A Twist In My Story (Complete...

由 BubblyPinkMilk

1.4K 795 48

A story about love, friendship, betrayal, and forgiveness. 更多

A Twist In My Story
Prologue
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13:
Chapter 14:
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50: Last Chapter
Epilogue
A/N

Chapter 41:

10 12 0
由 BubblyPinkMilk

Chapter 41:

Celestine's P.O.V

Kinabukasan...

"Bakit naka-impake 'tong mga gamit natin?" Nagtatakang tanong ko kay Nathan.

Pano ba naman kasi, pagkagising ko ang linis ng kwarto. Tapos pag punta ko dito sa living room ang daming bag. At naka-impake na lahat ng damit at gamit namin. Pati yung kila Ally, Renz, at Kurt.

"Akala ko ba gusto mong doon na ulit tayo tumira sa bahay natin ng barkada?" Tanong naman ni Nathan.

"Wait, OMG!? Seryoso 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Ayaw mo?" Poker face niyang sabi. Napaka'suplado talaga nito.

But anyway, for real!? Makakasama ko na ulit yung barkada sa iisang bahay!? Yehey!

"Pero bakit pati gamit nila Ally? Alam na ba nila 'to?" Naguguluhan kong tanong kay Nathan.

"Oo. Nakausap ko na sila kanina." Sagot na lang ni Nathan.

"Gosh! Thank you!" Masaya kong sabi tapos niyakap ko siya.

"Oh bilisan mo na dyan para makadaan na muna tayo doon bago pumasok." Sabi niya.

"Paano pala itong condo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala. Ganto lang. Ipapalinis ko na lang every week." Sabi ni Nathan.

"Wala namang gagamit." Sabi ko.

"Edi parang rest house na lang natin." Sabi naman niya.

So ayun, nagmadali na akong kumilos.

Nang matapos na kong maligo at kumain, nagpunta na nga kami ni Nathan sa bahay ng barkada.

Drake's P.O.V

Kasalukuyan kaming nag-aalmusal ng barkada ng biglang may bumusina sa tapat ng bahay namin.

Ang aga-aga naman ng bisita na 'to.

"Tingnan ko lang kung sino." Sabi ko tapos tumayo na ako at lumabas.

Nakita ko naman na may itim na kotse sa labas at bumubusina.

Teka, kotse to ni Nathan ah.

Hindi nga ko nagkamali dahil bumaba mula sa passenger seat si Celest.

"Good morning!" Nakangiting bati niya sa akin.

"Good morning din. Anong ginagawa niyo dito ng ganito kaaga?" Nagtatakang tanong ko.

"Babalik na kami dito. Ayaw mo ba?" Tanong niya sa akin.

"Hindi. Syempre gusto ko. Nagulat lang ako." Sagot ko.

*Beep Beep Beep*

Sunod-sunod na busina ni Nathan kaya naman binuksan ko na yung main gate para makapasok yung kotse ni Nathan. At tinulungan ko na sila ni Celest na ipasok yung mga bagahe nila sa loob.

"Whoo. How I miss this place." Nakangiting sabi ni Celest habang pinagmamasdan yung bahay.

Kung gaano kasaya si Celest, ganun naman kaseryoso si Nathan at naka-poker face lang. Wala pa din talagang pinagbago 'tong lalaki na 'to. Tss.

Nagulat naman yung barkada except kila Ally, nang makita sila Celest at Nathan na dala yung mga gamit nila.

"Uy sakto. Sabi na nga ba kayo yun eh." Sabi nila Ally, Renz, at Kurt.

"OMG! Babalik na ulit kayo dito!?" Tanong ni Trina na tuwang-tuwa.

"Uhm, yeah." Sagot na lang ni Celest.

"Sa wakas! Mabuti naman!" Sabay-sabay na sabi ng barkada tapos ay nag-group hug sila. Except sa amin ni Nathan na nakatayo lang sa gilid.

"Buti naman at bumalik na kayo dito." Sabi ko kay Nathan.

"Ayoko nga sana. Nagpumilit lang si Celest." Diretso niyang sagot. Napaka-lamig pa din nya.

Hindi ko naman na siya kinausap dahil alam kong ayaw niyang makipag-usap. Kaya nanahimik na lang ako.

"Sakto, nag-aalmusal pa lang kami, kain tayo." Pag-aaya ni Marco sa kanila.

"Oo nga. Madami pang pagkain." Sabi naman ni Gelay.

"Ako nagluto niyan." Proud na sabi ni Tristan.

"Ikaw? Seriously?" Natatawa at hindi makapaniwalang tanong ni Celest kay Tristan.

"Oo nga. Grabe ka naman sa akin. Nag-aral kaya ako magluto nung wala ka para palitan kami nila Venice sa pagluluto." Paliwanag ni Tristan na may halong drama.

"Haha ok. Good for you." Sabi ni Celest sa kaniya with matching tap pa sa balikat.

"Kaya lang kakakain lang kasi talaga namin kaya busog pa kami." Dagdag pa ni Celest.

"Ganun ba. Sige, saglit lang. Tapusin lang namin 'to tapos sabay-sabay na tayong pumasok." Sabi naman ni Kurt at Marco.

"Ilagay niyo na muna yang gamit niyo dun sa kwarto. Wala namang nagbago sa ayos. Ganun pa din." Sabi ko sa kanila.

"Yehey! Makakasama na ulit kita sa kwarto." Masayang sabi ni Venice.

"Doon na lang kami ni Celest sa guestroom." Simpleng sabi ni Nathan.

Tututol pa sana si Celest pero naka-poker face lang si Nathan kaya pumayag na din siya.

"Sorry Venice. Doon na lang kami ni Nathan sa guestroom ah." Medyo malungkot na sabi ni Celest.

"Ok lang. At least nasa iisang bahay pa rin naman tayo." Sabi na lang ni Venice.

Tapos ay nagpunta na nga sila Celest at Nathan sa guestroom at nag-ayos na doon ng gamit nila.

Masaya ko na magkaka-sama na naman ulit kami.

Celestine's P.O.V

Kinabukasan...

Sabay kaming nagpunta ni Nathan sa kusina at naabutan namin doon si Drake.

"Good morning Celest. Pinaghanda kita ng strawberry milkshake. Favorite mo yan diba?" Sabi ni Drake sabay abot sa akin ng strawberry milkshake na ginawa niya.

"Really? Thank you Drake!" Masayang sabi ko.

Maya-maya dumating na din yung barkada kaya kumain na kami.

Habang kumakain, naiilang ako dahil nakatitig si Drake sa akin. Problema nito?

"Anong tinitingin-tingin mo kay Celest?" Inis na tanong ni Nathan kay Drake.

"Ha? Hindi. Wala." Sagot naman ni Drake.

Nung kukuha ako ng ulam, saktong nagkasabay kami ni Drake kaya nahawakan niya yung kamay ko.

Tapos nakatingin lang siya sa akin.

"D-Drake, yung kamay ko." Sabi ko naman kay Drake.

"Baka naman pwede mo nang bitiwan yung kamay ng girlfriend ko?" Poker face na tanong ni Nathan pero halatang galit na siya.

Kaya naman inalis na ni Drake yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Sorry." Sabi na lang ni Drake.

Pero nagulat ako ng biglang umalis si Nathan at nagwalk-out. Aish! Ano ding problema nun?

"Uh-oh." Sabay-sabay na sabi ng barkada except kay Drake.

Kaya naman sinundan ko na lang si Nathan.

Nakita ko naman siya na nakapamulsa at nakasandal sa terrace.

"Hoy!" Tawag ko sa kanya pero di niya ko pinansin.

"Hoy Nathan!" Tawag ko pa ulit sa kanya. But still, hindi pa rin niya ko pinapansin.

Sakto may nakita akong maliit na bato sa paanan ko kaya kinuha ko yun at binato si Nathan. Sakto naman at sapul sa pisngi.

"Aray! Ano ba? Bakit namamato ka?" Iritang tanong niya sa akin.

"Hindi ka kasi namamansin! Problema mo?" Tanong ko naman sa kanya.

"Tss." Sabi niya lang.

Tingnan mo talaga 'tong tao na 'to. Napaka'ewan. Aish!

"Ano ngang problema mo?" Inis ko nang tanong sa kanya.

"Nakakagago kasi yang Drake na yan." Inis na sabi niya.

"Ano bang ginagawa niyang masama? Wala naman diba?" Sabi ko sa kanya tapos nilapitan ko siya.

"He's into you. Alam ko yung mga ganung galawan." Inis na sabi niya.

"Wala akong pakielam sa kanya. Ok? Wag kang paranoid." Sabi ko naman sa kanya.

"Wag kang magpapa-agaw dun ah. Kahit magsawa ka sa akin, mainis ka sa akin, wag mo kong iiwan. Wag mo kong ipagpapalit dun. Kahit alam ko na ganun yung ginawa ko dati, wag naman sanang mangyari sakin ngayon." Seryosong sabi niya.

Damn. Di niya ba alam na nakakakilig yang sinasabi niya. And at the same time nakakainis kasi para siyang tanga na nagda-drama.

"Ok po. Wag kang mag-alala. Hindi ako magpapa-agaw dun. Hindi ako magsasawa sayo at lalong hindi kita iiwan." Sabi ko tapos niyakap niya ako at niyakap ko din naman siya.

"I love you Celestine." Bulong niya tapos hinalikan niya yung kamay ko.

"I love you too." Sabi ko din sa kanya.

"Mahal mo talaga ko?" Parang tangang tanong niya.

"Anong klaseng tanong yan? Syempre oo." Sagot ko naman.

"Patunayan mo nga. Kiss mo ko." Pang-aasar niya.

"Sus. Dami mong alam. Gusto mo lang pala ng kiss." Poker face na sabi ko pero hinalikan ko pa din naman siya sa pisngi.

"Sa pisngi lang? Sa labi ko gusto." Reklamo niya.

Nako. Kung di ko lang mahal to. Napaka'ewan niya.

Para di na siya topakin, hinalikan ko na lang siya sa labi.

"Ehem." Sabay kaming napatigil ni Nathan sa pag-ehem ng barkada.

"Mahiya naman kayo aba. Wag dito. May kwarto naman kayo eh." Pang-aasar ni Tristan at Trina.

Kaya naman naitulak ko si Nathan dahil dun tapos hinampas ko siya.

"Bakit nanghahampas ka?" Poker face na tanong niya.

"Kanina pa kayo?" Nag-aalalang tanong ko.

"Yeah. Simula pa ng nagdadrama yang si Nathan." Nakasmirk na sabi ni Ally at Kurt.

"May bata dito oh. Grabe kayo makapag-PDA." Sabi nila Venice at Gelay.

"Ang daming langgam ah. Napaka'sweet kasi eh." Pang-aasar pa nila.

"Pasok na nga tayo. Male-late na tayo eh." Sabi ko na lang.

"Sus. Change topic." Sabay-sabay na sabi nila.

"Hindi sige. Tuloy niyo lang yan. Maaga pa naman." Pang-aasar nila Renz at Kurt.

"Oo nga. Baka nabitin kayo eh." Pang-aasar din nila Tristan at Marco.

"Ewan ko nga sa inyo." Umiiling-iling na sabi ko na medyo natatawa na lang dahil sa kalokohan nila.

Kahit kelan talaga mga loko-loko 'tong mga kaibigan ko. Tsk tsk.

Laking dismaya namin pagdating namin sa school dahil may meeting daw lahat ng prof kaya walang klase. Sayang tuloy effort namin.

"Oh ano ng plano natin?" Tanong ni Kurt.

"Ano pa nga ba. Edi uuwi na lang." Sabi naman ni Gelay.

"Uuwi? Mag gala na lang muna tayo." Pag-aaya ni Trina.

"Sus mukha ka talagang gala." Pang-aasar ni Marco.

"Pero sabagay. Ang boring din naman sa bahay." Sabi naman ni Venice.

"So ano? San tayo pupunta?" Tanong ni Kurt at Marco.

"Mag mall na lang tayo. Sale ngayon kaya mamili tayo." Sabi naman ni Ally.

"Game ako dyan!" Pagsang-ayon ko.

"Osya tara!" Sabi pa ng barkada.

Kaya naman nagpunta na nga kami sa mall.

Halos lahat na yata ng stalls napasukan namin. And bawat stalls din may kanya-kanya kaming pinamili.

"Mag lunch na muna tayo. Gutom na ko eh." Sabi ni Marco.

"Oo nga para makapag'pahinga muna tayo." Sabi naman nung mga boys.

"Guys wait lang ah, may pupuntahan lang ako saglit. Mauna na kayo sa Rack's. Susunod na lang ako." Paalam ko sa barkada.

"Saan ka pupunta? Samahan na kita." Sabi ni Nathan.

"Oo nga. Para sabay-sabay na tayo. Sama na kami." Sabi ng barkada.

"Wag na. Saglit lang ako. Babush!" Paalam ko sa kanila.

Aangal pa sana si Nathan kaya lang tumakbo na ako paalis.

May nakita kasi ako kanina habang namimili kami. Perfect gift yun kay Nathan para sa monthsary namin. Kaya eto ako, babalikan yun.

Ang corny naman kung sinama ko sila, lalo na si Nathan, edi hindi na surprise yung ibibigay ko sa kanya.

"Excuse me miss, magkano dito?" Tanong ko sa saleslady.

"9,950 po ma'am." Sagot naman ng saleslady sa akin.

"Pwede ko bang ma'check?" Tanong ko.

"Sure ma'am." Nakangiting sagot niya sabay kuha nung watch at ibinigay sa akin.

For sure magugustuhan 'to ni Nathan. By the way it's a couple watch. Silver siya na gold yung lining. It looks simple yet elegant. Mahal nga lang, pero ok na din. Maganda naman. And actually, mura na nga yun para sa dalawa eh.

"I'll buy this." Nakangiti kong sabi sa saleslady tapos inabot ko yung bayad.

Then nilagay niya na nga sa box yung watch and ibinigay sa akin. Tinago ko naman agad yun sa bag ko para hindi makita ni Nathan pagbalik ko.

At yun nga, nagpunta na ko sa rack's. Pagdating ko doon nag-uumpisa na silang kumain except kay Nathan.

"Buti naman dumating ka na." Sabay-sabay na sabi nila.

"Saan ka ba nagpunta? Anong ginawa mo?" Tanong sa akin ni Nathan.

"May nakalimutan kasi ako bilhin kaya binalikan ko." Sabi ko naman.

"Asan yung binili mo? Bakit wala kang dala?" Poker face na tanong ni Nathan.

"Wala na kasi pagbalik ko eh. Nabili na daw." Palusot ko.

"Ano ba dapat yung bibilhin mo pre?" Tanong ni Renz.

"Wala. Basta." Sagot ko na lang.

"Bakit pala 'di ka pa kumakain Nathan?" Tanong ko kay Nathan.

"Malamang hinintay pa kita para sabay tayo." Sagot niya.

"Ayiee~ nakaka'touch naman." Natatawang sabi ko.

"Kanina pa nga yan. Akala namin kung bakit hindi kumakain. Yun pala hinihintay ka pa." Sabi naman ni Venice.

"Nathan ha, gumaganyan ka pala ha." Pang-aasar ni Trina.

"Hahaha sweet naman po pala this boy." Pang-aasar naman ni Tristan.

"Wag nga kayo dito. Nang-iinggit lang kayo eh." Sabi naman ni Ally.

"Haha oo nga! Kayo na!" Dagdag pa ni Marco.

"Tss. Kumain na nga tayo. Oh ayan yung in'order ko sayo. Yan gusto mo diba?" Sabi na lang ni Nathan sa akin. Na halata namang pikon sa barkada.

"Yep. Thanks." Sagot ko na lang tapos kumain na nga kaming lahat ng matiwasay. Haha.

"By the way, may aasikasuhin lang ako mamaya. Baka gabihin ako." Paalam sa akin ni Nathan.

"Sure. Ok lang. Ingat ka." Sabi ko na lang.

Alas nuebe na ng gabi pero wala pa din si Nathan. Kaya naman naiinis na ko. Napaka'tagal naman nung lalaki na yun! Saan ba kasi yun nagpunta!? Aish!

"Uy si Celest 'di mapakali. Nami'miss na si Nathan." Pang-aasar ni Ally.

"Saglit lang umalis nami'miss mo na agad?" Tanong ni Marco.

"FYI hindi ko siya nami'miss." Pagsusungit ko.

"Hindi nami'miss pero kanina ka pa tingin ng tingin sa orasan at sa pinto." Sabi naman ni Trina.

"Hindi ba pwedeng hinihintay ko lang siya?" Sagot ko naman with matching taas ng kilay pa.

"Sus. Hinihintay daw, ganun na rin yun." Sabi naman ni Trina at Venice.

"Whatever." Sagot ko na lang sabay roll eyes.

"Oh Nathan andyan ka na pala!" Sabi ni Drake kaya naman napalingon agad ako. Pero wala naman si Nathan.

"Oh, see?" Naka-smirk na sabi ni Kurt at Renz.

"Hindi daw namimiss ah." Pang-aasar pa nila Gelay at Venice.

"Nag-aalala lang ako, okay? Malay ko ba kung saan nagpunta yun eh Gabi na." Paliwanag ko.

"Sus. Dami pang paliwanag." Sabi naman nila.

"Matanda na yun. Kaya na nun sarili niya. Sus." Sabi naman ni Drake.

Natigil lang kami ng biglang bumukas yung pinto.

"Nathan!" Tawag ko sa kanya tapos ay tumakbo ako papunta sa kanya.

Nagulat naman ako ng makita yung itsura niya.

"Shit! Anong nangyari sayo!?" Gulat at nag-aalala kong tanong sa kanya.

"T*ngna pre! San ka nakipag-away?" Gulat din na tanong ni Renz.

"Saan ka ba talaga nagpunta?" Tanong ko pa kay Nathan habang nakahawak sa mukha niya.

"Sa bahay." Poker face na sagot niya.

"Bakit ganyan nangyari sayo?" Nagtatakang tanong ko pa.

"Nangingielam na naman yung walanghiya kong tatay kaya nagkasagutan na naman kami. Tapos ayun, nagkasuntukan kami." Paliwanag ni Nathan.

"Damn Nathan! Pati ba naman papa mo? Sundin na lang kaya natin siya para hindi na siya magalit sayo." Medyo frustrated kong sabi sa kanya.

"Celest makinig ka. Huwag na huwag mong gagawin yan. Hayaan mo na yung tatay ko. Kahit ilang beses niya pa kong bugbugin. Hindi ako papayag na iwan ka. Kaya please. Wag mo kong iiwan. Hindi natin susundin yung gusto niya." Pagmamakaawa ni Nathan tapos ay hinalikan niya ako sa noo.

"Oo na. Oo na. Nag-aalala lang din naman kasi ako sayo." Sabi ko naman sa kanya.

"Gamutin mo kaya muna siya kung talagang nag-aalala ka." Poker face na sabi ng barkada sa akin.

Sabi ko nga eh.

Kaya naman kinuha ko na yung medicine kit at ginamot yung putok niyang labi. At kumuha na din ako ng ice pack para sa pisngi niya na medyo namamaga.

"Aray! Dahan dahan lang naman Celest." Reklamo niya.

"Sorry naman!" Sabi ko naman sa kanya.

"Bumalik na pala dito si Mr. Krabs." Sabi nila Renz, Marco, Kurt, at Drake.

"Oo. Para manggulo." Sabi ni Nathan.

"Mr. Krabs?" Nagtatakang tanong ko.

"Mukhang pera si Mr. Krabs diba? Ganun din si Lucio eh." Sabi naman ni Nathan.

Kaya naman idiniin ko sa may sugat niya yung bulak na may alcohol.

"Aray Celest!" Reklamo niya.

"Wag ka ngang ganyan. Tatay mo pa din yun." Sabi ko naman sa kanya.

"Wala na kong tatay simula nung pinagpalit niya sa amin ni mama yung pera." Poker face niyang sagot.

"Hay nako." Nasabi ko na lang.

Pero bakit kaya ganun yung papa niya? Tsk.

After nun, nagsipasukan na din kami sa kanya-kanya naming kwarto. Gabi na rin kasi.

Kinabukasan...

'Good morning sa nag-iisa at pinakamamahal kong babae sa buong mundo!' Malakas na sabi ni Nathan.

"Hmm..." Ungol ko dahil naalimpungatan ako.

'Sorry kung ginambala ko yung pagtulog mo.' Sabi niya.

Oo ginambala mo talaga. Antok na antok pa kaya ako.

'Pero may gusto lang akong sabihin sayo na napakahalaga.' Sabi pa ni Nathan.

Ano ba naman 'tong Nathan na 'to. Ang aga-aga pa eh.

'I love you Celestine!' Hyper niyang sabi.

Nagmulat naman ako ng mata kaya lang wala naman siya sa tabi ko.

"Nathan?" Tawag ko sa kanya.

Asan yun?

Napalingon naman ako sa tv at may nakaplay doon na video.

'Wag kang tumawa after nito ah.' Sabi niya.

Maya-maya nag-strum na siya ng gitara at nagsimula nang kumanta.

Two many billion people
Running around the planet
What is the chance in heaven
That you'd find your way to me
Tell me what is this sweet sensation
It's a miracle that's happened
Though I search for an explanation
Only one thing it could be

Amaze na amaze pa din talaga ako kapag kumakanta siya. Napaka'gwapo ng boses niya. Shems. Nagising bigla yung diwa ko.

That I was born for you
It was written in the stars
Yes, I was born for you
And the choice was never ours
It's as if the powers of the universe
Conspired to make you mine
And till the day I die
I bless the day that I was born for you

Homaygas! Ako na kinikilig!

'Happy monthsary Celestine! Mahal na mahal na mahal na mahal kita!' Nakangiting niyang sabi dun sa video.

Monthsary na pala namin.

Hindi ko alam pero naiiyak ako.

Kahit pinaghihiwalay kami ng tatay niya, hindi niya pa din ako iniwan. Napakaswerte ko talaga sa kanya.

"Naiiyak ka ba dahil ang epic ng boses ko at ang epic ko dun sa video?" Tanong sa akin ni Nathan.

Napalingon naman ako bigla.

"Kanina ka pa nandyan? Paano ka napunta dyan? Bakit di ka man lang nagsasalita?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Emote na emote ka kasi dyan sa pinapanood mo eh." Sabi naman niya.

"I love you Nathan! I love you! I love you! I love you!" Parang bata kong sabi habang umiiyak.

Ewan ko ba. Haha tears of joy.

Niyakap niya naman ako.

"Wag ka ngang umiyak. Ang pangit mo pag umiiyak eh." Pang-aasar niya. Kaya naman binatukan ko siya.

"Mahal na mahal din kita Celestine." Sabi niya sabay halik sa akin.

Pagkatapos nun ay binatukan ko siya.

"Aray! Bakit?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Ikaw kasi eh! Nakakainis ka! Pinaiyak mo ko! Napaka'effortless mo kasing magpakilig! Kanta mo pa lang sobrang saya ko na." Naiinis pero kinikilig kong sabi sa kanya.

Natawa naman siya dahil dun tapos niyakap niya ko ng mahigpit at hinalikan.

"Ay wait lang! May nakalimutan ako!" Sabi ko tapos tumakbo ako at kinuha ko yung gift ko dun sa bag ko.

"Ano yan?" Tanong niya sa akin.

"Happy monthsary Nathan Andrei!" Nakangiting sabi ko sabay abot nung regalo ko sa kanya.

"Nagustuhan mo ba?" Nag-aalangan kong tanong.

Oh no! Hindi niya ba gusto? Bakit nakatitig lang siya doon sa relo?

"Wow Celest! I love it! Noon ko pa gustong bilihin ito. Pero hindi mo na kailangang gawin to. Ang mahal nito eh. Sapat naman na sa akin yung presence mo. Hindi mo na kailangan pang bumili ng maganda at mamahaling regalo para mapasaya ako. Sapat na sa akin na magkasama tayo. Pero salamat na din." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"At saka, simpleng surprise video lang yung ginawa ko sayo. Wala man lang akong regalo na ganyan din katulad sayo." Medyo malungkot niyang sabi.

Binatukan ko nga.

"Duh! Halos mamatay nga ko sa kilig at sa tuwa dahil dyan sa ginawa mo. Para sa akin, napakalaking effort na nun. Hindi ka naman kasi yung tao na mahilig sa ganyan. Yung kumanta at mag-video. Kaya yung fact na ginawa mo yan kahit wala kang hilig sa mga ganyan, effort yun. At sobrang saya ko dun. Yung fact na ginawa mo pa din yan kahit mukha kang tanga dyan. Hahaha. But seriously, sobra kong na'appreciate yan at sobrang saya ko. Saka hindi naman ako yung materialistic na tao Nathan kaya don't worry." Paliwanag ko sa kanya.

"I love you Nathan." Sabi ko sa kaya tapos ay niyakap ko siya sa likod.

I mean, nakaupo kasi siya sa dulo ng kama. Kaya sumampa ako dun at niyakap ko siya from behind. Gets?

"I love you more Celest." Sabi niya naman tapos ay hinawakan niya yung kamay ko na nakayakap sa kanya.

"By the way, it's a couple watch. Look oh, meron din ako." Masayang sabi ko sabay pakita nung kapartner na relo na suot ko.

Natuwa naman siya kaya sinuot niya na din yung relo niya. At nagpicture kami na pinapakita yung matching watch namin.

"Oh tama na yan. Kanina pa kayo dyan eh."

Sabay kaming napatayo ni Nathan ng biglang magsalita yung barkada.

Kanina pa sila dyan?

"Oh panic mode lang ang peg? Haha." Sabi ni Ally at Trina.

"Istorbo." Bulong ni Nathan kaya naman kinurot ko siya. Pero nagpoker face lang siya.

"Tama na yan. Nakakainggit na kayo eh." Sabi naman ni Tristan.

"Tama. Para kaming nanonood ng teleserye kanina eh." Sabi naman ni Marco at Kurt.

"Hahaha nice one Nathan!" Pang-aasar naman nila Renz, Marco at Kurt.

"May pa couple-couple watch pa kayo ah." Sabay-sabay na pangangantyaw ng barkada.

"Gumaganern eh no." Sabi pa nila.

"Osya tanghali na. Tara na dun para makakain na tayo." Paga-aya nila Venice at Gelay.

"Tama na yan. Tara na. Nakahanda na yung pagkain. Ako na nagluto kasi alam kong matatagalan kayo dyan at may ganap pa kayo." Poker face na sabi ni Drake.

"Ok. Gutom na rin ako eh." Sabi ko naman.

"Tara. Kainan na." Sabi naman ng barkada.

Kaya naman nagpunta na kami sa kusina para kumain.

"Special yan. Pinasadya naming ganyan ang ulam dahil monthsary niyo." Sabi ni Renz.

"Siraulo." Sabay naming sabi ni Nathan na natatawa.

"Oo nga. Sabi kasi ni Nathan special daw 'tong araw na 'to eh." Sabi naman ni Kurt.

"Dami niyong alam. Kumain na lang tayo." Seryosong sabi ni Drake.

"Tss. Ampalaya." Bulong ni Nathan habang naka-smirk.

Ow-kay? Anong meron?

Pagkatapos naman naming kumain ay tuloy-tuloy lang kami sa pagce-celebrate.

Nung gabi nga ay nag-dinner date pa kami ni Nathan sa isang mamahaling restau.

© 2018, BubblyPinkMilk

繼續閱讀

You'll Also Like

153K 7.4K 49
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
75.3K 11.5K 72
නුඹ නිසා දැවුණි.....💙 නුඹෙන් මා නිවෙමි......💙
4M 87.3K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...