MY HANKY MAN

Od Ivezstolenmimz

5.4K 1.2K 424

Naniniwala ka ba na ang taong magbibigay sayo ng panyo ay siya ring magpapa-iyak sayo? Pano naman kung iyakin... Více

MY HANKY MAN
chapter 1 ^^
Confess or Not?
FLashback
*my Friends*
*LAST PROJECT*
*Who's Jealous ?*
*BESTFRIEND*
*SORRY*
*GRADUATION*
*THEIR SIDES*
*SUMMER OUTING 1*
author's NOTE!
*TRUTH OR CONSEQUENCE*
* Me without him *
*Keep Distance*
* That Should Be Me*
*That Should Be Me 2*
*This is mess!*
*Maling Akala*
*Reaching Out*
*TAKOT AKO*
*UNEXPECTED SURPRISE*
*AKIN LANG SIYA!*
*Is it really goodbye?*
*I WONT CRY*
*IKAW?!*
*A WHOLE NEW WORLD*

Summer Outing 2

193 50 8
Od Ivezstolenmimz

Pagkababa ko sa van agad ko ding kinuha yung mga natirang gamit. Ang bigat pala !

Napahinto ako sa paglalakad habang karga-karga yung mga bag na naiwan. Tinitingnan ko yung paligid. Ang ganda its more like a garden than a resort. Maraming lumilipad na butterflies sa mga halamang bulaklak.

At nabasa ko bigla ang signboard sa may entrance ng resort.

"Resort de Amor." basa ko.

Ang ganda naman. Once I dream of living this kind of place with mama and papa.

Nasan na kaya si papa?

Habang nililipad ako ng mga imagination ko bigla nalang may pumitik sa ilong ko na naging dahilan para bumalik ako sa mundo.

"Bombay nagpapantasya ka na naman siguro ano?" sabi ni Tovy habang kinukuha yung mga bitbit ko.

Sinimangutan ko lang siya at na-una ng mag-lakad.

"Hoy! Buhatin mo 'tong isa, abuso ka." sabi nito.

Binalikan ko naman agad yung isang bag at dinala. Akala ko kasi kaya niya.

Habang naglalakad ako binungo nalang ako bigla ni Tovy at nabitawan ko yung bitbit ko.

"Haha ! Kailanka pa naging lampa ?" pang-aasar na naman nito.

"Tovyyy ! Hmmp!" sigaw ko dahil nagngi-ngit-ngit ako sa galit.

Tumakbo na si Tovy nun habang tumatawa. Ka-asar talaga ang ube na yun. Walang magawa eh kundi galitin ako.

"Seantal ba't ang tagal mong pumasok ? Tara na !" si Rielle na sinundo na ako.

Kinuha narin niya yung bitbit ko at magkasabay na kaming mag-lakad.

"Salamat Rielle, nag-enjoy lang akong tingnan yung paligid." sabi ko.

"Maganda talaga dito. Magaling kasing mangalaga yung may-ari dito." sabi nito.

"Talaga ? Kilala mo may-ari ng resort nato?"

"Oo, business partner siya nung dad ko."

Tumango lang ako. Yaman naman ng kausap ko business partner pala ng dad niya ang may-ari nito.

Nang makapasok kami mas lalo pa akong namangha sa lugar. Watta nice place !

"Seantal, lagay mo na yang mga gamit mo sa kwarto natin." excited na sabi ni Abby.

Ang bilis nag-transform ni Abby, nakapag-bihis na agad ng swim wear.

"Sige, saang banda ba ?" tanong ko.

"Dun, lumiko ka lang sa door na yan then straight  tapos may makikita kang kulay pink na door, yun na yung kwarto." si Eros.

Nag-aayos sila ngayon sa cottage. Naghahanda ng mga pagkain.

"Okay, salamat."

Then, dumiretso na ako sa room namin. 2 rooms lang ang kinuha namin, malaki naman kasi. One for girls and one for boys.

Pagka-pasok ko sa room agad kong nakita si Chloe nagmi-make-up. Hindi nalang ako umimik, wala rin namam akong gustong sabihin.

Pumwesto ako sa pinaka-dulo na kama at nasa kabilang dulo naman si Chloe malapit sa may pinto. Kaming dalawa lang ngayon sa kwarto pero parang ang sikip nun sa aming dalawa.

"Seantal gusto ko lang sabihin.." si Chloe na agad nalang nag-salita kaya napatingin na ako sa kanya.

"Know your limits!" patuloy nito at tumayo na sa kama atsaka lumabas. Binalabag pa ang pinto.

Alam ko yung pinapahiwatig niya at napa-isip rin ako dun. Bakit lumampas na ba ako dun? bigla ko nalang naitanong sa sarili ko.

Nawala atah yung gana kong lumabas kaya imbes mamasyal ay nagkulong nalang ako sa kwarto at nagkalkal ng nagkalkal sa

cellphone kahit wala naman dapat kalkalin.

Micah's POV

Hi ! My name is Micah Torrefranca, 16 years old. Alam nyo naman siguro na barkada ko si Seantal ? Alam ko ang issue nila Seantal at Tovy at gustuhin ko mang tumulong, wala akong magawa.

Hindi rin naman ako expert sa pagma-match noh? Pero ang masasabi ko lang mahirap yung pinagdadaanan nila. Magkaibigan sila at di lang basta magkaibigan they are the best of friends ! Napaka-complicated na e-risk ang friendship para lang sa walang assurance na love na yan.

Nasabi kasi sa'min ni Zyrene ang feelings ni Seantal kay Tovy at di namin mapigilang di ma-apektuhan sa mga nangyayari sa dalawa.

Nalilito kami kay Tovy may girlfriend siya si Chloe pero mas madalas siyang naka-bantay kay Seantal.

Narinig ko din yung usapan nila Chloe at Seantal sa kwarto. Nahahalata narin siguro ni Chloe yung ibang relationship nung dalawa.

*Tok-tok-tok!*

"Pasok!" sigaw ni Seantal mula sa loob.

Binuksan ko na yung pinto.

"Sean, di ka ba lalabas ?" tanong ko sa kanya.

Kanina pa kasi siya hinahanap ng barkada. Agad bumangon si Seantal sa pagkakahiga.

"Ah, mamaya na Micah medyo hilo pa ako sa byahe eh." sabi ni Seantal.

Pero alam ko alibi lang nya yun. Alam kong naguguluhan na yang kaibigan ko, sa damdamin niya.

Nilapitan ko nalang siya at na-upo sa kama niya.

"Kanina ka pa diyan eh ! Tara na labas ka na." Pilit ko sa kanya.

"Magbibihis muna ako, mauna ka na."

"Aish ! Sabay na tayo, dali nah." pangungulit ko sa kanya.

Gusto kong mag-enjoy siya, masyado kasi yang tahimik. Gusto kong sulitin namin itong outing na ito. Bumangon na nga siya at hindi nagbihis.

"Nagsisimula na silang maligo." sabi ko habang naglalakad kami palabas ng kwarto.

"Ganun ba? Mamaya na ako maliligo Micah mas gusto ko munang kumain." sabi nito ng naka-smile.

"Sige, tulungan mo nalang kami ni Zyrene magluto nung barbecue."

"Sige ba!" masigla nitong sagot.

Mabuti naman at medyo naging goodmood na itong si Seantal. Mas,masaya kasi pag walang nakasimangot at aloof sa barkada. Para mas enjoy diba?

Tovy's POV

Nagkakasiyahan kami ngayon sa pool habang si Zyrene at Micah ay nagba-barbecue.

Kanina ko pa hina-hanap si Sean-sean, di pa kasi siya lumalabas simula kaninang pag-pasok niya.

"Chocolate ! Umahon ka muna dyan." si Chloe.

Nasa-side siya ng pool at naka-payong. Nitong mga nakaraang araw medyo naa-artehan ako kay Chloe. Masyado siyang possessive, sensitive sa balat at bossy.

"Chocolate dito ka muna, lagyan mo ako ng lotion." malambing nitong sabi.

"Brad ! Ina-under ka na naman." pabulong na asar sa akin ni Danhel.

Sinabuyan ko nga ng tubig sa pool. Tumawa lang si Danhel.

"Gago!" sabi ko naman sabay tawa.

Umahon na ako sa pool at pinutahan si Chloe.

Nakita ko naman si Sean-sean, kasama niya si Micah kumakain ng barbecue. Mabuti naman at lumabas rin siya.

Sexy ni bombay ! Lagkit nga ng tingin ni Rielle sa kanya eh. Tsk !

Sinimulan ko na paglo-lotion kay Chloe. Habang tumatagal mas lumalayo loob ko sa babaeng ito eh. Demanding kasi, kaso lalaki ako kaya wala akong karapatang magreklamo.

Ginusto ko naman kasi na ligawan to eh.

Pero mukhang nagkamali yata ako.

"Chocolate?"

"Hmm ?"

"Wag ka masyadong magbabad sa pool iitim ka na nyan eh."

"Cheese cake, okay lang naman umitim eh atleast mae-enjoy natin tong resort." matabang kong sabi.

Tumayo naman agad si Chloe mukhang di nagusuhan ang sinabi ko.

"Salamat sa paglo-lotion punta muna ako sa cottage." sabi nito at,bigla nalang umalis.

Napa-sunod nalang ako ng tingin sa kanya. Napa-buntong hinga nalang ako at saka sumunod nalang rin sa cottage.

Seantal's POV

Habang nilalantakan ko ang barbecue bigla nalang lumapit sa'kin si Chloe. Mawawalan pa atah ako ng gana nito.

"I'm starving, can I join you?" tanong nito.

Tumango nalang ako. Puno yung bibig ko ng kanin kaya di na ako nagsalita.

"Guys ! Kain muna kayo, mamaya na kayo magpakitang gilas dyan sa paglangoy." si Zyrene, na tinatawag na yung mga kaibigan namin.

Tinabihan naman agad ako ni Micah since kaharap ko sa hapag si Chloe.

Nang makalapit na yung lahat ay pinangunahan naman ni

Abby yung prayer. Medyo nahiya nga ako kasi na-una na akong kumain. Nakita ko pa sa gilid yung pag-ngisi ni Tovy sa'kin. Ini-snub ko nalang.

"Kainan naaaah !" hiyawan nila.

Habang kumakain di ko maiwasang mapa-tingin kay Tovy at Chloe. Sinu-subuan ni Chloe si Tovy, minsan napapansin ko ring napapatingin si Tovy sa'kin pero iniiwas ko nalang tingin ko sa kanya.

Napatingin ako sa manggang hinog na nasa dulo ng mesa pilit kong ina-abot yun pero kulang atah ang taas ng braso ko kaya di ko makuha.

"Pwede paki-kuha ng isang mangga please." sabi ko na ang tinitingnan ay si Rielle.

Pupulot na sana siya kaso na-unang kunin yun ni Tovy. Nagka-tinginan pa ang dalawa, biglang nag-smirk si Tovy kay Rielle wala namang reaksyon ang huli.

"Oh ! Saluhin mo." sabi ni Tovy sa'kin.

Agad niyang inihagis yun papunta sa direksyon ko. Nasalo ko naman agad. Catcher yata toh !

"Salamat." sabi ko ng naka-ngiti kay Tovy.

"No problem Sean-sean !" sabi nito sabay kindat.

Sa gilid ng mata ko nakita ko naman si Chloe na

nagngi-ngit-ngit sa galit. Natatawa nalang ako sa loob-loob ko. Nagiging selosa na atah masyado,tong si Chloe.

Pagkatapos kumain ay naglibot-libot muna ako sa resort. Mag-isa lang akong namasyal since nagkakatuwaan na silang lumangoy. Dala-dala ko yung camera para may pictures ako sa lugar.

Habang nagpi-picture ako sa view biglang nahagip ng camera ko ang isang lalaking matangkad at may malapad na katawan. Sumikip bigla yung dibdib ko sa bulto ng taong yun na naka-upo sa mesang kahoy dun sa may ilalim ng punong kahoy. Nakatalikod siya sa'kin pero nafi-feel ko ang pamilyar na presensiya niya dito sa puso ko.

Mukhang nararamdaman ng lalaki na may nakatingin sa kanya kaya lumingon ito. Kitang-kita ko ang reaksyon niya pagka-kita sa'kin. Tumayo ito pero hindi kumilos, tinitigan lang niya ako. Nanginginig yung tuhod ko at wala akong nagawa kundi tumakbo.

Tumakbo palayo sa kanya.

Umiiyak na ako habang tumatakbo palayo.

"Sean-sean anong nangyari ?" nag-aalalang tanong ni Tovy ng makita niya ako.

Bigla ko siyang nayakap. Humagulhol ako ng iyak sa mga bisig niya. Nararamdaman ko naman ang paghigpit ng yakap niya sa'kin.

"Sssshhh .. Ano bang nangyari ?" mahina niyang alo sa'kin habang hinimas-himas yung likod ko.

"Nakita ko siya Tovy ! Nakita ko siya." sabi ko habang hindi bumibitiw sa pagkaka-yakap sa kanya.

"Sino ?" tanong nito.

"Si papa, andito siya Tovy." sabi ko ng nakatingala kay Tovy mas mataas kasi yan sa'kin.

"Saan mo nakita ?"

"Dun, malapit sa may kakahoyan."

"Ok lang yan. Gusto mo puntahan natin?"

"Hindi, ayoko." sabi ko habang lumingo-lingo.

Ngayon ko lang napansin basa na yung damit ko dahil galing sa pool tong kayakap ko.

Kayakap ?

Oh my ! SIOMAI !

Automatic na bumitiw ako sa yakapan namin ni Tovy. Namula pa atah ako.

Nag-smile lang siya sa'kin saka ginulo buhok ko.

"Nahiya ka pa ! Tapos mo na akong tsansingan." pang-aasar nito.

"Ay grabe ka! Kapal mo talaga." sabi ko ng nakasimagot sa kanya.

Tinawanan lang ako. Mabuti nalang at nasa may halamanan kami at walang tao.

Walang nakakita sa'min. Lalo na si Chloe baka ano pa isipin nun.

Pinahiran ni Tovy yung luha ko gamit yung thumb niya.

"Tara na, kanina pa kita hinahanap ah!" sabi nito saka hinila yung braso ko.

Napansin naman niya yung camera na dala ko kaya huminto siya saka kinuha yung camera sa kamay ko.

"Teka, anong gagawin mo dyan ?" tanong ko sa kanya.

Bigla ba naman akong hinila, na-untog tuloy ako sa ma-muscle niyang dibdib. Itinaas niya bigla yung camera at tinapat yung lens sa'min.

Napatingala nalang ako then click !

Aish ! Hindi ako prepared loko talaga wala man lang signal. Tiningnan niya yung kuha tapos nag-pout.

"Ang panget m Sean-Sean! Ayusin mo naman." reklamo nito.

"Hindi mo naman sinabi na e-ki-click mo na pala!" hiyaw ko.

"Sige, sige nah! Last one dali." sabi nito saka inilapit yung mukha sa'kin.

"1,2,3!",

then click !

Ayun mas maganda na !

"Bagay !" saad ni Tovy habang nakatitig sa picture namin.

Tumawa lang ako saka hinampas siya sa braso.

"Gago!" sabi ko.

As if hindi ako kinilig.

Haha ! Ang cute namin sa picture. Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa lugar kung saan nandun ang barkada.

"Hindi ka pa ba maliligo ?" tanong sa'kin ni Tovy ng nasa may pool na kami.

"Hindi pa, gusto ko munang maglibot-libot."

"Ang KJ mo naman! Ayaw mo lang atang umitim eh."

"Hindi ah ! Anong akala mo sagad tong ka.artehan ng bestfriend mo?" sabi ko sa kanya na tinuro ko pa yung sarili ko mismo.

"Naks ! Gumaganun ka na ha !" naka-smile siya sakin saka umakbay.

"Seantal ! Picturan mo naman kami." si Abby na nakababad sa pool kasama sina Micah, Eros at Danhel.

"Oo nah !" sabi ko sabay open nung camera.

Bumitiw naman si Tovy sa'kin at tumalon sa pool. Gusto atang sumali sa picture taking.

Nag-pose na sila, HAHA ! Parang mga timang yung wacky faces nila.

"1,2,3!"

*click!*

"One more Ryuchumi." si Micah na ang hilig akong tawagin sa apelyido ko.

Sinunod ko lang sila at tila photographer sa pagti-take ng pictures nila. Nakita ko rin sa may slide si Rielle naka-upo lang. Nakatingin siya sa'kin kaya

nag-smile ako sa kanya.

Matapos kung kumuha ng pictures nila, Abby ay nilapitan ko naman si Rielle. Half-naked si Rielle ngayon. Hehe ! Shorts lang yumg suot niya at walang pang-itaas na damit. May muscles din siya kagaya nung kay Tovy pero baby muscles lang ! Hot parin naman tingnan. Umupo ako sa tabi niya ng makalapit ako.

"Bakit ka mag-isa ?" tanong ko sa kanya.

"Wala, nagpapahinga lang. Kanina pa kasi ako naglalangoy eh." katwiran niya.

"Ganun ba, gusto mo picture nalang tayo?"

Wala lang, gusto ko lang may picture rin kami ni Rielle.

^____^ - ako           ?____? si Rielle.

Umisod ako palapit sa kanya at itinaaa yung camera.

"Smile ka Riell ah!" sabi ko.

"1,2, --.."

*Splash!*

Natalsikan kami ng tubig sa pool. Mabuti nalang at di nabasa yung camera ko. Tiningnan ko yung nagsaboy ng tubig sa amin.

Arghh ! Toooovvvyy..

"Haha! sorry." tumatawa pa talaga siya sa ginawa niya. Naka-peace sign pa.

Nag-smile ako kay Tovy pero plastic. Pinakita ko lang na hindi ko nagustuhan yung ginawa niya.

Hinila ko uli si Rielle then smile..

*Click!*

Tinuloy ko ang naudlot namin na picture.

"One more, dun naman tayo sa may statue ng mermaid." sabi ni Rielle at hinawakan yung kamay ko para makatayo ako.

"Sige !"   ^ ___^

Tinapunan ko ng tingin si Tovy, inis na inis yung mukha niya sa'min. Binilata ko nga.

"Bleeeeh!"

Hindi ko alam pero nag-eenjoy akong inisin siya. Teka bakit nga ba siya naiinis sa amin ni Rielle ?

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
55.5K 2.9K 24
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
34.5K 3K 44
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...