Lost and Found

peachxvision

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. Еще

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 31

4K 199 95
peachxvision

Dalawang araw na lang, Sabado na ulit. Nakatingin lang ako sa kawalan habang binabasa ni Hudson yung ginawa naming introduction at tinatayp naman ni Pet. Napansin nilang dalawa na wala ako sa wisyo kaya hampas lang naman sa braso yung inabot ko sa kanila.

"Ano na, besh? Baka gusto mong magkaroon ng ambag sa kultura?" tanong ni Pet.

"Sorry. Lutang lang ako lately," sagot ko.

"Lutang?" komento ni Hudson. "Parang nawawala ka na sa sarili. Parang nawala na nga ata yung kaluluwa mo at nagbakasyon kung saan."

Ngumiti lang ako.

Buti nga sana kung gano'n. Sana nagbakasyon na lang yung kaluluwa ko. Kaso alam ko sa sarili ko na, heto, may butas sa puso ko na hindi ko alam kung ano ang pupuno.

Basta alam ko, hindi na 'to mga video call namin ni Theo.

Pero akala ko, hanggang doon lang.

Lalaki pa pala yung butas sa puso ko.

Pag-uwi ko ng bahay, narinig kong nagsisigawan sina Mama at Papa. Nag-aaway naman sila, pero hindi ganito ka-extreme. Nag-chat agad ako kay Theo.


nagaaway sina ma at pa :(


Alam ko namang by this time, hindi pa niya mababasa yung message ko. Umakyat na lang ako sa kuwarto ko at nagbihis at umidlip saglit. Pagkagising ko, may chat si Theo.


bakit daw?

not sure. pero lungkot lang.

dont worry love. magkikita na tayo tomorrow at siguraduhin kong mawawala yang pain na yan. ;)


Tiningnan ko lang yung message niya.

Kailangan ba magkita lang kami para mawala yung sakit? Bakit hindi na tulad ng dati na sa isang chat pa lang niya, nawawala na agad lahat ng pag-aalala na nararamdaman ko?

Hay.

Bumaba ako dahil tinawag ako ni Mama para sa dinner. Nakita ko silang nakaupong dalawa sa lamesa, tahimik. Sobrang awkward kaya umupo na lang din ako at sumama sa dasal at kumuha ng isang sandok ng kanina.

"Musta pag-aaral mo?" tanong ni Ma.

"Okay naman po. Hirap sa ibang subjects."

Tumahimik ulit. This time, kinakabahan na ako. Sobrang kabog ng puso ko dahil parang may sasabihin sila.

Naglagay lang ako ng ulam at nag-umpisang kumain. Sa kalagitnaan ng mga subo ko, biglang nag-"ehem" si Papa. Tumingin ako sa kanya.

"'Nak, tigil ka muna."

Literal akong napatigil.

"Iniisip namin ng mama mo, patapusin muna ate mo," tuloy niya. "Tutal, isang taon na lang, graduate na ate mo."

"Ayoko," sagot ko, alam kong walang tono ng respeto sa boses ko. "Bakit ako titigil?"

Napababa ng kutsara at tinidor si Mama. "Ayusin mo bibig mo, Natasha—"

"Bakit ako titigil, Ma?" pabalang kong sabi. "Ayoko tumigil. E di si Ate patigilin niyo. Bakit ako?"

"Kasi gagraduate na nga ate mo—"

"E paano ako? Paano naman ako? First year tapos titigil?"

"Tasha," tuloy ni Papa, "iyon nga e. First year ka pa lang. Yung ate mo, gagraduate na. Pag-graduate niya, puwede na siyang tumulong sa 'min pag-aralin ka."

"Sa damot niyang 'yon, sure kayo?"

"Natasha!"

"Ma! Ayoko! Tapos? Saan ako pupunta? Dito sa bahay? Magpapakataba?"

"Iyon nga ang iniisip namin," kalmadong sabi ni Papa kahit alam kong kinokontrol na lang niya yung galit niya. "Iniisip namin kung puwede mo tulungan tita Talia mo sa coffee shop niya sa Baguio—"

"BAGUIO? PA, MA, BAGUIO?!"

"Susuwelduhan ka para makapag-ipon ka."

"Wala akong pake sa suweldo. Gusto ko makatapos! Aanak-anak kayo ng pangalawa tapos di niyo kaya panindigan?!"

"Natasha, 'yang pagsasalita mo, ayus-ayusin mo! Bastos ka, a!"

"Anong ine-expect niyo? Maging kalmado ako matapos niyong sabihin na titigil ako at gusto niyo kong maging ano . . . barista? cashier? ni tita . . . sa Baguio? Alam niyo ba kung anong buhay meron ako dito?"

Tumayo ako at nagdabog. At kahit anong sabi nilang bumalik ako sa baba, di ako bumabalik. Di ko na tinapos yung kinain ko. Oo na, bastos, pero ano ba . . . ano bang ginawa kong masama para tratuhin ako ng universe ng ganito? Di naman ako nangongopya, ako naman gumagawa ng sarili kong projects . . .


love?

i need you.


Nag-chat ako pero di niya nakita. Nag-abang ako ng reply niya hanggang sa makatulog ako.

Pagkagising ko, na-seen lang niya pero wala siyang reply.


?

love, sorry. nakatulog na ako kagabi sa pagod :(

di na kita navideo call

tomorrow magkikita na tayo yeeeeeey


Gusto kong sabihin na "kailangan kita kahapon pero wala ka," pero di naman niya kasalanang nakatulog siya. Kung sasabihin ko naman ngayon na "may sasabihin ako," malamang nakaka-anxious 'yon at pipilitin lang niya ako sabihin. Tinago ko muna sa sarili ko at sasabihin ko na lang bukas para mapagusapan namin kung anong dapat gawin.


:)

iloveyou

marami akong sasabihin bukas

sobrang miss na kita...theo

sobra

sobra

sobra...

***

Hindi pa rin kami nagpapansinan nina Mama at Papa. Napaluha na lang ako nang makakita ako ng two hundred pesos sa mesa ko . . . hindi ko alam kung ano ba, alam ba nilang may lakad ako o gusto nilang makabawi o gusto nilang mapag-isipan ko muna.

Naka-jeans at simpleng shirt lang ako nang nakita ko si Theo—halos . . . halos di ko na alam yung pakiramdam na makita siya. Isang buwan din na hindi kami nagkikita at puro video call. Sobrang wirdo lang dahil nasa Pilipinas lang naman kami pareho pero akala mo naman, nasa long distance relationship kami.

Akala ko nga sa mall kami pupunta dahil nga naman, isang buwan na kaming di nagkikita. Pero sa kanila na lang daw para tipid tutal wala naman daw tao. Manood na lang daw kami ng movie at kumain.

Nang nakita niya ako dahil nag-aabang siya sa may gate nila, napatakbo siya at niyakap niya ako nang mahigpit, tipong sobrang higpit na nabuhat at naikot niya ako.

Nang nababa na niya ako, hinalikan niya agad ako sa labi.

Sarap. Nakalimutan ko na pakiramdam ng mga labi niya. Feeling ko tuloy, nanakawan ako ng halik. Umikot lahat ng paru-paro sa tiyan ko. Kinikilig na naman balun-balunan ko.

"Cute mo," komento niya. "Simpleng Tasha."

Ngumiti lang ako. "Ikaw rin."

"Tara, kain muna?"

Nag-order kami online. Habang naghihintay ng order, pati na rin habang kumakain, nagkuwento lang siya nang nagkuwento tungkol sa mga ginagawa niya, ingat na ingat sa mga salita. Nakuwento na niya tungkol sa prof niyang tinawag siya sa recitation at di siya nag-aral pero nakasagot siya, sa outreach activity nila ng org nila na sobrang gulo raw ng mga bata pero worth it, sa mga ka-ewanan ng orgmates niya . . .

"Ikaw," bigla niyang sinabi, "wala ka bang kuwento?"

Tumingin ako sa kanya.

"Gusto nina Mama na tumigil ako."

Napatigil siya tapos ngumiti. "Weh? Joke ba 'to?"

Umiling ako sabay ng pagtulo ng luha ko.

Pumunta agad si Theo sa tabi ko para akbayan ako. Hinihimas niya yung mga balikat ko habang nakasandal ako sa kanya, umiiyak.

"Gusto nila akong tumigil at ipunta sa Baguio para tulungan yung tita ko doon. Susuweldo raw ako, pero anong pake ko naman? Gusto ko mag-aral, gusto ko makatapos . . . nabastos ko sila kakasagot—"

"Mali 'yon, love. Magulang mo pa rin sila."

"Yes, I know, pero emosyon ko nga—"

"Sabi nga nila, yung mga pinagsisisihan nating sinabi yung mga sinabi natin no'ng galit tayo—"

"Teka," sabi ko. Napaalis ako sa sandal niya, nararamdaman ko yung namumong galit. "Puwede bang pakinggan mo muna ako? Oo, nabastos ko sila, pero teka lang, puwedeng ako muna? Please lang . . . ako muna?!"

"O, bakit ka nagagalit?"

"Kasi di mo 'ko pinapatapos! Puro sila, puro ikaw . . . paano ako?!"

"Anong puro ako? Ayaw mo makinig sa mga kuwento ko, 'yon ba?"

"No! You don't . . . you don't get me at all!"

Pinigilan ko yung mga paa ko para mag-walk out kahit gustong gusto ko na dahil hindi na ako kumportable sa sitwasyon . Pero ayoko na lang maulit yung dati. Aagos ang emosyon, pero pag-uusapan namin.

Kailangan.

"Tasha, isang buwan lang na di tayo nagkita ng pisikal, nagbago ka na," sabi niya.

"Ako? Ako ang nagbago, Theo?"

"Oo."

"Ako lang? Ikaw? Di ka ba nagbago?"

Napatingin siya sa 'kin, mukhang nanghihingi pa ng dagdag na mga salita.

"Gusto kong sabihin sa 'yo na nagseselos ako kay Cat. Sobra, sobra, sobra. Dahil parang pinipili mo na siya kesa sa akin kakauuna mo sa org mo. Gets ko yung org mo, pero di mo maaalis sa dibdib ko na magkaparehas kayo ng org ni Cat. Pero kapag nagtetext ka sa kin na 'pauwi na kami,' 'hatid ko lang siya,' iniisip mo ba yung damdamin ko?"

"Paano naman napunta—"

"Iniisip mo ba, Theo?"

"Anong gusto mong gawin ko? Hayaan siya umuwi nang mag-isa?"

"E bakit ako? Bakit ako no'ng umalis ako noon? Hinayaan mo lang ako umuwi nang mag-isa."

"Dahil choice mo 'yon?"

"Then choice mo rin na ihatid mo siya . . . kahit kaya naman niya umuwi nang mag-isa."

"Dito ba? Dito ba punta noon? Ano bang gusto mo, umalis ako sa org?"

"Puta—hindi yon, The Orpheus Romeo. Ang gusto ko lang, pakinggan mo ako."

"Hindi ba ako nakikinig?"

"Hindi! Naririnig mo lang ako, pero hindi ka nakikinig!"

Wala na. Sabog na ako. Luha, uhog, pula na mga mata, pulang mukha—lahat 'yan ang nagpapakita kung gaano ko katagal hinintay yung pagkakataon para lang sabihin kay Theo lahat ng 'to.

"Gusto . . . gusto ko lang naman yung Theo na best friend ko na makikinig sa 'kin, na hahayaan akong magsalita hanggang sa matapos, at saka siguro ako sesermonan at gagawan ng paraan. Namimiss ko lang naman yung dati, Theo, dahil aminin natin, unti-unti na lang tayo nawawala . . ."

Tumahimik si Theo at nagbuntong hininga. Nakatitig lang siya doon sa balat ng burger.

"Intindihin mo naman ako," sabi niya.

"Ano pa bang ginagawa ko, Theo? Hindi ba kita . . . iniintindi?"

Hindi ko alam kung paano nangyari pero inakbayan niya ako at nakita ko na lang yung sarili kong humahagulgol sa braso niya habang nasa ulo ko yung kamay niya.

"Takot ako na mawala ka, Theo, kaya sorry. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar," sabi ko. "Kung sasabihin ko bang nagseselos ulit ako tapos mag-aaway tayo pero at least totoo ako sa sarili ko, o hindi ko na lang sasabihin at kikimkimin ko lang yung damdamin ko na parang nagsisinungaling ako sa 'yo?"

Eto na. Nilalabas ko na lahat.

"Gusto ko ng oras mo . . . gustong gusto kita, pero naiintindihan ko yung expectations mo, kaya nga hanggang tingin na lang ako, kaya nga nagtitiis ako sa video call, kasi gusto ko tayo, tayo sa huli . . . kaya nasasaktan ako pag nararamdaman kong ako na lang yung nagwu-work out nito . . ."

Handa na ako sa mga sasabihin niya. Handa na ako kung ano mang sasabihin niya sa mga sinabi ko.

Pero . . .

Wala siyang sinabi.

Hindi siya nag-sorry. Hindi siya nag-explain.

"Wala . . . wala ka bang sasabihin?" tanong ko.

Hindi siya nagsalita.

"Para saan pa?" sabi niya. "Gusto mo lang naman ako makinig . . . di ba?"

Kinagat ko yung mga labi ko.

Hanggang sa huli . . . hindi pa rin niya ako naiintindihan.

"Tungkol kay Cat, sige iiwas na ako sa kanya. Tungkol sa mga nararamdaman mo, sige, ilabas mo lang, makikinig ako at wala akong sasabihin. Weekends ay para sa'yo, kahit may exam, I'll make sure na mapupuntahan pa rin kita—"

"Hindi iyon yung point ko—"

"Kung may org activity, isasama kita."

"Tungkol sa parents mo, siguro, sundin mo muna sila. Kaya naman natin siguro 'yon. Pupuntahan kita kada end of sem, video calls . . ."

Seriously? Naririnig ko ba talaga tong mga to galing kay Theo? Sa . . . Theo ko?

"Ayoko lang na nag-aaway kayo ng parents mo. Hayaan mo na ako kung ako yung dahilan na ayaw mo."

"H-hindi, Theo. Hindi sa dahil sa 'yo . . . gusto ko talagang mag-aral."

"Gusto ko lang maging masaya ang araw na 'to," sabi niya bigla. "Stressed na stressed na ako, Tash, at ikaw lang ang pahinga ko. Please?"

Nahahati na naman ang puso ko.

Pero sa dulo, napagod na lang ako.

Nanood kami ng romantic movie para "mawala yung drama." Natatawa naman ako sa ibang scenes at inalis na lang lahat ng iniisip ko. Bago dumating yung magulang niya, umalis na ako at hinatid niya ako sa street namin.

Hinalikan niya ako sa noo.

Hinalikan niya ako sa labi.

Nag-"I love you" siya sa akin at yinakap niya ako.

Pero paghiga ko sa bahay, nagmuni-muni ako. Nagbigay siya ng concrete na gagawin para sa mga problema ko, pero bakit gano'n? Bakit parang may kulang?

Nagblink yung phone ko at nakita ko yung text niya.


i am sorry for everything that happened today.

i am still your tortang talong at ikaw ang pinakamamahal kong mantika.

ill make it up to you. whatever it takes.

dahil gusto ko tayo rin sa huli.

iloveyou.


Pinindot ko yung off button sa side ng cell phone ko at nag-reflect yung mukha ko.

Imbis na sumagot sa text niya, napatanong ako kung ako ba talaga to . . .

Kung gusto ko pa ba talaga to . . .

At kung ano ba talaga ang hinahanap ko . . .

Dahil sigurado akong nawawala na talaga yung dating Tasha na minahal niya . . . at na minahal ko.

Продолжить чтение

Вам также понравится

6.6M 219K 194
(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance
1.7M 78.9K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
2M 72.2K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...