My Unforgettable Love Story [...

Από Jonald2196

432 3 1

MY UNFORGETTABLE LOVE STORY "Kung bibigyan ako ng pagkakataon, sana makilala kita at muli kitang iibigin" ... Περισσότερα

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4

Chapter 5

52 0 0
Από Jonald2196

     Habang nagmamaneho si Jonald, iniisip niya kung bakit ganoon na lamang kalaki ang pinagkaiba ng sinasabi ni Arthur at ng realidad.

“Sabi ni Arthur na ang Crystal Land ay nasa Malabon. Pero nung hinanap ko sa internet, wala. Tapos nung tinanong ko si Taeyeon kung may naalala siya tungkol sa Crystal Land, wala rin. Ano kaya yun?”

Tulou-tuloy pa rin siya sa pagmamaneho hanggang nakarating siya sa Samson Road.

“According sa Google Map sa iPhone ko, nandito na ako sa Samson Road. Hmm… Turn right at nandun na ang Subdivision. Nice.”

Pagkarating niya sa entrance ng Subdivision, may napansin siyang pamilyar na lugar.

“Huh? Parang pamilyar itong lugar na ito.”

Hininto niya ang kotse at lumingon lingon siya sa paligid.

“Wait lang. Parang nasa UE ako. Teka lang. Yun yung Ice Cream House sa UE.”

Pinarada ni Jonald ang kotse niya sa may tapat ng Ice Cream House at bumaba siya sa kotse.

“Parehas na parehas talaga yung lugar. Ice Cream House, Yung UE. Lahat parehas.”

Pumasok si Jonald sa Ice Cream House.

“Good afternoon, Sir.”

“Afternoon din po.”

Bigla niyang naalala ang napaginipan niya.

“Kuya, may tauhan po ba kayo dito na nagngangalang Robert?”

“Sir, wala po eh.”

“Ah… I see. May kilala po ba kayong kilala na babae na nagngangalang Taeyeon. O kung hindi kaya, taong kumakanta rito?”

“Wala rin po, sir eh.”

“I see. Order na lang ako ng P.I.C. 1.”

“Sige po sir.”

Umupo, nagpahinga at kumain siya. Habang kumakain siya, naalala niya ang panaginip niya. Ang panaginip niya kung saan kumakanta silang dalawa ni Taeyeon.

“Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit parang pakiramdam ko na kilala ko siya? Pakiramdam ko na nangako kami sa isa’t isa. Bakit kaya?”

Pagkatapos niyang kumain, lumabas na siya sa Ice Cream House at bumalik na siya sa kotse.

“Ang sarap talaga ng Pizza nila at Ice Cream. At ngayon, biyahe na ako papunta sa loob ng Subdivision.”

At bumiyahe na siya papunta sa loob ng Subdivision. Habang papasok siya sa Subdivision, hinarang siya ng Guard.

“Bakit po?”

“Pwede po kayo mag-iwan ng I.D.”

“Sige po.”

Binigay niya ang kanyang I.D. sa guard.

“Sige po, pwede nap o kayo pumasok.”

“Sige po. Manong guard.”

“Ano yun?”

“Alam niyo po ba kung saan lugar dito yung may Swimming Pool?”

“Opo. Diretso po kayo, then sa may crossing, dun po kayo sa may pinaka-kanan, then diretso lang po kayo hanggang sa may Makita po kayong poster na nakasulat na ‘Swimming Pool Rent’.”

“Salamat po.”

At dumeretso na siya ng biyahe papunta sa swimming pool.

“Nope. Hindi ito yung hitsura nun. Hindi ito Crystal Land. Malayo sa panaginip ko. So kung hindi ito, yung sa Hulo na lang ang pag-asa ko.”

Bumalik siya ulit sa entrance ng subdivision at hiningi niya ang kanyang I.D.

“Manong Guard, yung I.D. ko po.”

“Eto po.”

“Salamat.”

At dumeretso na siya sa Hulo.

“Alright. Nandito na ako sa Hulo. Nasaan kaya yung swimming pool na iyon. Paano kaya kung magtanong-tanong ako.”

At nagtanong-tanong si Jonald sa mga tao sa paligid hanggang sa narrating niya ang isang pamilyar na lugar.

“Parang pamilyar itong lugar na ito. Parang ito nga yung lugar na nakita ko sa panaginip. Pero nasaan dito yung Crystal Land? Huh? Eto yung bahay na may color red na gate na may nakalagay na number 168. Eto yung nakita ko sa panaginip, so ibig sabihin nito ay nasa tapat lang niya itong swimming pool na ito, pero bakit wala dito? Tanong ko kaya dito sa bahay na ito, baka alam niya kung nasaan ang Crystal Land.”

Ding Dong!

Biglang may lumabas sa may maliit na pintuan sa gate.

“Hogan?”

“Oh! Jonald! Bakit ka nandito?”

“Ikaw rin, bakit ka nandito?”

“Eto yung sinasabi ko sa iyo na bahay namin sa Malabon. Nandito ako para bisitahin ko yung pinsan ko.”

“Ohhh…. So ito pala yung bahay na di mo madescribe sa akin dati. Hogan, may tanong ako.”

“Ano iyon?”

“Alam mo kung nasaan yung Crystal Land? Di ko kasi mahanap eh…”

“Anong Crystal Land? Walang ganoon na pangalan.”

“Huh? Sabi dito sa phone ko, may swimming pool daw dito.”

“Ah!!! Baka sa likod ng bahay namin. May swimming pool kasi sa likod ng bahay na ito.”

“Huh?  Hogan, may tanong ulit ako, may naalala ka ba na nagswimming ako dito?”

“Paano ka makakaswiming dito, di ko nga alam dati yung lugar na ito. So paano ka magsiswiming dito?”

“Oo nga pala. Sige Hogan, salamat. Sa susunod ulit. Alis na ako. Marami pa ako gagawin sa bahay.”

“Sige ingat ka sa byahe, Jo. Malayo-layo ang Makati.”

“Sige, Hogan. Ingat din!”

At nagdrive si Jonald pabalik sa kanyang bahay. Habang nasa biyahe siya, patuloy pa rin niya iniisip kung bakit walang Crystal Land sa mga napuntahan niya.

“Bakit ganun? Lahat wala. Ayon sa panaginip ko, nandun lang yun sa tapat ng bahay ni Hogan, pero pabrika siya ngayon. Hush… nakakasakit sa ulo naman ito. Kailangan ko na umuwi.”

Alas-otso na ng gabi nang makauwi si Jonald sa kanyang bahay.

“Nakauwi na rin sa bahay. Khim!!! Khim!!! Parang walang tao?”

Hinanap ni Jonald si Khim sa kanyang kwarto.

“Khim!!! Oh!! May sticky note sa monitor ko.”

---------------------------------------------------------------------------------------------

Jo, umalis na ako kasi magdidilim na. Oo nga pala, tumawag si Boss Gino kanina, tinanong niya kung nasaan ka, sabi ko may pinuntahan ka lang. Sabi niya tatawag daw siya ulit mamayang gabi. Jo, yung istorya mo, medyo binago ko lang kaunti yung mga grammar mo at buksan mo yung folder, nakalagay lahat dun yung mga drawing ko na babagay sa istorya mo. Sana magustuhan mo. :)

---------------------------------------------------------------------------------------------

“Ok. Thanks for everything, Khim.”

Tinignan ni Jonald ang nakalagay sa folder.

“Nice drawing… nice… *Yawn* inaantok na ako. Kailangan ko na matulog.”

As usual, nakatulog ulit siya sa harap ng monitor.

Lumiwanag ang buong paligid. Kasing liwanag ng araw.

“Huh? Nasaan ako, bakit ang liwanag ang buong paligid ?”

Bigla na lang lumaho ang liwanag at nasa Ice Cream House siya ulit.

“Huh? Nandito ulit ako.”

“Jo. Alam mo na ang gagawin mo kapag nandito ka.”

“Huh?”

Kinapa ni Jonald ang kanyang bulsa sa pantalon.

“Ang remote!”

Walang pagalinlangan at bigla niyang pinindot ang ‘Menu’ Button.

At nagging isang malaking DVD menu ang buong paligid.

“Alright. Ano ba yung napanuod ko kahapon? Ah! Tama! Nasa number 2 na ako.”

Pagkapili niya sa number 2, nag-iba ang buong paligid at dinala siya sa Hwa Chong Temple.

“Jo, eto ang Hwa Chong Temple. Sigurado nakita mo na ito kanina nung dumaan ka sa swimming pool sa loob ng University Hill Subdivision.”

“Oo nga. Nakita ko na ito Arthur. Pero bakit ako nandito?”

“Dito mo nakilala si Taeyeon.”

“Nakilala? Dito sa temple na ito?”

“Hindi lang ito basta temple. Isa rin itong iskwelahan.”

“Iskwela? Di ba nag-aral ako sa Makati Elementary and Highschool. Bakit nandito ako sa Malabon, specific sa Hwa Chong Temple. Wala naman school dito. Kaya nga Temple. Templo lang.”

“Nakikita mo yung pababa na daana dun.”

“Oo. Bakit?”

“Pag dumaan ka dun, kaliwa ka at diretso at kaliwa, then bababa ka ulit, then kaunting diretso then kanan, then diretso, then may makikita kang brown na gate, pumasok ka dun. Nandun ang iskwelahan na sinasabi ko.”

Sinundan ni Jonald ang direksyon na sinabi ni Arthur at natanaw niya ang iskwelahan.

“Philippine Buddhist Seng Guan Memorial Institute?  Chinese school?”

“Oo. Nag-aral ka dati sa Chinese school.”

“Huh?”

“Jo, tignan mo, paparating ka na. Aba! Ang aga ah!”

“Sus, Arthur, first day of school ba yan?”

“Oo.”

“Ganyan talaga ako, kapag first day, talagang mas maaga pa sa bell ng school kung pumasok.”

“Ah… ganun pala. Jo, i-fast forward mo. Pag sinabi ko ‘Play’, pindutin mo yung ‘Play’ button.”

Pinindot ni Jonald ang fast forward button.

“PLAY!”

“Ok.”

Pinindot ni Jonald ang ‘Play’ button.

“Tignan mo sa likod mo kung sino paparating.”

Lumingon si Jonald sa likod.

“Oh! Si Taeyeon. Sino kasama niyang babae?”

“Ah… si Stephanie Hwang. A.K.A. Tiffany. Ang kanyang natalik na kaibigan.”

“Ah… Tiffany. I like her name. Ang cute ng mata niya.”

------------------

Jonald’s past POV

Tumakbo si Jonald papalabas sa gate. Pagkalabas niya sa gate, bigla siyang napanganga sa nakita niya. Habang papalapit si Taeyeon kasama si Tiffany, ang buong titig ni Jonald ay na kay Taeyeon.

“Di ba siya yung nakita ko sa Swimming Pool? Wow!!! Ang ganda pala niya. <3 <3 <3.”

End of POV

--------------------

“Arthur. Bakit ganyan ako makatitig, naka-nganga yung bunganga ko. Pinagtawanan nila tuloy ako.”

“Aba eh ewan ko sa iyo Jo. Ewan ko nga bakit ka ganyan.”

“Arthur. So ang sinasabi mo dito na na-love at first sight ako sa kanya ?”

“Siguro?”

“Imposible. Mayroon na nga siyang boyfriend ngayon. Si Ginger.”

“Jo. Sinong Ginger? Ang pagka-alam ko, ikaw ang naging boyfriend niya.”

“Si Ginger. Di mo kilala? Yung kapit bahay ko.”

“Ah… yung kapit bahay mo. Pero siya yung naging boyfriend ni Taeyeon. Alam ko talaga ay ikaw.”

“Alam mo, Arthur. Kung sinasabi mo na, kaming dalawa talaga ang nagmamahalan ni Taeyeon, wag ka na. Dahil may Ginger na siya.”

“Well, tignan natin pag nasa 1st Year Room na tayo.”

“1st Year Room?”

Συνέχεια Ανάγνωσης