She's Dating The Teacher

Da dirkyleo

220K 7.2K 216

After graduating from high school, Kelsey Chan, the former star player of the St. Michael's Archangels volley... Altro

Chapter 1: The One You Love
Chapter 2: The One That Won't Go Away
Chapter 3: The Feeling That Won't Quit
Chapter 4: The Expectations
Chapter 5: To The Rescue
Chapter 6: Heart To Heart
Chapter 7: The Good News
Chapter 8: Varsity Blues
Chapter 9: Unrestrained
Chapter 10: The Accidental Sleepover
Chapter 11: Alive
Chapter 12: Hysteria
Chapter 13: The Morning After
Chapter 14: The Invitation
Chapter 15: The Secret Garden
Chapter 16: The Coming Out Monologue
Chapter 17: The Coming Out Monologue Part 2
Chapter 18: Where Them Girls At
Chapter 19: Eat, Drink, Man, Woman
Chapter 20: In Your Room
Chapter 21: I Must Confess
Chapter 22: Come Out, Stay Out
Chapter 23: Million Dollar Baby
Chapter 24: Medically Necessary
Chapter 25: Getting To Know You
Chapter 26: The Negotiation
Chapter 27: Here With Me
Chapter 28: Reality Bites
Chapter 29: Help Wanted
Chapter 30: The Future 101
Chapter 31: How To Win Friends And Influence People 101
Chapter 32: How To Deal With Insecurity
Chapter 33: The Secret Ally
Chapter 34: Under Pressure
Chapter 35: A Conversation
Chapter 36: White Flag
Chapter 37: Robbie
Chapter 38: Plan B
Chapter 39: The Gonzales Family
Chapter 40: Rituals
Chapter 41: Last Day
Chapter 42: One Bad Night
Chapter 43: Future Shift
Chapter 44: The Threat
Chapter 45:The Unexpected
Chapter 46: M.I.A
Chapter 47: Hiding
Chapter 48: Tea & Sympathy
Chapter 49: The Talk
Chapter 50: Face The Music
Chapter 51: Bad Luck
Chapter 52: Disowned
Chapter 53: Sleepless
Chapter 54: The Conundrum With The Open Drawer
Chapter 56: Stand Up
Chapter 57: The Bodyguard
Chapter 58: The Other Side
Chapter 59: Rebirth
Chapter 60: Beginnings

Chapter 55: The Encounter

2.7K 83 1
Da dirkyleo




Nagtext si Rachel para sabihin na gagabihin ito.

Dahil nababagot na walang kasama sa bahay, naisipan niya na sunduin ito sa St. Michael's.

Pinahila na ng daddy niya ang kotse niya kaya nagtricycle lang siya papunta sa St. Michael's.

Alas singko na ng marating niya ang school kaya sarado na ang mga tindahan.

Ang mga tricycle driver na lang na matiyagang naghihintay sa mga pasahero ang nasa school.

Gusto mang makipagkuwentuhan ni Kelsey sa guwardiya, minabuti niya na maghintay sa isang gilid para mag-abang.

Bukod kasi sa gusto niyang sorpresahin si Rachel, nag-iingat din siya na huwag makita ng mga teachers sa St. Michael.

Tumayo si Kelsey sa isang sulok kung saan tanaw niya ang gate.

May ilang tao na dumaan at napapatingin sa kanya ang mga ito.

Hindi naman main road ang daan papasok sa St. Michael's kaya wala masyadong jeep na dumadaan dito.

Nagiging busy lang ang intersection na ito kung may pasok dahil sa pagdating ng mga sasakyan at service ng mga estudyante.

Napatingin siya sa suot na Apple watch.

Limang minuto na siyang nakatayo at wala pa din si Rachel.

Sinabi nito sa text na alas-singko matatapos sa ginagawa kaya sinikap niya na dumating bago ang oras na iyon.

Abala na kasi ito sa preparations para sa JS Prom at graduation kayaa malimit umuwi ng gabi si Rachel at laging pagod.

Inangat niya ang ulo ng marinig ang pagbukas ng gate.

Ngumiti siya ng makitang lumabas si Rachel pero agad ding nawala ang ngiti sa labi niya ng makitang nakasunod dito si Allan.

Nakakunot ang noo ni Rachel ang bumubuka ang bibig pero hindi niya marinig ang sinasabi nito dahil malayo siya sa gate.

Pero kahit hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito, kita niya na galit ito.

Makikiramdam lang sana siya pero nagulat na lang ng biglang hablutin ni Allan si Rachel sa braso ng makalayo na sila sa gate.

Doon na lumabas si Kelsey sa pinagtataguan at mabilis na lumakad papalapit kay Rachel at Allan.

"What's going on?"

Napatingin sa kanya ang dalawa at biglang binitawan ni Allan si Rachel.

Nakangisi si Allan kay Kelsey at nanghahamon ang tingin nito.

Kinutuban si Kelsey lalo na ng tingnan siya nito mula ulo hanggang paa.

"Nandito na pala ang princess charming mo." Nanunudyo ang tono ni Allan.

Kinuyom ni Kelsey ang mga kamay niya pero hindi pinatulan ang sinabi ni Allan.

Si Rachel naman, namumutla ang itsura.

"Mam, okay lang kayo?" Nag-aalalang tanong ni Kelsey kay Rachel na tumango lang.

"Tama na ang pagkukunwari ninyong dalawa. Bistado na kayo." Hindi pa din tumigil si Allan.

Lumakas din ang boses nito kay bumukas ang gate at lumabas ang guard.

Lumapit ito sa kanilang tatlo.

"Mam, Sir, okay lang po kayo?" Dumapo ang tingin nito kay Kelsey.

"Opo, Manong." Si Rachel ang sumagot.

Nawala ang galit sa mukha ni Allan.

"Pauwi na ako, Chief." Sabi nito sa guwardiya.

"Sige, Sir."

Tumalikod ito sa kanila ng walang paalam.

Pagkaalis nito, tumingin ang guwardiya kay Rachel.

"Mam, sigurado pong okay lang kayo."

"Oo naman." Atubiling sagot ni Rachel.

"Eh namumutla po kasi kayo."

"Ganun ba?" Napahawak si Rachel sa pisngi niya.

Nanginginig ang mga daliri nito at lalong nag-alala si Kelsey.

"Chief, huwag kayong mag-alala. Samahan ko na lang po si Mam."

"Sige, Kelsey. Ingatan mo si Mam at baka kung anong mangyari sa kanya ha?"

Tumango si Kelsey.

Lumakad na si Rachel papalapit sa terminal ng tricycle at doon lang napansin ni Kelsey na nakatingin ang mga ito sa kanila.

Malamang nakita ng mga ito ang nangyari.

Tahimik na naunang sumakay si Rachel.

Walang kibo ito hanggang sa makarating sila sa apartment.

Pagkasara ng pinto, tinanong ito ni Rachel kung anong nangyari.

Nasa sala na si Rachel at wala sa sarili na umupo.

Tumabi sa kanya si Kelsey.

"Rach, what's going on?"

Doon niya lang napansin na nangingilid ang luha nito.

"He knows." Yun lang ang sagot nito.

"He knows what?" Nagtatakang tanong niya.

"About us and the video."

"Is that why he tried to hurt you?"

Umiling si Rachel.

"He didn't get the position."

"What position?"

"The full-time permanent position at St. Michael's."

Biglang natahimik si Kelsey at naalala ang nakitang resume at cover letter sa loob ng drawer.

Hindi niya tinanong si Rachel tungkol dito kahit pa excited siyang malaman kung nakuha nito ang position.

Ayaw niya kasing malaman ni Rachel na pinakialaman niya ang gamit nito.

"Kinausap ako ni Sister Margaret kanina para sabihin na I was the one who got it. Hindi ko inexpect na nung pauwi na ako, nakaabang sa akin si Allan. He congratulated me at first until he confronted me about the video. Alam niya daw ang totoo at ilalaban niya kay Sister Margaret ang position dahil I didn't deserve it. Siya daw ang dapat na napili and not me. If it were up to him daw, I should be expelled from the school dahil I was dating a student."

"Well, that's where he's wrong."

"What do you mean he's wrong?"

"I was no longer a student at St. Michael's when we started dating."

"Sa palagay mo ba it will matter to him whether you were a student there or not? Galit na galit siya and he was being irrational."

"Of course he was but that does not give him any reason to assault you."

"Sabi ko na nga ba eh. Mula ng lumabas ang video at kausapin ako ni Sister Margaret, may kutob ako na kapwa ko din co-teacher ang may pakana kung paanong nakarating ito sa principal."

"Wait. Sister Margaret talked to you about the video?"

Natahimik si Rachel.

"Why didn't you tell me about it?"

Hinawakan siya ni Rachel sa braso.

"Kelsey, ang dami mo ng problema ng araw na iyon. Ayoko ng dagdagan pa."

"You always tell me to say something dahil hindi ka mind reader. Pero ikaw, you were keeping a secret from me."

"Only to protect you."

"Rachel, I'm the only one who can help you get out of this mess."

"That's exactly what I don't want to happen."

Natigilan si Kelsey.

"What do you mean?"

"I don't want this situation to blow out of proportion. Isa pa, I wasn't expecting to get the position."

"But you did because you deserve it more than anyone."

Si Rachel naman ang hindi nakakibo.

"Kung anuman ang inaakusa sa'yo ni Sir Allan, he overstepped when he assaulted you. That alone was enough reason to get him fired."

"Kelsey, huwag na nating palalain ang sitwasyon. Lalo lang gugulo."

"So, you're just going to keep quiet ganun ba?"

Hindi siya sumagot.

"He pulled you by the arm. I saw what he did. Maliwanag na assault yun." Nanggagalaiting sabi ni Kelsey.

"Kung anuman ang nakita mo, just leave it alone okay?"

"Whatever happened to standing up for yourself?"

Humugot ng malalim na hininga si Rachel bago nagsalita.

"Just don't do anything else. Ayokong na lalong lumala ang sitwasyon."

Tumayo na si Rachel at umakyat sa kuwarto.

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

171K 157 1
Richie Series No.2: Story of Shaira Lei Elmer ~Under Revision~
1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
5.9K 612 40
Frankie lives life to the fullest; she doesn't dream big and expect big from anyone. Dahil bata palang na diagnosed na sya with heart disease. Sa lah...
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...