I'm 20 but still NBSB (Publis...

nayinK tarafından

4.7M 42.2K 3.4K

PUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano ka... Daha Fazla

AUTHOR'S NOTE
All Rights Reserved
Short Description
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Book 2: I'm NBSB No More Teaser
Book 2: I'm NBSB No More Prologue

Chapter 6

134K 1.6K 192
nayinK tarafından

PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)

Php119.75

Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!

--

 Chapter 6

 

“Fate knows when to leave everything on you.

But it also knows when to work and help you.”

 

Georgina

Early in the morning, tumunog ang alarm clock ko. May pasok. I opened my eyes. My head became painful. Parang hinihigit ako ng kama pabalik pero kailangan kong bumangon.  Pinilit kong tumayo kahit masama ang pakiramdam ko.

Parang magkakasakit ako. Hindi ko alam kung bakit. Dahil sa narinig ko kagabi or sa mga thoughts na naisip ko, or dahil hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa okupado ako, I don’t know.

Ang alam ko lang, I wanted to stop this nonsense – that 10 steps thing. Ayaw ko na. Wala akong pakialam kung NBSB ako forever. Basta, ayaw ko na. Ayaw ko nang matamaan ako sa mga maririnig ko na kahit hindi para sa’kin, tagus-tagusan sa puso ko. Masakit.

I took a cup of coffee. Nagpaalam na ako kay Mama. Nakahanda na ang breakfast pero wala talaga akong gana.

She pushed me to take Bioflu o kaya naman ay Biogesic, pero ayaw ko. I hate medicines. I barely take some, only if I badly needed one. Pero wala lang naman ‘tong nararamdaman ko. Dala lang ‘to ng pagpapaasa ko sa sarili ko na hindi na ako NBSB.

But I just made myself believe. Ikaw naman kasi, G, e!

Pero si mama ay dakilang ina. Hindi niya talaga ako pinaalis nang hindi umiinom ng gamot at kumakain. She even locked the door just to make sure I won’t leave. I had no choice.

Kaunti lang ang nakain ko. Uminom ako ng gamot, nagpaalam kay Mama at pumunta na sa kompanya.

Past 8 na ako nakarating sa office. Medyo late na. Pero I was surprised, walang kahit sinong tao sa office. Napatingin agad ako sa relos ko para siguraduhin na tama ang oras. Tiningnan ko rin ang oras sa phone ko—magkaparehas. Nasaan sila?

I placed my bag on my table. Pupunta ako sa office ni Boss Lee. Baka nagpatawag ng biglaang meeting. Madalas nagyayari ang mga gano’n lalo na kapag may biglaan ding issues and problems.

I was about to open the door nang may nasa labas na hinawakan din ito para buksan. Nagkasabay kami. Si Blesie.

“May sasabihin ako, B.”

“May good news ako sa’yo!”

Nagkasabay kami ng sabi. I was feeling down. She was full of joy.

“Nasaan sila?” tanong ko.

“Nasa office ni Boss Lee. Bakit ka late, G?” May kinuha siya sa table niya. Mga folders. May meeting nga siguro.

“Si Mama kasi, e.”

“Tara na. Hindi pa naman din nagsa-start. Biglaan din kasi. Sakto lang ang dating mo.”

Habang naglalakad na papunta sa office ni Boss Lee, nagsimula na akong magkuwento.

“Blesie. I think about this for the entire night at sure na sure na sure na talaga ako.”

Nagmamadali pala si Blesie. Ang bilis naming nakarating sa office ni Boss Lee. Hindi niya yata naintindihan ang sinabi ko. I sighed. Sige, mamaya na lang.

“G, ‘wag kang kukurap.”

She’s holding the door knob. Hindi niya pa binubuksan.

“A, sige,” nasabi ko na lang.

Pagkabukas niya ng pinto ng office ni Boss Lee, wala namang iba. Ordinaryong meeting. Kumpleto ang lahat.  Ano ‘yong sinasabi ni Blesie? I gazed at her.

“Mamaya pa pala. Na-excite lang,” she mouthed.

Naupo na ako sa tabi ng Finance Team. Maya’t-maya ang pagtingin sa’kin ni Blesie. Ngiting-ngiti. Ano kaya’ng problema niya? Hindi ko na lang siya pinansin. Dumating na rin si Boss Lee.

“Good morning.”

Our Boss never frowns. Nakaka-good vibes ang pagbati niya sa amin habang nakangiti. Masaya rin namin siyang binati.

Parang paganda siya nang paganda. Kung lalaki lang ako, nagustuhan ko na siya. Matalino, maganda at mabait pa. Pero tulad ko, NBSB din siya. Tulad ko, hindi pa siya nakakaranas magmahal at mahalin. Pero ang kaibahan naming dalawa, satisfied siya sa buhay niya. Ikaw ba naman ang magmana ng ganitong kompanya?

“This is not a meeting. This is just a very short welcome assembly.”

Nagsimula namang magbulung-bulungan ang mga kasama ko. Masakit pa rin ang ulo ko kaya maya’t-maya ang paghawak ko rito.

“Ladies and gentleman, I’d like you to meet the newest member of the C&K Family, Engr. George Aries Andrade.”

Napahikab pa ako. Talagang hindi ako nakatulog kagabi. Parang wala akong ma-absorb sa sinasabi ni Boss Lee. Napatingin ako kay Blesie na kumakaway-kaway sabay turo sa unahan, sa kasama ni Boss Lee kaya tiningnan ko.

Nanlaki ang mga mata ko.

My co-employees clapped as the new Engineer of C&K bowed. I can’t believe this!

I thought he’s working at KGP Inc. which happened to be the greatest rival of our company. May dalawang kompanya lang kasi sa lungsod ng Dasma. Nauna ang C&K, pero after a year, nagkaroon na rin ng KGP Inc. Parehong food and beverage company. Parehong kilala. Parehong naglalaban sa titulong numero uno sa Dasma. You know, business. At s’yempre, to attract more investors.

Noon pa man, hindi na naging maganda ang samahan ng dalawang kompanya. Hindi nagkaroon ng friendly competition. Actually, maging ang mga empleyado ay ipinagbawal ding makasalamuha sa isa’t-isa. Dati kasi, nagkaroon ng leak. Simula noon, naging mortal na magkaaway ang dalawa.

Pero nabago na rin ‘yong sa mga empleyado. Marami kasi na magkakaibigan o kaya magkamag-anak na nagtatrabaho sa C&K at KGP. Buti na lang. Kaya puwede kong kausapin si George or magkaroon ng communication sa kanya through Facebook.

Okay, si George na naman: I thought, kakalimutan ko na siya? ‘Di ba nga ititigil ko na ‘yong 10 steps? Pero bakit siya nandito? Pa’no na?

“Engr. Andrade, you’ll be accompanied by…” Luminga-linga si Boss Lee – sa Engineering team, tapos sa Finance Team? “By Miss Steve. Okay, that’s all. Ipinakilala ko lang sa inyo ang ating bagong engineer. Back to work. Miss Steve, ikaw na ang bahala sa kanya.”

I was like, Bakit ako pa? Finance team ako. Hindi ako engineer. Bakit ako?

I suddenly looked at Blesie na ngiting-ngiti. Kaya pala. Ito pala ‘yong sinasabi niya. Nilapitan ko siya.  “Ikaw na lang. Ikaw ang engineer, e.”

 “No, no, no. Busy kasi ang lahat ng nasa Engineering Team ngayon. Besides, sabi ni Boss Lee, ang bilis mo raw gumawa ng works mo kaya lahat nagawa mo na. I guess, wala namang problema kung ikaw ang magsasabi kay George ng pasikut-sikot sa kompanya. ‘di ba?”

“Pero—”

“Kay Boss Lee na mismo nanggaling, G.”

I glared at her. She just winked. Nakakainis! Lumabas na siya.

 Ano’ng gagawin ko? Hindi ko pa tuloy nasabi kay Blesie na wala na akong balak ipagpatuloy pa ang 10 steps na ‘yon. I sighed.

“Uhm, Miss Steve?”

Agad akong humarap sa kanya, kinakabahan. Hindi ko akalain na magkikita kami. Sa ganitong pagkakataon pa. Kung kailan ayaw ko na.

“A, hi, Engr. Andrade. Welcome to C&K Company.” I faked a smile.

“Don’t be too formal,” he said, smiling. Ang ngiti niya, parang kakaiba. Ganito pala ang hitsura sa malapitan. Parang…lalo siyang gumuwapo.

“I’m George.” Inabot niya sa’kin ang isa niyang kamay.

“I’m—”

“Your Georgina, right? ‘Yong nag-add sa’kin sa Facebook?”

Okay, ang awkward ng pangyayaring ‘to. Hindi ko alam ang gagawin.

“Yeah.” ‘Yan lang ang nasabi ko.

“Nice to finally meet you, in person, Georgina. Mas maganda ka sa personal.”

My heart started to beat abnormally. This was very unusual. Bakit ganito ang feeling? Come on, G. Relax.

Tumawa ako nang bahagya. “Thanks.” Bago pa ako tuluyang mahimatay sa kinatatayuan ko, lumabas na kami ng office ni Boss Lee at nagpunta sa office namin.

Sunud-sunod ang sa isip ko.

‘Ayaw ko na, ‘di ba?’ Pero may sasalungat na, ‘Pinagtagpo na kayong dalawa!’

‘Ayaw ko na nga kasi.’ Then, ‘Step 3 na mismo ang lumapit sa’yo!’

‘Nakapagdesisyon na ako.’ Tapos, ‘Kalimutan mo! Step 3, dali!’

Napahawak ako sa ulo ko. Ugh!

“May problema ba?” he asked.

“A, wala.”

Bakit ba mukha kang mabait? Bakit ba ang guwapo-guwapo mo? Bakit ba ang hot-hot mo? Erase, erase! Ayaw mo na, ‘di ba, G?

* * *

The day went well. Kalma naman. Full of awkwardness, though. Lagi ko kasing kasama si George. Sinabi ko sa kanya ang background ng company. Gan’on kasi lagi, history muna saka lahat ng dapat niyang malaman. Inilibot ko siya. Tanong din siya nang tanong. Buti na lang at marami akong alam kaya nasagot ko siya. May ilan pa nga na confidential na pero as an employee of C&K, he has the right to know.

Lastly, sabay kaming nag-lunch. At ngayon, sabay pa magme-merienda.

Si Blesie, patingin-tingin lang sa’kin. Ngumingisi. If I know, siya ang may kasalanan nito. Nakakainis ka naman, best friend, e. Kakalimutan ko na nga, ‘di ba, habang hindi pa malalim?

I suddenly remembered that information on George’s Facebook regarding his work.

“‘Di ba sa KGP Inc. ka nagwo-work?”

“No!” agad niyang sabi. “Baka mali ka lang ng kita. Sa Laguna ako nagtatrabaho bago rito.” Naging seryoso siya.

“Okay,” ang nasabi ko na lang. Siguro mali nga lang ako ng tingin. Pero hindi, e. Hayaan na nga.

Habang kumakain ng carbonara at mango shake na treat niya sa’kin, napansin kong bigla-bigla na lang siyang ngingiti at titingin sa’kin. Eyes-to-eyes pa! Nakakaloko.

“Thanks for your company,” he said while smiling. Ang hilig niyang ngumiti! Nakakainis. ‘Yong puso ko tuloy, ayaw kumalma.

“No biggies.”

“I guess, since friends na tayo sa Facebook, baka puwedeng maging friends na rin tayo in person?”

Parang hindi pa siya sigurado sa sinabi niya. Parang nahihiya kasi na ako rin naman. Ngayon ko lang naalala ang wagas kong pag-auto like sa posts niya sa Facebook. Sana hindi nag-bumped ang notifs niya. Crazy, G.

“Uhm…” Hindi ko alam ang sasabihin. Paano ko na kakalimutan kung lagi kong makakasama? Habang crush ko pa nga lang siya, tama na, ‘di ba? Ayaw ko nang sundin ‘yong 10 steps.

“Silence means, yes?” Ano ang isasagot ko?

“Yeah, sure.” I had no choice. Friends lang naman, e.

“Thanks. So, friends?” Inabot niya naman ang kamay niya sa’kin.

I gave him mine then uttered, “Friends.”

Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa.

“This is how I show respect to my girl friends.” He kissed my hand.

Natameme ako. Tiningnan ko siya ulit. Nakangiti pa rin.

“Thank you, Georgina.”

Sa isang kisapmata, lahat ng plano kong paglimot sa kanya, nawala.

And I heard my conscience said,  ‘3 down, 7 more to go.’

Crush ko pa lang siya, e. Bakit parang love na?

Bahala na nga! At this point I didn't even care. I was just going with the flow. Whatever happens happens.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

428K 9.3K 57
[COMPLETED] Geeo, George and Georgina's son, learns to fall in love. GG Couple, the next generation. #AACouple
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
12.2M 186K 31
Agatha would make Reeve fall for her. Eventhough, Reeve doesn't believe in love, she will try everything just to win his heart. At sa planong pagpap...
124K 3.9K 108
All my life I thought promises are the only things that were meant to be broken... But what happened? You just left and broke me all of a sudden. Th...