Old and Unwanted

Autorstwa _Isabelle_

473K 8.3K 2.8K

(Sequel of A drive to find the bride. Tim's story) I'm old and a bit insecure. I have never been kissed, held... Więcej

Old and Unwanted
OMG!!!
More than just a face?
Meet the Parents
Evil Visit! Part 1
Evil Visit Part 2
Mr. Angel
Sweet Threat?
The Society of Pink Women
Sasabihin ko ba o hindi?
Indecisiveness and the Connection
The Date!
The Bachelor's Pad
I could be the one
Race to your heart
Where are you?
Feelings
What I am to you?
Escape through the maze
Tug of war of feelings
Give in to me (Part 1)
Give in to me (Part 2)
Actions speak louder than words
This foreign feeling called 'Love'!
His first, my first.
When everything turns into nightmare.
Love hurts?
Meeting Helena
His fragile heart
Love is intricately complicated
New beginnings and hesitations
Tim's POV
Expressing in subtle ways?
Torn
When he's around
I hate myself...
*Still untitled*
Goodbye, Angel.
Her ending, His ending, Their ending (1)
Her ending, His ending, Their ending (2)
Epilogue

The path of being an old maid

9.3K 167 116
Autorstwa _Isabelle_

“Tita, ayaw akong papasukin ni Meg sa kwarto.”

Tumingin lang ako sa tapat ng pintuan ko. Sinabi ko na kasi sa text na ayoko ng kausap at ayoko ng pupunta siya sa bahay tapos ngayon ay manggugulo.

“Meg, buksan mo tong pintuan andito si Nelly.”

Nakakainis talaga si Nelly pati ba naman si Mama. Bahala na pero hindi ko bubuksan ang pintuan. Nagtalukbong pa ako ng kumot ko at binaon ko ang sarili sa mga unan. Ang kulit lang talaga ng mga tao kapag ayaw mong magpa-abala.

“Bunso, dali na buksan mo na to. Bumili ako ng favorite mong curry puff sa Old Changkee tsaka meroon din ako 2 liters ng coke. Dali na buksan mo na to.”

Napailing na lang ako sa sinabi ni Kuya Ares. Ano palagay niya sa akin bata para masuholan? Pero natatakam nga ako sa curry puff ng Old Changkee tapos may 2 litro pa ng coke? Pero hindi, hindi ako magpapatalo sa tyan ko.

Tumahimik na lang ako at di umimik sa kanila. Napakakukulit kasi.Pumikit nalang ako at naghintay na dalawin ulit ng antok. Ganito na rin naman ang routine ko matapos ang gabi ng magpaalam si Kurt. Hindi na niya ako tinetext o tinatawagan matapos noon. Nakakalungkot dahil pati ang pagkakaibigan namin ay nawala. Matapos rin ng huling pagkikita namin niTim na masaya na kay Eeza. Wala na akong narinig na balita sa kanya o mas tamang sabihin hindi na rin naman ako nakibalita. Masakit lang kasing isipin na ang taong mahal ko pa rin hanggang ngayon ay masaya na sa iba. Wala naman akong magawa dahil ako rin naman ang may kasalanan tapos nakasakit pa ako ng ibang tao.

Wala akong ganang lumabas kaya nagkulong nalang ako sa kwarto. Lumalabas lang ako kapag nagugutom na at kahit na lumalabas ako di ako nakikipag-usap kina Mama at Papa pati na rin sa kasama namin sa bahay. Dalawang linggo ko na rin ginagawa to. Wala rin naman akong trabaho dahil tinanggihan ko ang offer ng isang school dahil for immediate employment. Ayoko muna makihalubilo sa ibang tao sa ngayon. Gusto ko lang mag-isa, hindi magsalita at manahimik.

Wala na rin akong narinig mula sa labas. Salamat naman.Pagbigyan na lang muna nila ako. Gusto ko lang mapag-isa.

“Meg!!! Ano bang balak mo sa buhay mo magkulong nalang dito habambuhay?!” nagulat nalang ako at napaupo sa kama ko.

Nakita ko sila sa loob ng kwarto. Binuksan nila ang pintuan ko. Hawak-hawak pa ni Mama ang susi. Hay!

Nagtalukbong nalang ulit ako ng kumot at hinawakan ko itong mabuti hanggang ulo ko. Alam ko na ang susunod na mangyayari. At right on cue, may humila ng kumot ko at inaalis ang pagkakahawak ko. Nanlaban pa ako ng una pero wala na rin akong nagawa. Nanalo na silang lahat.

“Meg, you look horrible,” inirapan ko nalang si Nelly sa sinabi niya.

Nakatingin lang ako sa kanila ng matalim. Nakakainis. Hindi ka man lang bigyan ng pagkakataon sa sarili mo.

“Bunso ano bang nangyayari sayo?” aaktong lalapit pa sa akin si Kuya pero pinangunahan ko na siya. Binato ko siya ng unan ko.

“Masakit, Meg ha!” ramdam kong nainis si Kuya sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Invasion of privacy na kasi ang ginagawa nila.

“Margaret! Dalawang linggo ka ng parang zombie sa pamahahay ko at kapag hindi ka pa lumabas ng kwarto mo at makipag-usap sa amin papalayasin talaga kita dito.”

Tumingin lang ako kay Mama. Okay lang kung palayasin niya ako. Bakit nga ba hindi ko naisip ulit na umalis nalang ng bahay?

“Hoy, babae! Kalimutan mo ang sinabi ko. Hindi kita papalayasin dito, ipapatawag ko lang ang Lola mo, tignan ko nalang ng tibay mo.”

Umiwas nalang ako ng tingin kay Mama. Hindi pa rin ako kumikibo.

“M-meg…lalapit ako. Sige na…bestfriend? Uy! Lalapit na ako ha.” Nakatingin lang ako kay Nelly ng matalim habang unti-unti siyang lumalapit sa may kama ko.

Tinuro ko kung hanggang saan lang si Nelly at pinatigil. Nag-sign language ako sa kanya na sabihin na niya ang dapat niyang sabihin pero hanggang doon na lamang siya sa kinatatayuan niya.

“Ares, tumawag ka ng interpreter dali,” ngising ngisi pa si Nelly noon sinabi niya yon at mas lalo ko siyang tinaasan ng kilay.

“Sure, sino ba gusto mong tawagin ko? Si Tim?” inambaan ko nalang si Kuya ng sinabi niya yon.

“Meg, anak, tama na. Ayoko naman magkaroon ng baliw na anak. Pwede mo kaming kausapin kung malungkot ka. Ikaw na lang ang pag-asa kong magbibigay sa akin ng apo tapos mababaliw ka pa? Paano na?”

“Ma, andito pa ako. Pwede akong magbigay ng normal na apo.” Nakatingin lang ako sa nainsultong mukha ni Kuya dahil sa sinabi ni Mama.

“Ah ewan, ang tanda-tanda mo na wala ka pa rin nabubuntis. Gumagana ba yan, Ares?”

Gusto kong mapatawa sa sinabi ni Mama pero pinigilan ko. Naalala ko nalang na wala pala talaga akong normal na pamilya.

“Subukan natin, Ares,” napailing nalang ako ng dahil sa sinabi ng loka-loka kong kaibigan.

“Tigilan mo nga ako Nelly. Hindi ko maatim na dampian iyang labi mo. Naiimagine kong si Meg ang hahalikan ko. Eew!” Bakit ako? Mga pinagsasabi talaga ni Kuya.

“Aww, iba ako kay Meg, Ares! Why not try it. Malay mo, tayo pala—“

 “Teka, teka, may namumuo palang ganyan sa inyo Ares at Nelly, bakit hindi ko man lang nalaman?”

Napatingin nalang ako kay Mama.

“Tita, matagal ko na pong crush si Ares noon nasa university palang kami. Sumali pa nga ako sa ‘A valentine’s date’ with Mr. JuanTamad aka Ares Tan.”

“Laking pasalamat ko na talaga na hindi ikaw ang nanalo,” umirap nalang ako sa pangungutya ni Kuya sa kaibigan ko.

“Talaga? Bakit nga ba hindi Ares? Pamilya na rin naman natin si Nelly.”

“Tumigil na nga kayo!” napasigaw na ako sa panggugulo nila. “Nelly, seriously, si Kuya Ares? Nakakadiri!” sabi ko sabay irap kay Kuya. “Ma, si Kuya Ares ay para kay Ate Hazel at si Nelly ay para…para… para kay A…A… para sa akin. Hindi sila pwedeng magkatuluyan dahil magiging baliw ang buong angkan nila!”  malakas na protesta ko kay Mama.

Natigilan silang lahat dahil sa lakas ng protesta ko. Tapos unti-unti silang tumingin sa akin at ngumiti ng malaki.

“I miss you, Meg! Salamat naman at nagsalita ka na ulit at kinausap na kami.” lumapit sa akin si Mama at nabigla nalang ako sa biglang pagyakap niya.

“Akala ko kakailanganin ko ng mabigat-bigat na therapy para sayo eh. Hay,” sabi ni Nelly sabay higa sa tabi ko.

“Oh tara na. Bumangon ka na dyan Meg at maligo. Aalis tayo.” Napatingin naman ako kay Kuya dahil sa sinabi niya.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko.

“Magcecelebrate.”

“Nang ano? Kayo na ba ni Ate Hazel?”

“Hay, naku, matanda na talaga. Nakalimutan na eh. Tsk!” napasulyap naman ako kay Nelly na nakahiga sa kama ko at umiling iling ito sa akin.

“Ano nga yon?”

“Hay, nako, tumanda ka lang ng isang taon naging ulyanin ka na.” naguguluhan ako sa sinabi ni Nelly.

“Tumanda ng isang taon?” napatingin naman ako kay Mama at nanlaki ang mga mata ko ng tumango siya sa akin.

“Happy Birthday, Meg!” niyakap ulit ako ni Mama ng mahigpit pagkasabi niyang iyon.

“Happy birthday, bestfriend.”

Napabuntong hininga nalang ako. Nalimutan ko na birthday ko ngayon. Birthday ko ngayon.  I am thirty years old. Oh my God! I am thirty years old! Isang taon na lang ay wala na ako sa kalendaryo.

“Happy, birthday baby sister. Magbihis ka, magpaganda at aalis tayo. Birthday treat ko sayo.”

“Seriously? Libre mo, Kuya?”

“Ayaw mo ata eh,” at nakataas pa ang kilay niya sa akin.

“Hindi naman. Okay lang pero mas gusto ko munang dito nalang sa bahay.”

“Ay! Tumigil ka Meg. Anong gagawin mo dito? Magmumukmok? Sige na at umalis kayo ng Kuya mo at ni Nelly. Magpakasaya kayo,” sabi ni Mama at ramdam ko ang pagmamadali sa boses niya.

“Wala akong gana, Ma.”

“Anong walang gana?”  Napatingin nalang ako sa may pintuan dahil sa boses na narinig ko at nakita ko ang buntis kong Tita na naka-red dress at sexy pa rin manamit kahit na buntis.

“Anong meroon? Meron ba tayong family gathering?” tanong ko na nakakunot ang noo. Nagulat nalang kasi ako at nandito sila lahat. Kulang nalang sina Lolo at Lola. Pero sana wala na lang muna sila at baka mabaliw na ako sa mga sasabihin nila.

“Wala naman, bakit masama bang pumunta at dalawin ang pamangkin kong dalawang linggo na raw hindi nagsasalita at nagkukulong sa kwarto.”

Umiling nalang ako at tumingin kay Mama ng mapang-akusa. Si Mama talaga panigurado alam na rin ito nina Lola.

“Hay, Meg. Sige na at humayo ka na at magpakasaya ngayon birthday mo. At tandaan mo, kapag hindi ka pa nagkaboyfriend ng thirty years old ka ang susunod niyan ay pag forty three years old ka na. Hahaha!”

Para lang talagang kontrabida kung tumawa si Tita Agatha.

“Hindi na ako naniniwala sa mga ganyan. Well, kung magiging matandang dalaga na lang ako okay lang din. Marami naman akong makakasama sa buhay, for instance si Kuya at Nelly.”

“Sorry, mag-aasawa ako!” sabay pa talagang nagsalita si Kuya at si Nelly.

“Haha! Ikaw din Meg. Kitang-kita ko ang sarili ko sayo. Ganyan-ganyan din ako noong thirty years old ako. At tignan mo kung anong edad na ako nakapag-asawa. Well, pwede rin at ikaw na ang successor ko sa trono sa Society of Pink Women,” napakaplayful ng tono ng pananalita ni Tita kaya napaismid nalang ako.

“Oh well, okay lang Tita. Malay mo sa ganyang edad ko rin makita ang para sa akin.”

Napatahimik nalang lahat sila sa sinabi ko.

“Margaret!!! Humanap ka ng lalake ngayon din!” tinakpan ko nalang ang tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ni Mama.

“Ma? Kailangan sumigaw? Bakit kasi kailangan pilitin kung wala naman eh. Wala na. Anong parte ba ng wala na ang hindi niyo maintindihan?”

Magtatalukbong sana ulit ako ng kumot ko ng hinila na talaga nila sa akin at nilayo ang kumot ko.

“Maghahanap tayo, dali!” At talagang hinila pa ni Nelly ang braso ko pagkasabi niyang iyon.

“Sige na, lumakad na kayo at gusto ko pagbalik niyo masaya na ang pamangkin ko.”

“Eh, ayoko nga eh.” Humiga pa ako sa kama ko at humawak sa bed sheets.

“Ayaw mo?” Bakit kailangan pang tanungin ulit ako ni Kuya?

“Ayoko. Hindi niyo ako mapapaalis ng kama ko. Kahit na magpatawag pa kayo ng family conference sa kwarto ko.”

“Hindi ko na kailangan gawin yon,”  kalmante si Kuya sa sinabi niya.

“Ewan, kuya.”

Pumikit nalang ako at nagkukunwaring matutulog ng maramdaman ko nalang ang paghila sa paa ko. Napamulat ako.

Hinila ni Kuya ang paa ko. Akala niya ha.

“Huwag mo akong subukan, Meg,”  pambabanta pa ni Kuya. Hindi na sa akin eepekto yan.

Pinagsisipa ko siya as hard as I could.

“Ah yan ang gusto mo ha.”

Nagulat nalang ako ng marahas akong hinila ni Kuya papuntang edge ng kama. Ang lakas niya.

“Bitiwan mo nga ako Kuya!” pagpapalag ko.

“Kakaladkarin kita Meg sa ayaw mo at sa gusto. Aalis tayo ngayon. Kung ayaw mong masaktan bunso, umayos ka.” Natakot naman ako bigla sa banta ni Kuya. Ngayon niya lang kasi ginawa iyon sa akin.  Napilitan tuloy akong tumayo.

“Samahan mong maligo, Nelly. Baka tumakas pa yan.”

Nabigla naman ako sa sinabi ni Kuya. May nalalaman pa siyang tatakas? Napakasobra naman non. Umirap nalang ako sa kanya. Ngiting ngiti pa sina Mama at Tita habang pinapanuod kami. Nakakainis talaga.

…………………………….

Nakakunot ang noo ko habang naglalakad sa mall. Pakiramdam ko kasi ay bata ako kung makahawak lang sa akin sina Kuya at Nelly sa magkabilang kamay ko. Parang mga ewan lang.

“Hindi ako tatakbo kaya bitiwan na niyo ako.”

“Nope, baby sister. No can do.”

“Yep, bestfriend. Ito ang task namin sa buong araw. Make you happy till you drop.”

“Really? If you want to make me happy then let me be alone on my birthday.” Hinigit ko pa ang kamay ni Nelly para mabitawan niya ako pero mas lalo niya lang hinigpitan ang hawak sa akin.

“Andito na tayo sa first stop natin,” napilitan akong tumingin sa lugar dahil sa sinabi ni Kuya. ‘Taste like heaven’ ang nakalagay na signage. Pagpasok na pagpasok namin ay sinalubong ako ng mabangong amoy ng tinapay,kape at cakes.

Pumunta kami sa may counter at nandoon ang display nila ng mga iba’t ibang tinapay. Narinig ko nalang ang pagkulo ng tiyan ko. Di na kasi ako nakakain ng agahan dahil sa pagmamadali nila Kuya.

“Ako ng oorder. Maupo na kayo,” sabi ni Kuya sa akin sabay bitaw ng kamay ko.

“Teka, Kuya, paano mo naman nalaman ang gusto ko kung papaupuin mo ako?”

“Trust me, baby, alam na alam ko ang gusto mo.”

Umirap nalang ako kay Kuya at hinila pa talaga ako ni Nelly sa upuan. Sumasakit na nga ang wrist ko sa higpit ng hawak ni Nelly sa akin.

Maya-maya pa ay dumating na si Kuya kasama ng isang waitress na may cute na outfit at apron na napakaraming dalang iba’t ibang tinapay, tatlong malalaking cup ng kape at mga slices ng cake.

Napangiti naman ako ng malaki sa hinain nila sa harap ko at di magkamayaw ang mata ko sa kung ano bang uunahin ko. Napako ang tingin ko sa egg tart at kumuha ako noon at tinikman. Mahilig kasi ako sa egg tart at egg pie. Alam na alam nga ni Kuya.

Napapikit naman ako sa sarap ng egg tart na kinain ko. Walang sinabi ang ibang natikman ko na egg tart. Wala akong naramdaman rough na texture sa dila ko sa pagkain ko at tamang tama lang ang tamis niya at ang pagkacreamy ng custard niya.

“Sample palang yan ng best day ever mo. Anong masasabi mo?”  ngiting ngiti nagsalita sa akin si Kuya. Mukhang gusto ko ng bawiin ang mga masasamang sinabi at ginawa ko kay Kuya kanina lang.

Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Maya maya pa ay cake naman ang pinatikim nila sa akin.

“Better than s*x lang talaga ang name ng cake na ito?”

Tumango sa akin si Kuya habang napakalaki ng ngiti niya. Baliw lang talaga.

“Bawal ka pa atang kumain nito bunso eh. Alam mo na.” hindi sinasadyang nag-init naman ang mukha dahil sa ngisi ni Kuya sa akin. Kung alam niya lang. Pero matagal na yon. Nakalimutan ko na nga ang feeling. Nalimutan na nga rin ako ng lalakeng biniyayaan ko ng pagkababae ko samantalang ako... Eto na naman ako.

“Ako, ako titikim,” sumabat pa si Nelly talaga.

“Lalo ka na Nelly,” taas ang kilay na sinabi ni Kuya.

“Gusto ko talagang matikman para may paghahambingan ako…”  kumindat pa si Nelly sa Kuya ko “between this cake and having se--”.

“Kung pwede lang ha. Tigilan niyo na ang nakakadiring paglalandian niyo sa harap ko. Kung ayaw niyong isuka ko ang lahat ng kinain ko.” Pinutok ko na ang maaring sabihin ni Nelly. Umirap nalang din ako sa kanilang dalawa.

“Okay, okay. Tikman nalang natin kung better nga talaga to,” ngumiti sa akin si Nelly habang nakataas na talaga ang tinidor niya. Sabay sabay namin isinubo ang cake na better than s*x.

Napataas ako ng kilay sa pagkakalasa ko, ngumiti si Kuya at uminom ng kape niya pagkatapos niyang sumubo samantalang si Nelly ay di pa nakuntento at sumubo pa ng sumubo.

“Ganito ba talaga ang lasa ng s*x or better than s*x? Bakit wala man lang akong maramdaman?”

Humagalpak kami sa kakatawa ni Kuya sa reaction ni Nelly. Naubos na niya ang slice ng cake niya at sinimot simot pa niya ang icing.

Natapos rin kaming kumain ng breakfast or lunch or  brunch ng tawa ng tawa dahil sa kwentuhan at kay Nelly. Matapos ay pinamili pa ako ni Kuya ng mga bagong damit na gagamitin daw namin mamaya dahil magkakaclubbing daw kami. Hindi lang isang dress ang binili ko kundi tatlo at dalawang pares ng sapatos at bags. Naiinis nga lang ako dahil pinipilit ni Kuya na bilhin ko ang isang dress na sobrang bongga naman at hindi ko alam kung kailan ko isusuot. Mga taste lang talaga ng mga lalake. Pero kinuha ko na rin dahil siya ang magbabayad.

Nanuod kami ng sine, nagpa-spa at nagpaparlor. All expense paid ni Kuya.

“Pagod na ako, Kuya. Uwi na tayo,” kanina ko pa hinaing sa kanila.

“Nagpakasaya ka nga lang tapos napagod ka? Anyway, hindi tayo uuwi, sa ibang lugar tayo magpapahinga ng saglit tapos aalis din tayo.”

“Huh?” naguguluhan na talaga ako sa itinerary ng birthday ko.

“Sa hotel tayo, Meg. Big time talaga tong si Papa Ares ko,” ngiting ngiti pa si Nelly at hinalikan pa si Kuya sa pisngi.

“Nelly! Kuya! You’re both disgusting!”

“Hindi ko kasalanan, Meg. Hindi ako makaiwas at nagdadrive ako. Itong kaibigan mo ang pagsabihan mo.”

“Sister in law, Ares,” mapang-akit pa na sabi ni Nelly sa kapatid ko.

Tumawa nalang si Kuya sa sinabi ni Nelly. Naku, teka, hindi siya umapila?

“Maiba tayo, ano doon sa tatlong cake na kinain natin noong umaga ang gusto niyo?” napatingin naman ako kay Kuya sa sinabi niya.

 

“Bakit mo naman tinatanong, Kuya?”

“Oo nga Ares, bakit?” halata ko sa boses ni Nelly ang hint ng selos. Dyosko po!

“May pagbibigyan lang ako,”mahinang sabi ni Kuya. Napangiti ako. Napatingin ako kay Nelly at umirap siya.

“Well, kung hindi mo sa akin ibibigay hindi ko sasabihin kung anong gusto ko,” nakasimangot na sabi ni Nelly sabay halukipkip ng kamay niya sa dibdib.

Inirapan ko nalang siya.

“Gusto ko pa rin yon dark chocolate na cake kesa sa better than s*x na favorite ni Nelly. Haha!”

“Ha ha!” insultong tawa ni Nelly. Ang bitter lang ng kaibigan ko.

…………………………..

“Ang daming boys!” Tingin paroon at parito ni Nelly pagpasok na pagpasok namin sa club. “Mukhang operation ‘Hanap ng lalake’ ay successful,” dagdag pa niya habang luwa sa laki ang mga mata niya kakatingin.

“Doon tayo!” sigaw ni Kuya doon sa bakanteng couch na may mesa sa may gilid. Hindi naman puno ang club pero hindi kami masyadong magkarinigan kapag hininaan namin ang boses namin dahil sa lakas ng music.

Naupo kami at may lumapit sa amin na lalakeng nakaitim na waiter pala. Si kuya ang umorder at hindi ko alam pangalan ng pinag-oorder niya. Alam naman niyang mahina ako sa alcohol at hindi niya gugustuhin malasing ako.

“What do you think, girls? Sayaw tayo?”

Umiling ako. Tumango si Nelly.

“Sige, mamaya nalang,” sabi ni Kuya sabay simangot naman ni Nelly sa sinabi niya.

“Paano mo naman nalaman to, Kuya? Hindi ko maimagine na magpupunta ka sa mga ganito.”

“Haha! You don’t know the other side of you big bro, Meggy!”

“Mee!! I wanna know your other side.” Naawa na talaga ako sa kaibigan ko. She’s desperate.

“Pagbigyan mo na nga yan Kuya. Kanina pa yan.”

“Ano bang gusto mong gawin ko sa bestfriend mo?” tumingin si Kuya Ares kay Nelly na para bang leon na kakainin ang bihag niya.

Hindi ko maiwasan kilabutan sa sinabi at ginawa niya. Para ngang hindi ko kilala si Kuya sa mga ginagawa niya. Nasaan na ba ang nerdy at weirdo kong kapatid at sino itong lalakeng nasa harapan ko?Kakaiba ang araw na ito. Kakaiba si Kuya ganoon din si Nelly.

“Isayaw mo lang Kuya, ngayon kung may iba ka pang gagawin sa kanya kalimutan mo ng kapatid kita.”

“MEG!!!” sigaw ni Nelly bilang pagprotesta. Hay, ang kaibigan ko talaga. Ayoko lang siyang masaktan. Alam na alam kong may mahal si Kuya at matagal na niyang mahal ang babaeng yon, si Ate Hazel.

“Haha! Mamaya. Saglit lang.” tumingin tingin pa si Kuya sa paligid na parang may hinahanap matapos ay tumingin pa siya sa relo niya.

“Sinong hinahanap mo?”

“Ako? Wala. Wala.” Kahit na sinabi niyang wala ramdam ko sa boses niya na may itinatago siya.

“Kuya?!” pinanliitan ko siya ng mata. Halatang halata ko na may hinahanap siya.

“Wala nga. Oh ayan na pala eh.” sabi ni Kuya sabay dating naman ng  inorder niyang drinks. Pinanliitan ko pa rin ng mata si Kuya  dahil may kakaiba sa kanya.

Pinagmamasdan kong maigi si Kuya at palagay kong nahalata niya yon. Panay kasi ang tingin niya sa relo niya at sa paligid na para bang nagmamasid at may hinihintay.

“Tsk! Ano ba yan Meg, imbestigador ka lang? Halika nga sayaw tayo, dali!” nanlaki naman ng mata ko sa sinabi ni Kuya sa akin.

“Kuya, ang halay lang ng magkapatid tayo at magkapartner tayo dito habang nagsasayaw. Kayo nalang ni Nelly. Okay lang ako dito.” Nahalata na rin siguro ni Kuya ang pag-oobserba  ko sa kanya kaya nag-aya ng sumayaw.

Napatingin nalang ako kay Nelly at kitang kita ko naman ang pagkislap ng mga mata niya. Wala na may tama na talaga ang babaeng to at mukhang si Kuya na talaga ang tinatarget.

 

“Well be right back bestfriend. Kailangan ko munang i-seduce ang kapatid mo.”

Nagkibit balikat nalang ako sa bulong ni Nelly sa akin, wala naman akong magagawa sa ngayon. Pero kung ipipilit niya talagang seryoso baka umalma na ako. Kung dati naiimagine kong pwede rin sila pero ngayon hindi na pwede. Ayoko. Magugunaw ang mundo ko kapag nagkatuluyan si Kuya at si Nelly.

Nakatingin lang ako kina Kuya at Nelly habang papunta sila sa may gitna ng dance floor. Maingay ang tugtog at maraming nagsasayaw ng magaslaw. Yumakap naman sa may leeg ni Kuya si Nelly at iniwas ko ng mabilisan ang tignin ko. Nelly’s hormones today are at surge. Naloloka na lang ako sa kaharutan niya ngayon. She’s different.

Tumingin ako sa relo ko at mag-iisang oras na atang nagsasayaw ang dalawa at wala pa atang balak na bumalik sa upuan. Hindi ko na rin naman sila makita kung nasaan sila dahil kumapal ang tao sa dance floor.  Naiinip na ako. Mas okay pa ata na umalis at bumalik nalang ako sa hotel namin.

Papaalis na ako ng mesa namin ng mapadaan ako sa counter at may nakita naman akong clear na liquid na iniinom ng ilang tao nakaupo doon. Naalala ko naman ang ininom ni Tim noon huling beses na magkita kami and that drink looked so sexy when he was drinking it.  Napailing nalang ako sa images sa utak ko ni Tim habang umiinom noon. Napalunok ako at parang may urge sa loob ko na  makatikim rin noon. Birthday ko naman kaya isang shot lang naman. Sige, Margaret kunsintihin ang sarili paminsan-minsan.

“Martini,” sabi ko sa bartender at ngumiti.

Tumingin tingin ako sa buong club. Maraming nagsasayaw, nakikipagflirt at may iba rin kung makipaghalikan ay parang walang ibang tao.

 Ngayon lang talaga ako nakapasok sa ganitong night club.First time. Iba nga naman ang birthday ko. 30 years old na ako kailangan ko naman maranasan ito bago ko tahakin ang daan sa pagiging matandang dalaga. Gusto kong tumawa ng malakas sa ka-bitter-an pero hindi ko ginawa. Nahihiya pa rin akong umaktong desperado sa ibang taong di ko kilala.

Inabot na ng bartender ang drink ko at tinignan ko ito. Clear liquid na parang medyo oily sa ibabaw. Meron din itong tatlong olives na nakatuhog sa isang maliit na stick. Inamoy ko muna ito at sa amoy palang alam kong dapat isa lang ang inumin ko nito kung ayaw kong magkatemporary amnesia na naman ako bukas dahil sa hangover.

“Hi, baby. I’ve been looking at you for quite sometime and I just can’t keep my eyes of you and my mind’s going crazy from thinking of what your beautiful name is. Would you alleviate my suffering from simply telling it?”

Napatitig lang ako sa mukha ng lalakeng nagsabi noon sa tabi ko. Nakangiti lang siya sa akin na para bang hinihintay kung ano ang gagawin ko.

“You words came too strong, but the look in your eyes says otherwise,” sabi ko ng hindi ngumingiti at hindi rin naman seryoso. Casual lang.

“Haha! To be honest. I am nervous.It  is the first time that I was totally smitten by someone.”

“Really?  Well, it is my first time to receive that type of pick up line.”

“I am Archie and, flirting in good faith.” Ngumiti siya sa akin na nagpakita ng dimples sa pisngi niya.

 

“Haha! I am Meg and I am wondering where that faith in flirting came from.” sabi ko sabay inom ng Martini na nasa kamay ko. Naramdaman ko ang init na iginuhit nito sa lalamunan ko. Pero hindi ko na yon ininda at tinignan mabuti na lang ang lalake sa may gilid ko.

May kahawig siya, kaunting hawig lang naman. Hindi ko naman sinasabing hindi siya gwapo pero sa pag tingin ko ng mukha niya hindi ko maiwasan magkumpara dahil sa maliit na pagkakahawig nila. Alam ko naman kung gaano kagwapo ang lalake na yon. Hay!  At naiinis ako sa naiisip ko na yon.

“May dumi ba ako sa mukha, Meg?”

Umiling nalang ako at napatagal pala ng sobra ang pagtitig ko.

“W-wala. Sorry.” Napatungo nalang ako ng kusa dahil sa di ko maiwasan pagkukumpara sa kanila.

“Ah…Ex-boyfriend alert?”

Hindi nalang ako nagsalita at uminom nalang ulit ng martini ko na nangangalahati na agad.

“Hmm, siguro naman mas gwapo ako sa kanya?” ngiting ngiti niyang sabi sa akin na lalo pang ipinakita ang dimples niya. Mukhang over confident si Kuya.

Uminom nalang ulit ako. May hawig sila at gwapo siya pero hindi siya umabot sa kalingkingan ng ‘Ex’ ko.

“Uminom nalang tayo,” sabi ko sa kanya sabay ngiti.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ang sakit ng mata ko pagmulat ko at para bang may kung anong mabigat na nakapatong sa ulo ko. Hangover na naman ata ito. Ano nga ba ang ininom ko at ganito na lang ang tama ko?

Susubukan ko sanang umupo ng may makita akong kamay sa may bewang ko. Napatingin ako sa kamay, papunta sa braso hanggang sa balikat.

“SINO KA?!” napairit ako ng malakas ng may makita akong lalake na nakayakap sa akin at walang saplot na damit.

Napatingin din ako sa sarili ko at wala din akong saplot na damit. Tumingin pa ako sa may ibabang parte ko at wala rin akong suot doon. Dyosko!

“A-ANONG GINAWA MO SA AKIN?! RAPE!!!”

“Meg? Ano ba?” tinakpan ng lalakeng hindi ko kilala ang bibig ko pero nagpapalag ako. Dyosko ano na naman ba ang ininom ko? Dyosko naibigay ko na naman ba sa pangalawang pagkakataon ang pagkababae ko? Pero worst wala akong kaide-ideya kung sino siya.

“Meg. Si Archie to! Yon nakilala mo sa club kagabi at nakakwentuhan sa may counter. Ano ba? Huwag mong sabihin nakalimutan mo na?”

Archie? Archie? May nakilala ba akong Archie kagabi?

“A-archie.” Tinanggal ng lalaki ang kamay niya sa bibig ko at napatingin ako sa mukha niya. Masakit ang ulo ko pero halata ko ang pagkakahawig niya kay Tim. Oh no! Mukhang nakilala ko nga siya kagabi. Si Archie.

“Natatandaan mo na, baby? Now, let’s get some sleep. And another round later?”

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Archie lalong lalo na sa ngiti niya. Wala akong matandaan na my nangyari sa amin kagabi. Oh my God I feel like a cheap woman!

“M-may na-nangyari sa atin? W-wala naman diba?” lalo ko pang hinigpitan ang paglapat ko ng kumot sa katawan ko at lumayo ako sa kanya.

“Baby, you’re naked and I am naked. Ano sa palagay mo ang ginawa natin kagabi nag-jack en poy?”

Gusto ko nalang mapaiyak sa sinabi niya. Gusto kong isipin nag-jack-en poy lang kami habang nakahubad pero loka-loka lang talaga ako kung iyon ang paniniwalaan kong iisipin. Nasaan na ba kasi sina Kuya at Nelly? Bakit nila ako iniwan sa lalakeng to?

“W-wala akong maalala Archie. Nasaan na yon mga kasama ko? May kasama ako sa club. Hinayaan lang nila ako sumama sayo?”

“Oh, yep, baby, I think they checked in to a nearby hotel here. Just like us they were allover each other last night.”

Nagulantang ang diwa ko sa sinabi niya. They were allover each other? Si Kuya at si Nelly?! Dyosko!

“T-this is so wrong Archie. I…I…need to go. Maling mali ito.”

“Oh but baby, you said last night that it felt so right? That, that Tim didn’t give you the satisfaction under the sheets you were longing for.”

Napanganga nalang ako sa sinabi ng lalakeng kasama ko.

“Pa-paano mo nakilala si Tim?”

“Well, parang siya lang naman ang bukang bibig mo sa buong pag-uusap natin kagabi. You told me everything about him. Oh, may itatanong pala ako about kay Tim if you don’t mind kasi hindi na kita matanong kagabi.”

Tumingin lang ako sa kanya sa maaring itanong niya. Sumasakit na talaga lalo ang ulo ko sa mga nangyari sa akin at wala man lang akong recollection sa mga pangyayari.

“Iyon Tim ba na yon, na doctor na sinasabi mo, sabihin mo please na hindi naman siya si Dr. Timothy Aquino, diba?  From St John’ hospital?”

Hindi na lang ako makapagsalita. Kung may ilalaki pa ang mata ko sa pagkalaki nito kanina pa baka lumuwa na ang mga mata ko.

“Oh, sh*t!. Siya nga?! That lucky bastard was your ex? Why does he always get the gorgeous ones? That guy was totally every man’s envy.”

“K-kilala mo siya?” hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

“Yep, he’s a colleague. Also a classmate from Med School.”

Oh God, such a small word. Grabeng sumobra sakit na talaga ulo ko ngayon sa mga nalalaman ko.

“So he was the one that you’re crazily inlove with?”

“D-did I say that?”

“Yes, baby, you don’t have he slightest idea how you said it to me and even proclaimed it to the world last night. I grew tired of hearing it.”

Tinakpan ko nalang ng kumot ang mukha ko. Anong ginawa ko? Proclaimed to the whole world that I am crazily inlove with Tim? Ano na naman bang kahihiyan ang pinaggagawa ko?!

 

“Pero tapos na kayo right? I mean he’s married anyway.”

“What did you say?” nagpantig naman ang tenga ko sa narinig ko.

“Tapos na kayo.”

“No, the other one.”

“He’s married?”

“He is married?” natuliro naman ako sa pagkumpirma niya.

“Yes, didn’t you know that. A week ago. He was married a week ago. Nothing fancy about the wedding. Simple, civil wedding.”

Para naman binuhasan ako ng malamig na tubig na may yelo sa sinabi niya. S-si T-tim ikinasal na? Hindi pwede yon? Dating pwede pa. Girlfriend pwede pa. Pero ikinasal? He’s married? Hindi to totoo?!

“K-kanino siya ikinasal? Bakit agad agad? Sabihin mo nagbibiro ka lang. Hindi to totoo diba?!” lumapit ako sa lalakeng kasama ko at niyugyog ko siya. Gusto kong sabihin niya na nagbibiro lang siya.

“I am not kidding. He’s legally married to his girlfriend now his wife. Nakabuntis siya.”

“B-buntis?!”

“Yes. It’s a sacred secret in the hospital but you know you can’t keep a secret forever.”

Napalakas na pulso ko at nakakapagod sa bilis ang pagtibok ng puso ko. Ang sakit sakit din ng ulo ko na parang puputok na sa sakit. Ang sakit sakit. Hindi ko alam kung ano ang mas matimbang na sakit na nararamdaman ko sa nalaman ko. Mas masakit ba sa puso ko dahil sa nalaman kong pagpapakasal niya o sa sakit ng ulo ko dahil sa ininom ko kagabi?

Pero kahit i-deny ko pa alam ko kung anung mas masakit. Mas matindi pa rin ang sakit na dulot nito kahit na ilang hard drinks ang inumin ko. 


 Ayoko na. Kahit na sinong gwapo at mabait na lalake pa yan kung hindi rin lang naman siya, ayawan na. Tama na. Ito na siguro talaga to. I am thirty years old and, will now start walking bitterly through the path of old maid hood.

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~


Ayun lang. Hindi ko alam ang magiging reaksyon niyo. Patawarin niyo ako. :))

Salamat ulit sa pagbasa. 

Ending na ang susunod nito. Sana mabasa niyo pa rin yon kahit na nabasa niyo na ang pangyayari sa chapter na to. 

Salamat ulit! :))

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

235K 3.6K 48
"She's a bratty. He's a responsible man. She despised him. He despised her. They didn't agree on anything. They fought all the time and tease each ot...
2.9M 76.6K 83
You are that little accident that changed my whole life.
108K 2.3K 33
Our parents makes us believe that fairytales do exist and so a happy endings. Bata pa lamang ako ay isa na ako sa mga naniniwala sa fairytale, na a...
15.4K 421 17
Everybody thought she had it all. Pero para kay Siena Xyriella, prinsesa man siyang maituturing ng mga Cordello ay malayo sa pagiging perpekto ang bu...