The Teacher's Temptation (BxB...

Af YusTimmy

112K 3K 365

It's unbelievable that the one night stand can turn into something they didn't expected. Mapaglaro ang tadhan... Mere

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 5

7.1K 275 22
Af YusTimmy

TTT - Chapter 5

May kaunting sandali pa ng makita kong nagtatakbo papalabas si Victor. Bago man tuluyang umalis, ay nagbanta pa ito sa lalaking nagligtas sa akin. Hindi ko na inintindi pa ang kanyang sinabi at ang tanging gusto ko ay makaalis na rin sa lugar na iyon.

Ika-ika man akong lumakad dahil sa nakahawak ako sa aking tiyan, ay pili ko pa ring inihahakbang ang aking mga paa.

"Hey, are you okay?" bigla kong naramdaman ang paglapat ng kamay sa aking balikat.

Napapitlag ako at napalingon ngunit bumagsak ako. Napaupo at muling nagsisigaw. Natatakot ako. Sobrang kaba pa rin ang nararamdaman ko.

"Wag! Wag po! Lumayo ka! Wag mo ko hahawakan! Tama na!" sabi ko habang umiiyak at habang dumidistansya ako sa lalaking kaharap ko ngayon.

"Nagkakamali ka, hindi kita sasaktan. Wala akong gagawin sa'yo katulad ng ginawa sayo ng lalaki kanina." wika niya habang patuloy na lumalapit pa rin sa akin at sinusubukan akong pakalmahin.

"Hindi. Wag. Wag kang lalapit! Ayoko na. Lumayo ka!" pagpigil ko sa kanya na siya namang pinakinggan niya.

Nagpatuloy ang aking paghagulgol na siyang naririnig ko dahil sa echo na mayroon sa covered court. Nakadapa akong umiiyak at para bang pinag sakluban ako ng langit at lupa sa nangyari sa akin. Ilang minuto pa ang aking pananatili sa ganoong posisyon at para bang napagod ako sa aking pag-iyak.

Ramdam kong hindi pa umaalis ang lalaking nagligtas sa akin. Mayamaya pa ay tumikhim siya bago nagsalita.

"I know, hindi ka okay. Don't worry. I just want to help you. Wag kang matakot. Hindi kita sasaktan." malalim ang kanyang boses pero malumanay ang pagkakabanggit ng mga salitang iyon. Ramdam ko ang concern niya at paniniguradong hindi ako mapapahamak.

"Malamig ang sahig, you need to get up." sabi pa niya.

Dahan-dahan naman akong pumaupo at para na rin harapin siya. Nagpahid ako ng luha ko saka ako tumingin sa kanya.

Si Sir Tamayo, college dean adviser namin.

"S-sir."

"Hush." sabi niya at bigla itong tumayo. Inalok ang kanyang kamay na tipong tutulungan niya akong tumayo.

"It's getting dark. Tara na at baka nag-aalala na sa'yo ang pamilya mo. Before that, gamutin muna natin ang sugat mo sa labi at magpalit ng maayos na damit."

Nakangiti siya habang sinasabi iyon. Wala sa sariling inabot ko ang kamay niya at tuluyang tumayo. Ewan ko ba, nakakaramdam ako na safe ako. Na sinisigurado iyang ligtas ako. Wala akong ideya kung bakit at alam kong mabait na talaga siya. Kaysa bigyang pansin iyon, tumango na lamang ako.

Hindi niya binibitawan ang kamay ko. Kinuha rin niya ang bag ko at siya ang nagdala ng shoulder bag ko na iyon. Inakbayan niya ako na siyang nagbigay sa akin ng di magandang pakiramdam. Napatinag ako at napansin niya iyon.

"I'm sorry. Gusto lang kitang akayin baka kasi hindi ka makapaglakad ng ayos." paghingi niya ng paumanhin.

"K-kaya ko po, S-sir."

Ningitian niya ako at saka niya dahan-dahang ibinigay ang daan para makapaglakad ako. Ngunit hawak pa rin niya ako sa kamay ko.

Nakalabas kami ng covered court at di kalayuan ay naroroon ang kanyang kotse. He guided me to the passenger seat at may kinuha siya sa likuran ng kanyang kotse. Dali-dali naman din siyang sumakay at ipinakita sa akin ang first aid kit.

"Gamutin muna natin yang sugat mo sa labi bago kita bigyan ng damit para makapagpalit. Malapit naman dito ang condo ko kaya makakauwi ka rin agad. Ihahatid na lang kita para naman masiguradong maayos ka. And about Mr. Victor Requina, I will assure that he will be suspended dahil  sa ginawa niya sa 'yo."

"S-salamat, Sir. P-pero wag niyo na po ako i-ihatid. Nakakahiya po. Okay na yung naitulong niyong mailigtas ako."

"No, I insist. Baka kung anong pang mangyari sa 'yo. Buti nga at napadaan pa ako dito. I was about to work out by playing a basketball but then I heard a scream. And that's it..."

Binuksan naman niya ang first aid kit at kumuha g bulak. Lumapit siya ng bahagya para abutin ang mukha ko at para makita ko ang sugat ko sa bandang kaliwang sulok ng aking labi. Pinunasan niya ng bulak iyon. Marahan at maingat.

"If you don't mind, can I ask you about what happened? That bastard is about to rape you. Damn! Well, just forget it. What matter is I came just in time. Kung hindi baka kung ano pang nangyari sa 'yo."

Hindi naman ako nag salita pa at ramdam ko sa mga salita niyang nagagalit siya dahil sa ginawa sa akin ni Victor. Ayaw ko na rin namang isipin dahil naaawa ako sa sarili ko. Kahit hindi ko gusto ang nangyari, pakiramdam ko napakarumi ko. Hindi ko man lang nadipensahan ang sarili ko. Ang hina-hina ko.

"Hey. Don't cry. I-I'm sorry."

Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako. At pinahiran niya iyon. Agad naman akong tumalima at nagpunas ng aking sariling luha. Humingi ako ng pasensya at ganoon din siya. Nagsabi pa siyang hindi na niya ulit ako tatanungin tungkol doon.

Patuloy niyang ginamot ang aking sugat at nilagyan iyon ng band aid pagkatapos lagyan ng kaunting betadine. Kagaya ng kanyang sinabi ay pumunta kami sa kanyang condo upang doon ay makapagpalit ako ng damit.

Bago man ako bumaba ay ipinasuot niya ang kanyang jacket. Malaki ito sa akin pero nagdadalawang isip ako na sumama pa kay Sir Tamayo. Dahil lang sa pagpipilit niya at narito naman din na, ay wala na akong nagawa.  Kaysa naman umuwi ako ng sira ang damit ko at pagtinginan pa ako ng mga tao sa amin. Baka mag-alala pa ang mga kapatid ko.

Dahil sa 9th floor daw pa ang kanyang unit ay sumakay pa kami ng elevator. Sa pagpasok pa lang ay alam kong may mga matang nakatingin na sa amin... sa akin. Nakatungo lamang ako at kahit na ganoon ay ramdam kong nakatuon ang mga mata nila sa akin.

Sino nga ba kasi ang lalaking magdadala ng isang katulad kong muntikan ng ginahasa at hindi maayos ang hitsura? Yung tipong nakaakbay pa sa 'yo at ginagabayan ka sa paglakad. Nakakahiya lang. At saka, may tindig din itong si Sir Tamayo. Makinis ang kanyang balat at kita ang tattoo niya sa kanang braso niya pero malinis pa rin tignan. Kahit na nakat-shirt siyang white na pinatungan ng jersey na damit ay kita pa rin ang hubog ng kanyang mga braso at balikat. Alam ko, bagong adviser lang siya ng college dean. Kalilipat lang ata niya nitong simula ng pasukan.

Kahit sa elevator ay alam kong may nakatitig sa akin. Kahit hindi na ako tumingin sa paligid ay ramdam ko iyon. Iba na ngayon ang mga mata ng tao. Masyadong mapanghusga.

Hindi ko na lamang binigyang pansin at hanggang sa makarating kami ng kanyang unit at tahimik lamang ako at nakayuko.

"We're here. Feel at home. I will get you some clothes." sabi niya ng nakangiti at iniwan niya ako nakatayo malapit sa sofa kung saan niya inilapag ang bag ko. Malinis at maganda ang kanyang unit. Maraming stuffs like paintings and vase pero hindi masakit sa mata tignan. Pili at may theme siya. Maayos na nakalagay ang mga ito at pastel peach ang kulay ng ibang stuffs niya na nagbigay compliment sa kanyang buong unit. Maliwanag at nakakarelax ang ambiance.

Nawala ang paningin ko sa paglilibot ng biglang tumunog ang aking cellphone sa bag. Agad kong kinuha iyon at pangalan agad ni Alliro ang bumungad sa akin. Tumatawag siya. Shet! Oo nga pala.

"Hello. Alliro?"

"Nasan ka na Kuya Arsyn? Naghihintay na sila Allina at Akiro. Sabi mo uuwi ka ng maaga dahil birthday ni Akiro." may lungkot sa boses ni Alliro.

Nasapo ko ang aking noo at saka siya sinagot.

"Sorry. Pauwi na rin ako. May tinapos lang akong project. Dadalhan ko na lang kayo ng pasalubonh okay? Pagpasensyahan niyo na. Babawi ako." walang tigil na sabi ko.

"Okay. Gutom na kami. Hinihintay ka lang namin Kuya, para sabay-sabay tayo." boses ni Allina. Alam kong nakaloud speak sila dahil nag eecho ang mga boses nila after nilang magsalita.

"Pauwi na ba si Kuya, Kuya Al? May stick-o ba daw?" Birthday ko naman, sabi dalhan niya ko stick-o ulit!" tinig ni Akiro.

"Oo. Dadalhan kita ng stick-o Akiro okay. Hintayin niyo ko. Pauwi na rin ako. Sige na. Kung gutom na kayo kumain na kayo ha, kahit kaunti.. Tapos kain ulit tayo pagdating ko. Pasalubungan ko kayo, promise." sabi ko agad.

"Sige Kuya, ingat ha. We love you!" wika ni Alliro. At sumunod naman na nagsabi sila Allina at Akiro.

"Mahal na mahal ko rin kayo. Sige na."

"Baba ko na Kuya. Salamat."

"Okay. Bye."

Yun lang at nawala ang linya.

"Are you in a hurry?" napapitlag ako sa boses ni Sir Tamayo. Nakatayo na siya di kalauyan sa pwesto ko.

Napatango na lamang ako at kinuha ang bag ko.

"Wait. Here! Eto lang siguro ang tama sa katawan mo kaya eto na lang ang damit na mapapahiram ko." at inabot niya sa akin ang kulay pastel green na jacket. Mahilig ba siya sa pastel colors? I think it suits him. Kung siya ang magsusuot ng ganitong damit, litaw ang kanyang puti and it will compliment his style.

Inabot ko naman iyon at nagpasalamat. Agad ko namang tinanggal ang kanyang black jacket na binigya kanina at ang aking nasirang damit na nahati sa gitna at parang naging polo sa pagkakasira si Victor. Inilapag ko ang mga damit na hinubad ko at napansing nakatingin sa akin si Sir Tamayo. Nakatitig siya sa katawan ko.

Shet!

Agad akong tumalikod at dali-daling isinuot ang damit na ibinigay niya sa akin. Pagkatapos ay agad akokg humarap ngunit siya ay parang natulala na sa kawalan. Tinawag ko ang kanyang atensyon na siyang waring nagpabalik sa kasalukuyan.

"I-I'm sorry. L-let's go?" medyo utal niyang tugon sa akin.

Tumango lamang ako at saka siya nagyaya na umalis na at baka raw magtagal pa ang naghihintay sa akin. Tinanong niya kung sino ang tumawag at sinabi ko naman ang totoo.

Nasabi ko rin na kailangan kong makabili ng pasalubong sa aking mga kapatid at lalo na sa birthday boy na aking kapatid. Mayroon naman akong pera at sapat iyon para makabili ng gusto ng mga kapatid ko. Nang makabili ng para sa mga kapatid ko ay nagulat na lamang ako ng itigil niya ito sa isang cake shop.

Agad ko siyang tinanong at sinabing bibili ng cake pero akin siyang kinontra. Sabi ko pa ay hindi na kasya ang aking budget para sa cake. Wika ko pa ay hindi naman kailangan pa ng cake dahil okay na kung magsalo-salo kami sa mga kinayang bilihin naming pagkain para sa birthday ng aking kapatid. Ngunit nagpumilit siya at siya na raw ang bahala doon. Kumbaga ay parang regalo na niya para sa aking kapatid. Nakakahiya, aking tugon sa kanya. Wala na akong nagawa dahil nagpumilit siya at kita ko na gusto niya talagang bigyan ng presence ang bday nang kapatid ko.

"Bakit niyo pala ginagawa ito, Sir? I, I mean h-hindi naman po tayo ganoong magkakilala at sapat na po na tulungan niyo ako kanina at bigyan pamalit sa nasirang damit."

Hindi siya kumibo ng ilang segundo at para bang naghahanap rin ito ng kanyang isasagot.

"Maybe, l-let's say na malapit lang ako sa mga bata? I mean, I always want to have my own little brother or sister  but my parents can't give it to me. That's why, I always feel I am obligue to do such things like this when it comes to little children. So, let me do this. At isa pa, para maibaling mo rin yung atensyon mo sa saya na mararamdaman mo kaysa isipin ang kaninang nangyari. It may cause you trauma. But I will make sure that Victor will get his suspension or got expelled because it's a sexual harrassment."

Hindi ako nakapagsalita kundi ang tanging lumabas ang aking bibig ay isang pasasalamat sa ginagawa niyang ito. Sobrang bait niya. Hindi ko alam kung paano ko maibabalik ang kanyang nagawang tulong sa akin. Isama pa ang isang presence na minsan ko lang maibigay sa mga kapatid ko.
.
"Salamat talaga, Sir. Hindi ko po alam kung paano makakabawi sa kabutihan ninyo pero sikapin ko po na kahit papa'no ay maibalik ko ang busilak na ginawa niyo para sa akin." sabi ko ng may sinseridad at nakatingin sa kanya habang nagmamaneho ng kanyang kotse papunta sa amin.

"You owe nothing from me. It's a free will."

"Hindi, Sir. Kahit kaunting bagay lang ay sana maibalik ko sa inyo."

"A simple and sincere 'thank you' from you is enough. Pero maiba ako ha, kanina pa tayo magkasama, pero di ko man lang nalalaman pa ang pangalan mo?"

"A-Arsyn. Arsyn po, Sir."

"Unique, huh?"

"Ariel Syron po talaga yun Sir. Pero Arsyn po ang pinalayaw sa akin ni Nanay."

"I see."

Nagkaroon ng katahimikan sa loob ng kotse matapo ang konbersasyon kung saan niya ako ihahatid. Nakakahiya nga sa kanya dahil baka mabigla siya at hindi expected ang kanyang mapupuntahan. Itinuro turo ko pa ang daan dahil medyo may pasikot-sikot din ang bahay namin. Nakarating kami ng ayos sa bahay ngunit kita sa kanya ang pagtataka. Hindi ko mawari kung may sensitibo ba siyang nararamdaman kapag ganitong lugar ang pinupuntahan niya. Magulo, maingay at may kakiputan ang daan. Hindi naman masyadong marumi subalit kita pa rin na sa mahirap na pamilya pa rin ako galing.

"Sorry, Sir ha. Kasi ganito yung napuntahan niyo. Sabi ko naman po sa inyo hindi niyo na ko kailangang ihatid."

"No. You don't need to say that. Yes, ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar pero, it's just a surprise. I thought, lahat ng students sa Forth Eulysis University ay mayayaman. Wag mo sana masamain. I just wonder how you manage to afford all the expenses?"

"Working student, Sir."

"Oh. I see. That's good. I'm sure your parents are proud of you."

Hindi agad ako tumugon sa kanyang tinuran. Bagkus ngumiti ako ng peke at niyakag siyang bumaba ng kotse at sinabing naghihintay na ang mga kapatid ko. Sumunod naman siya at dinala ang cake na binili niya. Buti at kakaunti na ang mga nasa labas na mga kapitbahay. Alam kong kapag narito sila at nakita nila ang kasama ko ay mag-iisip na yan ng kung ano-ano.

Pagbungad ng pintuan ay agad sumalubong sa akin si Akiro. At yumakap sa aking baywang.

"Kuya! Birthday ko ngayon. 6 na ko di ba tapos magiging 7 na tapos magiging bigboy na ako malapit na di ba?"

Napangiti naman ako sa kanya at umupo upang magpang-abot ang aming taas. Ginulo bahagya ang kanyang buhok sabay na ngumiti.

"Oo naman. Malapit na yun, bunso. Pero dapat lagi ka papakabait ha. Magiging big boy pero hindi magiging bad boy, okay ba yun?"

"Yes naman, Kuya! Di ba promise ko lagi sa inyo yun. Kanina nga sa school eh, nakakakuha ako 5 stars! Kase sabi ni titser, galing daw ako sumagot. Tapos kinantahan pa nila ako ng happy birthday."

"Good boy naman talaga ng bunso ah. Kaya eto, may regalo ako sa 'yo." kinuha ko sa bitbit kong paper bag ang isang set ng iba't-ibang kotse na binili ko kanina at ang isang pack ng stick-o na paborito niya."

"Happy Birthday sa good boy na si Akiro." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Wow! Mga kotse! Pati stick-o! Salamat Kuya!' sabi niya at biglang yumakap sa akin.

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo naman, Kuya." kumalas naman siya ng yakap at biglang napatulala na nakatingin sa aking likuran.

"Si-sino po siya, Kuya? Kasama mo?" sabay turo sa taong nasa likuran ko.

Shet! Kasama ko nga pala si Sir Tamayo.

"Ah. Eh. Kaibigan ko siya Bunso. Hinatid lang niya ako."

"Talaga po? Di ba yung mga magshota lang yung mga naghahatidan. Pwede rin pala yung kaibigan?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ng kapatid ko.

"Akiro, san mo nakuha yan ha?"

"Sabi po kasi ni Kuya Alliro, kapag may shota daw naghahatid yung lalaki sa babae. Kasi sabi niya may sho--- umpphh!" biglang sulpot ni Alliro sa likod ni Akiro at tinakpan ang bibig ni Akiro.

"Mali yung pagkakaintindi niya, Kuya! Alam mo naman 'tong batang 'to, matalino. Malikot din ang pag-iisip." sabi agad ni Alliro na may pilit na ngiti.

"Alliro!" bigla akong tumayo.

"Alam mo naman ang bilin ko di ba tungkol sa mga dapat sabihin kay Akiro."

Tumango at yumuko si Alliro. Binitiwan naman niya si Akiro. Bumaling naman ako kay Sir Tamayo na na ngayon ay nakatayo at nakangiti sa senaryong nakikita.

"Sorry, Sir ha. Ganito talaga itong mga kapatid ko. Pagpasensyahan niyo na po."

Tumawa siya ng matipid.

"It's okay. I think you have cool little brothers. I really wish I have atleast one." kita ko sa mata niya at ramdam ko sa boses niya kung paano niya gusto magkaroon ng kapatid. Hindi ko natanong kung bakit hindi siya mabigyan ng kanyang magulang. Ayaw ko rin naman itanong dahil wala naman ako sa lugar para alamin pa iyon. I mean, baka private o personal na kung itatanong ko iyon.

Imbis na magtuon sa lagay na iyon ay ipinakilala ko siya sa mga kapatid ko at niyayang pumasok sa loob. Wala naman soyang nasabi sa bahay namin dahil malnis naman ito kahit papaano. Tinuruan ko kasi si Allina ng mga gawaing bahay at nagagawa naman niya iyon ng tama. Wala akong kaide-ideya na magiging ganito agad sila kakulit.

Pagkapasok pa lamang ni Sir Tamayo, ay inusisa kaagad siya ni Akiro. Kung anu-ano ang tinanong na minsan ay sinusuway ko pero pinipigilan naman ako ni Sir Tamayo. Hayaan na lamang daw niya at ipaubaya na kahit papa'no ay maging kapatid ang turing kay Akiro at Alliro. Siyempre nga panglalaki na bagay ang pag-uusapan nila.

Lalo na kay Alliro na ngayon ay nasa teenager stage at kinse anyos na. Ewan ko ba nabigla lang ako at talagang nakikita ko kay Sir Tamayo na nagsasaya siyang kakulitan at kakwentuhan ang dalawa kong kapatid.

Kumain kami ng sabay-sabay at hindk nagdalawang isip na saluhan kami ni Sir Tamayo. Bukod sa mabait ay hindi siya mapili sa pagkain. Nagluto kasi si Alliro at Allina ng kaunting handa. Binigyan ko sila ng budget para makapamili at makapaghain ng handa ngayong kaarawan ni Akiro.

Sopas, isda at kanin ang nakahain noong una. At dahil sa binili ni Sir Tamayo na cake ay natuwa talaga si Akiro. Nagwish pa ito at nagblow the candle. Hindi ako nakaramdam ng kung anuman kung di ang makitang masaya ang mga kapatid ko ay masaya na ako.

Tama si Sir, naibaling niya ang aking takot at pagkalungkot dahil sa saya na naidulot niya sa mga kapatid ko.

Natapos ang salo-salo at napasyahang umuwi ni Sir Tamayo dahil malalim na rin ang gabi. Nagpasalamat ang mga kapatid ko at sinabing sa uulitin ay dumalaw siya at magkaroon ng bonding.

It was an experience para kay Sir Tamayo. Habang hinahatid ko siya sa kanyang kotse ay naglabas siya ng kanyang nararamdaman. Masaya at talaga namang kita ko sa kanya ang galak na nararamdaman niya base sa kanyang pagkekwento at pagsasabi ng feeling na makabonding ang mga kapatid ko.

"Well, mapapabalik ata ako sa inyo, Arsyn. It's a nice thing you know. I will surely have some fun next time with your brothers." wika niya nabg makarating kami sa kung saan nakaparada ang kanyang kotse.

"Kung yan po ang gusto niyo pero, nakakahiya po Sir."

"No. It's okay. And wag ka nang mahiya. Ituring mo na lang na parang kaibigan mo ako."

Tumango ako at ngumiti.

"Oh siya. Next time ulit and thanks sa gabing ito. I don't regret na sumama ako ako sa 'yo. And I hope kahit papa'no ay nawala sa isip mo ang nangyari kanina."

"Salamat, Sir." wala talaga akong ibang masabi kung hindi salamat. Laking pasasalamat ko na talaga sa taong ito.

"See you next time."

"Ingat po Sir."

Sumakay na siya ng kotse at pinaandar na niya ito. Pinanood ko lamang ang kanyang pag-alis hanggang sa maglaho sa apningin ko ang kanyang sasakyan.

May masama mang nagyari ay napalitan iyon ng saya kahit papano. Salamat talaga, Sir Tamayo.

----

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

133K 6.1K 75
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
24.4M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy