Fatal Attraction 4: Sinful Af...

由 Whroxie

15.3M 301K 28.5K

Whroxie 更多

Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chaper 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
chaper 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Epilogue
Sinful Affair selfpub
Sneakpeek Morgan ❤ Harper
Self-published update
Harper-Morgan 1
Harper-Morgan 2
Harper-Morgan 3
Harper-Morgan 4
Harper-Morgan 5
Final

Chaper 36

323K 6.7K 474
由 Whroxie

Hello guys! Sa past update ang daming naglabasang dirty little secret sa comment box. Tawang-tawa ako! Ang kukulit niyo. Thank siya sa comments. Sa mga silent readers na nagco-comment na, thank you! hehe!

#TeanTigang! Hello to all singles and LDR out there, specially to C_Sweety4U, cloud_princess018, meredithygrey1213, maria_Buday, PeachJimenez, starterLogin, Superjinxy, ElenaBao3, eumariel, MarjonGraceGamueda, JoyAdiova, elmagarcia526, igrlbby, aqcangel12, AemAzirahdPags, cheamgela, ghdjsajf, alegnarean, lilbhrat12, KriscelOrtigosa7, Kristina Pia Balalio, NjBajado, joem_sayet, anayuri51, mariz87, gem_ai, imaLwaysbyursidE, hotmonica, hindi na sila punta masbate. hehe! Ladyshenna101, queeenmhira, iamrashiee, Padillz_26, aiwo25, mhadelyne08, Bhingtorio30. Hello, teboron, siya pala nagpapa-dedicate sa spg nakalimutan ko. Hello, Milkie Lumabao, ito hindi 'to #TeamTigang saya ng sex life nito. Huwag ka na tampo sakin. Love lots! H



INAGAW ni Jufred ang bote ng beer kay Mhelanie at inilapag iyon sa center table. Kanina pa ito umiiyak.

"That's enough. Lasing ka na, eh." Dinala niya si Mhelanie sa condo ng panganay niyang kapatid. Pansamantala ay dito siya tumutuloy. Sa tuwing uuwi siya ng Pilipinas ay sa isang hotel siya tumutuloy pero since nasa bakasyon ang kapatid niya kasama ang pamilya nito dito na siya nito pinatuloy. Hindi niya gusto sa bahay nila dahil magkakasagutan lang sila ng ama niya. His parents always wanted him to settle down and run their company. Siya ang nag-iisang lalaki sa tatlong magkakapatid kaya siya ang kinukulit ng mga ito, lalo ng kanyang ama. He is not interested in their business. He'd always been more interested in perfecting his skills - which is painting - and not wanting to get tied down and work his ass off to his father company. He is more comfortable working in fast food chains than staying in a place he does not want.

"Ang sakit, Jufred! Nararamdaman kong may iba siya. Gustong-gusto ko siyang tanungin pero natatakot ako. Baka hindi ko kayanin ang katotohanan!" Bumulalas na naman ng iyak si Mhelanie. Masuyong ikinulong ni Jufred ang mukha ni Mhelanie sa mga kamay at pinakatitigan ito. Damn! How could Falcon do this to this kind-hearted woman?

Siya ang nasasaktan na makita itong umiiyak. Ilang babae na ba ang nakita niyang umiyak na siya pa ang may kagagawan pero hindi man lang siya nakaramdam ng pagkaawa o ma-guilt man lang. Pero si Mhelanie, parang dinudurog ang puso niya at gusto niyang basagin ang mukha ng pinsan sa pagpapaiyak dito. Pinahid niya ang basang pisngi nito gamit ang thumb-fingers. Nang dumako ang mata niya sa labi ni Mhelanie ay natutukso siyang halikan ang labi nito. Fuck! Ano ba ang iniisip niya? Hinalikan niya ito sa noo saka niyakap.

"Tahan na!" Masuyong hinaplos ni Jufred ang likod ni Mhelanie at hinalikan ang gilid ng ulo nito.

"Tahan na, Mhelanie. Magiging okay rin ang lahat. Mas mabuti kung kausapin mo siya. For now magpahinga ka na muna."

Inihatid ni Jufred si Mhelanie sa kuwarto. Nagpalit ito ng damit bago nahiga. Pinagamit niya rito ang over-sized shirt niya at boxer short. Umupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang nakapikit na si Mhelanie. Inabot niya ang pisngi nito at marahang hinaplos.

"You look like an angel. Kung ako ang asawa mo hinding-hindi kita paiiyakin."

Jufred sighed heavily. Marahan siyang natawa sa sarili. He never thought that he would fall in love with her. Ang nanay niya ang pamantayan niya sa paghahanap ng mapapangasawa. Lahat ng magagandang katangian ay nasa kanyang ina na, at kay Mhelanie niya nakita ang lahat ng iyon. Mas lalo tuloy tumaas ang standard niya sa babae dahil kay Mhelanie. Hindi naman niya ginusto pero bigla na lang niyang naramdaman isang araw na parang hindi na normal ang tibok ng puso niya kapag nakikita niya si Mhelanie.

Damn! Nagkakaroon siya ng malaking kasalan kay Falcon dahil sa nararamdaman niya sa asawa nito. Pinakiusapan lang siya ni Falcon na bantayan si Mhelanie habang nasa California ito pero nadali ni kupido ang puso niya. Sino ba naman kasi ang hindi ma-i-in love sa babaeng ito. Lahat yata ng magagandang katangian ay taglay na ni Mhelanie. Isang uri ng babaeng ipinapakilala sa magulang; babaeng siniseryoso, minamahal at inihaharap sa altar.

Naramdaman niya ang tila pagvibrate ng kama gawa ng cell phone ni Mhelanie na nasa loob ng hand bag nito. Inabot niya ang bag na nasa kama sa may paanan at kinuha ang cell phone. 'love' ang naka-indicate na caller. Si Falcon ito. Sinagot niya ang tawag at natatarantang boses ni Falcon ang narinig.

"It's Jufred." Natigil sa pagputak si Falcon.

"Who?"

"Bingi o tanga? Ako 'to, ang pinakaguwapo sa angkan natin."

"Jufred?"

"Jufred Veliganio at your service."

"Sandali. Kasama mo si Mhelanie? Nasaan siya? Kakausapin ko."

"Tulog na siya. Naglasing. Umiyak. Gagu ka rin e, 'no? Pinauwi mo rito tapos sasaktan mo."

"Ano? Sandali nga nasaan ba kayo? Pupunta ako."

"Bukas na. Huwag mo na siyang istorbihin. Tatawagan kita bukas." Hindi na niya hinintay pang makasagot si Falcon, tinapos na niya ang tawag at in-off ang cell phone. Ipinatong ni Jufred ang cell phone sa nighttable at muling pinagmasdan si Mhelanie na mahimbing nang natutulog. Inayos niya ang kumot nito. Yumuko siya at hinalikan ang noo ni Mhelanie bago lumabas ng silid.

KINABUKASAN ay nagluto si Mhelanie ng almusal nila ni Jufred. Iniyakan pala niya si Jufred kagabi. Ang sama-sama talaga ng loob niya. Ni hindi na nga niya tinawagan si Falcon para ipaalam kung nasaan siya. Bahala ito! Busy rin naman ito sa iba.

"Pasensiya ka na, Jufred. Naistorbo pa kita." Aniya habang abala sa pagluluto ng tocino. Binalingan niya si Jufred nang hindi ito magsalita. Nakatayo ito sa gilid ng counter at nakatingin sa kanya. Tulala.

"Jufred. Are you with me?" Kumurap ito, hinaplos ang likod ng batok at parang nahimasmasan mula sa pagkakatulala.

"Gutom na ako." Sinabayan nito ng himas sa tiyan. Marahan siyang natawa.

"Sandali na lang po. By the way, nasaan nga pala si Anne?"

"Umuwi sa kanila. Pinapasunod na nga ako, e, gusto raw akong makilala ng pamilya. Paano kung aswang ang buong pamilya n'on, tapos gagawin lang pala akong handa sa pistahan." Malakas na tumawa si Mhelanie.

"May tao yata, check mo. Tapos na rin 'to, ihahain ko na." Aniya nang tumunog ang door bell. Inilagay niya sa serving plate ang nilutong tocino at dinala iyon sa hapagkain kasama ang sunny-side up eggs na nauna niyang niluto.

"Mhelanie!" Isang baritonong boses ang nagpatigil kay Mhelanie. Nanigas siya sa kinatatayuan nang marinig ang boses ni Falcon. Nilingon niya ito. Salubong ang kilay ng kanyang asawa habang pinapasadahan ang kabuan niya. Napahawak si Mhelanie sa laylayan ng T-shirt na suot.

"Paano mong nalamang nandito ako?"

"Bumalik ako ng office kahapon pero maaga ka raw nag-out. I've been texting and calling you pero hindi ka sumasagot."

"Sumama lang ako sa kaibigan ko. Saka isa pa busy ka. May pinuntahan kang meeting 'di ba?" she emphasized the word 'meeting'. At ang inis na nararamdaman para rito ay muling bumalik nang maalala ang pagsisinungaling nito.

"Paano mo pa lang nalaman na nandito ako?" Bago pa man makasagot si Falcon ay lumapit sa kanila si Jufred at isang babae, nakahawak ito sa braso ni Jufred. Ngumiti ang babae sa kanya.

"Hi, ikaw ang asawa ni kuya, Tres?" bahagya siyang tumango. Inilahad nito ang kamay sa kanya.

"I'm Lyca. Pinsan ako ni Kuya Tres." Inabot niya ang kamay nito. Ito ang asawa ni Alford. Ang alam niya ay buntis na rin ito. Dalawang buwan yata ang ipinagbubuntis nito.

"Kapatid ko si Kuya Jufred." Kapatid ito ni Jufred? Kung ganoon pinsan ni Falcon si Jufred? Naguguluhan siyang tumingin kay Falcon at kapagkuwa'y lumipat ang tingin kay Jufred.

"Seriously? Magpinsan kayo ni Falcon pero wala kang sinabi sa 'kin." Kilala ni Jufred si Falcon dahil ipinakita niya rito ang mga larawan ni Falcon, pero wala itong sinabi sa kanyang kilala nito si Falcon.

"Hey, huwag kang magalit, I'm sorry!" Inabot ni Jufred ang pisngi niya at masuyong hinaplos iyon. Puno ng pag-aalala ang mukha. Nang bumaling siya kay Falcon ay kabaliktaran ang ekspresyon ng mukha nito. Madilim ang mukha at nanggagalit ang bagang.

"Halika ka na umuwi na tayo!" Matigas ang boses nito. Obvious na galit. Ito pa talaga ang may ganang sumama ang loob!

"Kukunin ko lang ang gamit ko." Tinungo niya ang silid at kinuha ang bag saka muling lumabas. Hindi na siya nagpalit ng damit. Maging ang pambahay na tsinelas ay hindi na niya pinalitan. Nakita niya si Falcon at Jufred na seryosong nag-uusap sa nakabukas na pinto ng condo. Tumiim ang bagang ni Falcon at itinulak si Jufred sa dibdib na parang naghahamon.

"Hey!" Mabilis siyang lumapit sa dalawa.

"Nag-aaway ba kayo?" Falcon grabbed her by the wrist and practically dragged her out the condo. Nagpatangay na lang siya rito hanggang sa makababa sila sa parking lot. Hawak pa rin siya ni Falcon sa palapulsuhan hanggang sa marating nila ang nakaparadang sasakyan nito.

"Mag-convoy na lang tayo."

"No! I will send someone to get your car." Binuksan nito ang pinto sa front seat. Walang nagawa si Mhelanie kundi ang sumakay na lang. Nang makasakay si Falcon ay tinitigan nito si Mhelanie. Nasa labas lang ang tingin ni Mhelanie pero aware siyang nakatitig sa kanya si Falcon. Inabot ni Falcon ang laylayan ng T-shirt na suot niya at tiningnan ang ilalim niyon. Akala yata wala siyang underwear.

"Fuck!" Mura nito saka binuhay ang makina ng sasakyan.

Walang imikan ang dalawa hanggang sa marating nila ang penthouse. Nang makapasok ay tuloy-tuloy niyang tinungo ang kuwarto na hindi umiimik.

"Let's talk!" Matigas ang boses ni Falcon na nakasunod sa kanya. Initsa niya ang bag sa kama.

"Magpalit ka ng damit. Hindi ka dapat nagsusuot ng damit ng ibang lalaki." Hinarap ito ni Mhelanie at humalukipkip sa harap ni Falcon.

"So dapat naghubo't hubad na lang ako, gan'on?" nakataas ang kilay niyang pamemelosopo kay Falcon.

"Don't be sarcastic, Mhelanie!" kalmado ang boses nito pero naroroon pa rin ang pinipigil na iritasyon.

"So, ikaw pala talaga ang nakita ko sa airport na kausap ni Jufred bago ako umalis noon. Nandoon ka pero hindi mo talaga ako nilapitan!" Alam niyang tapos na iyon pero hindi niya maiwasang manumbat. Masama ang loob niya dahil sa pagsisinungaling nito sa kanya ngayon. Lumambot ang mukha ni Falcon.

"I was there to see you. Hindi ko lang magawang lumapit dahil siguradong pipigilan kita. Kahit masakit inirespeto ko ang gusto mo kaya nga nakontento na lang akong makita ka sa malayo." Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa sinasabi nito.

Tinalikuran niya si Falcon. Tinungo ang built-in cabinet, kumuha ng pamalit saka pumasok ng banyo at nagbihis. Sa paglabas niya ng banyo ay naroroon pa rin si Falcon, nakaupo sa gilid ng kama. Nasa mukha nito ang pag-aalala at pagkalito.

"Love, what's wrong?"

"Nothing!" Nilagpasan niya ito. Lumabas siya ng kuwarto pero mabilis siyang sinundan ni Falcon at hinawakan siya sa braso. Pinihit siya nito paharap at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Okay naman tayo kahapon 'di ba? May nagawa ba ako?" tumiim ang mukha ni Mhelanie at umalon ang dibdib sa marahas na paghugot at pagpapakawala ng hininga.

"Okay nga ba tayo? Ikaw, wala ka bang gustong sabihin sa 'kin?" Mula sa balikat ay tumaas ang kamay ni Falcon sa magkabilang gilid ng leeg ni Mhelanie.

"Wala. Ano ba ang sasabihin ko? Naguguluhan ako sa 'yo." She forcefully shoved his hands away from her.

"E 'di wala!" Tinalikuran niya ito pero natigilan siya nang makita ang babaeng pinagseselosan niya- ang babae ni Falcon. Ang galit na nararamdaman ay lalong umalsa at the same time ay nasasaktan siya. Malaya pala itong nakakapasok sa penthouse ni Falcon. Adernaline started surging throug her system, fast enough for her to tremble. Ikinuyom niya ang nanginginig na kamay sa samo't saring emosyong lumulukob sa kanya.

"Hi." Alanganing ngumiti ang babae dahil sa talim ng titig ni Mhelanie rito. Hindi aware si Mhelanie na ang maamo niyang mukha ay tila naging galit na tigre na. Pumihit paharap si Mhelanie kay Falcon.

"Aalis na muna ako! May bisita ka!" Nilagpasan niya si Falcon. Nabangga pa niya ito. Tinungo niya ang silid at kinuha ang bag na initsa niya sa kama. Sa paglabas niya ay pasalubong naman sa kanya si Falcon pero muli lang niya itong nilagpasan.

"Mhelanie!" Hinawakan siya ni Falcon sa braso at pinihit paharap pero malakas na sampal ang ibinigay niya rito. She lost focus! Natigalgal si Falcon sa pagkabigla. Maging ang babae ay natutop ang sariling bibig.

"It's all your fault! Puwede ba huwag mo na nga akong pigilan! Ano, gumaganti ka ba kasi nasaktan kita noon. Kaya ngayon sinasaktan mo rin ako?"

"What are you talking about?" Nasa mukha ni Falcon ang matinding kalituhan. Ang galing-galing umarte!

"God, Falcon! Stop playing with me! Stop acting innocent! Oo, nasaktan kita pero sobra naman yata ang ginagawa mo!" Sa intense ng emosyong nararamdaman niya ay hindi na napigil ang pagpatak ng luha.

"Love." Falcon tried to reach her pero mabilis siyang umiwas.

"God, Mhelanie, just talk to me! Ano ang problema? Ano ang nagawa ko?" Nauubusang pasensiyang tanong ni Falcon pero hindi nawala ang matinding pag-aalala sa mukha nito.

"Magsama kayo ng babae mo!" Galit niyang asik dito.

"Nangbabae ka, Tres!?" Napalingon si Mhelanie nang marinig ang isang boses. Naroroon ang buong pamilya ni Falcon. Ang lola't lolo at mga magulang ni Falcon.

"Tres, ano 'to? May ginagawa kang kalokohan?" Donya Lana said, looking disappointed.

"Damn no!" Muli niyang hinarap si Falcon at lalong nabuwesit sa pagdeny nito.

"Such a liar!"

"Love, hindi ako nangbababae. Saan mo ba 'yan nakuha?"

"Where did you go when you took a half-day off from your work? Where were you yesterday? Hindi ba kasama mo ang babaeng 'yan at hindi talaga meeting ang dahilan ng pag-alis mo kahapon!?" Itinuro niya ang babae na walang imik na nakatingin sa kanila.

Falcon groaned.

"I'm sorry. But it's not what you think. She's not my mistress."

"Oh, really! Who were you talking to when we're in the office? I overheard you talking to someone about the child, and exchanging sweet nothings! Now tell me who is she?" ang kaninang nag-aalalang mukha ni Falcon ay parang matatawa na ngayon.

"Hindi ba siya 'yon? She's pregnant! Don't lie!" She jabbed her fists on his chest and bursted into tears.

"MM, anak!" She turned as she heard her mother's voice.

"'Nay?" She's blubbering.

"Bakit ka umiiyak?" Galit na hinarap ni Lena si Falcon.

"Ano ang ginawa mo? Nangako kang hindi mo papaiyakin ang anak ko!"

"'Nay, wala po! This is just a misunderstanding." Falcon took Mhelanie's hands and held it tightly as he stared at her eyes, clouded with tears.

"May narinig ka ba sa opisina na pinag-uusapan kami. Wala 'di ba? Because she's not my mistress. She's Brielle. My sister."

"W-what?"

"I once mentioned you about my long lost sister, right? Siya 'yon. Nahanap namin siya dahil kay Dock." Natigil sa paghikbi si Mhelanie at hindi makapaniwalang binalingan ang babae. Noon niya napansin ang pagkakahawig nito kay Tanya. Muli siyang tumingin kay Falcon.

"Seryoso?" Sinapo ni Falcon ang magkabila niyang pisngi.

"Yes. Siya ang sinasabi kong ipapakilala ko sa 'yo. I actually waited for you to ask me about her. I know you got jealous of her, at nagtataka ako kung bakit hindi ka nagtatanong tungkol sa kanya."

"Kasi natatakot akong malamang mahal mo rin siya."

"I love her because she's my sister. And I love you because you are my wife, and you are my life. At paano mong naisip na nang bababae ako? Hindi ko magagawa ang bagay na 'yon."

"Kasi nga nagsisinungaling ka! Bakit kailangan mong sabihin na makikipagmeeting ka? And is she pregnant? Hindi siya mukhang buntis, Tres! Iba ang kausap mo 'no?" humalakhak si Falcon nang sikmuraan ito ni Mhelanie. Maging ang mga miron ay napangiti na rin.

"I was talking to Lyca, and Lyca handed the phone to my sister. 'Di ba buntis si Lyca?"

"Hindi pa rin ako convince! Hindi ko makita ang point mo kung bakit kailangan mong itago kung saan ka pupunta! At bakit hindi mo rin isinusuot ang wedding ring natin!?" Falcon pushed his head backward.

"Ang kulit ng asawa ko! Puwede huwag ka na lang magtanong, please!" Ang pagkakahawak ni Falcon sa magkabila niyang pisngi ay inalis niya.

"Okay. Hindi na ako magtatanong pero huwag mo akong kakausapin!"

"Love."

"'Di ba dapat hindi tayo nagtatago ng sekreto kung talagang mahal natin ang isa't isa. A wife's intuition is usually right and I could feel it that you are hiding something from me." Alam niyang mayroon, eh. Ang dami-dami pa ring gumugulo sa isip niya. Hindi niya magawang magtanong kasi natatakot siya sa maaaring malaman pero ito na sila. Mas mabuti nang maitanong na niya ang lahat-lahat. Katulad na lang ng pakiramdam niya na parang ayaw nitong magkaanak sila? Bakit hindi nito isinusuot ang wedding ring nila?

Itinaas ni Falcon ang dalawang kamay bilang pagsuko.

"Okay. Fine. Mukhang hindi ka rin naman papayag na hindi nakakakuha ng sagot."

__

Kaunti na na lang 'to, isang chapter at epilogue na lang siguro. Ito lang author note. Debut kasi bukas kaya magpapakabait muna ako. Ahehe!

繼續閱讀

You'll Also Like

2.5M 158K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
881K 30.3K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
29.1K 909 9
Arranged marriage is a very old tradition that is still followed by some families in the world, and unfortunately for Odette Morcilla, her family jus...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...