Falling for Shannon (Field Ro...

CeCeLib द्वारा

4.7M 125K 7K

Sarah Catli is a different kind of woman. She’s a kind of woman who doesn’t need emotional sentimental crap t... अधिक

Falling for Shannon (Field Romance)
Prologue
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19 - END

CHAPTER 1

282K 7.3K 398
CeCeLib द्वारा

CHAPTER 1

SARAH felt something weird when she enters their old house. It’s been ten years since she’d been here. Wala namang nagbago sa bahay nila, maliban sa medyo tumanda na iyon sa paglipas ng panahon.

Napukaw siya sa kanyang pagmumuni-muni ng tumunog ang cell phone niya. Nang tingnan niya kung sino iyon, it’s her best friend, Katrina Santos. Ito ang nag-iisa niyang matalik na kaibigan, kahit wala siya sa Pilipinas, hindi naputol ang komunikasyon nila ni Katrina. Tulad niya mahilig din ito sa action at adventure, kaya naman nang malaman niyang isa na itong NBI Agent, natuwa siya para rito.

Sinagot niya ang tawag. “Hey, Katrina. How are you?”

“How are you, my ass! Nasaan ka ba ha? I’d been looking for you.” Galit na wika nito sa kabilang linya. “Umuwi ka nga galing US, hindi pa naman kita nakikita. Gosh, Cat, nasaan ka bang babae ka?”

Mahina siyang tumawa ng marinig ang tawag nito sa kanya. Katrina had this crazy endearment for her. Dahil daw Catli ang apelyido niya at mukha daw siyang magandang pusa, Cat nalang ang pangalan niya. That’s the time when she started calling her Bestie form the word beastie.

“Chill, bestie, I’m in my old house. Gusto mo pumunta rito? You can help me clean up the whole place.”

“I’ll pass. And don’t call me bestie. I’m not a beast.” Tinapos nito ang tawag na hindi man lang nagpapaalam sa kanya.

Napailing-iling nalang siya at ibinalik ang cell phone sa bulsa niya. Hindi pa siya nakakagalaw sa kinatatayuan niya ng tumunog na naman iyon. Sinagot niya ang tawag.

“Hey, who’s this?” Tanong niya sa kabilang linya.

“Sarah, how many times do I have to tell you to always look at the caller ID before you answer a call?” Boses iyon ng kanyang mahal na ina.

“Hello to you too, mother.” Aniya sa sarkastikong boses.

“Cut the sarcasm, Sarah. How are you?”

“I’m fine, mother. Stop worrying about me. I’m already twenty eight years old for Christ sake.”

“Don’t use that tone on me young lady! Yes, you are already twenty eight years old but you are still my daughter and I have the right to worry. Understand?”

She took a deep breath. “Yeah, mother. I have to hang up. Maglilinis pa ako.”

“Okay. Call us before dinner.”

She rolled her eyes. God! “Yes, mother.”

Nang tapusin nito ang tawag, nakahinga siya ng maluwang. Naiirita siya sa palaging pag-aalala sa kanya ng ina. Naiintindihan niya naman ito pero sobra na. Kapag wala siya sa bahay halos oras-oras tumatawag ito para kumustahin siya.

Can’t she have a break even for a day?

Napamura siya ng tumunog na naman ang cell phone niya.

“I said I’m fine!” Sigaw niya sa nasa kabilang linya.

“Woah, someone is angry.” Katrina said in a sing-song voice.

Nang magsalita siya ulit, walang buhay ang boses niya. “Ano ang kailangan mo?”

“Meet me in Sweet bite café. May sasabihin ako sayo at gusto kitang makita.”

“I can’t. I’m cleaning up, remember?”

“Oh, come on. Please? Ang tagal na nating hindi nagkita, please, can you please meet me up? Pretty please?”

“I can’t.” Matigas na wika niya.

Katrina exhaled loudly. “Okay, how about I buy you Chocolate parfait and three slices of chocolate coated cake. Pupunta ka ba?”

Napabuntong-hininga siya. Naiinis siya sa sarili, kapag pagkain talaga, hindi siya makatanggi at alam iyon ng Bestie niya. “Fine. I’m coming.”

“I knew it!” Katrina said gleefully. “See yah. Bye.”

Tinatamad na lumabas siya ng bahay at sumakay sa bago niyang bili na Hammer. She bought this kind of car because it can drive through any terrain and her mother is not here. She’s sure that her mother won’t approve her car at the moment.

Mabilis siyang nagmaneho patungo sa Sweet bite café. Nang makarating doon, agad siyang pumasok sa nasabing café. Nakita niya si Katrina na sumisimsim ng tubig. Nilapitan niya ito at umupo sa kaharap nitong upuan.

“Hey.” Bati niya rito.

Nagulat siya ng bigla nalang itong tumayo at sinugod siya ng yakap. She hugged her back.

“I miss you so much, Cat… in a non-lesbian way.” Nakangiting sabi nito.

“I miss you too, bestie.”

Katrina glared at her. “Don’t call me that.”

“Then don’t call me Cat.”

She pouted and went back to her chair. “Kumusta ka na? Bakit ka nga pala nandito? You didn’t tell me why. Nuong nagkausap tayo sa skype, sinabi mo lang na uuwi ka but you didn’t tell me why.”

She leaned on her seat. “Sorry, it’s confidential.”

“Oh.” Nasa boses ni Katrina na naintindihan nito ang ibig niyang sabihin. “A mission huh? Bakit naman ikaw ang ipinadala ng FBI?”

She shrugged. “Because I’m the only Filipino FBI Profiler and the Interpol needs my expertise.”

“Bakit hindi nalang Interpol Profiler ang pinadala nila. I’m sure may maipapadala naman ang Interpol.”

“You know how FBI works, Bestie, they always want the spotlight. And my mission is the spotlight of the year. Ang maganda lang dito, puwede akong humingi ng tulong sa FBI anytime na kailangan ko.”

“Great. At least, makakatulong naman sila. Anyway, change topic tayo. Meet any handsome men here?”

Nangalumbaba siya. “Well, aside from dead bodies, nah. At wala akong balak na makipagkilala sa sino man. I have works to do and you know me when I’m working.”

Katrina rolled her eyes at her. “Oh, come on, Cat, kahit papaano bigyan mo naman ng kulay ang buhay mo.”

“Ano naman ang tingin mo sa buhay ko, black and white?” Sarkastikong sabi niya.

“Hindi lang black and white, Cat. Masyadong boring ang buhay mo. Bahay-trabaho palagi ang drama mo.”

“If you have a mother like mine, I’m sure magiging ganoon din ang drama mo.”

“Aunt Sydney maybe strict pero hindi ka naman niya pinagbabawalan na lumabas at magsaya.”

“I know but I just don’t feel like going out. At saka wala akong time, masyado akong busy sa trabaho ko. Being a profiler is not a piece of cake.”

“I know but you had to have fun sometimes.”

She shrugged. “Maybe some other time.” Tiningnan niya ito. “E ikaw, kumusta na kayo ni Chase? Ang iyong lihim na iniirog mula pa nuong tubuan ka ng kalandian?”

Pabiro siya nitong sinuntok na agad naman niyang sinalo ang kamao nito.

“Don’t punch me. Hindi pa rin pala nawawala ang habit mong ito. Buti hindi ka pa naba-blater ng physical injury?”

“Tigilan mo ako Cat. And about Chase, well, hindi ko na siya gusto.”

She smirked at her. “Talaga lang ha? So iyang puso mo e sarado na kay Chase? Bakit parang hindi yata ako naniniwala riyan sa mga pinagsasasabi mo?”

Katrina glared at her. “I’m telling the truth, Cat. I don’t feel anything for him anymore. He’s a shameless womanizer and you know how I loathe his kind! And he’s a jerk, so not anymore.”

Akmang sasagot siya ng may mahagip ang mga mata niya. Is that Chase? Katrina’s Chase? Mukhang siya nga iyon. Well, mukhang ito nga ang lalaking ‘yon. Medyo may kakaiba lang sa mukha nito pero si Chase talaga iyon e. Kilala niya ang lalaki kasi naging ka-klase niya ito nuong high school siya. May kasama itong babae at masinsinan ang mga itong naguusap.

Ibinalik niya ang tingin kay Katrina. “Ano ba ang ginawa sayo ni Chase?”

“Well, hindi ko to sinabi sayo kasi alam kong OA ka kung mag-react. Chase and I were couple five years ago. Then he just dumped me with no reason whatsoever. I was hurt, I cried like there’s no tomorrow but I already moved on.”

Nagpuyos ang kaloban niya sa galit. Ang walang hiyang lalaking ‘yon! “Wala siyang karapatan na gawin ‘yon sayo. He’s a bastard!”

Galit na inagaw niyang ang tubig na iniinom ni Katrina at naglakad patungo kay Chase.

“Cat, where the hell are you going with my glass of water?”

Nang makapalapit siya sa lalaki, walang sere-seremonyang ibinuhos niya rito ang tubig na laman ng baso.

“Bastard!” She hissed at the man.

Malalaki ang mata nito na nagtaas ng tingin. “What the hell is your problem, woman?!”

“Para iyan sa pananakit mo sa kaibigan ko! Jerk!” Kinuha niya ang baso na puno ng tubig sa mesa nito at ibinuhos ulit iyon sa lalaki. “Wala kang karapatan na saktan ang best friend ko. You’re such a bastard, Chase.”

Nagsalubong ang kilay nito at masama ang tingin na ipinukol sa kanya. “What did you just say?”

“You’re such a bastard—”

“I’m not Chase.”

Natigilan siya. “What? Of course, you’re Chase.”

“Hindi ako si Chase.” Tinuyo nito ang basang ulo at mukha gamit ang panyo.

Nilingon niya si Katrina na hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Ibinalik niya ang tingin sa lalaki.

“H-Hindi ka si Chase Mint Sandoval?”

He glared at him. “Ano sa tingin mo? Do I look like him?”

“Well, yeah… kinda…”

“I am not Chase! That’s an insult.” He stands up glared at her dangerously. “Pagbabayaran mo ‘tong ginawa mo sa akin.”

She scoffed. “Really? For real? I mean, okay it’s my fault because I mistook you for someone else but pagbabayaran ko ang ginawa ko? I just poured water on you, what’s the big deal?”

“What’s the big deal?! I’m wet and all the people in this café are staring at me. Now tell me that it’s no big deal. I’m a very respectable person! How dare you—”

“I’m really sorry, Shannon.” Katrina interjected. “Pag pasensiyahan mo na ang best friend ko.”

The guy named Shannon looked at Katrina. “Oh, hello Katrina. Kaibigan mo pala ang baliw na babaeng ito?”

She gasped. “How dare you call me crazy!”

Akmang sasampalin niya ito ng pigilan siya ni Katrina.

“Yes, sorry, Shannon. Medyo nakainom lang itong kaibigan ko.”

He grimaced in disgust. “Ang aga-aga, lasing ka na. What a waste.” Binalingan nito ang babae na kasama. “Let’s go, babe.”

The woman glared at her then encircled her arms on Shannon’s arms. Tumikwas ang kilay niya. Para itong sawa kong makalingkis sa lalaki. Nakakahiya!

“Ano ba naman, Cat? Alam mo ba kung sino ang binuhusan mo ng tubig? It’s none other than the—”

“Shut it, Katrina. Wala akong pakialam kung sino man siya. Parang binuhusa lang ng tubig, pagbabayaran ko raw. Bwesit! Sino ba siya sa akala niya?”

“Well, he’s Shannon San Diego, the—”

“Not interested.”

Bumalik siya sa mesa nila at kinain ang Chocolate Parfait niya. Nasa isip pa rin niya ang lalaking binuhusan niya ng tubig. Nakakatawa na nakakainis ang lalaking ‘yon. Pagbabayaran daw niya. Para namang magkikita pa sila. Sa laki ng Pilipinas, imposibling mag-krus pa ang landas nilang dalawa kaya safe siya sa paghihiganti nito.

“Bakit mo ba kasi bihusan si Shannon?”

She puffed a breath. “Kamukha kasi siya ni Chase.”

“Of course magkamukha sila. Their cousins.”

Inungusan niya ito. “Malay ko ba na hindi siya si Chase.”

“Yan kasi, sugod lang ng sugod nang walang kasiguraduhan.”

Inirapan niya ito. “Dapat ako ang pinagtatanggol mo dahil ginawa ko iyon para sayo.”

“Sinabi ko bang gawin mo ‘yon?” Isinukbit nito ang shoulder bag sa balikat. “Halika na nga. Tutulungan na kitang maglinis ng bahay mo. Bayad sa ginawa mo.”

Napangiti siya sa sinabi nito. “Thanks, Bestie.”

“Whatever, Cat.”

CHASE was laughing his ass off while looking at his wet clothes. Pasakay na siya sa kotse niya ng makita niya itong lumabas nang sasakyan nito. Mabuti nalang at may sariling sasakyan si Tanya, ang girlfriend niya, at nauna na itong umalis sa kanya.

Tinawag niya si Chase para sana kumustahin ang mga magulang nito na sina Tita Clover at Tito Alexus na nasa Switzerland ngayon kasama ang mga magulang niya at nagbabakasyon doon. Hindi kasi niya natawagan ang mommy niya para kumustahin ang mga ito dahil masyado siyang busy.

“Damn, cousin, what the hell happened to you?” Tumatawang tanong ni Chase sa kanya. “Saan ka nag-swimming?”

He glared at his cousin. “Fuck off!”

Tumawa ito ng malakas. “Para kang basang sisiw. The mighty Shannon looks like shit. Kapag nakita ito ni Ramzee, siguradong pagtatawanan ka non.” Kinuha nito ang cellphone at kinunan siya ni litrato. “This is going to be hilarious. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng iba pa nating pinsan kapag nakita ito?”

Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. “Kasalanan mo ito. Alam mo bang basa ako ngayon kasi pinagkamalan akong ikaw? God! What an insult! Ako, ikaw? Shit!”

Mas lumakas pa lalo ang tawa nito sa sinabi niya. “God! That was funny! Pinagkamalan kang ako? Palagi naman. Medyo magkamukha kasi tayo. At dapat nga magpasalamat ka sa akin kasi sa guwapo kong ito, pinagkamalan kang ako? That must be something.”

Shannon wanted to hit his cousin in the face but he stopped himself. That wouldn’t be good for his reputation. He’s known of his calm nature. Kanina lang naman siya nagalit ng sobra dahil sa babaeng ‘yon.

“Shut up, Chase.”

Akmang papasok na siya sa kotse niya ng may mahagip ang paningin niya. He looked at the woman stepping out from the café, with Katrina in tow, Chase’s ex girlfriend.

Ngumisi siya at tumingin kay Chase. “Look, Chase, the woman that makes you insane. Katrina Santos. You’re still carrying a torch for her, right?”

Nawala ang ngiti ni Chase at tumingin kay Katrina na nakikipag-usap sa babae na nagbuhos sa kanya ng tubig.

“Who’s the girl with her?” Tanong ni Chase.

“Katrina’s best friend. Yang babaeng yan ang nagbuhos sa akin ng tubig. She thought that I was you. What an insult to my ego.”

“Best friend? Isa lang naman ang alam kong BFF ni Katrina. At saka bagay lang sayo ang ginawa niya. Napaka-uptight mo kasi.” Kumaway ito kay Katrina. “Katrina, my labs!”

Nakita niyang tumigil sa pagsasalita si Katrina at walang emosyong tumingin kay Chase. Kapagkuwan ay nag-bawi ito ng tingin naglakad patungo sa nakaparadang kulay red na hammer. Nagulat siya ng sumakay sa driver’s seat yong babae na nagbuhos sa kanya ng tubig.

She drives a hammer? What a woman—

“Wow! She drives a hammer. What a cool woman.” Puno ng paghanga na sabi ni Chase na ikitingin niya rito.

“Wala namang cool sa pagda-drive ng Hammer.” Ibinalik niya ang tingin sa papaalis na Hammer. The woman maneuvered the car expertly. It’s actually pretty cool.

“Yeah, hindi raw cool, pero ang mata puno ng paghanga.” Komento ni Chase.

Agad niyang binawi ang tingin sa babae. “Ano ba ang sinasabi mo?”

“Ewan ko sayo, Shannon. Oo nga at ikaw ang pinaka-matino sa ating magpipinsan pero kilala kita. You like that woman. It’s just a matter of days, makikipaghiwalay ka kay Tanya. And that woman is stunning. No wonder nakuha niya ang atenisyon mo.”

He shook his head. “Masydong malaki ang manila para magkita ulit kami at hindi ko siya gusto.”

“Come on, Shannon, kasama siya ni Katrina, at kilala ko siya.”

“So? I’m not interested.”

Tuluyan na siyang pumasok sa kotse. Parang may sariling isip ang mga mata niya na hinanap ang Hammer na sasakyan ng babae. Nakaalis na ba ito?

Ipinilig niya ang ulo. Chase is right, that woman is freaking beautiful. Ano kaya ang pangalan niya?

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

5.3M 133K 17
Clover Cinnamon Perez is a Matchmaker. Because of what she does for a living, she knew a Playboy when she sees one. At malayong-malayo pa si Alexus E...
258K 3.6K 26
Para sa lahat ng bigo. Para sa lahat ng nagmahal ng taong hindi sila nagawang mahalin pabalik. Para sa lahat ng hindi naniniwala sa forever. Para sa...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
4.2M 116K 18
Gilen Ramirez is a happy-go-lucky- kind of woman. She always had a food in her bag. She doesn't care what other people think of her as long as she kn...