Sofia: So si Drea ang gumamit? Ay ikaw ah, tsk tsk tsk.
Raphael: Hahahaha pinagdududahan ka ng syota mo pre. Patay ka na.
Joshua: Baliw 'to.
Raphael: Hahaha eh bakit naman bubuksan ni Drea yung account mo kung wala siyang nase-sense na pagloloko mo, diba? May chix kang bago no?
Joshua: Manahimik ka nga! Tirisin kita diyan eh.
Raphael: Pero may chix ka?
Joshua: Oo, meron.
Raphael: Hahahahaha patay ka na kay Drea, pre! Condolence agad! Anong pangalan? Sino pala?
Sofia: @Drea Agustin
Joshua: Si Drea. Siya lang naman babae ko.
Sofia: Alam ko kinain mo kanina, mais. Hehehehe.
Joshua: Tss.
Raphael: Luma na yan, Joshua. Pero lagot ka talaga, hindi nagre-reply si Drea. Ganito, ichat mo ng ichat, h'wag kang titigil hangga't 'di nagrereply. Tapos kapag ayaw talaga, sabihin mo magko-commit ka ng suicide. You're welcome agad, pre.
Sofia: Mga galawang Raphael.
Raphael: Hahahaha effective 'to eh, diba?
Sofia: Hindi.
Raphael: Ouch :(
Joshua: Drea, galit ka ba? Sorry, hindi naman talaga totoo na may babae ako. Pahabol lang yung pangalan mo para may suspense pa hehehe. Pero seryoso, wala akong babae. Wala akong chix.
4:55 AM
Drea: Hindi naman ako galit, nawalan lang ng internet.
Sofia: Kaya pala nakakapag-chat kami no?
Drea: Tss. May inasikaso lang ako.
Raphael: Mabalik sa usapan, ikaw ba gumamit nung account ni Josh?
Drea: Nope, of course not. Hindi ko ginagamit ang account ni Joshua. Ever. Kahit alam ko yung password niya ay hindi ko talaga ginagamit.
Joshua: See Raphael? Dahil may tiwala sa'kin si Drea.
Raphael: Okay, fine. I'm defeated again.
Sofia: Josh, alis muna kami ha? Parang bigla akong kinabahan.
Joshua: Sige, ingat kayo!
Sofia: Gates are opeeeeen! HUMAYGHAD.
- - -
Author's Note: So sino sa tingin niyo ang creator? HAHAHA! H'wag muna masyadong ma-excite dahil wala pa nga 'to sa exciting part. Boring palang 'to. Sino nga ba ang creator? Comment inline sa mga pangalan nila kung sino sa tingin niyo ;)
1 | Zine Gutierrez
2 | Ezra Montealegre
3 | Joshua Imperial
4 | Sofia Santos
5 | Raphael Mendoza
6 | Drea Agustin
Tignan natin kung sino sa inyo ang tama. HAHAHAHA! XD. Don't forget to leave votes and comments. Thank you sa lahat ng mga nagbabasa. Stay cool~