The President's Son [PUBLISHE...

Od MatildaBratt

15.3M 259K 6.9K

Would you rather chase what you want or follow a future that's already arranged for you? Samantha was just si... Více

Published by Pop Fiction
Prologue
Chapter One: Freshly-Made Lemonade
Chapter Two: Oatmeal Cookie
Chapter Three: Tuna Sandwich
Chapter Four: Yoghurt smoothie
Chapter Five: Eggs Over Easy
Chapter Six: Potato Chips
Chapter Seven: Avocado Toast With Egg
Chapter Eight: Herbs
Chapter Nine: Onion Rings
Chapter Ten: Lobster Sandwich
Chapter Eleven: Strawberry Ganache
Chapter Twelve: Chicken Avocado Salad
Chapter Thirteen: French Macaron Tower
Chapter Fourteen: Seared Chicken with Lemon Sauce
Chapter Fifteen: Breakfast Burrito
Chapter Sixteen: Prawn Curry
Chapter Seventeen: Turkey Bacon and Eggs Coffee
Chapter Eighteen: Four Seasons
Chapter Nineteen: Leche Flan
Chapter Twenty: Milk
Chapter Twenty-One: Fruits
Chapter Twenty-Two: Green Tea
Chapter Twenty-Three: Deviled Eggs
Chapter Twenty-Four: Margarita
Chapter Twenty-Six: Chocolate Hazelnut Cake
Chapter Twenty-Seven: Lobsters and Oysters
Chapter Twenty-Eight: Hot Chocolate and Croissant
Chapter Twenty-Nine: Bottled Water
Chapter Thirty: Ginisang Ampalaya
Chapter Thirty-One: Grapes and Oranges
Chapter Thirty-One: Matcha Macarons
Chapter Thirty-Two: Fin
Epilogue
Thank You!!!!
My Other Works
The President's Son Book 2 & 3

Chapter Twenty-Five: Ice Cream

163K 3K 57
Od MatildaBratt


"Unbelievable," mahinang sabi ni Samantha habang papalayo siya sa kapatid. Kagaya pa rin ng dati ang kapatid niyang si Nicky. Walang pinag-iba.

Nicky has always been envious of her. Anything that involves her is like a competition for Nicky. Ang attention ng mommy at daddy nila, at ngayon naman si Adrian. Napabuntonghininga siya. Ano bang gagawin niya kay Nicky?

She continued walking with her head down. Naisip niya na siguro ay dapat hayaan na lang niya ang kapatid. If she succeeds in seducing Adrian, mas mabuti. She can finally be with Miles.

Bigla siyang nalungkot nang maalala si Miles. Bakit kaya hindi nito sinagot ang emails niya? Bumalik na kaya ito sa Singapore? Baka naman hindi tama ang email address na ginamit niya. Baka....

Napatigil siya sa paglalakad nang makita ang isang batang babae na umiiyak. Nakatayo ito sa gilid ng puno ng niyog, hiding behind her little hands. Sa tingin niya she's about 5 or 6 years old. Nilapitan niya ito.

"Iha?" Naupo siya sa harapan nito. Kaagad niyang nakita ang galos sa kanang siko. "Anong nangyari?"

Tila hindi naman siya narinig nito kaya't hinawakan niya ito sa balikat. Mabilis na ibinaba ng bata ang mga kamay mula sa mukha at tiningnan siya sa mukha.

Ngumiti si Samantha ngunit lalo lamang umiyak ang bata.

"Shh...Tahan na,"natatarantang sabi ni Samantha habang pilit na pinapatahan ang bata.

"Samantha?"

Nag-angat ng tingin si Samantha at nakita si Adrian. Lumapit ito sa kanila.

"Anong nangyari?" Ang tanong nito habang nakatingin sa bata.

"I think she's lost," sagot niya. "I can't seem to make her stop crying."

Nilapitan naman ni Adrian ang bata. He took her little hands away from her face.

"Little girl? What's your name?" Tanong ni Adrian dito.

Sandaling natahimik ang bata at pinagmasdan nito si Adrian. Ganoon din ang ginawa nito kanina kay Samantha. Tinitigan siya nito at umiyak ulit.

"Sa tingin ko—"

Hindi na naituloy ni Samantha ang kanyang sasabihin nang makita nitong niyakap ng bata si Adrian.

"Hey!" Nakangiting sabi ni Adrian at niyakap rin ang bata.

Nagkatingin silang dalawa. Nagkibit-balikat naman si Adrian.

Hindi alam ni Sam kung bakit but she felt touched nang makita ang concern ni Adrian sa batang babae.

Nang hindi na muling umiyak ang bata ay hinarap ito ni Adrian at tinanong.

"What's your name?"

Hindi sumagot ang batang babae. Tila hindi nga nito naririnig ang binata.

"Wait? Are you...?" Hinawakan ni Adrian ang balikat nito ng bata para makuha ang atensyon nito. The little girl started to move her hands. Nagkatitigan sina Samantha at Adrian.

"She's mute?" hindi makapaniwalang tanong ni Samantha. Ngunit lalo siyang hindi makapaniwala nang makita si Adrian na ginagalaw ang kamay sa harap ng bata.

"What's your name?" Tanong ni Adrian as he moved his hands at nagsimulang mag-sign language.

Hindi makapaniwala si Samantha. He can do sign language?

Hindi siya nagsalita. Nakatayo lamang siya doon habang nakatingin sa binata. She's really surprised. Who would've known na marunong pala itong mag-sign language.

"Candy. Her name is Candy," ang sabi ni Adrian nang makita ang senyas ng bata. "My name is Adrian."

Nakangiti si Adrian habang kinakausap si Candy. Maya-maya ay napatingin ang binata sa kanya na ipinagtaka ni Samantha.

"Her name is Samantha," sagot ni Adrian while moving his hands. "Do you know where's mommy and daddy?"

Umiling ang bata at nagpatuloy sa pagsenyas.

"Ang sabi niya naglalakad daw sila sa may dagat kasama ang mommy at daddy niya nang mahiwalay siya sa mga ito," ang sabi ni Adrian.

Hindi naman nakasagot si Samantha. Nakatitig lamang ito sa dalawa. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala sa nakikita. Inaamin niya na na-impress siya sa ginawa ni Adrian. Hindi lang sa pag-sa-sign language nito kundi pati na rin sa pakikitungo nito kay Candy. Parang sanay na ito sa bata.

"Samantha?"

"Y-yes," nagising si Samantha sa pag-iisip nang marinig ang sinabi ni Adrian.

"Can you stay with her? Pupunta muna ako sa lobby para masabihan ko ang staff. Baka may nakakakilala sa mga magulang niya."

"S-sige," sagot niya at nilapitan si Candy.

Kumunot naman ang noo ng bata. Tila naiintindihan nito ang gustong gawin ni Adrian.

"You stay with Samantha, okay? I'll find mommy and daddy," ang sabi ni Adrian habang sumisenyas.

Muling umiyak ang bata at niyakap si Adrian.

"Ayaw niya yatang umalis ka," ang sabi naman ni Samantha. Napalapit na yata kay Adrian ang bata.

"Okay. Why don't you go with me to the lobby?" ang sabi ni Adrian dito. Napangiti naman si Candy.

Napatingin si Adrian kay Samantha.

"I'll take her to the lobby," sabi nito na tila nagpapaalam sa dalaga.

Umiling naman si Candy at biglang hinawakan ang kamay ni Samantha. Nagulat ang huli. Napangiti lang si Adrian.

"I think she wants you to come with us."

***

Kanina pa nakaupo sina Samantha at Adrian sa lobby habang nakatingin kay Candy na nakaupo at kumakain ng ice cream.

"Who would've known you're naturally good with kids," biglang nasabi ni Samantha.

Natawa naman si Adrian sa narinig.

"I'm not. Just with Candy," sagot ng binata.

Tumawa na rin si Samantha. Nagkatitigan ang dalawa. Hindi makapaniwala si Samantha sa nangyayari. She is laughing with Adrian.

"How did you learn sign language?"

Nagdalawang-isip si Adrian bago sumagot. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang totoo sa dalaga. She'll know about it eventually kaya't ikinuwento niya na sa dalaga ang nangyari.

"A few years ago, may nakilala ako sa rehab," he paused and waited for Samantha to be surprised. Hindi naman nagulat ang dalaga. Naghihintay ito sa sasabihin niya.

"His name is Jack and he has a seven-year-old nephew who's a deaf-mute," kuwento ni Adrian. "Nang makalabas ako ng rehab, Jack convinced me na mag-volunteer sa isang center for children with disablities. I learned sign language para makausap ang mga bata."

Samantha just stared at her. Gusto niya tuloy malaman kung anong iniisip nito. Does she think him weird? Or baka hindi ito naniniwala sa kanya.

"Why were you in rehab?"

He stared at her. Alam ni Adrian na malalaman din nito ang totoo sooner or later. Mas mabuti pa siguro na sa kanya na manggaling ang lahat.

"Alcohol," mahina niyang sagot. He felt embarassed. But she has to know to the truth.

He was addicted to alcohol and it started when he was in high school. 'Yun ang isa sa mga rason kung bakit parati siyang napapagalitan ng mga magulang niya. And his addiction was also the reason why his father decided to get him engaged to Samantha. Alcohol addiction and Gia.

Gia was his first girlfriend. At hindi nagustuhan ng mga magulang niya si Gia. Ang dahilan nila? She didn't come from a good family and she was too liberated for her age. She was not a good influence.

Gia was his first everything. His first kiss, first sex, first everything. And it was her who introduced him to alcohol and drugs. Two months into their relationship, Gia told him she was pregnant. Adrian thought it was the end of the world for him. Hindi siya handa na maging batang ama. At alam niyang papatayin siya ng papa niya. At that time, isa pang senator ang papa niya. He have plans of running as a president at alam niyang ikakagalit nito ang pagbubuntis ni Gia.

Gia didn't want the child either. Hindi pa ito handa na maging isang ina. She told him of her plan. Ipapalaglag nito ang bata pero kailangan niya ang napakalaking halaga ng pera. He gave her his savings but it wasn't enough. Wala siyang nagawa kundi magnakaw sa mga magulang niya. He took some of his mama's jewelry and sold them.

Ngunit mabilis siyang nadiskobre ng papa niya. He found out about Gia's pregnancy. A few days later, nalaman niyang na expelled sa school si Gia. At nalaman niya rin na hindi pala ito buntis. She was using him to buy drugs for his older boyfriend. It was his father who discovered it.

As a result, his father got him engaged to Samantha. Ang sabi ng papa niya, mas mabuti nang sila ang pumili ng babaeng ipapakasal sa kanya. Ayaw na nilang mangyari ang nangyari kay Gia.

He became careful with girls after that. But his relationship with alcohol didn't change. One night, he got drunk and ran over a teenage boy. Mabuti na lang at hindi namatay ang bata. But he had to pay for the damages and he had to go to rehab.

"But I'm clean now," sagot niya sa dalaga. "I haven't touched alcohol for years."

"Mabuti naman," ang sabi ni Samantha at hindi na siya tinanong nito.

He expected her to ask question pero nanatili itong tahimik at nakatingin kay Candy na malapit nang maubos ang kinakain na ice cream.

Napatitig naman si Adrian kay Samantha. Alam niya ang ginawa nito kahapon sa opisina ni VJ. He felt betrayed.

"Ano palang ginagawa mo sa office ni VJ kahapon?" Tanong niya. He's testing her. Gusto niyang malaman kung magsasabi ba ito ng totoo.

Mabilis itong napatingin sa kanya. He can see the guilt in her eyes.

"Sinabi ba ni VJ sa'yo?" Defensive na tanong nito.

"Hindi. Nakita kasi kita nang lumabas ka sa office niya," ang sabi niya. He asked VJ after at sinabi nito na nakigamit daw si Samantha sa computer niya.

"It's none of your business," sagot nito.

Nakikita ni Adrian ang pagtitimpi sa mukha ng dalaga. Alam niya kung bakit nakigamit ito sa computer ni VJ. She still doesn't have her phone. Hindi alam ni Samantha na nasa kanya ang cellphone nito.

"It is my business. You're my fiancee, remember?" Sagot niya at ngumiti. Ayaw niyang mag-away silang dalawa. That's the last thing that he wants. Mas gusto niyang makilala siya nito. Gusto niyang mapalapit ito sa kanya.

"Tama ka nga. Fiancee mo lang ako. Hindi mo ako pag-aari. At ayoko sa'yo. Bakit hindi mo maintindihan 'yun?" galit na sabi nito.

"Why do you hate me?" Matagal na niyang gustong itanong 'yun sa dalaga. Hindi niya alam kung ano bang nagawa niya dito at ganoon na lang ang galit nito sa kanya.

"Hindi mo alam?"

"I did nothing to you," sagot niya.

"Nothing? You forgot the time you kicked a ball to my face?"

That memory flashed to his mind at napatawa siya. Not that what happened was funny kung hindi dahil napakababaw ng dahilan nito.

"That's it? You hate me for that? Ganoon lang kababaw na dahilan?"

Napatitig sa kanya si Samantha. Nakikita niya ang galit sa mga mata nito.

"Hindi mababaw para sa akin 'yun. You humiliated me in front of everyone!"

Hindi niya naman sinadya na mangyari 'yun. The ball went out of control at tumama sa mukha niya.

"Okay. I'm sor—"

"And you took away my freedom. You took my freedom to have a boyfriend, to have my own life. Nang dahil sa'yo, hindi ko puwedeng gawin ang gustong kong gawin. Nang dahil sa'yo, hindi ko puwedeng pakasalan si Miles."

Napatiimbagang si Adrian. Nawala ang ngiti sa mukha niya. Si Miles na naman. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng selos.

"I didn't take away your freedom," mahina niyang sabi. "It was given to me by your father when he asked me to take care of you."

"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong ni Samantha.

"Your father made me promise to him when he was dying," sagot niya. He can still remember everything like it was yesterday. "Noong magkasakit siya, gusto niyang makausap tayong dalawa. But he knew he doesn't have long kaya't he made me promise to take care of you."

"Hindi totoo 'yan," umiiling si Samantha habang nagsasalita.

Alam ni Adrian na magiging dagdag na naman ito sa rason kung bakit ayaw sa kanya ng dalaga.

"It's true," ang sagot niya.

"Kung ganoon, you're marrying me because of your promise to my dad at hindi dahil sinabi mong mahal mo ako," ang sabi ni Samantha sa kanya.

Nakikita niya ang sakit na nararamdaman sa mga mata ng dalaga. Paano niya ba ipapaliwanag dito ang totoo? Bakit ba palagi siyang nahihirapan sa pagsasabi ng totoo sa dalaga.

"No...I mean yes!" ang sagot niya. "Gusto kitang pakasalan dahil sa pangako ko sa daddy mo but then I fell in love with you."

"Really?" May sarcasm sa boses ni Samantha habang nagsasalita. "Well, I don't ca—"

"Excuse me po, sir Adrian."

Napatigil sa pagsasalita si Samantha nang marinig nito si VJ.

"Yes?" Tanong naman ni Adrian dito.

"Nandito na po ang parents ni Candy," ang sabi ni VJ at itinuro ang mag-asawang paparating.

Mabilis tumayo mula sa upuan si Candy nang makita ang mga magulang. He instantly felt guilty dahil sa pagtatalo nila. Nakalimutan niya na kasama pala nila si Candy. Napatingin siya kay Samantha at nakita niya sa mukha nito na ganoon din ang nararamdaman nito.

"I'm really thankful that you found her," pagpapasalamat ng ama ni Candy. "Nagkahiwalay kami sa beach. Pumunta ako sa kwarto namin at akala ko na kasama ng asawa ko si Candy."

"Inakala ko rin na kasama ng asawa ko ang anak namin," ang sagot ng ina ni Candy habang yakap-yakap ang anak. "Salamat talaga."

"You're welcome," ang sagot ni Adrian. Natutuwa siya at nakita na ng mga ito si Candy.

Nang makaalis ang pamilya ay kinausap naman siya ni VJ.

"Sir Adrian, hinahanap ka pala ni ma'am Nicky kanina. May sasabihin daw po siya sa inyo."

Napabuntong-hininga siya. Ano na naman kaya ang kailangan ni Nicky sa kanya?

"Thanks, VJ," tangi niyang naisagot dito.

"Aalis na po ako, sir Adrian," pagpapaalam ni VJ sa kanya.

"Sige, VJ. Thank you," ang sagot niya.

He turned around to talk to Samantha ngunit hindi na niya ito nakita.

"What am I gonna do with you, Samantha?"

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

4.1M 65.4K 63
SELF-PUBLISHED BOOK Copyright © 2012 by GandangSora All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner...
31.7M 399K 45
[Completed] One True Love Series #1 Lana is living her life on her own terms, free from an arranged marriage and focusing only on her work. And then...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.4M 69.3K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...