Heiress(Part One:COMPLETED)

De DarkDreamerGirl

108K 2.1K 40

Heiress ~PART ONE~ Graecielle Jane Crisanto or simply Cielle, ay isa lamang ordinaryong teenage girl. Pero hi... Mais

Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Special Chapter
Epilogue

Chapter XI

2.3K 51 0
De DarkDreamerGirl

Cielle's POV

Grand University Swimming Area

Prrrrrrrrt!

Napapikit pa ako dahil sa pagpito ng P.E teacher naming si Ma'am Melissa sa mismong tabi ko pa man din. Sakit sa ears. Huhu.

"Miss Crisanto, ba't ka pa nakaupo riyan? Ikaw na ang susunod. Move!" Tila'y napako naman ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. Ako na talaga? Huhu. Parang hindi ko kayang gawin yung pinapagawa niya.

Bibigyan ko kayo ng dahilan kung bakit hindi ko kaya.

Una hindi ako marunong lumangoy. Oo at nandito ako para maturuan pero it's so hard talaga!

Pangalawa Takot ako sa tubig..Joke! Hindi naman sa takot ako sa tubig sadyang na-trauma lang talaga ako.

Nung bata pa kasi ako muntikan na akong malunod. Pero buti na lang at may nagligtas saakin kaso nga lang hindi ko man lang nakilala kung sino iyon.

"Uy Cielle!" lumapit saakin si Miria.

Ngumiti lang ako pagkalapit niya.

"Teka kanina ka pa nasa isang sulok a. Ikaw na raw next." wika niya.

"H-Huh?" Nauutal kong sabi. Kinakabahan talaga ako.

"Ang sabi ko, bakit kanina ka pa nandiyan sa sulok? Ikaw na raw next sabi ni Ma'am." Natatawa niyang sabi. Napatingin lang ako sa suot niyang swimming wear. Long sleeve kasi yung rash guard niya samantalang lahat kami half sleeve lang dahil iyon yung ni-provide ng school.

"Pwedeng mag-pass muna?" Sabi ko.

"Bakit? May problema ba Cielle?" Takang tanong niya. Tumango naman ako. Kaya parang nagulat naman siya.

"E kasi--shocks, paano ba 'to?" Hindi ako mapakali. 'Di ko talaga alam paano sabihin.

"Natatakot ka bang mag-swimming?" Dagdag niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero unti-unti ay tumango ako. Nakakahiya.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko at napatingin ako sakanya.

"Okay lang yan Cielle. Kaya nga tayo nandito sa swimming class para maturuan tayo. Alam kong makakaya mo yan. Aalalayan kita. Don't worry." Nakangiti niyang sabi sabay nag-thumbs up ito.

Kanina pa tapos yung iba kong kaklase at basic palang naman yung itinuro saamin kaso ako naman 'tong nakakaramdam talaga ng kaba kapag kaharap ko itong pool. Wala na akong nagawa kaya naman nagpunta na ako sa tubig. Syempre dun na muna sa mababaw. Kahit na medyo takot ako ay sinubukan ko pa rin. Mabuti at nakaalalay lang itong si Miria saakin. Naging mabuti naman ang unang sabak ko. Wooh!

Matapos ng ilang mga oras ay nadismiss na rin kami. Nga pala magkasama ang klase namin sa klase nila Che sa P.E. kaya andito sila kanina kaso nauna ng magpaalam saamin dahil may pupuntahan daw siya. Suss! May date nanaman ata. Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko masyadong nakakasama si Cheyenne. Tanging si Miria ang nakakasama ko. Hay. Kahit na maingay si Che at nakakainis ay hindi ko parin naman maiwasang mamiss ang babaeng yun.

.......

.......

.......

.....

"Cielle. Halika na't maglunch na tayo." Tawag saakin ni Miria. Kaya sumunod na ako.

"Sa tingin mo may kadate ba yung si Cheyenne?" Tanong niya habang naglalakad na kami palabas ng shower room.

"Ewan ko ba doon." Tipid na sabi ko lang. Narinig ko naman siyang tumawa kaya taka ko itong tinignan.

"Siguro namimiss mo na siya, mali ba ako?" Panunuya lang niya. Ngumiwi lang ako dahil sa sinabi niya.

"E yung gwapong kasa-kasama niyo pala? Sino na ulit yun?"  Biglang tanong niya naman. Tumaas ang isang kilay ko.

"Yung si Glaire ba? Bakit crush mo? Sige irereto kita." Inis ko sakanya. Napangiti naman siya.  At ayun kita nga ang braces niya. Nako! Crush nga talaga ng lola niyo.

Nagpunta na kami sa pinupuntahan naming pwesto. Dito ang napili namin dahil parang nagpipicnic lang ang setting. Mahangin kasi dito at natatakpan pa kami nitong puno. Mas payapa dito kesa naman dun sa cafeteria.

Inilabas na namin ang kanya kanya naming mga baon. At nagshare na lang kami.

"Hay nakakabusog! Sarap naman niyang baon mo Cielle." Wika ni Miria habang hinihimas pa yung tiyan niya. Grabe din pala 'tong kumain. Nasarapan lang naman kasi siya dun sa baon kong tortang talong at ako naman ibinigay niya yung baon niyang fried chicken. Hay! Ewan ko ba sa mayayaman, ngayon lang ata to nakatikim ng ganyan.

"What do you call that again? Tinolang Talong?" Tanong niya. Kamuntik pa akong nasamid pagkasabi niya noon. Ano raw?! Tinolang talong?

"Seryoso ka ba? Saan mo naman nakuha yan? Tortang talong po yan Madam!" Natatawang sabi ko. Grabe a. Epic talaga 'to.

"Sensya naman daw. E sa ngayon lang po kasi ako nakakain niyan. Infairness masarap siya." Nakangiting wika niya. Matapos nun ay natigil na rin ako sa pagtawa. Tumagal din kami sa ganoong ayos ng magsalita siya ulit.

"Cielle, magkwento ka naman tungkol sa pamilya mo. Mukha kasing ang saya ng buhay niyo." Wika niya habang nakapikit siya.

"Suss! Kala mo lang yun. Malateleserye ang buhay ko kung alam mo lang, Miria." Wika ko habang nakapikit at dinadama ang masarap na simoy ng hangin.

"Okay. So simulan mo na din ang  magkwento." Sabi niya kaya naman napabuntong hininga na lang ako.

"Alam mo naman siguro na nagmula ako sa isang mahirap na pamilya at scholar lang ako dito sa University na ito," tumango naman siya." Syempre gusto kong makaraos kami sa buhay ng aking ama na may sakit. Kaya gusto kong magnurse.

Kahit na ilang beses pa nilang tapakan ang pag katao ko, hindi ako sumuko. Nakaranas na rin kasi ako na mabully kaya nag-aaral ako ng mabuti para  may patunayang hindi ako basta bastang nagpapatalo. At para kay itay din ito, lalo pa't wala din akong nakagisnang ina." napatingin naman siya saakin.

"Wala ka ng ina?" Tanong niya. Tumango naman ako.

"Oh sorry." wika niya kaya umiling naman ako.

"Okay lang. Masaya parin naman ako, dahil andyan pa ang aking Ama na gumagabay saakin. Pero minsan naiisip ko rin si Inay. Naiisip ko rin kung paano ba magkaroon ng Ina?" Sabi ko. Medyo nangingilid na rin yung luha sa mata ko. "Oo alam ko ang pangalan niya pero ni hindi ko man lang siya nakilala." Gumaralgal na rin yung boses ko kaya nagulat ako ng yakapin ako ni Miria.

"Ayos lang yan Cielle. Naiintindihan kita" Malungkot na wika niya saakin.

Kumalas ako sa ginawa niyang pagkakayakap at saka siya tinignan.

"Ayos lang naman ako. Sa totoo nga niyan binigyan niya ako ng kwintas. Iniabot to ni Itay nung kaarawan ko. Hinabilin daw to ni Inay. Taka nga ako na may ganto siyang pag aari e. Mukhang mahal pa naman. Kaya masaya na rin ako kahit papaano." Nakangiting wika ko. Nakita ko naman siyang napabuntong hininga saka ngumiti na rin siya.

Lumipas ang oras at puro tawanan na lang ginawa namin ng biglang may maalala ako.

"Oo nga pala, may test pala kami mamaya sa English." Saka ko hinalungkat sa bag ko yung notebook ko. Teka asan na ba yun bakit nawawala ata.

"Hallah! Nasan pala yung notes ko sa English?" Hinanap-hanap ko sa loob ng bag ko pero wala at inilabas ko na lahat ng laman nito.

Pero biglang naalala ko rin kaagad kung nasaan ito.

"Oo nga pala. Nasa kay Glaire pala, hiniram niya kahapon dahil sa kaka-absent niya. Jusko! Asar talaga. Makuha na nga lang yun mamaya. Hindi ko pa tuloy sure if papasok siya ngayon!" Bongga naman talaga ang frustration na hatid ng lalaking iyon. Sa kung bakit naman kasi ipinahiram ko pa sakanya yung notes ko gayoong alam kong pala-absent siya. Masyado na ba talaga akong mabait? Ugh!

Bigla namang tumunog yung phone ni Miria kaya tumayo muna siya at inexcuse ang sarili niya. Tapos bigla namang nagvibrate yung magandang cellphone ko. Tinignan ko kung sino yun.

Unregistered Number siya. Sino naman kaya ito? Binuksan ko naman yung text.

"Hey! This is Glaire. Meet me at the swimming area."

Yun ang text niya. Teka pano niya nalaman yung number ko? Si Che at si Miria lang ang binigyan ko e. Oh well baka tinanong niya si Cheyenne rito. Alam kong hinding-hindi niya matatanggihan si Glaire.

Tapos na rin si Miria makipag-usap sa phone niya. Kaya nagpaalam naman na ako sakanya sinabi kong pupuntahan ko lang si Glaire para kunin na iyong notes ko. Sinabi pa niyang sasamahan na niya ako para sana makita yung si Glaire kaso kailangan na niyang umuwi rin dahil tumawag sakanya yung Mama niya kaya naman nagpaalam na kami sa isa't-isa.

Kasalukuyan na akong naglalakad papuntang swimming area. Nagtaka lang ako saglit dahil bakit naman naisipan ng lalaking iyon na doon pa kami magkita sa may swimming area? Nasabi kaya ni Che na nandodoon kami kanina kaya siguro nagpunta siya doon para ibigay ang notebook ko.

Hay! Bahala na nga. Basta makuha ko lang yung notebook ko, okay na ako.

.....

.....

.....

Third Person's POV

Ang binatang si Glaire ay abala sa paghahanap kung nasaan ba sila Cielle at Cheyenne. Hindi pa kasi niya naibabalik ang kanyang hiniram na notebook kay Cielle.

Naiinis naman siya dahil nakalimutan niyang kunin ang number ni Cielle, kaya hindi niya matext ito.

"Tss. Those two idiots, where are they?!" Inis na wika niya. Inisip pa nga niya'y baka sa sobrang kakaimagine ni Cielle ay baka naflash na daw ito sa inidoro o kaya'y nahulog na ito sa manhole.

Pero di nagtagal ay nakita niya si Cheyenne na may kasamang lalaki. Inisip naman ni Glaire na mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang kasama nito kaya naman agad siyang lumapit sa mga ito.

"Cheyenne" cold na wika ni Glaire dahilan para mapatigil sila sa pag-uusap. Si Glaire naman ay nakatitig lang sa lalakeng kasama ni Cheyenne.

"Oh Glaire. Bakit? May kailangan ka?" Nakangiting sabi ni Cheyenne. Tinignan naman na siya ni Glaire.

"Can we talk?" Seryosong wika ni Glaire. Tumango naman ang dalaga saka nagpaalam sa kasama.

"Where's daydreamer?" Seryosong tanong ulit ni Glaire. Napatawa lang ang dalagang kaharap niya dahil sa binanggit niyang pangalan ng kaibigan nito. Tinaasan lang siya ng kilay ng binata.

"Si Cielle ba? Kasama niya ata si Miria kanina. Hindi ako sumama sakanila e." Sagot sakanya ng dalaga.

"Tss. And you prefer to be with that freak over there than to be with that airhead friend of yours?" Glaire said in a cold tone.

Parang nagulat naman si Cheyenne sa iniasta ni Glaire.

"At sino naman yung Miria na tinutukoy mo?" Inis na dagdag ng binata.

"B-Bagong kaibigan namin siya ni Cielle, Glaire. S-Sorry." Utal na wika ni Cheyenne.

"Tss. Nevermind." Seryosong nasabi nalang ni Glaire.

"Just tell me where are they. Bilisan mong sumagot?" Nakaramdam naman ng takot si Cheyenne sa boses ni Glaire na parang ini-interrogate siya.

"Ummm...A-Ano...Subukan mo dun sa Mini park. Madalas kami roon. Siguradong nandoon sil---

Hindi na natapos ni Cheyenne ang sinasabi niya ng mabilis na tumakbo palayo si Glaire.

Mabilis ding nakarating ang binata sa lugar na tinutukoy ni Cheyenne dahil na rin sa pagiging assassin niya. Hinanap niya si Cielle pero wala siyang nahagilap ni anino nito. Halos nalibot niya na rin kung saan- saan pero wala talaga.

"Tss! Asan ba yun?" Inis na wika niya. Pero may biglang nagsalita mula sa likuran niya.

"Are you looking for Graecielle?" Isang malamig at seryosong boses ng isang babae ang kanyang narinig kaya mabilis na nilingon niya naman ito.

Isang babaeng nakasuot ng salamin na kulot pa ang mahabang buhok nito. Wala ding emosyon na makikita sa kanyang mga mata. Kumunot ang noo ni Glaire nang mapansing pamilyar para sakanya ang babaeng kaharap ngunit hindi niya ito maalala.

"And who are you? Ano naman sayo kung hinahanap ko siya?" Cold din na wika niya sa dalaga. Napangisi naman ang babae saka siya tinalikuran pero bago pa siya lumayo ay may sinabi ito.

"She said a while ago that a person named Glaire will meet her at the swimming area to give back her notebook," Nagulat naman siya sa sinabi nung babae. "Go now. Before it's too late. She's very clumsy after all." Saka tuluyan ng lumayo ang babae.

Nakaramdam kaagad ng kakaiba si Glaire sa pananalita ng misteryosong babae kaya naman mabilis nang tumakbo ito palayo patungong swimming area ngunit bago siya makalabas ng mini park ay liningon niya muli ang dalaga pero wala na ito. Napangisi naman si Glaire nang biglang may maisip ito.

"Hope she's not yet dead because of her clumsiness and stupidity."

Cielle's POV

Teka nasaan ba yun? Kanina pa ako nag-aantay dito. Anong oras na? Kailangan ko nang umalis. May klase pa kami mamaya.

Nakatayo lang ako sa may entrance dito sa may pool area at kanina pa palinga-linga sa paligid pero wala man lang bakas ng Glaire.

Pero laking gulat ko ng may mabilis na ninja na nakaitim at nakamaskara ang bigla na lang sumugod palapit saakin.

Nabigla ako lalo nang maabot niya ang leeg ko para sakalin pero hinawakan ko yung kamay niya para tanggalin ito kaso masyadong mahigpit ang naging paghawak niya.

"A-Ak!!Ugh!" Hindi na ako masyadong makahinga! Pero di ako nagpatalo dahil sinipa ko siya kaagad sa sikmura kaya napabitaw siya. Ngunit nagulat pa ako dahil sa bilis niyang makarecover kaya hinawakan nanaman niya ang leeg ko.

Sh*t! Ano bang problema nito?! Sumisikip na ang pagsakal niya saakin at nagpumiglas  na ako. Unti-unti ay napapa-atras na ako hanggang sa 'di ko namalayang umabot na kami sa pool at sabay kaming nahulog dito.

*SPLASH!!*

Nahulog kami sa pinakamalalim na parte nitong pool at doon ko na naramdaman ang pagbigat ng pakiramdam ko at agad-agad lumabas ang mga imahe sa aking isipan. Ang mga imaheng nangyari noong bata pa lang ako kung saan nahulog ako sa ilog.

Muling bumalik ang mga alaalang kinatatakutan ko at ganoon din ang pag-usbong ng matinding takot sa buo kong katawan. Nararamdaman ko nanaman ulit ang naramdaman ko noong panahon na iyon.

"HMMMM! AAAAAAKKK!" Hindi na ako makahinga. Pilit pa rin akong nagpupumiglas dahilan para matanggal ko ang suot niyang maskara at nagulat ako dahil tumambad ang mahabang buhok nito at sigurado akong babae ito ngunit hindi ko siya mamukhaan dahil ramdam ko na ang pagdidilim ng paningin ko.

Naramdaman ko na nakalmot ko pa ang mukha niya hanggang sa tuluyan nang magdilim ang lahat-lahat.

Panginoon, ito na ba ang oras na makikita ko kayo ni Inay?

.......

Continue lendo

Você também vai gostar

3.9K 320 46
(Sky Light Academy Series #4) Highest rank achieved so far #2 in Bodyguards and #59 in Teen Fiction In Sky Light Academy those who are popular and ri...
60.1K 1.5K 39
Anong klaseng eskwelahan ito? Napaka misteryoso. Sino ba ang nagtayo ng ganitong klaseng unibersidad ? Anong klaseng mga estudyante ba ang mga nagaar...
19.3K 437 48
This is the kingdom where all magic lies. Dana is a princess and also a warlock in the world of Magique. She has to go back to her real world to save...
22.3K 1.3K 49
"Welcome to Luna Academy! Where you can train and enhance your skills and abilities as a vampires and werewolves." *** Harriet Ysabelle Dixon, an orp...