Adam's Verdict PHR (COMPLETE)

greciareine által

126K 2.4K 134

"If I'm going to give myself a verdict right now, I'm definitely guilty. Guilty of loving you then and even n... Több

CHAPTER ONE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN

CHAPTER SIX

8.5K 175 4
greciareine által

CHAPTER SIX

ILANG araw ang lumipas sinikap ni Jenna na maging maayos ang takbo ng buhay niya. Masaya naman siya kahit paano dahil madali na niyang matapos ang ginagawang masterpiece. Hindi rin niya makausap si Anne dahil umalis ito papuntang Italy dahil may dadaluhang exhibit doon.

Nagdesisyon siyang lumabas muna ng condo at maglibot sa malapit na mall. She had a habit of going shopping everytime she was feeling alone. She needs to take a break after all. Napaadaan siya sa kids section ng mall at isang tao ang hindi niya inaasahang makikita.

"Jenna-chan!" tawag nito sa kanya. May kalong itong isang cute na batang lalaki na tantiya niya ay dalawang taong gulang pa lang.

"Yuruichi? Oh my gosh, long time no see! Anak mo na ba yan?" lumapit siya rito. Sandali nitong ibinaba ang bata at yumakap sa kanya.

"Yes, how are you? Ang ganda mo pa rin." Muli nitong kinarga ang bata.

"Thanks. What's his name?" pinisil niya ang matambok na pisngi ng bata.

"Kenichi. By the way are you married? Kakauwi ko lang kasi ngayon dito sa Pilipinas. I marry a Japanese girl."

"I'm unfortunate in terms of love life. My groom jilted me on our wedding day." She slightly raised her shoulders. Ngayon ay nasasanay na siyang sabihin ang mga nangyari sa kanya nang hindi na siya masyadong naaapektuhan.

"Oh, I'm sorry to hear that. I thought magkakatuluyan kayo ni Adam." Natatawang wika nito.

Namilog ang mata niya. "You know that's impossible Ichi, masyado pa akong bata noon."

"Come on, I'll treat you for lunch. Mukhang marami tayong dapat pag-usapan." Natutuwang wika ni Ichi.

Tinungo nila ang isang Japanese restaurant at agad na nag-order ng pagkain.

"Balitaan mo naman ako kung anong nangyari saiyo nang bigla ka na lang nawala matapos ang gulong nangyari noon?" curious nitong tanong.

"Well, I was forced to transfer at ipinatapon ako ng daddy sa Amerika para doon na mag-aral. Hindi ko na pinagpatuloy ang architecture, kumuha na lang ako ng fine arts sa Yale University."

"Kaya naman pala hindi na tayo nagkita pa. Don't worry, I gave the letter to Adam." He winked at her.

"Ah, yeah, the letter." Bahagya siyang natawa, "Huwag na nating pag-usapan ang mga nangyari tutal matagal na panahon na iyon."

"Correct." Ngumiti ito at sinubuan ng sashimi ang anak nito.

"Ang cute ng anak mo." Hindi niya maiwasan na humanga rito. Kung gaano ito kapasaway noong kabataan nito, ngayon kitang-kita na isa itong mabuting ama sa anak nito.

"Natural kanino pa ba magmamana?" pagyayabang nito.

"Yeah, kanino pa ba kundi sa mommy niya di ba?" pang-aasar niya. Kapwa sila nagtawanan.

Marami pa silang napagkuwentuhan hanggang matapos silang kumain. Mabuti na lang pala at lumabas siya.

Kapwa sila natigilan nang may lumapit na lalaki sa kanila.

'Not again.' Lihim siyang nagbuntong hininga.

"I'm sorry to disturb you. Jenna, this is urgent. Meet me up tonight sa dating restaurant na madalas nating puntahan. May sasabihin ako saiyo." Madilim ang mukhang ng lalaki.

"What the hell are you doing here Nick, sinusundan mo ba ako?" inis na saad ng dalaga. Tahimik lang na nagmamasaid si Ichi at nakikiramdam.

"Sinundan kita mula sa condo mo. Look, importante ang sasabihin ko saiyo."

"Ano ba ang gusto mong palabasin? Can't you see that I'm starting to live my life again? Hindi na ako nagsampa ng demanda saiyo dahil gusto ko na ring manahimik. Then you are standing right in front of me begging for something?" hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ito.

"Did you know that your dad forced me to marry you?" naniningkit ang mga mata nito. Bumuka ang kanyang bibig pero walang katagang lumabas.

"You must be kidding me. Hindi ko alam kung ano ang gusto mong palabasin." Naiiling na wika niya.

"I'm not. If you want to know everything meet me up tonight." anito at tuluyan nang umalis.

"Damn!" she silently cursed him.

"He must be your ex-fiancé? In fairness, your runaway groom really looked puzzled. Mukhang may pinagdadaanan." Pinainom nito ng juice ang anak nito, "Intriguing din ang sinabi niya about your dad."

"Manloloko siya at sinungaling. Why would I believe him? Kung dati napaniwala niya ako sa mga kasinungalingan niya. Ngayon ay hindi na. Besides hindi magagawa ng daddy ko ang bagay na iyon dahil alam niyang masasaktan ako."

Ichi shrugged. "Bahala ka. Wala naman sigurong masama kung pakikinggan mo siya di ba? kumbaga benefit of the doubt."

Hindi siya kumibo dahil may punto ang lalaki. Kung patuloy siyang magpapakita ng galit kay Nick ay senyales lang iyon ng kahinaan.

"Then I'll meet him tonight." Nagkibit na lang siya ng mga balikat. Wala naman sigurong mawawala kung mag-uusap sila.

"Balitaan mo ako ah." May kinuha ito sa wallet nitong business card at ibinigay sa kanya.

"Of course, You are my best partner in crime a long time ago. Kaya makakaasa kang babalitaan kita sa lahat ng pangyayari sa buhay ko." Itinago niya ang card na binigay nito.

"Mauuna na kami Jenna. Bumili lang ako ng ilang gamit ni Kenichi, naiwan kasi ang mommy niya sa Japan kaya ako na muna ang nag-aalaga sa kanya."

"Sus, nasaan ang mga yaya ni Kenichi?"

"Pinagday-off ko muna. Mas gusto kong hands on sa anak ko baka kasi lumaking gaya ko mahirap na." natatawang wika nito.

"Mahirap na nga kung sakaling mangyari iyan."

"Sayonara!" muli nitong kinarga ang anak at umalis na. Gusto niyang mainggit sa asawa ng kaibigan, napakaswerte nito dahil responsible si Ichi.

LIHIM na hinihiling ni Adam na sana matapos na ang hearing dahil wala naman doon ang isip niya. Mabuti na lang at agad ding natapos iyon at mangani-ngani siyang tumingin sa kanyang cellphone. Wala siyang balita kay Jenna at himala na hindi man lang siya nitong naalalang tawagan. Hindi rin siya nakatiis kaya idinial niya ang numero ng dalaga.

"Yes Adam?" pormal na saad nito.

"How are you?"

"I'm fine. Medyo busy lang kasi ako this past few days dahil may tinatapos akong masterpiece. Mukha kasing gagahulin ako sa oras para sa international exhibit sa France."

"I see. Are you free tonight?"

"May pupuntahan kasi ako eh. Is there any problem? Ginugulo ka ba ng daddy ko?" bumakas ang pag-aalala sa tinig nito.

"No, No, may sasabihin lang sana ako."

"Next time na lang ah. Pasensya ka na, may kakausapin kasi akong tao tonight. Don't worry tatawagan kita agad kapag hindi na ako busy."

"Okay, I'll wait for that."

"No problem. Bye."

Marahang napailing ang binata. What the hell is happening to him? It seems that he missed that spoiled brat. Bakit ba masama ang loob niyang hindi siya nito napagbigyan? Noon ay halos mairita siya dahil halos araw-araw siya nitong kinukulit. Little did everyone know, hinahanap din niya ang presensya nito nang umalis na ito papuntang Amerika.

HUMINGA ng malalim si Jenna bago bumaba ng sasakyan. Isang simpleng asul na bestida ang kanyang suot at tinernuhan niya ng four inches stiletto sandals. Agad niyang nakita si Nick na nakaupo sa mesa sa sulok ng restaurant. Madalas sila ditong kumain noong sila pa.

"I thought you'll not come." Tila nakaramdam ito ng relief nang makita siya

"I changed my mind." Naupo siya sa harapan nito, "So, what now?" napaangat ang isa niyang kilay.

Akma itong magsasalita ngunit saglit itong natigilan dahil dumating ang waiter dala ang pagkain.

"Nag-order na ako ng foods." ani Nick. Hindi siya kumibo wala naman siyang balak kumain. Ang gusto lang niya ay marinig ang sasabihin nito.

"First, I want to apologize for not showing up that day." Nararamdaman niya ang sinseridad sa paghingi ng tawad nito. Pinili niyang huwag munang magkomento.

"I'm really sorry."

"I might forgive you someday. Now, ano ba ang gusto mong sabihin sa akin?"

"I did that because it was for the best. Ayokong habambuhay kang makulong sa isang pagkukunwari." Marahas itong napabuntong hininga.

Biglang uminit ang ulo niya dahil sa narinig. "For the best? You could have back out before the day of our wedding!" mariing wika niya.

"I know I should have done that. Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako dahil sa ginawa ko pero noong araw lang na iyon ako nagkaroon ng lakas ng loob na gawin ang tama."

"The right thing to do huh. Why don't you just admit in front of my face that you cheated on me? How can you be married to that woman when you are engaged to me!"

"She is my long time girlfriend Jenna. At siya lang ang tanging babaeng pinangakuan ko ng kasal."

"Damn you Nick! At ano ang tawag mo sa pagpropose mo sa akin?" medyo napalakas ang timbre ng kanyang boses.

"Calm down, iyon ang dahilan kung bakit gusto kitang makausap ngayon. Our relationship was all staged."

"Staged?" bigla siyang naguluhan.

"Yes, your father asked me to do it." Mahinahong wika nito.

"No, that's not true! You're a liar!" naniningkit ang matang tinitigan niya ito.

"Hear me out Jenna, your father threathens me at ikaw lang ang makakapigil sa kanya."

"Hindi magagawa sa akin ng daddy ko iyan."

"Better listen to me."

Nagsimula itong magkuwento ng mga pangyayaring hindi niya alam kung paniniwalaan niya o hindi...

KINAKABAHANG pumasok si Nick sa loob ng malaking library ng mansion ng mga Sanvictores. Kailangan niyang makausap si Don Enrico at papakiusapan niya itong bigyan pa siya ng kaunting panahon.

"Sit down Hijo. Nabalitaan ko ang nangyari sa daddy mo." anang matandang lalaki. Umayos ito ng pagkakaupo sa swivel chair nito, "How is he?" tanong nito nang makaupo siya.

"I'm afraid he is still unconscious. Masyado niyang dinibdib ang pagkawala ng mga properties na matagal niyang iningatan." Lihim siyang huminga ng malalim para mag-ipon ng lakas ng loob masyadong malakas ang awtoridad ng matandang lalaki kahit wala itong sinasabi.

"I'm sorry to hear that. Hindi ako nagkulang ng pagpapaalala sa daddy mo hijo." Napapailing na wika ng Don.

"Sir, I came here to ask for another extension." Nagbaba siya ng tingin. Kahit pa ipunin niya ang lahat ng savings niya ay kulang pa rin niya kung tutubusin niya ang mga ari-ariang isinanla ng daddy niya. Masyado kasi itong nalulong sa casino at huli na nang malaman niyang halos lahat ng property nila ay wala na pala. Ang mga Sanvictores ang nagmamay-ari ng pinakamalaking bangko sa probinsya nila at matalik na kaibigan ng kanyang ama si Don Enrico.

"Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya hijo. Ngunit nagdesisyon na ang board sa pagkakautang ng ama mo. Alam mo namang hindi ko masyadong tinututukan ang paghahawak sa bangko dahil mas gusto kong magmanage ng paaralan."

"I know sir, but I'm begging for another extension."

"I'm sorry son, wala akong magagawa." Mariin itong umiling. Bigla siyang nawalan ng pag-asa inaasahan na niyang mangyayari iyon ngunit nagbakasakali pa rin siya.

"Naaawa lang ako sa mommy ko, masyado na siyang nadedepress dahil sa mga nangyayari." Nag-aalala siyang baka ito naman ang sunod na atakehin.

Mataman siyang tiningnan ng matandang lalaki waring may malalim itong iniisip.

"You're an international car racer right? You must be famous." Biglang sambit nito.

"Yes sir, pero hindi po sapat ang lahat ng ipon ko para mabawi ang mga properties ng pamilya namin." Mapagkumbabang wika niya.

"I see. May asawa ka na ba?" tila bigla itong naging interesado sa kanya.

"I'm still single sir." Totoong wika niya. Bagama't medyo nagkakaproblema sila ng kasintahan ay aminado naman siyang ito na ang kanyang pakakasalan. Kasalukuyan itong nasa Amerika dahil may problema ito sa pamilya nito roon.

"I have a proposal. Ligawan mo ang anak ko at pagnapasagot mo siya gagawan ko ng paraan para mabigyan ka ng extension. And if by chance you marry her, wala ka nang poproblemahin dahil isasauli ko sainyo ang lahat ng properties niyo. Take it or leave it."

Nagulat siya sa narinig. It was a very tempting offer at sino ba siya para umayaw? Pabor sa kanya ang lahat, kilala niya ang nag-iisang anak nito at maganda ito.

Nag-alis siya ng bara sa lalamunan. "Paano po kung hindi ako magustuhan ng anak ninyo?"

"Well, find a way na magustuhan ka niya. She's not getting any younger at gusto ko na siyang makitang lumagay sa tahimik." Tiningnan siya nito at pinag-aralan ang kanyang mukha, "Walang ibang makakaalam ng pag-uusap nating ito. Oras na malaman ito ni Jenna ay alam mo na ang mangyayari. Hindi mo naman siguro gugustuhing makitang nahihirapan ang mga magulang mo. Is that clear?"

"Yes sir." Tumango siya. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag. Magagawan niya ng paraan ang gusto nitong mangyari.

Sinimulan niya ang plano nang magkaroon ng engagement party ang isa nilang common friend. Agad niyang nilapitan si Jenna at nagpakilala. Inaasahan niyang tatarayan siya nito dahil nagkaroon na siya ng background check tungkol sa ugali nito. Kilala itong spoiled brat at mahirap pakisamahan. Sinagot naman siya nito makalipas ang isang buwan mabait naman ang dalaga kahit sumpungin ito. Nakakaramdam siya ng konsensya dahil alam niyang nahuhulog na ang loob nito sa kanya samantalang hindi naman malinis ang intensyon niya rito. Alam niya sa sarili kung sino talaga ang mahal niya.

Minsan naisip na rin niyang totohanin na lang ang lahat ngunit sadyang hindi talaga natuturuan ang puso. Kawawa naman si Jenna kung patuloy itong maniniwala sa isang malaking pagkukunwari. Ilang beses na siya nagtangkang sabihin rito ang totoo kaya lang lagi siyang pinaaalalahanan ni Don Enrico.

Hanggang dumating ang araw na nagpropose siya rito ng kasal. Kitang-kita sa mata nito ang labis na kasiyahan. Minsan pa siyang sinabihan ng Don na huwag sisira sa napag-usapan dahil tiyak na may mangyayaring masama sa kanyang pamilya. Ayaw naman niyang mangyari iyon dahil mula ng malaman ng kanyang mga magulang ang tungkol sa kanila ni Jenna ay nakahinga na ang mga ito ng maluwag. Bumubuti na rin ang pakiramdam ng kanyang ama.

Huli na nang marealized niyang hindi niya pala kayang tumupad sa usapan. Hindi siya sumipot sa kasal dahil alam niyang pareho lang sila ni Jenna mahihirapan kung magkataon. Alam niyang mabuting tao ang dalaga and she deserved to be happy. Hindi ito magiging masaya sa piling niya dahil ibang babae ang laman ng puso niya. Hindi na baling mawala ang mga ari-arian nila kaya naman niyang buhayin ang pamilya niya. Hindi man iyon kasing ranghiya ng dati at least makakasurvive naman sila.

"THAT is the truth Jenna. Hindi ako nagsisinungaling." Seryosong wika ni Nick

Sandaling hindi nakakibo si Jenna. Pilit niyang isinisiksik sa utak ang mga sinabi ni Nick, para namang bumalik sa kanyang isipan ang mga pangyayari sa buhay nilang dalawa. Kaya naman pala halos wala siyang makitang kapintasan sa pagsasama nila dahil hindi pala totoo ang ipinapakita nito. Nakaramdam siya ng hinanakit sa kanyang ama. Ganoon na ba kababa ang halaga niya dahil nakuha siya nitong ipamigay sa isang lalaking hindi naman halos nito kilala? Sa lahat ng taong maaaring manakit sa kanya bakit ang daddy niya pa?

"I'll talk to dad. Sana noon mo pa sa akin sinabi ito." Nanlalabo ang kanyang paningin. Parang bigla ulit niyang naramdaman ang dobleng sakit nang hindi ito sumipot sa simbahan.

"God knows ilang ulit kong tinangkang sabihin saiyo ang lahat Jenna. Kaya lang natatakot ako sa maaaring gawin ng daddy mo. Maimpluwensyang tao siya at kaya niyang gawin ang anumang gustuhin niya."

"Pupunta ako sa bahay. I have to go." Mabilis siyang tumayo at tinungo ang kanyang sasakyan. Kailangan niyang makausap ang ama. Hinayaan lang niyang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata.

'How could you do this to me dad?' mabilis ang pagpapaharurot niya ng sasakyan. Mabuti na lang at hindi matraffic sa Aguinaldo Highway kaya nakarating agad siya sa bahay nila sa Cavite.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

61.8K 1.3K 11
After the heartache and pain she went through a year ago, all that Danielle wants is to start a new life. Pero mukhang magugulo na naman ang bagong b...
2.1M 61.4K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
183K 1.6K 10
"Na hindi naman pala masama ang magdamot. Lalo na kung 'yong taong pinagdadamot mo ay ang taong mahal mo." Maagang namatay ang mga magulang nila ni...
166K 9.1K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.