A Herrera's Secret

بواسطة YuiChizuru

5.2M 44.5K 3.3K

Story of Dreigan Herrera.. المزيد

A Herrera's secret
Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI (Part 1)
Chapter XVI (Part 2)
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI

Chapter III

138K 2.1K 155
بواسطة YuiChizuru

Aizelle's POV

"So I've decided to assign two participants for this activity. There are twenty four students so I'm expecting twelve groups from this class. You are free to choose who's going to be your partner. That will be all. See you tomorrow." Sabi ni Sir Samonte. Niligpit na n'ya ang mga books na nakapatong sa table at walang pag aatubiling umalis. Tinignan ko ulit ang registration form ko at Advance Algebra naman ang susunod na subject.

Sinulyapan ko si Dreigan sa tabi ko na prenteng nakaupo at naka earphones pa. Kanya-kanya ng tsimisan sa loob ng klase. Bigla akong nakaramdam ng ginaw dahil sa lakas 'nung aircon nila. Hinimas ko bahagya ang braso ko at kinuha ang phone sa aking bulsa. Tinignan ako ng kaklase ko tapos tinignan niya 'yung phone kong hawak.

Cherry mobile ito no! Bakit? Touch screen din naman 'to ah?

Napansin ko'ng wala pa naman lumalapit at nagtatanong kay Dreigan tungkol sa activity namin kaya naglakas loob akong tanungin siya.

"Huy Dreigan, gusto mo partner ta-" I stopped. Daphne was already talking to Dreigan, hindi siya nito pinapansin. Ano ba itong babae na ito? Hindi marunong..

"Earphones.." I mouthed to her.

At yun na nga, hindi sumasagot si Dreigan. Medyo hume-headbang pa sa pakikinig niya ng music.

"Drei?" Daphne called his name patiently. She was trying to win his attention but she's failing. I think she screwed up. She tried to shake his shoulder a little. I was mentally cheering for her. You go girl! Shoftly after, Drei removed his earphones in some way annoyed. His dark eyebrows were knitted in a frown. Maybe it was Drei, the giant guy they were talking abou earlier! I was mentally screaming O M G. Wait, no! I was actually freaking out! I looked at him and my mind goes wild imagining giant things. I don't know but it was too awkward. He heaved a sigh and then gave her uninterested look.

So that's why! That's why Daphne and the others were giving me 'that' look when we arrived together. Together? Wow, why am I having these ideas anyway?

"I'm okay. I already have a partner" He answered nonchalantly.

Daphne looked at me with an accusing look. Now what? What did I do? Ang hirap mukhang madadamay pa ako sa away ng lovers na ito. They look so complicated and I don't even want to get involved.

"Then who is?" Daphne asked and crossed her arms; her lips were twitching and she was nearly crying.

He tilted his head, looking at me lazily and he pointed his finger to me. I was taken aback. I was freaking out times two-make my freaking out double double. That's what I meant; if there's such or if it was the easiest way to describe it. Well I'm panicking! Dreigan Herrera what are you doing?! I was mentally shouting at him. I could feel that this is a very very bad idea. Despite the tension between us, I was speechless as though someone stuffed a chunk of icing in my mouth.

"Aizelle" He finally said. My jaw dropped. Had I known he has issues with Daphne, I wouldn't ask him as my partner. We are both going to be in trouble. This guy is unbelievable and this girl surely is going to kill me later.

Hindi n'ya man lang ako tinapunan ng tingin. He called me with my first name. Medyo nagbigay sa akin ng kakaibang feeling 'yun. Parang kiliti? Ewan! Sinulyapan ko si Daphne na parang maiiyak at nagpipigil lang ng luha. I don't have any intention to listen or to get involved but I'm just here. Can they just go outside and talk there privately? "Why are you avoiding me, Drei?" Biglang tanong ni Daphne na naginginig pa ang boses, hindi na niya siguro napigil ang sarili.

"I am not" He answered coldly. Hindi man lang niya tinignan si Daphne. This guy is so heartless. I think he grew up in a house where hate and anger are the decorations and figurines. Poor guy! I'd like to comfort him. Maybe he grew up while his parents are always away for holidays and he even spent his Christmas alone; maybe just with his loyal dog. Poor guy! I pretended that I didn't hear anything and I put my earphones on. I just wanted the ground to swallow me up dahil wala naman music 'tong phone ko. Wala nga 'tong memory card e.

"Then why are you treating me this way?" Daphne was almost whispering with gritted teeth. I saw her in my peripheral vision. I yanked my book from my arm chair and pretended I was reading.

"I used to treat you this way. What is wrong with you?" Drei answered impatiently.

"After what happened? That's it? Drei, come on!" She insisted.

"You initiated. What do you expect? I am a guy." Said Drei with a cold tone.

"B-but-"

"I'm getting sick and tired of this Daphne!" He started irritably "I never want to be committed. I thought you understand. I don't do things that rub out the thin line between truth and fiction. I'd rather crawl on broken glass while firewalking or pose as a piñata for adolescent boys than to be committed and I know you're not stupid to not understand that." He finished and boom! She was thrown off guard.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng hambog. Kung ako si Daphne nasampal ko na talaga s'ya at sinipa ko pa ang itlog n'ya. Hindi uubra sa akin ang kayabangan nito. Kung ganito ang usapan, walang hiyaan na. Pakiramdam ko, ako ang nasasaktan sa mga sinasabi n'ya kay Daphne. Parang salamin na nabasag ang itsura ni Daphne, gusto ko tuloy s'ya i-defend kay Dreigan.

"H-how could you.." She almost whispered. She covered her mouth using her palm and started crying. Nagtinginan sa amin ang mga classmates namin kaya minabuti ko lalo na mag-focus sa kuwaring pagbabasa ko. Napakagat si Daphne sa labi n'ya at tumulo ng walang tigil ang luha. She walked away and sink down on her chair while crying noiselessly.

"Stupid.." Dreigan blurted out, almost whispering. I heard that and it wasn't for Daphne. It is intentionally for me! But I need to maintain the façade that I made. "I know you're listening." Napatingin ako sa kanya na kinakabit na ang earphones ulit. Inirapan ko s'ya at pinatuloy kong basahin ang libro ko. Kahit yata naka-focus ako sa libro, kitang kita kong tumaas ang sulok ng labi n'ya at napailing iling. Parang walang nangyari, grabe ubod pala talaga ng yabang ang isang 'to. Sarap gawing punching bag.

Finally, the next professor arrived. I could completely breathe! It wasn't a pleasant feeling to be stuck in the middle of that argument. I really feel bad for Daphne and I wish I could do more for her. I could punch Drei's face or I better kick his balls for Daphne.

The newly arrived professor's gesture and strong appearance gave us all a hint that he's strict that's why I focused my attention on him. He turned his back and started writing something on the white board; first was his fullname and below that is a very long equation.

Umayos din ng upo si Dreigan, pati na din ang iba naming classmates.

"Whoever can solve the problem written on the board, will be exempted from the preliminary examination." He said while still writing the equation. Hanep naman 'to, first day pa lang naman kung makapressure. Hinagis n'ya ang marker sa gilid at nilagay ang kamay sa likod ng baiwang n'ya. Pina-ikot ikot n'ya ang mga mata n'ya sa paligid na parang namimili ng ipapahiya sa klase. Lahat ng classmates ko ay yumuko para hindi sila matawag.

Napatingin ako sa gilid nang itaas ni Dreigan ang isang kamay n'ya; he's volunteering. Nilagpasan lang s'ya ng tingin ng professor.

"Mr. Herrera, put it down. Bigyan mo ng chance 'yung iba." Preskong sabi nung professor namin. Nagvibrate ang phone ko sa bulsa at muntik na akong mapamura ng malakas.

Natataranta ko'ng kinukuha mula sa bulsa ang phone habang alam ko namang lahat ay nakatingin na sa akin, including the terror professor. Nakita ko ang pangalan ni Abby na tumatawag. I turned it to silent mode but it's too late. Nanlilisik na ang mata ni sir na nakatingin sa akin, hindi lang s'ya pati ang buong klase. Oh my God, I'm dead.

"You! Solve the problem on the board." He said firmly. He sounded irritated. Of course he is! Nageskandalo ba naman ang phone ko. 'Yung ringing tone ko pa naman ay 'yung pamatay na kanta ng Boyce Avenue, e talagang mapapatay ako. Tinignan ko ang equation sa board at napalunok. May hang over pa ako sa mahaba ko'ng bakasyon. Lumingon ako kay Dreigan na balak ko sanang hingan ng tulong pero deadma siya. Walang silbi! Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumayo na para lumapit sa white board.

Huminga muna ako ng malalim, sana tama ang gagawin ko. Ifafactor lang naman 'to eh at cancellation. Ang problema e, kung tama ang magiging sagot. Nakakalito rin kasi minsan.

y = [ (2x^4) + (x^3) - (27x^2) - 36x] / [ (2x^3) + (9x^2) + 9x]

Alam ko'ng lahat ng kaklase ko ay hinihintay ako'ng magkamali. Pero ewan ko ba! Alam na alam ko sa sarili ko na kay Dreigan ako pinaka-naiirita. Kahit hindi ko s'ya nakikita alam ko'ng nakangisi s'ya.

Bata pa lang ako sabi ni daddy ay nagmana raw ako kay mommy. Parehas din na Electronics engineering ang kinuha nila noon pero hindi nakatapos si Mommy noong nabuntis s'ya. Kinailangan n'yang huminto noong pinagbubuntis n'ya ako. Sabi pa ni daddy, maayos naman sila noon pero nagiba bigla si mommy noong naipanganak n'ya ako. Sinisi n'ya si daddy dahil sa hindi n'ya natupad ang mga pangarap n'ya. Nine months old palang ako noon at nagising na lang si daddy isang umaga, na s'yang halos sumira sa buhay namin, iniwan na kami ni Mommy at walang nakakaalam hanggang ngayon kung buhay ba s'ya o patay na. Minsan naiisip ko, pati ako kaya sinisisi n'ya? Minahal naman kaya n'ya ako? Kahit na ganon ang nangyari, hindi tumigil si daddy sa paghahanap sa kanya at wala daw s'yang sama ng loob dito. Nakakalungkot lang isipin ang lahat.

Tuwing nag sosolve ako ng mga equations, naiisip ko silang dalawa. Ito lang daw kasi ang bagay na pinaka pinagkakasunduan nila noon. They always get the same answer; the correct answer. So everytime I'm solving an equation, it feels like I am making them a favor. Pakiramdam ko ay magkasama sila at nagkakasundo muli dahil sa akin.

y = x - 4

Napabuntong hininga ako pagkatapos ko'ng i-underline ang final answer ko. Humarap ako sa klase at nilapag ang marker sa table. Tahimik lang na naiwan ang mga titig nila sa white board. Confident ako na umupo sa tabi ni Dreigan na nakaawang ang bibig at nakatitig din sa board tulad ng iba. Halos mapuno ko na pala ng solution 'yung isang parte ng board, ang laki laki ko kasi magsulat.

Nagsimulang magkwentuhan ang mga classmates ko, dinig na dinig ko ang bulungan nila pati ang mga negative nilang comments. Mali raw ang ginawa ko bla bla bla at naki-agree naman ang iba. Lumapit ang prof ko sa board para i-check ang solution.

"Miss Navelga," Panimula n'ya. "You know using gadgets like mobile phones inside this room is prohibited. Should you have any considerable opposition to the rules, you can approach me at my office after class." Sabi n'ya at nagsimulang kunin ang laptop mula sa malaking bag. Nalungkot ako at medyo nagalit sa sarili. I was giving him a horrible impression about me. "I won't tolerate this," He turned his laptop on and grinned. "Anyway, you did a great job.." Lumaki lalo ang ngisi nito sa akin at napapailing-iling. Napasinghap naman ang grupo nila Daphne at halos magprotesta na. May mga nagsilapitan pa sa harap para ipakita ang solutions nila pero umiling iling lang si sir. Hindi ako makapaniwala. Tama sagot ko? Nakatsamba!

Sinulyapan ko ulit si Dreigan. Bahagyang nakayuko habang nakapikit, tila walang pakialam sa mga nangyayari; natutulog yata. Hindi ko nalang pinansin, hindi ko talaga makakasundo ang ganitong klaseng lalaki kahit na sobrang yaman pa n'ya. Ubod s'ya ng yabang. I suddenly remember my phone. I yanked it from my pocket and checked the messages. Sakto! Nagtext ulit si Abby.

Napangiti ako nang mabasa ko ang text ni Abby.

From: Abby

Girl, okay na! Bring white shirt daw. Pwede na tayong magstart mamaya. Two weeks bago makuha ang uniform natin e

"Yes!" I mouthed. Napasuntok ako sa hangin sa tuwa, ka-close kasi ni Abby ang mga employee pati na rin ang manager sa Bittersweet cafe. Parehas kasi kami naghahanap ng part time dahil parehas kaming working student.

Lumipas ang ilang linggo at naging magaan na para sa akin ang pag-aaral ko. Hindi ko rin maitatanggi na nagugustushan ko na ang pakikisama ng ilang kaklase ko sa akin, maliban na lang kay Daphne at Dreigan. Si Daphne kasi madalas ko'ng mahuli na iniirapan ako, si Dreigan naman wala pa rin pakialam sa mundo. Walang pagbabago.

Nakasanayan ko na rin na gabing umuuwi dahil kailangan ko pang dumiretso sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Nakakapagod pero worth it naman, hindi ko na kailangan pang humingi kay Auntie ng pera. Matutuwa pa nga s'ya dahil makakapag-bigay ako sa kanya. Nakakatawang isipin pero ganun talaga si Auntie. Kung may mapapala s'ya, papakitaan ka n'ya ng mabuti pero kung wala syempre kulang na lang palayasin ka sa bahay.

"Aizelle! Mauna na ako, may assignments pa ako e" Paalam sa akin ni Abby habang nagpupunas ako ng mga table. "Nga pala, umuwi ka na! Sabi nila Josh tumatambay ka pa rito ng matagal bago ka umuwi. Nagpapakamatay ka ba? Wala naman bayad ang overtime kaya magpahinga ka na sa inyo." May pag-aalala sa tono ng boses niya. Napabuntong hininga ako at tumango na lang sa kanya. Kung pwede lang dito na ako matulog; mas okay pa, ayoko kasi umuwi sa bahay. Tutal twenty four hours naman bukas ang coffee shop.

Umalis na si Abby kaya nag-out na rin ako. Nagbihis ako sa locker room agad at napaisip kung saan muna ako tatambay habang nagpapalipas ng oras. Lumabas ako sa staff room at laking gulat ko nang makita si Dreigan sa counter, bumibili s'ya ng cake at naguunahan pa ang mga staffs naming babae na i-assist s'ya. Hindi ko s'ya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad palabas ng shop. I glanced at my wrist watch and groaned when I've realized it's still early. I sat on the gutter, sa harap lang ng shop 'yun. What should I do now? It's still an hour before midnight.

I placed my elbows on my knees, my palm supporting my chin. I stayed there for about thirty minutes. Inaaliw ko ang sarili sa mga walang kabuluhang bagay.

I sensed the presence of someone standing behind me. I tilted my head only to find Dreigan. His arms crossed and his eyebrow raised. "Navelga.." He said. I narrowed my eyes and gave him a fleeting quizzical look; he was holding a box, apparently the cake.

"What?" I asked him, feeling irritated so I looked away. He sat on the gutter too, beside me. I was thrown off guard that he initiated a chat but I ignored the idea. There's just a slight overreact. Wala naman kaming matinong paguusap ni Drei, it's either he throw me insulting words or I do the same. If this guy would initiate a chat, he wouldn't say something that isn't smart, more exactly, would make you feel stupid. He was almost two feet away from me.

"Why are you still here? It's late.." He asked and boom! He's being nice; it turned out. Bihira kasi s'ya mangausap ng tao, kapag trip lang n'ya kausapin saka n'ya kakausapin. Agad akong nag-isip ng dahilan para hindi na s'ya magtanong ng kung ano ano. There are moments like this, tatamarin ka lang magsasagot ng mga kung ano-anong tanong.

"W-wala ako pamasahe, nagpapahinga lang. Maglalakad kasi ako." I answered and I was silently hoping that he'd buy it. He turned and his eyes narrowed with suspicion. Damn this, I know the guy was observant enough not to buy it. Stupid Aizelle! Stupid! I just don't know what to say, I'm so tired, physically and mentally tired. I don't even know how long I could make up stories. He was silent for seconds but eventually he chuckled.

I was mentally saying horay. Okay I'm safe but fucked up.

"I'll give you a ride. Let's go." He grabbed my hand. I didn't sense any hesitation in his choice but bottom-line is, Dreigan Herrera is being nice, like I needed to record this for future reference. I almost hit my face on a pole near me, because of suddenly standing. As a quick response, hinatak ko ang kamay ko pabalik. Nagtaka s'ya syempre sa inasta ko kaya naman pinamewangan n'ya ako. "It's rude to say no to someone who's being nice. Show some manners." Pangungumbinsi n'ya pero ang pangit ng dating. Manners? Wow ha. Mukhang seryoso naman siya sa sinasabi n'ya. How idealistic! How come it's rude to say no? How come it's rude to express what you really feel? Samantalang siya, sagad sa buto ang pagka rude. He's narcissistic and selfish. He rejects people but he doesn't want to be rejected. Ironic.

"Dreigan, kasi ayoko magkautang na loob sa'yo. Isa pa, I am not Daphne, hindi ko ibibigay ang V card ko sa'yo. Ngayon pa lang sinasabi ko na." Sagot ko habang tinatakpan ang dibdib gamit ang dalawang kamay ko. Humalakhak s'ya ng malakas at umiling iling.

"Are you serious? You're smart Aizelle but you are not my type" He said while grinning. I wasn't even insulted; I've really seen this coming. Lumabas ang dimples n'ya. Napansin ko ang soot n'yang damit, puti ito at manipis kaya dahil sa ilaw na nanggagaling sa poste naaaninag ko ang tattoo n'ya sa gawing baiwang. Hot sana kaya lang gago.

Medyo alanganin pa ang pwesto nung tattoo. Naisip ko lang, kung pauso n'ya lang 'yun, hindi ito bebenta. Napatingin ulit ako sa mukha niya. Nag-init ang mukha ko dahil kanina pa pala s'ya nakatitig at nagpipigil ang tawa. Nilagay n'ya ang kanyang mga kamay sa loob ng magkabilang bulsa ng pantalon niya. Parang nananadya siya na inaangat ang shirt para makita ko ang lechugas na linya ng muscles n'ya. Nakakabwisit! Kung makangisi pa s'ya, mukhang impakto! Hindi ako makahinga ng maayos.

Napatingin tuloy ako sa wrist watch ko. Pwede na rin siguro. "S-sige na nga, pauwi na rin naman ako." Kunwaring sabi ko at nakaramdam ng matinding kaba. Iniisip ko kung sino pa kaya ang gising sa bahay. Kinuha ko ang mga gamit na nakalapag sa sahig na aking inupuan, napakunot ang noo n'ya.

"You shouldn't be leaving your things like that, Aizelle." he said irritatingly. He reached for my things to help me. Pansin ko, iritable siya sa burara. Kahit sa klase, madalas ko siya mapansin na naiirita sa pagbuburara ng mga kagroup namin sa project. Inagaw ko sa kanya ang mga gamit ko pati na rin ang ilang paperbag na dala ko.

"Ako na! Kaya ko!" Singhal ko sa kanya. He shrugged and started walking to the parking lot. Nakita ko ang big bike n'ya. Napalunok ako nang sumakay siya dito, umangat ang shirt n'ya habang sinosoot ang jacket at helmet kaya naman hindi ko maikakaila na ang gwapo gwapo n'yang tignan. Ang sarap panoorin promise! Pinipigilan ko ang sarili ko na purihin s'ya dahil feeling ko nababasa n'ya ang isip ko. Siguradong lalaki ang ulo n'ya.

"Come on, Aizelle. It's late. We still have class tomorrow." Aniya. Nabalik ako sa ulirat mula sa pagtitig sa kanyang katawan. Napatango naman ako kaya sumakay na ako sa kanya; sa bike niya.

Hindi ko alam kung paanong hawak ang gagawin ko sa baiwang ni Dreigan. Kung paanong hawak din ang gagawin ko sa mga gamit ko. Naisip kong hubarin na lang ang jacket ko at 'yon ang gawing panali sa mga paper bag, pinagsama sama ko na kasi ito. Napakabango ni Dreigan, ang gwapo ng pagkabango niya. Hindi mabango dahil sa body spray o cologne. Parang natural na itong amoy niya.

At syempre, hindi nga ako nagkamali; napakabilis magpatakbo ni Dreigan, halos pumakat na ang mukha ko sa likod n'ya dahil sa takot. Minsan parang sinasadya n'ya na paglaruan ang takbo ng bike kaya naman may mga oras na aksidente akong napapayakap ng mahigpit sa kanya. Kung wala lang ako'ng mga bitbit, binatukan ko na s'ya ng malakas.

Tinuro ko ang daan papunta sa amin kaya naman laking pasasalamat ko nang makarating ako sa tapat mismo bahay namin. Buhay pa ako! Salamat naman.

Nakahinga rin ako ng maluwag nang makita ko'ng sarado na ang ilaw ng bahay. Tulog na silang lahat.

"'Yan ang bahay namin," Turo ko sa orange na pinto, alam ko'ng kahit nakahelmet ay naiilang s'ya sa pinasukan naming mga eskinita. Ganito talaga kasi sa lugar namin. Nagpumilit kasi s'ya na ihatid ako e, kaya ayan, mawindang s'ya. "Hindi uso ang gate dito sa amin." Dagdag ko pa na parang wala naman s'yang pakialam; hinihintay lang niya ako'ng makababa ng motor. "Hawakan mo nga muna 'tong jacket ko." Sabi ko sa kanya at nagsimula na ako'ng paghiwa-hiwalayin ang mga paper bags ko. "Salamat sa paghatid, see you at school!" Pahabol ko sa kanya at tumalikod na. Hindi naman n'ya ako sinagot at narinig kong umandar ang bike n'ya.

Literal na nakahinga ako'ng maluwag nang mawala na s'ya, agad ako'ng pumasok sa bahay at kinakabahan na binuksan agad ang ilaw. Nagmamadali ko'ng nilapag ang mga gamit at hinubad ang sapatos. Papaakyat na sana ako ng taas pero..

I almost jumped out of my skin. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ko si Bobby na pababa ng hagdan at malagkit na nakatitig sa akin. Wala s'yang soot na t-shirt at naka boxer shorts lang. Kinilabutan ako sa titig n'ya at pinagdadasal ko na lang na sana mas tinagalan ko pa ang pag-uwi para siguradong tulog na s'ya.

"Oh, andyan ka na pala" Sabi n'ya na para bang hinihintay talaga ako, pumwesto s'ya sa dulo ng hagdan kung saan ako dadaan. Parang hindi ako makahinga sa kaba, hindi matahimik ang loob ko simula ng tumira rito si Bobby.

Yumuko ako at nagkunwaring may kinakalkal sa bag nang maramdaman ko'ng papalapit s'ya sa akin. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok. Nagmamadali ako'ng naglakad para umakyat ng hagdan pero hinawakan n'ya ako sa balikat. Para ako'ng napaso nang hawakan n'ya ako. Nilayuan ko siya agad. Bilang babae, alam na alam ko kung may malisya ang paghawak ng lalaki. Hindi ako nagkakamali kay Bobby. My suspicions and fears; it was never figmental. Napangisi s'ya.

"S-si Auntie," Nabubulol ko'ng sabi sa kaba. Parang kakapusin talaga ako sa paghinga. Halos hindi ko na alam kung ano ang lalabas sa bibig ko nang magkalapit na kami. "May pasok pa po ako bukas." Dagdag ko na halos maiyak sa takot nang tignan n'ya ako mula ulo hanggang paa. Para bang hinuhubaraan niya ako gamit ang mga mata.

"Tulog na Auntie mo. Masyado ka naman magalang e, hindi naman tayo nagkakalayo ng edad." Bigla n'ya na naman hinawakan ang braso ko. Agad akong lumayo ulit. I feel harassed. Nanginginig ang buong katawan ko sa kilabot at kaba na baka kung ano ang gawin n'ya. Hindi ko s'ya magawang isumbong kay Auntie dahil alam ko'ng hindi n'ya ako papaniwalaan. Iniisip ko rin na baka palayasin lang ako ni Auntie pag nagkataon. Apektado ang pag aaral ko; buong buhay ko ang apektado.

Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko nang bigla n'ya ako'ng isandal sa pader, tinakpan niya ang bibig ko gamit ang palad n'ya. Naiyak akong tuluyan sa takot at sa halo halong emosyon na nararamdaman ko. Diring diri ako sa kanya. Sinubukan ko'ng kumawalag sa kanya pero malakas s'ya masyado. Itinapat n'ya ang daliri sa ilong at nilapit lalo ang mukha sa akin; takip takip n'ya pa rin ang bibig ko gamit ang isang kamay. Doon na ako nagsimulang humagulgol.

"Huwag kang maingay, subukan mong magsumbong. Hindi kita papatahimikin, kayang kaya kitang patayin." Banta n'ya sa akin. Matagal na akong ilang sa kanya dahil may mga oras na kung saan saan n'ya ako hinahawakan, hindi ko lang talaga pinapansin. Pero habang tumatagal, nagiging mas malala s'ya. Hindi ko alam kung saan ako lulugar dahil alam ko'ng hindi ako papaniwalaan ni Auntie.

Napapikit ako sa pagiyak nang simulan n'yang tanggalin ang butones ng pantalon ko. Nilakihan niya ako ng mata pero parehas kaming napatingin sa pinto ng may marinig kaming ilang malalakas ng katok.

Sumenyas sa akin si Bobby. "Huwag kang aalis" He warned me with gritted teeth and pointing his finger to my forehead. Hindi ako makapagsalita at hindi ko mapigil ang paghikbi ko. Napatingin ako sa pinto nang buksan n'ya ito.

Para ako'ng nabuhayan ng pag-asa nang makita ko ang inis na mukha ni Dreigan, nakasabit pa ang helmet niya sa braso habang dala-dala ang jacket ko.

Nagtitigan sila ni Bobby sandali at napatingin si Dreigan sa kanya mula ulo hanggang paa. Kitang kita ko ang pagtataka n'ya nang mapatingin s'ya sa bandang ibaba ni Bobby. Nagpalipat lipat ang tingin n'ya sa aming dalawa. Doon na nawala ang pagkainis sa mukha niya.

My lips barely opening and I feel voiceless. I was silently praying. Tinitigan ko s'ya na parang humihingi ng tulong. "Sino ka?" Maangas na tanong ni Bobby. "Ano'ng kailangan mo?"

Matagal s'yang tumitig sa akin at para bang nakakita ako ng pag-aalala sa mukha n'ya. Hindi n'ya pinansin ang tanong ni Bobby at pinakitaan n'ya ito ng konting yabang.

"Babe, you forgot your jacket." He said, emphasizing the word babe. Halos maiyak ako nang inabot n'ya ang jacket sa akin. Gumilid naman si Bobby para buksan ng mas malaki ang pinto, hindi ko s'ya tinapunan ng tingin dahil sa nararamdaman kong takot. Hinawakan naman ako agad ni Dreigan sa braso at ipinulupot ang kanya sa baiwang ko. Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko ng mga oras na 'yon, pakiramdam ko ligtas na ako. Biglang umalis si Bobby at dumiretso sa kusina. Niyakap n'ya ako at tinapat ang bibig malapit sa tainga ko. "Get your things and let's get out of here." Bulong n'ya sa akin, halatang nagmamadali.

Mabilis akong tumango at nagmamadaling kinuha ang bag ko'ng nakalapag sa sahig. Bumalik ako kay Dreigan na dahan-dahan at may pagiingat na ibinalik ang kamay sa aking baiwang. Nagkatinginan kami nang hindi na namin makita si Bobby sa loob. Nagmadali kami lalo.

Halos patakbo kaming umalis. Hindi ako makalakad ng maayos sa sobrang panlalambot ng mga tuhod ko. Pati na rin ang pag-iyak ko. Kinagulat ko ang pagbuhat niya sa akin para alalayan. Tinulungan n'ya pa ako'ng isakay ang sarili ko sa bike n'ya. Hinubad n'ya ang jacket n'ya, sinoot n'ya ito sa akin at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Walang sali-salita. Hindi kami nagusap. Walang tanong. He saved me.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

704K 25.1K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
81.1K 1.4K 83
Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However...
128K 3K 52
What will you do if you end up in someone else body?