Chasing Chances [TSC Book 2]°...

By MadamKlara

91.1K 2.5K 1.6K

[Book II: The Stranger's Charade] It may be impossible but I will not let go of the chances my heart is cling... More

Prologue
Advisory
Chapter One: Believing
Chapter Two: Dream & Painting
Chapter Three: Hospital
Chapter Four: Sky and her Dream
Chapter Five: His Plea
Chapter Six: Memories
Chapter Seven: Condo
A Letter to You
Chapter Eight: Deal
Chapter Nine: Strawberry & Cherry
Chapter Ten: Fear
Chapter Eleven: Dream
Chapter Twelve: The Words
Chapter Thirteen: Welcome
Chapter Fourteen: Suspects
Chapter Fifteen: The Bomb
Chapter Sixteen: Make Sense
Chapter Seventeen: Memory of that Day
Chapter Eighteen: Dead
Chapter Nineteen: Unforgotten
Chapter Twenty: Home
Chapter Twenty-One: Memories & Promises
Chapter Twenty-Two: Dreadful Truth
Chapter Twenty-Three: Mirana
Chapter Twenty-Four: Like a Dream
Chapter Twenty-Five: Uncover
You Can't Skip Ads
Chapter Twenty-Six: Bloody
Chapter Twenty-Seven: The Most-Awaited POV
Chapter Twenty-Eight: The Criminal
Chapter Twenty-Nine: Love and Guilt
Don't Skip Ads
Chapter Thirty: A Night to Remember
Chapter Thirty-Two: Horrors of the Past
Chapter Thirty-Three: Love
Chapter Thirty-Four: Who's Cheating Who
Chapter Thirty-Five: In Love
Epilogue
Chasing Chances
TRIVIA:

Chapter Thirty-One: Last Bullet

1.7K 46 14
By MadamKlara

Chances' Point of View:

Hindi ako makapaniwalang may nabubuhay sa mundong 'to na kasing demonyo ng ama ni Zacc. Proud pa siyang aminin sa'kin ang pagpatay niya sa mga magulang ko! Pati pa ang pagnanakaw ng attorney namin sa perang inilaan ni mommy't daddy para sa pag-aaral ko. How could he even exist? How could he breathe every second after taking other people's lives in his hands? He is not God! Wala siyang karapatang kumitil ng buhay ng iba!

"Ako lang ang kailangan mong mawala di ba? Ako ang patayin mo! Walang dapat nadadamay dito!" Sigaw ko sa kanya matapos iwan sina Mirana at Arlo.

Itinutok niya sa'kin ang baril na hawak niya. Sa sandaling 'yon, wala akong naramdamang takot. Pagkatapos ba naman ng lahat, sa dami ng taong nadadamay, wala na akong kinatatakutan maging ang kamatayan pa.

"Sa'n mo nakukuha ang tapang mo?" Tanong niya habang idiniin niya sa magkabilang pisngi ko ang kamay niya. "Kung papasabugin ko kaya ang bungo mo, magtatapang-tapangan ka pa kaya?"

Ngumisi siya, ngising pang-demonyo. Kasunod no'n ay ang paghablot niya ng damit ko. Umaatras ako pero natumba rin dahil sa kung anong bagay na tumisod sa paa ko. Nakatutok parin ang hawak niyang baril sa'kin.

"Maglaro na muna tayo, Chances."

"Napakahayop mo!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang alingawngaw ng baril. It was not from his gun dahil hindi naman ako natamaan. Natumba ang demonyo at napaluhod sa sahig saka tumambad sa'kin ang anino ng isang babae.

"Wala ka ng bababuying babae, Gary." Wika nito.

"Divina?" Bulalas ko. Lumapit siya kaagad sa'kin at tinulungan akong tumayo.

"Kailangan na nating makalabas rito. Wag kang mag-alala Chances, ligtas sina tita Veronica kasama ang mga anak mo." She informed me.

Nakailang hakbang na kaming dalawa papalayo nang umurong si Divina sa paglalakad. Umurong siya matapos ang isa pang alingawngaw ng baril. Dahan-dahang ibinaba ko ang tingin ko hanggang sa makita ang tama niya.

"Umalis ka na, Chances."

"Hindi." Umiiling na tugon ko. "Hindi kita pwedeng iwan dito."

"Alagaan mo ang asawa mo. Mahalin mo siya ng buong-buo, unlike what I did. Trust me, hindi ko ginustong lokohin siya. But... It's okay. Kung hindi naman 'yon nangyari, hindi ka niya makikilala. Hindi ka darating sa buhay niya at hindi siya magiging masaya."

"Please, I don't want to hear that. Let's just leav—" I stopped midsentence because Divina pushed me! Then I heard next another bang, three of them. And all were fired to her. Iyak lang ang tanging nagawa ko sa sobrang gulat at sa bilis ng pangyayari.

"Run, Chances. Leave!" Divina managed to say even with all the blood flooding around her body.

Tumakbo ako gaya ng utos ni Divina. Ilang putok pa ang narinig ko. Nagtatago ako sa malalaking kahon na hindi ko alam kung ano ang laman.

"Chances, nasaan ka?" Anas ng demonyo sa nakakapanindig-balahibong boses. "Papunta na ako."

Nagpigil ako ng hikbi ko at tahimik na lamang umiiyak sa pinagtataguan ko.

"Magpakita ka, Chances. Naiinip na ako."

Tinakpan ko ang bibig ko ng aking mga kamay para masiguradong walang anumang ingay na maririnig mula sa'kin. Mayamaya ay katahimikan ang bumalot sa buong factory. Lalabas na sana ako sa pinagtataguan ko ngunit hindi ako tuluyang nakagalaw dahil sa narinig kong yapak... papalapit sa pinagtataguan ko.

Oh God. Please don't let this end like this. We need justice for everything he did. Hayaan Niyo munang makuha namin 'yon bago Niyo 'ko kunin.

Hinanda ko na ang sarili ko para sipain o tuhudin ang demonyo kung sakaling makalapit siya. Magkahalo ang nararamdaman ko ng sandaling 'yon pero nangibabaw ang saya dahil agad na dininig ng Diyos ang dasal ko.

Busina ng police ang kasunod na naririnig ko. They even called out for him to come out and surrender. Pero ang demonyo, hindi talaga nagpaawat. Tila ba wala siyang takot sa mga pulis na sigurado akong nakaabang o nakapalibot sa kanya.

"Lumabas ka diyan, Chances! Wag mo akong galitin!" Sigaw niya. "Lumabas ka diyan kung ayaw mong pasabugin ko ang eroplanong sinasakyan ng mga anak mo!" Pananakot niya pa.

Napangisi lang ako. Ligtas sila, 'yon ang sabi ni Divina. Alam ko ring hindi sila pababayaan ng Diyos.

"Magpakita ka na, Chances. Hawak ko sa leeg ang mga pulis na nandiyan sa labas. Hindi ka pa nanalo. Labas na diyan!" Naiiritang sigaw niya na sinabayan niya ng pagpaputok ng baril.

"Garret Harrison, sumuko ka na!" Paulit-ulit na tawag ng kapulisan mula sa labas ng malaking factory.

"Lumabas ka diyan, Chances!"

Kung anong katapangan ang meron ako kanina ay siya ring takot at pagkaduwag ang meron ako nang marinig ang boses ng asawa ko.

"Chances? Chances?" Tawag niyang nagpapikit ng mga mata ko. "Chan, nasa'n ka?"

Gustong-gusto ko ng lumabas mula rito pero ayaw kong mapahamak si Zacc. After Mirana and Divina, I can't let another one take a bullet for me. Alam kong hindi magdadalawang isip si Zacc na gawin 'yon.

"Vina? Vinaaaa!" Narinig kong sigaw ng asawa ko. He must have found Divina.  "Pa! Lumabas ka diyan! Harapin mo 'ko! Ano'ng ginawa mo sa asawa ko!"

God. I don't know what to do. Please, keep my husband safe.

"Lumabas ka diyan, pa! Ako ang harapin mo!" He shouted again but his father remained silent.

Sumilip na ako para hanapin ang ama niya. Sa halip na makita ito ay si Zacchary ang nakita ko. Inilibot niya ang tingin sa paligid hanggang sa makita niya ako at magtama ang mga mata namin.

He gestured me to stay put. Siya ang naglakad papunta sa'kin kaya malaya kong natititigan ang napakaperpekto niyang mukha. Ang asawa ko...

Nang makita ang takot na biglang rumehistro sa mukha niya, alam kong may kinalaman 'yon sa demonyo. Lumingon ako at nakita ko ang ama ni Zacc na nakahawak sa sugat niya dala ng pagbaril sa kanya ni Divina kanina. Ang isang kamay niya ay hawak ang baril na itinutok niya sa'kin.

"Pa, stop this. Don't hurt my wife! Please..." Pagsusumamo ng asawa ko. He is teary-eyed. "Tama na please. Itigil mo na 'to."

"Son, I am doing all this for you. Pero ano? Pinipili mo ang babaeng 'to over everything that I have planned out for you?" He told his son, sounding offended. Kung hindi siya demonyo, iisipin kong nasasaktan siyang tinalikuran siya ng anak niya. "Walang tumatalikod sa'kin, Zacchary. Hindi isang Harrison ang magpapabagsak sa'kin."

"Pa, please. Isipin mo naman si mama. You will hurt her!"

"Good! Because I am doing all of this to hurt her! Ginago ako ng paulit-ulit ng mama mo, Zacc. Minsan na niya akong ipinahamak at ang negosyo ko! Paulit-ulit! Pero balewala sa'kin 'yon! Ang hindi ko matanggap ay ang ginawa niya para sa mga dela Rosa! Hindi mo alam. Wala kang alam anak."

"Pa, sumuko ka nalang. Ayusin natin 'to."

"Ayusin? Your mother fooled me! Akala niya ba ay hindi ko malalaman na kaya niya hinayaang pumasok sa buhay natin ang babaeng 'to ay dahil sa pagmamahal niya sa dela Rosang 'yon?"

"Ano ba'ng sinasabi mo? Pa, mahal na mahal ka ni mama."

"Pagmamahal na hindi katulad ng pagmamahal na meron siya para sa lalaking 'yon." Giit pa niya.

What is he saying? Si tita Veronica at si dad? No. Imposible. Hindi lolokohin ni daddy si mommy. Bata pa ako nang makasama sila pero sa kanila ko unang nakita ang kahulugan ng pagmamahal.

"Pa. Please, ibaba mo 'yan. 'Wag mong sasaktan ang asawa ko. Habangbuhay kitang kakamuhian pa kapag pinutok mo 'yan. Hinding-hindi kita mapapatawad." Naluluhang sambit ni Zacchary na palihim na lumalapit sa'kin.

"Ikaw lang ang totoong meron ako at ang negosyong 'to. Hindi ka tatalikod sa'kin."

"Yes, pa. Susundin ko lahat ng gusto mo hayaan mo lang ang asawa kong umalis."

Ngumisi ang ama ni Zacc saka humalakhak na para talagang demonyo.

"You will not bargain with me, Zacchary. I am your father. You will not turn your back on me because I am your father! And not because of this stupid woman! She took everything from me! My wife! My son! And now my business? Huh! I will not let her walk out of this factory on her own." Pahayag niyang dahilan para manginig ang buong katawan ko. "Thank me now, hija. Makakasama mo na ang mga magulang mo."

"Chances, run!" Zacchary shouted.

Dalawa o tatlong hakbang lang ang nakapagitan sa'ming dalawa. Pero napakalayo no'n sa mga mata ko lalo na't alam kong para sa'kin ang balang puputok any second. Ang tatlong hakbang na 'yon ay tila isa lang para sa asawa ko dahil bago pumutok ang baril, nakuha niya pa akong yakapin. Bagay na ayokong gawin niya.

"Zacchary, 'wag!"

Pero huli na dahil niyakap na niya ako ng mahigpit. Tuluyan siyang nakalapit sa'kin. Sa akin na hatid sa kanya ay panganib lang. Eksaktong yakap namin ni Zacc ang isa't isa nang umalingawngaw ang putok ng baril, tumama ang balang kanina ko pa hinintay.

"Chances!"

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 344 32
Felize Jaelyn Villegas has a childhood boy best friend whom she lost after her parents encounter a car accident when she was still eight years old. S...
3.9K 206 46
Seven Zones, each has distinct mutations; all bounded by a single covenant. Syv, a nation surrounded by tall and wide walls. It's made up of seven se...
186K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
16K 348 5
[COMPLETED] Ako kaya kailan mapapahinto? ..kailan tititig? ..kailan mahuhulog? at.. ..kailan magmamahal?