Wrong Direction *GxG* (COMPLE...

بواسطة RaggedLyPretty

175K 3K 183

Isang babaeng disperada ng magkalove life gagawin niya ang lahat para makuha ang crush niya pati sa paglipat... المزيد

|1|
|2|
|3|
|4|
|5|
|6|
|7|
|8|
|9|
|10|
|11|
|12|
|13|
|14|
|15|
|16|
|17|
|18|
|20|
|21|
|22|
|23|
|24|
|25|
|26|
|27|
|28|
|29|
|30|
Nonsense Writer
|31|
|32|
|33|
|34|
|35|
|36|
|37|
|38|
|39|
|40|
|41|
|42|
|43|
|44|
|45|
|46|
|47|
|48|
|49|
LAST CHAPTER
SPECIAL CHAPTER
The EX and WHY'S

|19|

2.7K 51 0
بواسطة RaggedLyPretty

"TL! Baka gusto mo munang magpahinga.. hinihingal na ako ehh!" Hmmnn.. alam nyo ba kung anong ginagawa namin? Hmmnn.. nakakahiya man sabihin pero nagawa na talaga namin. Hindi ko alam pero sobrang atat ni TL ehh! Hindi na ako nakapalag pa. Ginusto ko rin naman ang nangyari. Sobrang bilis kasi ng mga pangyayari hanggang sa umabot kami sa ganito.

"Hiningal ka na ehh! One round pa yun! Hindi tayo aabut sa 5 rounds niyan!" Sabi ni TL na tagaktak na ang pawis.

"Kaya mo talaga ang 5 rounds? Promise?" Malandi kong ngiti sa kanya. "Aray!!! Bakit ka nambatok??" Himas ko saking ulo. Sakit kaya nun 🤕

"Ang dirty minded mo!! Our fun run is fast approaching. How can you get to the finish line if nag jo-jogging palang tayo hindi mo na kaya. Tumayo ka na dyan at tumakbo kana ulit!" Sabi ni TL saka nagpatuloy na sa pagtakbo.

"Ayoko nah!!! Ang sakit na ng paa ko!!" Pag rereklamo ko pero hindi na niya ako narinig kasi kumaripas na siya ng takbo. Leche talaga tong si TL!!! Ang sakit na ng paa ko ehhh!!

"Marsy!! Lets go!! Ikaw pa naman ang dahilan kung bakit natalo tayo sa last game natin."

"Seriously! Stacy?? Ako talaga ang sinisi mo?? Ang sakit nun ha!!"

"Sige ka! Mas lalo ka lang sisisihin ng ibang Account pag hindi mo binigay ang best mo!!!"

"Oo na!!! Tatakbo na ako!! Kainis!!"

Nagsimula na akong tumakbo at sinundan silang dalawa. Nandito kami sa village nila TL nag insayo para sa fun run. Pagkatapos ng ilang laps naming takbo ay nagpahinga muna kaming tatlo sa may playground nila dito sa Village.

"Ang sakit ng paa ko!!! 😭😭😭"

"Wow! It was just two laps then you acting like you had run for 5 laps??" Sabi ni TL saka binato ako ng bimpo. Binato ko rin siya ng bato! Ayun bukol!!! Haha joke lang binato ko lang siya ng flying kiss 😘

"Kailan galingan mo Marsy! Kundi kakalbuhin ka ng team Captain natin!" Pananakot ni Stacy! As if natatakot ako sa bakulaw na yun.

"No need to worry! Stacy, kasi hindi niya ma resist ang charm ko."

"Talaga lang ha!! Anyways maiba nga tayo! Alam mo bang may binabalak na si Edward!" Sabi niya na may halong panunukso.

"Balak?? Balak lumadlad??"

"Hindi!! Balak niyang mangligaw sayo!!!" Excited na sigaw ni Stacy! Then I rolled my eyes!

"Bahala siya sa buhay niya!!"

"Ohh! I forgot! Iba nga pala ang gusto mo!!" Agad ko siyang na hampas sa braso kaya napa aray siya ng husto.

"Bakit mo ginawa yun???"

"Pag ikaw Stacy hindi titigil ikaw talaga ang kakalbuhin ko."

"So Edward has a chance?" Agad nabaling ang atensyon ko kay TL, hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko alam ang isasagot ko. "Don't worry! I wouldn't tell anyone! Besides I'm also planning courting Debbie."

Pagkatapos niyang mabanggit yung last na sinabi niya ay bigla akong nabingi. Biglang sumikip ang dibdib ko at parang namumuo na ang luha ko kaya tumayo ako at naglakad palayo.

"Marsy!! San ka pupunta??" Sigaw ni Stacy pero hindi ko pinansin instead tumakbo ako palayo sa kanilang dalawa.

Ligawan?? So si Debbie talaga ang mahal niya?? Akala ko ba ako yun?? O talagang umaasa lang ako na kaya niya akong mahalin?? 😢

"Marsy!!! Tumigil ka nga!!" Agad akong napatigil dahil hinila ako ni Stacy paharap sa kanya. Pareho kaming humihingal at kitang kita sa mukha niya ang sobrang pagod sa kakahabol sakin. "Marsy!! Hindi alam ni TL na may gusto ka sa kanya. Kaya kung gusto mong aminin ang nararamdaman mo wag nah!! Sinabi na niya diba si Debbie ang gusto niya! Isa pa alam ng lahat na matagal ng gusto ni Debbie si TL kaya wag ka ng mag interfere."

"Kailan ba ako nag interfere Stacy!!! Kahit kailan hindi ko pinaramdam sa kanya na may gusto ako sa kanya!!! Isa pa kung si Debbie ang gusto niya ide go!!! Wala na akong pakialam dun!!! Magsama sila!! Uuwi na ako!! Paghinanap niya ako sabihin mong natatae!!!"

Saka iniwan si Stacy. Lumabas na ako ng village nila at nagpara na ng taxi. Pagkatapos ng byahe ay nakarating na din ako sa bahay. Agad akong nagtungo sa kwarto ko at dun na ako humahagulhul ng iyak. 😭😭😭 ayoko na talaga!!! Naligo muna ako bago ako natulog para mawala lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko sa kanya. Ang swerte ni Debbie.

*****
Nung gabing yun ay pumasok ako ng prod na sobrang tamlay. Pagtungo ko sa post ay nadatnan kong nag uusap sila ni Debbie, tawa sila ng tawa buti nalang at hindi sila nabilaukan sa sarili nilang laway!! 🙄

"Hi Beshy!!! Kumusta ang practice nyo kina TL?" Tanong ni bakla sakin.

"Ayos lang! Tumatakbo lang kami."

"Balita samin ni Stacy iniwan mo daw sila ni TL!"

"Wag na nga lang natin pag usapan niyan. Nasan ba si Edward??"

"Nandun sa team niya." Tumayo ako at nagpaalam kay bakla.

"Pupuntahan ko lang si Edward babalik lang ako." Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko para marinig niya, hindi naman ako nabigo dahil nakatingin siya sakin ngayon at iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya.

Hindi talaga ako pumunta sa post ni Edward kundi nag U-Turn ako at nagtungo sa clinic. Sakto namang nandun ang mga bff ko kaya nagtambay lang ako dun.

"Break mo ngayon?" Tanong ni Angelo sakin na katabi kong umupo sa kama.

"Hindi feeling break!! Ayokong mag trabaho ngayon."

"Bakit?? Broken hearted ka??"

"Hindi nuh?? Kanino naman ako ma bro-broken hearted?? Sila ang ma bro-broken hearted dahil sakin." Sabay flip ng hair ko.

"Wow! Ang confident mo naman teh!"

"Aba syempre!!"

"Victoria!!!" Agad akong napatingin kay TL na nakatayo sa door ng clinic. Hindi ko siya sinagot at tinaasan lang siya ng isang kilay. Taray!! "You come with me!!!" Yung ang huling sinabi niya saka lumabas ng clinic. Hindi sana ako susunod pero ginawa ko nalang.

Paglabas ko ng clinic ay naghintay siya dun sa may elevator. Lumapit ako sa kanya at saktong bumukas ang elevator, pumasok kaming dalawa at wala niisang nagsalita samin.

*Kru..kru..kru*

"San tayo pupunta TL?!" Basag ko sa katahimikan.

"Nagpapabili kasi si Debbie ng Starbucket." Agad na uminit ang ulo ko dahil sa narinig ko.

"Ehh bakit mo ako sinama?? Ide sana kayong dalawa ang nandito!! Nandamay ka pa sakin!!!"

"Ehh bakit ka nagagalit?? Don't worry I'll buy you also!"

"Wag nah!! May pera ako nuh!!!" Pagtataray ko saktong bumukas ang elevator kaya lumabas na ako at mas naunang pumunta patungong Starbucket. Nag order ako ng dalawang frappe kaya may pagtataka ang ekspresyon ng mukha niya.

"Para kanino ang isa?" Tanong niya.

"Ofcourse sa future boyfriend ko!!!" Pang aasar ko as if maasar siya sa sinabi ko.

"Ang sweet! Dapat lang talaga ganyan ang mga perfect girlfriend. Katulad ko!" Pagyayabang niya. Tsssss!!!

Agad kaming bumalik sa prod at binigay na nga niya ang frappe na binili para kay princess Sofia!! 🙄

Agad na kaming magsimulang mag trabaho at dahil galit ako sa araw na 'to ay naka tatlo ako ng Sup Call, hindi naman pinansin ni TL yun. Syempre na kay Princess Sophia ang atensyon niya 🙄

Nung break time ay binigay ko kay Edward ang frappe at kasalukuyan kaming narito sa pantry at nag lu-lunch break.

"Malapit na talaga matapos ang Fitness Challenge natin. Sino kayang mananalo?" Sabi ni Edward samin.

"Tyak yung team ni TL. Ang gagaling ehh!" Sabi naman ni bakla.

"Babawi ang team namin nuh!!" Pag mayabang ko naman.

Kwento lang kami ng kwento dun hanggang sa nag one hour break na nga kami. Bumalik na kami ng prod at nagsimula na namang mag trabaho. Hay naku!! Last na talaga sasagutin ko na talaga ng mga pesting costumer na 'to!! Naiinis na talaga ako sa kanila. Napaka demanding kung maka fuck you!!! Grrrr!!

Pagkatapos ng trabaho namin ay nagyaya silang lahat ng inuman. Sumama naman ako at dun kami nag inuman sa bahay nila Raymark since malapit lang naman ang bahay nila kaya sumama na rin ako, syempre ako kaya ang BIDA kaya dapat hindi ako mawala sa casting.

"Guys!! May pool party daw tayo next week!!" Excited na saad ni Bakla.

"Kaninong party??" Tanong ko sa kanya.

"Party ni TL Dave! Invited daw ang lahat kaya pumunta tayo ha!!"

"Sige bah! Baka may sasabihin na si Edward dun." Sabi naman ni Stacy. Agad namang nataranta si Edward kaya kinurot niya si Stacy.

"Kayo ha! Wag naman kayong obvious! Nandito si Marsy!!" Tukso ni Debbie. Ang sarap mag rolled eyes pero hindi ko ginawa. Epal!!! Sobra naman ang dikit niya kay TL! Clingy!!! Siguro niligawan na siya ni TL! O di kaya sila na! Itatanong ko nalang sa kanya mamaya.

Agad na umalis si TL kasama si Betty kaya nakakuha ako ng tyempo. Tumabi ako kay Debbie at kinalabit siya.

"Debbie! Sinagot mo na ba si TL??" Panunukso ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin.

"Pano mo nalaman na nanliligaw siya sakin?" Ngiting aso niya sakin. Arf!!! 🐶

"Nabanggit kasi niya nung nag jogging kami. Akala namin mag su-surprise party siya sa panliligaw pero hindi niya pala ginawa."

"Alam mo naman si TL diba! Ayaw niya yung maraming nakakaalam, gusto niyang kami na munang dalawa lang ang nakakaalam."

"Bakit kinahihiya ka ba niya?" Pang aasar ko sa kanya. Tila hindi naman siya apektado kaya ngumiti ito ng kay bongga.

"Hindi naman! Gusto niya lang siguro ibulgar sa tamang panahon. Diba ang sweet nun! Wag kang mag alala dahan dahan kong ipapaalam sa iba nating kasama na kami na!" Tumayo na ako dahil parating na sina TL kaya bumalik na ako sa kinauupuan ko kanina.

Sila na talaga?? Sila na nga!! Pag manligaw kaya si Edward sasagutin ko kaya siya?? Pero diba ang chaka nun! Wala naman akong nararamdaman sa kanya pero sasagutin ko siya. Ginagawa ko siyang rebound! Ang unfair naman ata! Pero baka ma develop ako sa kanya, baka matutunan ko siyang mahalin. Sana nga!

Ilang oras kaming nag inuman at hindi naman ako nalasing, yung iba knock out na pati si TL kaya napasandal siya sa balikat ni Debbie. Kala mo bagay sila tignan pero hindi naman!!! GRRRR!! Papunta ako ng cr para umiihi, pagpasok ko sa loob ay bigla may humigit sa braso ko kaya napaharap ako sa taong nakasunod sakin, laking gulat ko na si TL pala ang taong yun at ilang segundo nalang ay matutumba na siya kaya agad ko siyang sinalo.

"Ano ba yan TL!! Iinum inum hindi naman kaya." Pangaral ko sa kanya.

Tumayo siya ng tuwid at ni lock ang pintuan sa cr. Mapupungay na ang kanyang mata na nakatitig sakin at parang may binabalak gahasahin ako 🤭 wag po ate maawa ka!! Lumapit siya ng konti sakin kaya tinulak ko siya pabalik sa pagkasandal sa pintuan pero nanlaban siya at sobrang bilis na sumunod na nangyari.

Nakakapit siya sa batok ko at hinila niya ako upang magkahalikan kami. Ang lambot ng mga labi niya kaya sobrang nag wild ang mga dragon sa tyan ko. It was a passionate kiss that we share each other. Tinutugon ko bawat halik na ginagawa niya. Para akong mababaliw dahil sa nangyari ngayon. Hanggang sa tumigil siya sa paghalik at nawalan siya ng malay kaya agad siyang sumandal sakin. Ang bigat!!! 😭

Binuksan ko na ang pintuan at dahan dahang syang kinarga patungong sala. Nung nakarating na kami sa sala ay agad ko siyang hiniga dun. Napaupo naman ako sa may katapat na upuan dun. Tinitigan ko lang ang maamo niyang mukha na natutulog. Hinawakan ko ang labi ko at ramdam ko parin ang mga halik na pinagsaluhan namin kanina. Nakaramdam ako na nag wild na zoo sa tyan ko. My ghaaaad!! She kiss me??? Ehh bakit niya gagawin yun? Diba nga nililigawan niya si Debbie?? Don't tell me na napagkamalan niya akong si Debbie? My ghaaad!! Ito din yung naramdaman ko nung hinalikan niya ako sa Ancestral House nila Ruxanni. Ganito din yung pakiramdam. Bakit kaya nagka ganito si TL?? Bakit niya ba ako hahalikan?? Dahil kaya sa sobrang kalasingan?? Siguro yun nga ang dahilan niya. Ayoko ibanggit to sa kanya tyak mag de deny lang sya but still..

She kissed me!

>>>>>>>>>>>>>Nothing Follows<<<<<<<<<<<<<

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

277K 15.1K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
285K 5.7K 23
May binago po ako sa mga huling chapters and i hope you like it :) Sawi sa pag ibig si Yanah . Her boyfriend cheated on her. At makikilala niya si Do...
263K 4.6K 32
Two hearts, two minds, in time did find one love, one two paths the same. Hold fast. . . and love lasts.
325K 7.2K 36
Pagkatapat ko sa may gilid ng gate ay huminga muna ako ng malalim para sana pindotin ang doorbell pero diko rin naituloy ng may humablot sa kaliwang...