ko ang damit ko sa likuran para gawing takip sa sugat ko. Pagkatapos kong maligo sa ilog ay nagpatuloy ako sa paglalakad at sinundan ang ilog pababa, masyadong mahirap ang daraanan ng ilog kaya distansya lang ako. Pabalik-balik pa rin ako kung saan ako naligo, naengkanto na naman ako. Naalala ko agad ang kwento ng lola ko about dun sa mga engkanto, naalala ko rin ang mga pinayo nya sakin kapag naengkanto ako. Kaya naman binaliktad ko ang damit pangitaas at short ko, pati brief at tsinelas na rin. Habang naglalakad ako nararamdaman ko na parang pababa na ako ng pababa ng bundok. Tatlong oras akong naglalakad, di kalaunan ay may nadaraanan na akong mga bahay. Kakaiba ang titig ng mga tao sakin, patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa parang may nakakakilala sakin. "Kilala ko ang batang yan! Yan ang nawawalang anak ni Madam Dolo.." at hinimatay na ako. Paggising ko nagtinginan lahat ng pamilya at kamag-anak ko sakin habang nakahiga ako sa kwarto ko, hinagkan nila akong lahat at iyak sila ng iyak. Dinalhan nila ako ng pagkain sa higaan at nagmamadali akong kumain dahil sa sobrang gutom habang tumutulo ang luha ko. Pinanood nila akong kumakain at tila ba nagtataka sila habang iyak ng iyak si mama. "Saan kaba kasi nagpunta? Alalang-alala kaming kahat sayo bata ka halos atakihin na ako sa pag-aalala sayo. Sa susunod na linggo luluwas tayo ng ******* at lilipat tayo dahil ayoko nang maulit ito!" Sabi ni mama sakin habang iyak siya ng iyak. Hindi ko namalayan na pumayat ako at humaba na ang buhok ko. Pagkatapos kong kumain ay tinanong nila ako ulit kung saan ako napadpad at kung bakit may sugat ako sa kanang kamay. Ikinuwento ko sa kanila ang buong pangyayari, tila nagulat sila at hindi sila makapaniwala, nagtinginan sila sa isa't isa. "Sigurado ka ba diyan sa mga sinasabi mo anak?" Tanong ni mama sakin. "Imposibleng mangyari ang lahat ng iyon hijo." Sabi naman ni Tita sakin. "Maniwala kayo! Itong sugat ko ang magpapatunay." Sabi ko sa kanilang lahat. Nagtinginan ulit sila at tila nagdadalawang-isip silang maniwala sakin. Naguguluhan na ako, nagtataka, at nababaliw ako kakaisip nang biglang nagsalita si Tito Baldo at sinabing "Paano lahat nangyari yun? Eh nung isang araw kalang naman nawala."

》Simula ng mangyari iyon, hindi na ako sumasama kung kani-kanino sa mga malalayong lugar na hindi ko alam kung anong misteryong nababalot. Salamat sa mga readers na nagbasa at nag-abang, at sa mga admin na nag-post upang maibahagi ko ang istorya nang buhay ko. Hanggang sa muli《

-Styles

Continue Reading

You'll Also Like

64.7K 2.5K 32
#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang...
44.2K 1K 31
Limang kwento ng kababalaghan at katatakutan ang magdurugtung-dugtong dahil sa isang masaklap na massacre na nangyari.
46.8K 1.8K 34
Sampung daliri sa kamay. Sampung magkakaibang kuwento ng... Mga daliring mapaghiganti... Sa sampung taong nakatakdang kikitil ng buhay sa iisang lug...
6.8K 433 25
ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive Kuwento ni Segundo Matias, Jr. Guhit ni Jamie Bauza