The Coolest Guy (ON GOING)

Von DianaAranda

36.4K 798 138

Hindi naman ganun ang pagkamuhi ni Cream sa love. Simple lang ang pinaglalaban nya. She will believe in it wh... Mehr

The Coolest Guy
Prelude
Chapter One :)
Chapter Two :)
Chapter Three:)
Chapter Four :)
Chapter Five :)
Chapter Six :)
Chapter Seven :)
Chapter Eight :)
Chapter Nine :)
Chapter Ten :)
Chapter Eleven :)
Chapter Twelve :)
Chapter Thirteen :)
Chapter Fourteen :)
Chapter Fifteen :)
Chapter Sixteen :)
Chapter Seventeen :)
Chapter Eighteen :)
Chapter Nineteen :)
Chapter Twenty :)
Chapter Twenty One :)
Chapter Twenty Two :)
Chapter Twenty Three :)
Chapter Twenty Five :)
Chapter Twenty Six :)
Chapter Twenty Seven :)
Chapter Twenty Eight :)
Chapter Twenty Nine :)
Chapter Thirty :)
Chapter Thirty One :)
Chapter Thirty Two :)
Chapter Thirty Three :)
Chapter Thirty Four :)
Chapter Thirty Five :)
Chapter Thirty Six :)
Chapter Thirty Seven :)
Chapter Thirty Eight :)
Chapter Thirty Nine :)
Chapter Forty :)
Chapter Forty One :)
Chapter Forty Two :)

Chapter Twenty Four :)

668 18 4
Von DianaAranda

Copyright © Diana Aranda


Can I confess something that's true?

We spend the week ends like normal couples. Movie marathon, food strolling and well, dahil grade concious couple kami, nag aral din kami ni Ice. Napakagandang week end diba?

May isang linggo pa kaming pasok before that much awaited one week galore vacation. And because of that, paniguradong pauulanan kami ng quizes ng mga professors namin.

Classmates kaming lima sa first subject. Nakakapagtakang mukhang wala sa mga mood ang kasama namin. Nakakunot ang noo ni Adam at mukhang masama ang timpla habang gigil na gigil sa pagpindot sa phone nya. Dahil magkatabi kami, nagagawa kong silipin ang ginagawa nya. He's texting someone. Perhaps, magka-away sila ni Kendy? I hope not.

Ivan and Tricia are unusual today. Hindi sila nag-uusap. I heard from Ice na simula pa daw yun nung birthday nya. Nakasalubong ni Ivan ang first love nya and nagselos si Tricia then the rest is history. Hindi ako makapaniwalang natiis nila ang isat isa. Not talking. Nakakamatay kaya yun.

The class went well. Atleast para samin ni Ice. Nagmamadaling umalis si Adam. I find it frightening kapag ganun si Adam. Hindi kasi sya madalas ganun kaya nakakatakot din kapag medyo bad aura sya. Di ko pa kasi naeencounter and bad aura nya eh. Ngayon pa lang.

Nauna namang lumabas si Tricia. Sumunod si Ivan but I dont know what happened. Baka mag away pa yung dalawa sa may hallway. Wag naman sana.

The rest of the day went okay. Para kaming timang ni Ice na sa sobrang kaboringan eh pati bilang ng kulay pulang sasakyan na magpapark sa parking lot eh nagawa pa namin. Nahihirapan din kami sa drama nung tatlo. Minsan kakausapin ni Ivan si Adam. Sandali lang yun. Yung tipong ang sagot eh okay, sige. Minsan naman, si Tricia ang iimik na obviously eh pinapatamaan si Ivan. Kinakausap ako ni Tricia pero pakiramdam ko naman ay hindi para sa akin yun. Sinubukan din kausapin ni Ice si Adam at ang tanging sagot lang nito ay, 'I'm okay.' Duh? Hindi sya okay. Kasi kung okay yang si Adam, kanina pa nya ako kinukulit, kanina pa rin yan tawa ng tawa o kaya ay nagmamatakaw. Nabilhan na din sana nyan ako ng pizza. Pero dahil hindi sya okay, hindi nya yun magagawa. Sinubukan ko din naman. Nginitian lang nya ako. Yung ngiting di man lang umabot sa mga mata nga. Pilit, malungkot at may problema. What's with everyone today? Ang gloomy tuloy ng Tuesday.

Kaparehong arte ang drama ng tatlo kinabukasan. Pinalampas ko sila kahapon. Ano namang gagawin ko ngayon? Tinitigan ko si Ice na busy sa pag-aaral. Anong inaaral nito?

"Ano yan?" pinatong ko ang baba ko sa balikat nya. Napanguso ako ng makakita ng x's and y's. May mga parallel lines, coinciding lines and all pa.

"Math shits." Tumingin ako sa kanya. Grabe. Ganito pala ang feeling na up close and personal kay Ice? Two inches lang ata ang layo nung mata ko sa pisngi nyang walang pores. Gosh. Dinaig pa ako. Anak mayaman nga eh.

Pumaling sakin si Ice sabay nakaw ng halik. Ugh. Dangerous place. Inayos ko na ang upo ko at ako din naman ang nahihirapan.

Inayos ko ang posisyon ko at nag decide na matulog na lang. Mabuti na lang din at tahimik sa loob ng library. Sana lang, wag ako mahuli nung librarian na natutulog. Bawal ang natutulog sa library!

Dumampot ako ng isang libro at binuklat iyon at tinayo. Para akalain nung librarian na nag aaral talaga ako at hindi natutulog.

"Baby, you can't sleep here!" mahinang saway sakin ni Ice. Pumaling ako sa kanya. Damn. Ang gwapo talaga ni yelo kapag nakasalamin sya. Nag uumapaw sa hotness ang isang to. Buti na lang at airconditioned ang library baka bigla na lang tong masunog sa sobrang hot ng boyfriend ko. Okay, OA na banat ko lang yun guys. Gwapong gwapo lang talaga ako sa kanya ngayon. Ang hot talaga eh.

"Hey, you're creeping me out! Bat ganyan ka makatitig?" mahina pa nyang sabi. Binaba nya ang G-Tech nya sa lamesa at humalumbaba sa akin.

"I find you hot kapag naka black rimmed eyeglasses ka. Sana eyeglass ka na lang." bahagya akong natawa sa sinabi ko. Para kaming timang dalawa. Ofcourse bawal mag-usap sa library! Mag-iingay lang pag nagkataon. But I cant help it! Pinanganak akong madaldal kaya kahit library ay di ko sasantuhin.

"Alam mo kung di kita girlfriend...."

"What?" I immediately supplied.

"Kung hindi kita girlfriend, asawa na kita ngayon." isang malaking ngiti ng tagumpay ang ni flash nya sa akin. Grabe. Uno talaga ang ibibigay kong grade kay Yelo pag naging prof nya ako sa How To Get a Girl 101. Galing mag-isip ng line eh.

"Mr. Villarasa and Ms. Sandoval." bigla naman akong napatunghay at si Ice naman ay nag ayos ng tayo ng marinig namin yun. Sinalubong kami ng galit na mukha ni Mrs. Hernandez, ang school librarian.

I bite my lip and tries my best to suppress the laugh na gusto kong ilabas. Palihim kaming nagtinginan ni Ice at natawa ng bahagya.

"The library is a sacred place for silence and peace. I do not encourage things like talking and laughing in here. If you guys want to talk about how you love each other, you can do it outside. Not here in my sanctuary. Understood?" dahan dahang kaming tumungo ni Ice sa sinabi nya samin. Sandali pa nya kaming tinitigan bago kami iwanan.

Nagkatinginan kami ni Ice habang nagpipigil ng tawa pagkatalikod ni Mrs. Hernandez. Nagawa pa nga naming mag high five ng patago sa ilalim ng lamesa. Ghad! Nakakahiya na mapapabalita kami ni Ice na naglalandian sa loob ng library! Tatawanan na lang siguro namin yun. At malamang, marami pang matutuwa pag narinig nila ang balita na ako at si Ice ay pinagalitan ni Mrs. Hernandez dahil sa paglalandian. Naiimagine ko na ang magiging reaksyon nila. Lalo ni ni Trisha. I can't wait to see it!

Lahit napagalitan kami ay nanatili pa din kami ni Ice. If I have something to say ay sinusulat ko iyon sa sticky notes ko at pinapakita sa kanya. Muka kaming timang pero okay lang kasi masaya naman.

Tinapos ni Ice ang Math shits nya at ako naman kahit papaano ay nakatapos na sa pagbabasa nung assignment short story namin entitled 'In between seven and nine'

Buti pa si Ice ay nabasa na ito dati. Ako? First time to. Ngayon ko nga lang nalaman na nag eexist pala ang short story na ito. Mahilig kasi ako sa mga novels kaya siguro ay di ko na rin napansin.

Pagkalabas namin ng library ay deretso na kami ng room. Nagtext na din kasi si Adam na malapit na daw magstart ang klase kay Mam Laila.

Nabigla ako ng makita kong nasa loob din si Trisha. Di naman kami magkaklase ngayon ah? Natuwa ako ng malamang nakiki sit-in daw ang bruha dahil bored na sya.

"So, anong kalandian naman ang ipinamalas nyo sa library?" salubong nya samin. Nagtinginan na lang kami ni Ice at sabay na natawa.

"Ay! Kapag mag jowa na, sabay na pati ang tawa. Galing ah!" puno na sarcasm na sabi nya. Tinaasan ko sya ng kilay dahilan para manahinik sya sandali.

Pero dahil hindi makapagpigil si Trisha sa mga side commentaries nya, umimik na ulit sya. "The coolest couple on the university set fire on the library" basa nya sa phone nya. Inagaw ko ang phone nya at tiningnan ang laman noon. It was an article posted just 12 minutes ago by Twinkle Ramirez. May picture pa nga kami nung nag high five kami sa ilalim ng lamesa pagkatalikod ni Mrs. Hernandez.

"In fairness, ang ganda ng kuha. Bagay na bagay kayo." imik pa nya. Iimik na din sana ako nung pumasok bigla sa loob si Mam Laila. Owkay! Classes again!

"Pst. Cream!" mahinang tawag sakin ni Adam. Kasalukuyang nagsasalita si Mam Laila at ikinabigla ko talaga ang pag imik ni Adam.

"What?" tumingin ako sa kanya at nakita ko yung pinagkit nya sa sticky note sa tapat ko.

'Anong magandang peace offering sa babae?'

Napangiti ako pagkabasa ko sa tanong nya. Is he planning to make it up with Kendy? I hope he is.

Kumuha ako ng sarili kong sticky note at nagsulat doon habang may isa na akong kaklase na naimik sa unahan. Buti na lang at di natatawag ni Mam Laila. Natawag na kasi si Ice. And Ice being Ice, na amaze na naman kami sa mga kaya nyang gawin. He could be everything he wants to be. Walang makakapigil sa kanya.

'Lets talk abput it later after class. Libre mo ko ng frappe sa starbucks. ;P'

Sinimangutan nya ako after mabasa iyon. Natawa na lang ako sa reaksyon nya. May susunod pang klase si Ice after ng klase namin. Kami ni Adam ay wala na. Si Trisha naman ay meron din pero di sila magkaklase ni Ice.

"Hey. See you later." paalam nya sakin sabay halik sa pisngi ko.

"Bakit hindi sa lips?" pang-aasar ni Adam samin.

"Aalis na ko. Bantayan mo yan." utos sa kanya ni Ice. I stuck my tounge on Adam na nagme make face naman sakin.

"Alam mo, pasalamat ka bestfriend kita." sabi ko sa kanya sabay bukas ng pintuan ng sasakyan nya. Yosh! Libre na naman ni Adam!

"Wow. Hindi ata ako informed na best friends pala tayo." chineck muna nya yung aircon kung nagana ba saka nagpatugtog ng DashCon songs.

"Self proclaim yun! Pasalamat ka nga ikaw napili ko eh." napangiti na lang si Adam sa pinagsasasabi ko. Agad nyang pinaandar ang sasakyan at agad naming tinungo ang pinakamalapit na Starbucks.

"So, alam mo ba kung bakit tayo nandito ngayon?" tanong ko kay Adam pagkatapos ko sumipsip ng Strawberry frappe ko. Walang interes nya akong tiningnan at sinimangutan. "Bayad ko to sa gagawin mong tulong sakin." Hindi ko alam kung napipilitan lang ba ang isang to sakin. Parang di naman interisado. Parang no choice na sya kasi ako lang ang pedeng tumulong sa kanya.

"Tama! I have a perfect plan for you!" nag slice ako ng banana loaf at sinubo iyon.

"So, mahilig ba sa exhibits ang girlfriend mo?" sumipsip si Adam ng frappe nya at tumungo sa sagot ko.

"Para kang tanga. Umayos ka nga!" saway ko sa kanya. Mukhang salang kaenergy energy eh!

"Maayos naman ah! Gwapo pa din." imik pa nya. Grabe. Magkapatid nga sila ni Ice. Walang duda! Iisa ang takbo ng utak.

"Ulul! Ano na?" tinitigan lang nya ako. "Akala ko ba you want to make up? Paano kayo magbabati kung di ka naman interisado sa pag uusapan natin?"

"Alam mo ba kung bakit ganito ang mood ko?" he asked. Umiling ako sa tanong nya.

Inangat nya yung frappe nya at pinakita sakin yung part na may nakasulat na pangalan nya. "Look at this! At talagang nanghiram ka pa ng marker para drawingan ng bulaklak at hearts ang cup ko? Nakaka amaze diba?"

I tried my best to suppress my laughter pero ang hirap pigilan. "Mag bestfriend tayo! Kaya dapat lang na kung anong naka drawing sa cup ko, idrawing ko din sayo! Ang ganda nga ng drawing ko oh!" tinitigan at hinawakan ko pa yung cup ni Adam habang natatawa. Pinagtitinginan din kasi ng mga customers sa loob ang cup namin. Punuin ko daw ba ng flowers and hearts ang mga cup namin. Ang cute eh!

"Sige na. Napahiya na rin naman ako. Ano bang plano?"

"Oh ha? Tandaan mo yung pinagsasasabi ko sayo. Kailangan by thursday, bati na kayo. Balitaan mo ko ah?" pangungulit ko while wiggling my eyebrows.

"Yes Mam." walang buhay nyang sagot sakin.

Saktong pagdating namin sa school ay tapos ng klase ni Ice. Mabuti naman at di ko na kailangang maghintay. Maaga na ding makakauwi sa wakas!

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng bahay. "Bagay si Kendy at Adam no?" nasabi ko out of nowhere. Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Ice. Wondering why I open such topic like that. "Perfect combo sila. Adam used to be the hot playboy and Kendy is like shy kind of girl." tinaasan nya ako ng kilay. Nag cross arms sya sakin

"So, you think Adam is hot." Really? Sa lahat ng sinabi ko, yun lang ang narinig nya? Grabe talaga. Boys will always be boys.

"Ofcourse! Adam is hot! Hindi ko sya best friend kung di sya hot." sagot ko sa kanya. Dumeretso ako sa living room at ramdam ko naman ang pagsunid nya sakin. "At kelan mo pa naging bestfriend ang kapatid ko?" he asked.

"Matagal na. Actually, kanina lang din nya nalaman na mag bestfriend pala kami." dinampot ko yung remote at binuksan ang TV.

"Kung gwapo pala si Adam sayo, bakit di na lang sya ang binoyfriend mo?"

"Nah. Adam is too much for me." naglipat ako ng channel. Meron akong papanuorin eh. Nakalimutan ko ang channel.

"So, mas gwapo si Adam sakin?" napatingin ako kay Ice. Ngumiti ako bago sumagot.

"Pede magsabi ng totoo?" tinaasan nya ako ng kilay. Ang cute ni Ice pag napgpipigil sya ng inis.

"Actually, oo. Mas gwapo si Adam sayo." pag aamin ko. Bakit ba? Mas gwapo si Adam sa mata ko eh.

Nakita ko kung paano bumagsak ang balikat ni Ice sa sagot ko. "But dont worry, mas gwapo man sya sayo, ikaw naman ang hari ng puso ko. Yuck! Did I just say that??"

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
155K 7.2K 42
Batid ni Czarina na sukdulan hanggang langit ang galit sa kanya ni Rorik, kahit hindi man nito ipakita. Naiintindihan niya iyon. Sino ba naman ang ma...
1.9M 70.6K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
1.6M 78.3K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...