In The Name Of Love (A Masoch...

By ATHENAbangz

472 48 2

a story about pain, giving up, moving on, hope, courage, acceptance and loving unconditionally again and agai... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15

Chapter 4

31 4 0
By ATHENAbangz

Pagkagising ko, umaga na pala ulit ! Grabe halos 16 hours din na tulog yun a. Dali dali kong tinignan ang CP ko at tama nga ako, nagtext si mama..

"anak bakit di ka lumalabas ng kwarto mo? May problema ba?"

Patay oo nga pala napilayan ako kahapon! Pinakiramdaman ko muna sarili ko at dahan dahang tumayo at nagpalakad lakad sa kwarto ko. Medyo okay na pala paa ko pero yung likod ko medyo masakit pa din pero ok lang naman, kaya ko namang magpanggap sa harap ni mama ^.~

bumaba na ako sa dining at nakita ko si mama na naghahanda ng pagkain.

"oh anak, ayos ka lang ba? umiinom ka ba ng gamot mo? bakit hindi ka lumalabas ng kwarto mo?" tanong ni mama na haltang nag aalala

"ma easy lang po, ok lang ako, iniinom ko po mga gamot ko. Medyo napagod lang po talaga ako kahapon" sagot kong nakangiti at umupo na para kumain.

"Ikaw huh! sbi ko wag kang magpapakapgod e, ta'mong nasa stage ka pa rin ng recovery mo kaya kailangan mong alagaan ang katawan at puso mo" pagsesermmon nya ng malumanay

"Opo ma, sorry kilangan lang po talaga matapos yung project namin" yun na lang sinabi ko at kumain na ako.

hindi na din nagsalita si mama at nagready na rin ako para pumasok at gawin ang plano kong Operation: Gawing bestfriend si Destiny kaya nagpaalam na ako. Syempre nagbilin muna ng kung anu-ano at lumarga na ako. Wala naman akong intensyong masama sa plano ko ihh.. gusto ko din naman talga syang maging kaibigan pero syempre kasama na din dun yung pagpapadali para mapatawad na ako ni Rever.

sa school..

Tutal mamaya pa naman klase ko, pumunta muna ako sa office ng TAF Org. at sakto nandun si Ms. President. ang cute cute nya talaga saka ang ganda ganda pa. Pagkakita nya sakin, todo smile sya grabe para talaga syang angel, kung lalaki lang sana ako, pinatos ko na 'to ee haha charot! So ayun, nagkakwentuhan kami kasi parehas pala kami ng oras class mamaya. Grabe ha ang dami naming similarities from favorite color at mga gustong pormahan. Parehas din kaming ayaw ng mga masyadong sweet pagdating sa lalaki. Oops parang di ba obvious? haha galing nga e, hindi kami nagka-awkwardan nung pinagkwentuhan namin si Rever. Haha ang weird namin no? Nagshare pa talaga kami kung anong ayaw at gusto ni Rever sa iba't ibang bagay at yung mga times na pagkasama sya kasi ang cute talagang magbehave ni panget ko ee :"> Pero somehow nainggit ako, kahit parehas lang sya kung itreat kami, ako pa rin yung past at iba na ang present nya. Pero nagtataka ako kung bakit hindi pa rin nararamdaman ni Destiny na gusto sya ni Rever e obvious naman diba? Manhid lang si ate?? Ncurious tuloy ako at tinanong ko sya.

"Pano kapag nalaman mo na gusto ka nya, anong gagawin mo?" seryoso kong tanong sakanya.

"Huh? Pano mo naman nasabi yan e di pa nga sya nakakamove on sayo ee." huh? imposible no hindi nga ako kinikibo e.

"Moved on na yun, alam ko yun kaso syempre hindi nya pa ako ready patawarin. Alam mo na siguro kung bakit diba. Pero bakit mo nga pala iniiba usapan, ano nga bili?? pano nga?" curious ko talagang tanong sakanya, alam ko nanman talagang sya na mahal ni Rever ee at hindi ako. Sadnu?

"ah eh, di ba awkward kung sasabihin ko sayo to, eh kasi diba, I mean ano-" natataranta nyang sagot pero pinutol ko na.

"Don't worry, wala na yun sakin no, a year has passed, sabihin mo na, promise talaga ok lang sakin!" sincere kong sabi sakanya

"uhmm, sige na nga!, to be honest huh, may crush naman talaga ako sakanya ee, khit nung kayo pa pero syempre ang cute ng love story nyo kaya tinigilan ko nalang. Ui hindi ako umasa or naghintay ng opportunity a! It's just that one day nagkakilala kami at naging close. Hanggang dun lang swear!!. hmm.. pero pag gusto nya din ako?? hmmmmmmm" nagisip pa sya bago magpatuloy

"Hindi ko alam sasabihin ko ee, gumagawa din kasi ako ng paraan para magkabalikan kayong dalwa ee after nung sinabi mo nung initiation, kasi naman sayang talaga kayo!! Hindi talaga ako naniniwala na pinagpalit mo sya sa iba. Alam kong may reason ka pero ang tigas talaga ng ulo ng lalaking yun ee, wala daw akong alam kaya hindi sya naniniwala sakin" grabe huh martyr din pala sya! ayan na nga oh! may gusto na nga sayo yung tao pinagtatabuyan mo pa sya. Kahit naman ang sarap pakinggan ng sinabi nya, alam ko namang hindi magkakatotoo yun ee. I just know him so well na :3

"Nako malabo na yun no! Sira to! Hindi na akong umaasang magkakabalikan kami no. Gusto ko lang yung mapatawad nya ako, yun lang promise, I'm after for his happiness nalang no. Walang kaso sakin kung kayo man magkatuluyan. After kitang makakwentuhan, alam kong tama si Rever ng choice. Ang cute nyo kayang dalwa pag magkasama! Promise na promise!!" pagpipilit ko sakanya. Oo ako na din ang martyr! Wala eh, bakit ko pa ba pipilitin kung di na ako ang mahal :3

"Hayy nako, tama nga ako ng pagkakakilala sayo Tine(close na talaga kami) sobrang bait mo nga, sayang talaga kung bakit di ka pinaglaban ni Master" sincere syang tumititig skin habang sinasbi nya yun at parang disppointed ung mukha nya, wala eh from her name itself, Destiny is just doing its job for us to just let go and move on.

"Sana maramdaman mo rin yung nafifeel ko sa inyo haha time will come naman" nagwink ako sakanya at umalis na leaving those confusing words na i'm sure na pagiisipan nya.

Natapos ang klase nang hindi ako nakikinig kasi pinagiisipan ko yung bago kong plano na paaminin na si Rever kay Des. Hindi pala dapat ang pagpapatawad skin ni Rever ang inuuna ko dapat pala kung saan talaga mgiging masaya si Rever. Grabe talaga excited na ako dito, ano kayang approach gagawin ko kay Rever nito :3 hahaha bahala na. Promise no pain! no pain! Relax ka lang jan heart haha

---------------------------------------------

7pm. TAF meeting

"You're now officially members of this organization!" bati ni Ms. President samin. Taposnun nagsalita na syang ng kung ano ano tungkol sa rules and regulations. 

"May party nga pala tayo this coming saturday, umattend kayo guys huh! casual attire 7pm din yun" pahabol ng isa sa mga officers bago matapos ng meeting

"Ok, meeting adjourned!" -Des

saglit lang ang meeting namin no? Paglabas namin, nagulat ako at naghihintay pala si Mr. Loverboy kay Ms. Manhid haha ayun nilapitan na ni girl.

"Oh? Bat ngayon ka lang? gabing gabi na oh!! tanga ka pa naman mamaya kung sino makasalubong mo jan!!" bulyaw ni boy

"Sira ka ba? alam mong kaya ko yung mga yun! Chaka sinabi ko bang hintayin mo ako ha?!" sigaw naman ni girl nakaktuwa silang tgnan sa malayo haha

"Abat sinisigawan mo na ako?!! Paki mo ba kung napadaan lang ako dito, hindi kita hinihintay no!" sus eh bat kanina pa sya nakatayo dun

"Oo sya hindi na po master! Galit ka na agad ee, tara na nga!" sabi ni girl at umalis na sila at sumakay sa kotse ni boy.

aww </3 dati ako yun ee!! pero ok lang naman ang cute nila ee.

hanggang

(rain starts to fall)

"aww! tanamets! wala akong payong!" dali dali akong sumukob sa waiting shed. Grabe ang lakas talaga ng ulan. kinuha ko ang CP ko para mgpasundo nalang kay mama kaso

LOWBAT!!

Now I'm dead -_-

Napayuko na lang ako nun nang parang may flashlight na nakatututok sakin kaya inangat ko ang ulo ko..

pagkakita ko, may kotseng hindi pamilyar ang ready na para sagasaan ako pero mali pala ako nung bumusina ito XD may lalaking bumaba at may dalang payong na lumapit sakin.

"sino ka?" tanong ko ksi di ko makita face nya, against the light e

"haha after 1 year, hindi mo naq kilala? nagtagumpay nga heart transplant mo, nagkamnesia ka naman. tara na! tumayo ka na jan!" haha i knew it! kilala ko na sa boses pa lang ih

sumakay na kami sa kotse nya at nagsimula na akong magtanong.

"Pano mo ko nakita dun? Chaka kelan ka pa ba bumalik? Adik ka din no, paggising ko dun sa hospital, wala ka na. Mgtethank you sana ako for impersonating Rever before the operation e."

"Easy! Im not impersonating him nun no! ako talaga nagcheer up sayo! sira ! hahaha uhmm pano kita nakita? wala eh may nakita akong amasonang babae along my way. Kelan pa ako nakabalik? kahapon lang, after ko sa US, pumunta akong Framce ee, now I'm a professional Cardiologist" pageexplain nya.

"Wow! ang genius mo talga e samantalang ako, 3rd year college padin. Dahiil jan magselfie tayo! Nakakaproud ka sa school natin e" kinuha ko CP ko pero dead bat na nga pala ako.

"ayy! sorry dead bat na ako, next time na lang" disappointed kong sabi sakanya.

"it's ok, here!" kinuha nya phone nya tapos nagselfie kami. ang cute namin hihi.

pagkatapos nun, nagdrive na sya at tinuro ko instructions papunta sa bahay. Pagdating namin sa bahay, tila na ulan kaya bumaba na ako mag isa.

"Thank You Thear! Nice to see you again. Next na pagkikita natin, libre mo na ako huh big time ka na e. joke!" pagbibiro ko sakanya

"No problem young lady, next time promise! Dapat nga ngayon e kaso gabi na rin and I know you still not totally recovered, magpahinga ka na. see ya!"

"Oi joke lang yun! haha ingat!" yun lang sinabi ko tapos ngumiti lng sya at pinaandar na kotse nya.

Pagpasok ko sa bahay, sinalubong ako ni Mama,

"Oh anak, ginabi ka ata ngayon? Sino yung nghatid sayo? si Eefin ba yun? Ok na kayo?" urirat ni mama

"Sorry ma, may inasikaso lang, ah yun?? hindi a, si Thear yun, ung intern na medicine student dati sa US, tanda mo pa?"

"ahh! Oo yung gwapong bata na yun! Bakit ka nya hinatid? Pano ulit kayo nagkita?"

so ayun inexplain ko na kay mama ang nangyari.

"Ahh ganun b, sige kain ka na tapos uminom ka na ng gamot at matulog na! May check up ka nga pala bukas huh, don't forget it, di na kita masasamahan, alam mo naman."

"Ok po Ma" simpleng sagot ko tapos ginawa ko na lahat ng binilin nya.

Pagkahiga ko, nakiramdam muna ako hanggang matulog si mama, tapos nagbukas na ako ng FB at chinat ang mahal ko, Charot! haha

"Hey" bati ko

"What?" sagot nya

"I have something to tell you personally, this is not about us don't worry. Meet me at the back of the gym 3pm sharp" sabi ko

"then how will you know if i'll come?"

"its about the two of you, I have a plan"

seen 11:11 pm

Boom naseenzoned pa! Sana talaga pumunta sya.

Thear and Thynee yung selfie nila------>>> hart hart haha

------------------------------------------

Thanks for reading and voting :)

comment na din po kayo

labyu! hart hart <3

#inspired XD

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...