Police story 3: Love in Troub...

بواسطة AlesandraLapresa

5.1K 270 43

Ang tunay na police ay kayang ibigay kanyang buhay para sa kanyang Tungkulin, yan ang paniniwalang sinumpaan... المزيد

Police story 3: Love in Trouble
Chapter 01: Collage school Days
Chapter 02: Collage school Days
Chapter 03: Collage school Days
Chapter 04: Collage school Days
Chapter 05: Collage school days
Chapter 06: Collage school days
Chapter 07 Collage school days
Chapter 08: Collage school Days
Chapter 9: Collage school days
Chapter 10: Collage school Days
Chapter 11: The board Exam
Authors note
Chapter 12
Chapter 14: Graduation
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
charter 25
chapter 26
chapter 27
Chapter 28: Mission
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Sorry for waiting
Chapter 44*Lost*
Brain of The Serial killer

Chapter 13

113 6 0
بواسطة AlesandraLapresa

Tiwala

Dan POV

Bakit mo pinaalis ang mga kaibigan ni Kerby galit na sabi ni Annalisa. Hindi ka na nahiya sa anak natin, minsan na nga lang niya makita na may pakeilam talaga tayo sa kanya eh ginanyan mo pa mga kaibigan niya! Alam mo na ang sabi ni yaya na all this time iniisip ni Kerby na wala tayong pake sa kanya-

Hindi ko naman gusto gawin yun eh

Eh bakit nga?

Kasi ang apat sa mga batang yun, anak nila Michael ay Jackson malungkot kong sabi. Alam mo naman kung gaano ko sila kinamumuhian Dahil pinagtrayduran nila ako!

So Pati ba sa mga batang yung Galit ka? Dan wala silang kasalanan, di nila alam ang ginawa ng magulang nila

Hindi ako galit sa kanila pero ayaw kong maging kaibigan sila ni Kerby Dahil sigurado ako, katulad ng mga magulang nila gagawin din nila kay Kerby ang pag tra-traydor nila sa akin!

Pero Dan masasaktan si Kerby kapag Pinilit mo siya na iwan ang kaibigan niya-

Wala akong pakeilam! Sabi ko at lumabas ako ng kusina para kausapin si Kerby.

Dad-

Kerby

Dad bakit niyo naman po sila Ginanun? May problema po ba? Malungkot na sabi niya

Wala, pero Iwasan mo na sila Huwag ka na makipag kaibigan sa mga yun! Seryosong sabi ko

HUH pero Dad Bakit?

Dahil Hindi sila mabuting kaibigan sayo, lolokohin ka lang ng mga yan Dahil walang tunay na kaibigan sa mundo'

No Dad! Ayaw ko! Sabi niya

ANO!?

HINDI MO SILA KILALA DAD

Oo di ko nga sila kilala pero kilala ko ang mga magulang nila! Mga Traydor at manloloko! Sure ako Darating ang panahong tra-traydorin ka nila kaya ngayon palang sinasabi ko na sayo, Iwanan mo na sila!

NO! THEY WILL NEVER LEAVE ME! Matagal ko na silang kasama at alam kong hindi nila magagawa sa akin ang sinasabi niyo!

At Paano mo naman nasabi!?

Dahil hindi sila tulad niyo! INIWAN NIYO AKO NG ILANG TAON, PINABAYAAN NIYO AKO! at noong panahong wala kayo sila ang kasama ko, Kahit kailan hindi nila ako iniwan! Kaya hindi ko sila iiwan kahit kailan, kahit anong sabihin niyo! Sabi niya na para bang gusto niyang sabihing wala akong kwentang tatay para sa kanya.

Ah Ganun ba, tingin mo iniwan kita?Nagtrabaho ako ng husto para matapos mo ang Gusto mong Kurso! Dahil ang mga kamaganak ng Mommy mo ayaw magbigay ng kahit kaunting pera Dahil lang sa Iba ang Kursong Gusto mo! Pera ko lang ang ginamit ko para makapag aral ka at makuha mo ang gusto mo! Tapos sasabihin mo Iniwan kita? Pinabayaan kita? Hindi makapaniwalang sabi ko.

I know Dad, pero hindi ko sila iiwan Dahil noong panahong wala kayo ni Mommy, Sila ang Nakasama ko kaya Hindi ko gagawin ang Gusto niyo

Sige kumampi ka sa mga kaibigan mong anak ng mga traydor! Pero pag Dumating sa puntong Iniwan ka nila, Huwag kang lalapit at magsosorry sa akin Dahil hindi ka nakinig!

Dad Anong Ibig mong sabihin sa anak sila ng mga traydor? Tanong niya pero Hindi ako nagsalita

Lumapit ako sa larawan ng aking Tatay na nakasabit sa Pader, Ang tatay ko na Pinatay noon, At yung Kriminal na pumatay ay pinatakas ng sarili kong mga KAIBIGAN!

"Anak Mahal mo ba si Tatay?"

"Oo Bat mo tinatanong"

"Kasi Mahal ka ng Tatay" naka ngiting sabi niya.
--

Patay na siya Dan

Hi-hindi,Hindi yan Totoo,Buhay pa siya! Hindi Baka wala lang siyang malay-Da-Dalhin natin siya sa Hospital.

Dan Patay na siya

HINDI!KAYA NIYA KAYONG LOKOHIN PERO HINDI AKO!TAY TUMIGIL KA NA ITIGIL MO NA YAN!TAY DUMILAT KA PATUNAYAN MO SA KANILANG HINDI KA PATAY!Hi-hindi ka patay diba?Tatalunin pa kita pagluluto-TAY GUMISING KANA DIYAN,TAY!!!

Tay Isinusumpa ko!Papatayin ko ang Babaeng yun at lahat ng kasabwat niya!BUHAY NILANG LAHAT ANG KUKUNIN KO KAPALIT NG BUHAY NA KINUHA NILA SAYO! Yan ang Sabi ko noon Bago ako umalis sa Bansa.

Ang akalal ko nun magiging Ok na ako...

Pero nalaman kong nakatakas sa kulungan ang pumatay sa tatay ko at nalaman ko din ang isang Sekreto sa pagpatay sa Tatay ko.

Na si Charlie ang Nagbigay ng Impormasyon sa kalaban kung saan ako kami nakatira, na siyang Dahilan para ang tatay ko ay mamatay!

Walang Tunay na kaibigan sa Mundong ito kerby! Sabi ko. Lahat sila Manloloko! TRAYDOR! Ngayon kung ayaw mo maniwala, Hindi kita pipilitin pero Mula ngayon Bahala ka na sa Buhay mo! Hindi na ako magbibigay ng pera sa pagaaral mo! Tignan natin kung kayanin mong magtuloy sa pagaaral ng walang pera!

PERO DAD MALAPIT NA ANG GRADUATION NAMIN, Kunti na lang makaka graduate na ako-

I Don't care!, Kung gusto mo mag graduate gumawa ka ng paraan o Kaya iwan mo ang mga kaibigan mo! Sabi ko na wala manlang pinakitang awa sa kanya.

Kerby POV

Hindi ko maintindihan si Dad, Gusto niyang iwan ko ang mga kaibigan ko.
At naniniwala siyang Tra-trayduri o lolokohin lang ako ng mga kaibigan ko? Bakit? Ganun ba katanga ang tingin niya sa akin, na madali ako maloko?

Ok lang ba? Tanong ni Steve sa akin at ngayon ay papunta kaming tatlo nila Steve at Bie sa 69.

Oo naman sagot ko

Para kasing may iniisip ka

Oo nga, Ano ba yun? Tanong ni Bie

Sige na, sabihin mo na sa amin malay mo makatulong kami diba?

Ah...Kasi Baka hindi ko na kayanin umabot sa Graduation malungkot na sabi ko

Huh? Bakit? Takang Tanong ni Bie

Eh...kasi... Nagdesisyon si Dad na di muna ako Bigyan ng pera, kaya nga mula ngayon na Wala akong pera

Bakit naman ginawa ng Daddy mo yun? Tanong ni Steve

Napaisip ako kung sasabihin ko ba ang totoong Dahilan, baka kasi ma-offend sila sa sasabihin ko.

Ah...May Gusto kasi siyang ipagawa sa akin na ayaw ko

Yun lang yung Dahilan ng Daddy mo? Gulat na sabi ni Bie at tumango ako. Grabe naman! Eh paano ka na niyan eh wala kang pera pang kain at pang uwi mo?

Ewan

Ganito na lang, tutal Buntis yung Mommy ko at malapit na manganak, siyempre hindi na siya pwede magkikilos sa bahay namin, Magtrabaho ka na lang sa bahay namin Tapos si Daddy magpapa-sweldo sayo Masayang sabi ni Steve

Talaga

Kakausapin ko muna sila, I'm sure papayag si Mommy, Ewan ko lang si Daddy

Eh paano kung ayaw ng Daddy mo? Tanong ni Bie

Edi hahanap tayo ng ibang trabaho para kay Kerby, kasi kung hindi siya makaka-graduate...Sayang naman yung naging effort niya para makapasa sa Board Exam

Napa ngiti ako sa sinabing iyon ni Steve.

Tapos nakita namin sa 69 sila Mia at Frank, nakita namin na Binigyan ni Frank si Mia ng Pagkain.

Oy Ano yan? Parang napapansin ko ata lagi mong dinadalhan ng Pagkain si Mia huh pang aasar ni Steve.

Siguro may SOMETHING sila Ayie

Huh? Ano bang sinasabi niyo diyan! Parang nagdala lang siya ng pagkain may something na agad! Pag de-deni ni Mia

Ay Manhid lang ang peg ni GAGA OH Bulong ni Bie

Ewan ko sayo Bie Baliw ka na! Sabi ni Mia

Coz Halika nga sabi ni Steve kay Frank at lumayo kami saglit kay Mia. Bakit hindi mo pa aminin kay Mia ang totoo na Mahal mo siya?

HUH-W-wala akong Gusto kay Mia noh namumulang sabi niya

Alam mo Lahat kami alam na may Gusto ka kay Mia noh, pwero lang kay Mia, Hindi niya Ramdam! Sabi ni Bie

Oo nga kaya Umamin ka na, malay mo matulungan ka namin na sa kanya diba. Sabi ko

Wala nga akong Gusto sa kanya

Haynaku! TORPE Napakamot na sabi ni Steve.

Wala Daw siyang Gusto kay Mia pero noong Nakita namin siya Nagle-lettering sa Note niya magisa ay Dahan Dahan kaming naglakad at Inagaw ni Steve ang Note kay Frank.

Uy Akina yan! Huwag mo Basahin! Sigaw ni Frank pero tumakbo huli na dahil na basa na ni Steve

I Love you Mia Basa ni Steve sa naka lettering.

OWWW Hiyaw namin at natawanan pa

Wala daw siyang gusto kay Mia huh!? Pang aasar ni Steve

--

Eh Di pa naman kasi ako Sure kung Gusto ko ba talaga siya eh sabi ni Frank noong kumbinsihin siya ni Steve na ligawan si Mia

Huh? Eh bakit? Tanong ko

Eh kasi, Hindi ko pa naman nararanasang makaramdam ng Selos, iniisip ko baka Simpleng paghanga lang itong nararamdaman ko, Diba karaniwan na na kapag nagmahal ka eh magseselos ka sa ibang lalaking lalapit sa kanya

So Anong gagawin mo? Hihintayin mo pa na may manligaw sa kanyang iba? At kapag nag Selos ka saka ka manliligaw!? Tanong ni Steve

Siguro, Kasi ang Ibig sabihin na kapag nagselos na ako eh, Mahal ko nga talaga siya

SIRA BA ULO MO? Sabi ni Steve. Seryoso ka ba diyan!?

Steve ang gusto ko lang naman eh pagisipan muna itong nararamdaman ko, kasi kung liligawan ko siya at naging kami tapos malaman ko sa sarili ko na mali pala ako, hindi ko pala siya mahal, eh Masasaktan ko siya or else Hindi na kami pwedeng maging magkaibigan pa

Oh Sige Bahala ka

Pero kapag nakapag Desisyon ka na na ligawan siya nandito lang kami para tumulong sabi ni Bie

Ok so... sabi ko, at nilagay ko ang kamay ko sa harap namin at ipinatong naman nila ang mga kamay nila sa kamay ko.

Go! Go! Go! Best friends forever!!! Sigaw namin sabay angat ng mga kamay namin.

--

Tinotoo nga ni Steve ang sinabi niya, Nakiusap siya sa magulang niya na Para lang sa akin.

Sige na po Mommy, Daddy sabi ni Steve sa kanyang magulang

Ok lang naman sa akin, kasi Buntis ako at makakatulong din sa akin ang may kasama sa bahay kapag wala kayo ng dad mo, pero yung Dad mo ang dapat mag desisyon dahil siya ang padre de pamilya Sabi ni Mommy

Dad please?

Kung papayag ba ako, makakasigurado ba akong Hindi magnanakaw yang kaibigan mo? Kasi kung may mawala sa bahay eh, siya ang una kong sisisihin!

Oo Dad promise

Opo, mapagkakatiwalaan niyo po ako, Sr Lieutenant Sanosuke Naka ngiting sabi ko.

Nung una ay nagisip siya at hindi muna agad nag desisyon.

Oh Sige sabi ng Dad niya Kung makakatulong para sa Mahal kong Asawa, Ok lang.

Yes! Ayos! Masayang sabi ni Steve at nag apir kami

Pero 200 lang araw araw ang Sweldo mo, ang gagawin mo lang ay maghugas, laba at maglinis ng bahay, Huwag ka na mag alala Libre na ang Pagkain mo Sabi pa ni Dad

Thank you po masayang sabi ko

Thank you Dad sabi ni Steve pero tumango lang ang Dad niya.

Salamat Tols Sabi Ko Kay Steve

Naalala ko ang nabasa ko noon sa libro
Na sa Buhay Kailangan mo ng liwanag, Liwanag na laging nandiyan para sayo kapag kailangan mo at sa tingin ko, ang mga kaibigan ko ang Liwanag sa buhay ko.

Sa tingin ko, mali si Dad at tama ang Desisyon ko na magtiwala sa mga kaibigan ko na wala sa kanila ang magtra-traydor sa akin.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

2.8M 73.5K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
59.5K 1.7K 33
Kabilang si Leyneri sa tribong Bulawanon. An ethnic tribe living on Isla Gasuklay. Ang pamilya niya ang matagal nang namumuno sa tribo. She spent...
2.2M 1.1K 1
Highest Rank: #11 #13 #Wattys2017 Contestant (c) EnlightsHeart Starts: June 6, 2016 Finished: December 18, 2016
39.6K 941 20
Reika Owned a coffee shop, tahimik ang buhay niya bilang isang kilalang businesswoman at may ari ng sikat na Maid café. Maid Café was her dream busi...