Loss in the Dangerous Path

Od SilentInspired

638K 10.9K 251

Alina Scott met Travis Morgan, son of her mother's rapist. © 2014 SilentInspired All Rights Reserved Více

Loss in the Dangerous Path
Prolouge
Chapter 1 . Meeting the enemy
Chapter 2 . Coincidence
Chapter 3 . Help
Chapter 4 . KISS
Chapter 5 . Amazing
Chapter 6 . Step Brother
Chapter 7 . Missing You
Chapter 8 . Trust and Lie
Chapter 9 . Lance
Chapter 10 . Can you stop being in danger?
Chapter 11 . Dont want to be friends
Chapter 12 . Dangerous
Chapter 13 . Im falling for you.
Chapter 15 . Revelation 2.0
Chapter 16 . Leaving
Chapter 17 . Going back
Chapter 18 . After all this years
Chapter 19 . Confused
Chapter 20 . His
Chapter 21 . Together
Chapter 22 . Back
Chapter 23 . Dream
Chapter 24 . Other half
Chapter 25 . Dream
Chapter 26 . Goodbye
Chapter 27 . Questions
Chapter 28 . Those lips
Chapter 29 . The Truth
Chapter 30 . Friends
Chapter 31 . Back
Chapter 32 . Stolen
Chapter 33 . Start
Chapter 34 . Two shall become One
Epilouge
SilentInspired Closer

Chapter 14 . Revelation 1.0

14.4K 269 1
Od SilentInspired

Dinikit niya ang noo niya sa akin at ngumiti, ginantihan ko din naman yun ng ngiti.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo Travis.. pero gusto ko lang malaman mo na I trust you. Alam ko na hindi mo ko sasaktan. Hindi ko alam kung bakit kita pinagkakatiwalaan pero ganun talaga." Saad ko.

Mariin siyang napapikit at nang mag mulat ay sobra sobra ang emosyon na binibigay ng mata niya.

"Okay.. trust me" sabi niya at yinakap ako. 

"Go to your class" aniya.

Tmango naman ako at umalis na.

Papasok na sana ako pero nakita kong naglalakad si Caly kasama si Bea.

"Oh? Saan pa kayo pupunta?" tanong ko pero biglang napahawak sakin si Caly kaya sinapo ko siya.

"Anong nangyayari sayo?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. Natakot ako lalo nung dumaing siya.

"CALY! Dalhin na natin siya sa hospital" sabi ni Bea sa akin at tumango naman ako.

"We need help" sabi ko at isang tao lang ang naiisip ko na iiwan ang lahat para sakanya. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Kuya Third.

"Hello?" sagot ni Kuya sakin.

"Kuya kasama mo ba si Zicko? if kasama mo siya can you turn this call to speaker?" tanong ko kay kuya at napatingin sakin si Caly. Umiling sakin si Caly pero hindi ko siya sinunod.

"'Yes, wait I'll turn this to speaker mode." Aniya.

Napatingin ako kay Caly kasi bigla siyang dumaing ulit. Lalo akong nataranta. Damn!

"Ang sakit na Alina.. hindi ko na kaya." Daing niya. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko.

I think narinig nila yun kasi narinig kong nagmura si Zicko at namatay ang call. Now, it's confirmed. Gusto siya ni Zicko. Gustong gusto.

Tinayo ko si Caly at inakay namin siya ni Bea pero hindi talaga siya makatayo.

"Natatakot ako guys.." saad niya habang umiiyak. Putlang putla narin siya.

Nagulat kami nung biglang makita si Kuya Third, Zicko at Travis. Halatang sobrang nag-alala si Zicko. Tumakbo siya nung makitang namimilipit sa sakit si Caly at binuhat niya to.

"Let's bring her to the hospital" sabi niya at nagmadaling pumunta ng parking lot at sumakay sa kotse ni Zicko.

Seryosong seryoso si Zicko sa pagmamaneho. Katabi niya si Travis, si Kuya Third ay nagpaiwan para ipaalam sa main office ang nangyari. Kami ni Bea ay kasama ni Caly sa likod.

"Guys.. bumalik na tayo ng school. Huwag niyo nakong dalhin sa hospital" ani Caly habang nakapikit. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Halatang hirap na hirap siya tapos gumagaganito pa siya.

"Shut up! Are you nuts? Tignan mo nga ang sarili mo! Gusto mo ba talagang nag-aalala ako sayo!" sigaw ni Zicko kaya napatahimik kaming lahat. Pagkarating namin dun ay sinugod siya sa Emergency room.

Kilala na kami sa hospital kasi pagmamay ari nila Kuya Bryan 'to at pag ganitong sitwasyon, dinadala na si Caly sa private room niya. Madalas kasi mangyari to dati.. medyo tumigil na nga ang sakit niya kaya hindi ko alam kung bakit bumabalik. 

Nasa labas lang kami ng private room ni Caly at sobrang nag aalala si Zicko.

"Anong sakit niya?" natigilan ako sa tanong ni Zicko. Nangako ako kay Caly na hindi ko sasabihin pero tingin ko.. napatunayan na ni Zicko ang sarili niya at alam kong kailangan niyang malaman.

"Hindi mo kailangan malaman" sabi ni Bea kaya sinamaan siya ng tingin ni Zicko.

"No Bea.. sabihin na natin" sabi ko pero umiling si bea.

"Nangako tayo Alina" giit ni Bea pero ngumiti ako.

"Alam kong gusto mo ang kaibigan ko Zicko kaya sasabihin ko sayo ang totoo. Kapag nagbago ang pakikitungo mo sakanya ibig sabihin nun hindi mo talaga siya gusto" sabi ko at natigilan silang lahat. Umiwas naman ng tingin si Zicko.

"Meron siyang sakit sa puso, araw araw.. humihina yung puso niya. Two years na naming linalabanan ang sakit niya pero tumigil si Caly, sabi niya samin ayaw na daw niya at pagod na siya. Nawawalan siya ng rason mabuhay Zicko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sainyo pero alam ko na nahuhulog na ang kaibigan ko sayo. Ngayong alam mo na ang sakit niya.. kung wala kang balak na ipagpatuloy ang nararamdaman mo, can you please stop now habang maaga pa? Hindi niya kakayanin masaktan ng lubusan. Her heart won't take it." Paliwanag ko.

Biglang bumuhos ang luha ni Bea at yinakap ako ni Travis. Pinunasan naman niya ang luha ko. Napaupo nalang si Zicko sa upuan at hinilamos ang kamay niya sa mukha niya.

"What's happening in here?" napatingin kami kay Kuya Brian at nakitang kasama niya si Kuya Chand at Kuya Third.

Yinakap naman ni Kuya Chand si Bea.

"Kuya.. sumumpong ang sakit ni Caly." sabi ko at tumango naman si Kuya Chand.

Bumitaw ako kay Travis at hinarap sila Kuya lalo na't parang hindi nagustuhan ni Kuya Third ang nadatnan.

"Third, pakitawag nga si Tita Ailee at Tito James, pakisabi ang nangyari" pakiusap ni Kuya Chand. Lumabas ang doctor sa kwarto ni Caly at marahang ngumiti.

"Okay na siya.. stable na ulit ang puso niya. Lumala ang puso niya kaya kailangan na talaga niyang magdesisyon kung magpapa opera ba siya. Sana makumbinsi niyo.." sabi nung doctor at tumango naman ako at pumasok na sa kwarto ni Caly.

Nakita namin siyang naka ngiting nakaupo sa kama niya. Napahikbi ako dahil doon.

"Ano ba yan? Bakit parang pinagbagsakan ng lupa yang mga mukha niyo? Hindi pa ako mamatay.. well malapit na?" sabi niya sa amin at tumawa, biglang nasuntok ni Zicko ang pader. Hinawakan naman siya ni Travis para huminahon siya.

"Do you think that was a nice joke? Tingin mo ikakatuwa namin na marinig sa bibig mo na okay sayo ang mamatay?" sabi ni Zicko at napaluha si Caly.

Matagal niyang kinimkim ang lahat ng to at masaya ako na si Zicko ang nagpalabas sakanya ng mga luha niyang matagal na pinigilan.

"Zicko umalis ka na" sabi ni Caly habang umiiyak. Lumapit si Zicko sakanya at hinawakan ang kamay niya pero pinilit niya yung alisin.

"UMALIS KA NA! HINDI KO KAILANGAN NG AWA MO! AYOKONG KINAKAAWAAN LALONG LALO NA KUNG IKAW! AYOKONG LAPITAN MO KO LALO NA KUNG DAHIL LANG SA AWA!" sigaw ni caly habang umiiyak. Lumapit kami sakanya at yinakap siya ni Zicko.

"Caly.. hindi kami naaawa sayo. Mahal ka namin kaya namin ginagawa to." sabi ni Bea at nakita kong yakap yakap siya ni Kuya Chand.

"Mahal na mahal ka namin Caly.. we want you to fight hindi dahil sa awa pero dahil hindi ka namin kayang mawala kasi mahal ka namin" sabi ko sakanya. Yumuko naman siya at sinuksok niya ang ulo niya sa leeg ni Zicko. 

"Natatakot ako.." sabi niya habang nakayakap kay Zicko.

"Caly.. we're here. You can do it. I know you can" sabi ni Zicko sakanya at nag angat siya ng tingin sa amin.

"Anong sabi ni Tita Ailee?" tanong ni Kuya Chand kay Kuya Third.

"Uuwi na daw sila at pupunta dito" ani Kuya third at umupo kami.

"Dapat hindi niyo na sila pinapunta. Nasa Davao sila ngayon.. hassle pa" sabi ni Caly habang umaayos ng higa. Lumabas naman si Bea at Kuya Chand.

"Caly.. lahat naman kami.. bibitawan ang ginagawa namin para sayo lalo na sila Tita at hindi to maliit na bagay" saad ko.

Napatango nalang siya sa sinabi ko.

"Ako na ang magbabantay dito, umuwi na kayo and besides nag aalala na rin niyan sila tita and tito sainyo" sabi ni Kuya Brian kaya tumayo na kami at nagpaalam kay Caly pero hindi parin tumatayo si Zicko. 

"Zicko, let's go" sabi ni Travis kaya tumingin si Zicko kay Caly at tumango naman si Caly.

"It's okay Zicko, kaya ko 'to.. for two years naglalaban na kami ng sakit na toh and hindi pa naman niya ako natatalo so I can manage." malumnay na sabi niya habang inaayos na ni Kuya Brian ang mga gamit niya.

"I'll come back tomorrow" sabi ni Zicko at napangiti naman ako.. he really care for her at lumabas na kami. Nakita naman namin si Kuya Chand at Bea sa parking na nag tatawanan.

Wow, this is new.

"Let's go" sabi ni Kuya Third at pumasok na kami sa kotse niya. Bahagya akong napalingon kay Travis na nakatingin sa akin. Ngumiti ako at ganon din siya.

Nung nakarating na kami sa bahay.. napatingin ako sa gate at nakita kong nandun parin ang letter pero may iba ng nakasulat doon. 

Don't trust anybody.. I have my people around all of you.

- LM

Biglang tumindig ang balahibo ko.. bakit pakiramdam ko totoo ang sinasabi niya. Dapat nga ba akong magtiwala sakanya at bantayan ang mga tao sa paligid ko?

"Let's go inside" sabi ni Kuya Third at crinumple naman ni kuya chand ang papel.

Hindi na namin pinaalam kina mommy ang tungkol doon. We just need to be extra careful.


Lumipas ang dalawang linggo at debut ko na bukas. Sa dalawang linggo na yon ay walang ginawa ang pamilya at mga kaibigan ko kung hindi ang tumulong para sa debut ko. Si Kuya Chand at Kuya Third ang escort ko. Hindi na nagparamdam si LM pero hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba na nanahimik siya.

"Are you nervous?" tanong sa akin ni mommy. Sinusuklayan niya ko ngayon.. walang ginawa si mommy ngayon kung hindi ipamper kami nila kuya.

"No mom." sagot ko.

Ngumiti ako ng marahan at binigyan ng halik sa noo. We said goodnight at lumabas na siya ng kwarto niya.

Biglang nag ring ang phone ko kaya sinagot ko naman to at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung narinig ko ang boses niya. Sa nakalipas na dalawang linggo. Walang ginawa si Travis kung hindi ipakita sakin na gusto niya ko. Everything is good, si Zicko sobra kung alagaan si Caly while si Kuya Chand at Bea naman ay sobrang sweet, Kuya Third likes someone and Kuya Brian is going to California next month because one of the biggest school there will support his studies, masyado kasing matalino si Kuya Brian kaya triny niyang magtest doon pero nagulat nalang kami nung isa siya sa mga top students na mataas ang nakuhang score.

"Hey.." napangiti naman ako ng hindi ko namamalayan.

"Travis" bati ko sakanya dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"I just can't sleep.. I want to hear you voice" aniya.

Lalong lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya, lalong bumilis ang tibok ng puso ko at simula nang makilala ko siya, nauso na ata ang salitang lalo sa akin.

"You should sleep now. It's late and I dont want you to sleep late" sabi ko at narinig ko siyang bumuntong hininga.

"I'm afraid you'll hate me tomorrow" sabi niya sakin at napakunot naman ang noo ko. 

Here he goes..

Minsan ay may mga sinasabi siyang hindi ko naiintindihan..

"Huh? Why?" tanong ko at sobra akong kinakabahan sa isasagot niya sakin.

"Nothing.. you should sleep. Whatever will happen tomorrow, I want to say Happy Birthday Alina. Goodnight baby" sabi niya sa akin at lalo akong nabagabag.

Nakita ko nalang na sinara niya na ang tawag. Dapat nga ba akong maging masaya dahil halata namang gusto niya ako at hindi naman ako magsisinungaling na gusto ko din siya pero bakit ganito siya magsalita?

It's my debut tomorrow.. I hope it will be a memorable one.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1M 11.3K 15
Usually, a couple gets engaged as they fell in love and bounds to be together for the rest of their lives. The guy goes down to his knees and asks pe...
7.7M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
388K 2.4K 5
Katerina Torres, sole heiress to one of the richest businessmen in Asia, was kidnapped on the night of her eighteenth birthday. Nakilala niya si Alec...
503K 20.8K 21
"Fear the cold and crave the burn." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#9: Playing wi...