Imperfectly Perfect

De HoneyGo7

9.5K 239 8

A story of believing in perfect love and looking for the perfect one. We will witness how a man searched for... Mai multe

THE BLURB
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
EPILOGUE

Chapter 18

160 4 0
De HoneyGo7

Napansin ni Alana ang pagkakatitig ni Rio sa kanya. Malamlam at parang may gustong gawin habang nakakagat-labi pa. Siniseduce yata siya nito. Mayamaya ay bumaba na ang mga titig nito sa katawan niyang halos hubad na dahil sa dalawang maliliit na saplot lamang ang nakatabon dito. Doon palang siya naconscious kaya agad siyang tumalikod dito para hanapin ang mga hinubad niyang damit ng bigla siyang yakapin nito mula sa likod. Ramdam niya ang init ng dibdib nito. Ngayon lang niya napansing natanggal na rin pala nito ang basang pang itaas.

"You seemed cold. Will my hug be enough para hindi ka lamigin pa, Alana?" Bulong pa nito sa tenga niya na nakapagpatindig ng balahibo ng dalaga.

"Ralph..."

"I'm serious about making you mine, Alana. Lalo na sa pagprotekta sa'yo sa kahit na anong paraan at pagkakataon. Kahit pa sa lamig ng panahon." Nakabaon na sa leeg ni Alana ang mga labi nito habang nagsasalita ito.

Kaya nakakaramdam na si Alana ng init mula sa kaloob-looban niya. Init na umaalpas at nagsusumigaw na wari'y naghahangad ng katugon.

Isinandal niya ang sarili kay Rio at ipinikit ang mga mata. Dinama niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Lalo naman itong nagsumiksik sa likuran niya at kagaya niya ay dinadama rin nito ang init na hatid ng katawan halos hubad niyang katawan.

"What the hell are you doing?" Tinig na nagpakalas sa pagyayakapan ng dalawa at napalingon sa dako nito.

"Caevhen?" Nasabi ni Alana ng mapagsino ang dumating. "Wa-wala, Caevhen. May sinasabi lang si Rio sa akin." Agad na humakbang palayo si Alana kay Rio.

"Hmmm... I'm looking for you. Yayayain sana kitang kumain ng late dinner." Sabi nito kay Alana pero matalim ang mga ipinupukol nitong titig kay Rio.

"Sige, sandali lang magbibihis lang ako. Nagnight swimming kasi ako." Paliwanag niya kay Caevhen sabay kuha sa mga damit niya na nagkalat sa may buhanginan at kaagad na isinuot ito.

"Are you two having an affair behind my back?"

Kapwa natigilan ang dalawa sa narinig mula kay Caevhen. Hindi magawang makapagsalita ni Alana. Ano naman ang sasabihin n'ya? Magsisinungaling ba siya? O magsasabi ng totoo?

"Of course not, pare. Upon knowing na may boyfriend na siya, i've given up. Friends nalang kami ni Alana ngayon." Kaagad na sagot ni Rio. "Pero kung natithreaten ka sa presence ko, hindi ko na problema 'yon. Alana is still my PA kaya wala kang magagawa kung magdididikit man s'ya sa akin." sagot ni Rio sabay hakbang papalapit kay Caevhen.

Sobrang kinabahan si Alana dahil parang magsusuntukan na ang dalawa dahil sa galit na makikita sa mata ng mga ito habang pinupukol ng masakit na titig ang isa't isa.

"Wait. Rio, salamat sa pag accompany sa akin dito but I have to go. Caevhen, lets go. Magdidinner pa tayo 'di ba?" Pumagitna si Alana sa mga ito at itinulak ng bahagya si Caevhen sabay abrasiete dito. Akmang hihilahin na ni Alana si Caevhen ng magsalita ito.

"I'm not threatened. But if I am, siguro mas magiging mahigpit na ako kay Alana from now on. Hindi kasi mapagkakatiwalaan iyang mukha mo. Alam ko naman ang reason kung bakit siya sumama sa'yo dito. She needs protection and now that i'm here? I can give her that. She doesn't need you anymore. Hindi na rin niya kailangang maging PA mo. At isa pa nga pala, kung iniisip mo na sulutin si Alana mula sa akin? Subukan mo, Rio, pero sinisigurado ko sa'yong hindi kita uurugan. I'll give my damn best to win her again and again. Come on, Hon. Our food is waiting in my room."

Inakay na siya nito palayo kay Rio. Walang nagawa si Alana kundi ang magpatianod at malungkot na napatitig kay Rio habang papalayo na sila.

"Akala ko ba ipaglalaban mo ako? Bahag din pala ang buntot mo. May pa-friends-friends ka pang nalalaman." Bulong ni Alana sa isip.

"Why don't you transfer to my room, Alana? Two beds naman iyon." Untag ni Caevhen sa kanya habang naglalakad sila papasok ng hotel.

"Hmmm. Regarding that, Caevhen, hindi ko magagawa iyon. I promised Rio na magiging PA niya ako hanggang sa may mahanap na siyang kapalit ko." Which is hindi totoo. Walang napag usapang ganoon ang dalawa. "Ginagawa ko rin naman iyon sa pagtanaw ng utang na loob sa kanya sa mga nagawa niyang kabutihan para sa akin. Lalo na sa pagtulong sa akin na makalayo sa bahay ni Mr. Stermon at makatakas sa mga humahabol na goons sa akin."

Napatigil sa paglalakad si Caevhen, sandaling nag isip at hinarap si Alana. "Just make sure na iyon lang ang reason mo for staying with him. Maybe its much better kung sasama ka na sa akin pabalik ng Manila. Haharapin natin iyong sindikatong sinasabi mo."

"No!" Walang kagatol-gatol na sagot ni Alana dito. "I mean hindi pa ngayon, Vhen. Hindi ko pa alam ang totoong identity ni Mr. Stermon. Hindi pwedeng basta-basta na lamang akong babalik ng Manila. Kailangang malaman ko muna ang tunay na pagkatao niyong si Mr. Stermon at saka ako babalik ng Manila para maipakulong na siya. I hope you understand. Hindi ko pwedeng irisk ang buhay ko ng ganoon-ganoon nalang. Hindi ko pa kilala kung sino ang kalaban ko."

Napabuntong-hininga ito. "Hmmm. Sige. For the meantime dumito muna tayo. Pero bukas na bukas din ay tatawagan ko ang contacts ko na maaaring makatulong sa atin para malaman na natin kung sino ba iyong Mr. Stermon na iyon."

"Thank you, Vhen. Tatanawin kong malaking utang na loob sa'yo kapag naipakulong ko na ang hayop na iyon."

"Welcome. Tara na at lalamig ang pagkain." Nakangiting baling nito sa kanya.

***
Akala ni Alana ay isang simpleng dinner lang ang inihanda ni Caevhen para sa kanya. Pero pagpasok nila sa kwarto nito ay bumungad sa kanya ang mga rose petals na nasa sahig at ang malamyos na tugtog mula sa isang stereo. Ang medyo madilim na kwarto na ang tanging maliwanag na bahagi lang ay ang lamesang may mga pagkain na naiilawan ng tatlong malalaking kandila.

"Wow. Dinner by candle-light ha?" Puna niya. Ngumiti lamang ito sa kanya at inakay na siya papunta sa lamesa at ipinaghila ng upuan.

"I want this night to be special for the both of us." Nangunot ang noo niya sa sinabi nito pero ipinagwalang bahala din niya at naupo na lamang. Marahil ay namiss lang siya nito dahil ilang linggo rin silang hindi nagkita.

They silently ate at ng matapos ay saka pa lamang ito nagsalita.

"You want some dessert, Hon?" Nakangiting tanong nito.

"Hmmm. Meron ba?"

"I brought us some cake. 'Iyong favorite mong carrot cake." Actually black forest ang favorite ni Alana pero iniinsist nitong si Caevhen na iyon ang mas makakabuti sa health niya. Palagi siya nitong dinadalhan at kinakain nalang niya para hindi ito magtampo. Kapag tinatanong siya nito kung nagugustuhan niya ay omoo nalang din siya.

Kinain nalang niya para wala ng gulo. Pero nagulat siya ng makagat ang isang matigas na bagay. Inilagay niya ito sa tissue at nilinis para lang matigilan. Isang 24-carat diamond ring ang nasa tissue.

Kaagad itong kinuha ni Caevhen at nilinis ng mabuti bago lumuhod sa harapan niya.

Nanlaki ang mga mata ni Alana at hindi malaman ang gagawin. Alam niya ang ibig sabihin nito.

"Alana, alam kong hindi pa tayo matagal. Halos 6 months palang tayong magkakilala at tatlong buwan bilang magkasintahan. But I know and i'm sure na ikaw na ang babaeng nais kong iharap sa dambana. I imagine the future with us together. Please spend your whole life with me. Build a family with me, Alana. Please marry me."

Pabalik-balik ang titig ni Alana sa mukha ni Caevhen at sa singsing na hawak nito. Walang ibang expression ang mukha niya kundi pagkalito. Nagtagal ang titig niya sa singsing pero hindi manlang niya inabot ito. Unlike most women na nakakatanggap ng proposal, hindi kakikitaan ng kasiyahan si Alana.

"I can see that you're hesitant." Nakasimangot na ani Caevhen sabay tayo sa pagkakakaluhod nito sa harapan niya. Ang tagal kasi niyang hindi nagsasalita. Napagod na yata ito kaka-asa na sasagot manlang siya ng kahit na ano.

Bumuntong-hininga si Caevhen at saka mas lumapit sa kanya. Nagulat siya na imbis magalit ito ay yumukod ito at niyakap siya ng mahigpit.

"Let me just slip it on your fingers, Hon. In time, mapapatunayan ko rin sa'yo na i'm worth answering 'yes'." He kissed her forehead and hugged her tighter. Mayamaya pa ay hinawakan nito ang kaliwang kamay niya at isinuot sa kanya ang singsing. "Hindi kita mamadaliin, Hon. I'll patiently wait until you're ready. Just keep the ring." Sabi pa nito sabay halik sa kamay niyang sinuotan nito ng singsing.

"Salamat, Vhen. Thank you for being so understanding. But I want you to keep the ring and give it to someone deserving." Akmang tatanggalin ni Alana ang singsing sa kamay niya ng pigilan siya nito. Her tears started to fall from her eyes.

"Shhh. What's wrong? Why are you crying? Tell me? I'm willing to listen." Lumuhod ulit ito sa harapan niya at pinahid ng mga kamay nito ang luha sa kanyang mga mata.

"Let me tell you honestly, Vhen. Ayoko nang saktan ka pa lalo." Hinawakan niya ang kamay ng lalaki na nasa kanyang pisngi. Tumitig siya sa mga mata nito. "I... I've fallin' out of love with you, Vhen."

Matiim na tumitig ito sa kanya pero kaagad din nitong binawi. Tumayo ito, naglakad patungo sa may bintana at tumingin sa labas.

"I can feel that, Hon. Kaya nga minadali ko itong proposal. Matagal na iyang singsing sa akin. Noon pang sinagot mo ako. I can see myself marrying you soon kaya ko binili 'yan. Maybe this night is a mistake. Itong proposal. Siguro nga hindi mo pa ako lubos na minamahal kaya hindi mo pa ako kayang pakasalan." Sagot lang nito sa kanya.

"Narinig mo ba ako, Vhen? I said i've fallin' out of love with you." Ulit ni Alana sa sinabi niya.

"Yeah. I heard you. Loud and clear, Alana. What are you expecting me to do?" Nilingon siya nito sandali pero agad ding ibinalik ang paningin sa labas ng bintana. Nakita niyang napapatiim-bagang ito.

"Break up with me, Vhen."

Tumawa ito ng tumawa kaya nangunot ang noo ni Alana. "Sa palagay mo ganoon-ganoon mo nalang ako mapapasuko, Alana? I've courted you for 3 months. Kahit sobrang busy ako I find time para lang mapuntahan at suyuin ka. Pati na ang 3 buwan nating pagsasama bilang magkasintahan. Nagkulang ba ako? I think I did the best I can para lang maramdaman mo ang pagmamahal ko kahit malayo tayo sa isa't isa. We have such a great start at ayokong masayang iyon. Kung may kulang pa, ibibigay ko. I'll stay with you, sasama ako kahit saan man kayo pumunta at susuyuin kita hanggang sa maibabalik mo na ang dati mong pagtingin sa akin, Alana. Please, don't give up on us. I'm not giving up until I give you my all. Ako lang ang nakakaalam kung kailan ako magigive up o kung mangyayari ba iyan. Sige na. Go back to your room. Nawiwindang ka lang siguro dahil sa problemang kinakaharap mo kaya ka nakakapag isip ng ganyan. Pagod ka lang, Alana."

Inakay siya nito patungo sa may pintuan. Hinalikan siya nito ulit sa noo at sa pisngi bago binuksan ang pinto.

"Sleepwell, Hon. Don't think too much. I'm here. Tutulungan kitang maresolba ang kaso mo laban sa Mr. Stermon na iyon. Tiwala akong magbabalik din sa dati ang samahan natin. Hindi na kita ihahatid ha? Malapit lang naman ang kwarto ninyo ni Rio." Nakangiting sabi nito sa kanya bago ito tumalikod at isinarado ang pinto.

Napabuntong-hininga na lamang si Alana habang nakatitig sa nakasaradong pinto. Napailing na lamang at napatitig sa diamond ring na nasa kamay pa niya.

"Hay! Ang gulo-gulo na lalo ng buhay ko. Makatulog na nga lang. Maaga pa akong aasa na magiging maayos na ang gusot na ito sa lalong madaling panahon."

***
"Miss April." Napataas ang kilay ni April sa lalaking nakangiting-aso sa harapan niya ng tingalain niya ito. Kasalukuyan siyang umiinom ng mag isa sa isang bar malapit sa hotel na tinutuluyan nila.

Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo at ng masatisfy sa nakikita ay napangiti na rin siya. Mukhang mayaman sa ayos at pananamit ang lalaki kahit na hindi ito kagwapuhan. Sa tingin n'ya ay nasa 30's na rin ang edad nito.

"Yes? May kailangan ka?" Nakangiting tanong niya rito.

Umupo ito sa tabi niya at nag abot ng kamay. "I'm Anthony Lim."

"And i'm Ap..."

"April Barredo. Kilala na kita. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Miss April. Gusto kang maging partner ng boss ko sa negosyo niya." Nakangisi nitong turan.

Nangunot naman ang noo ni April sa narinig.

"Kilala mo ba talaga ako, Anthony? Mukha ba akong businesswoman?"

"April Barredo. Isang 26 years old singer. Nag iisang anak ng Mayor at Vice Mayor sa isang bayan sa Catanduanes. Isang socialite na mahilig magtravel sa iba't ibang parte ng mundo. Not to mention na isang prodigal daughter na walang ginawa kundi bigyan ng sakit ng ulo ang ama at ina dahil sa pagpapakabit sa mga senador, mga heneral, mga tv producers and directors at iba pang malalaking tao sa lipunan at industriya para matustusan ang layaw. Do you want me to mention names?" Napanganga na lamang si April sa mga pinagsasabi nito. Siguradong-sigurado at halatang ipinabackground check s'ya nito.

"No need. Kung alam mo ang mga iyan dapat alam mo rin na hindi ako marunong humawak ng negosyo."

"April, April, April. Oo, alam namin. Hindi kita nilapitan para humawak ng negosyo kundi para tulungan kami sa negosyo. Sa paraang alam namin na ikaw lang ang makakagawa. You are very fit for this job ika nga ng boss ko."

"What job? Huwag mo nga akong binibitin. At saka sino ba 'yang boss na sinasabi mo?" Pag uusisa niya pa.

"Hindi na importante kung sino. Ako naman ang palaging makikipagcommunicate sa'yo."

Napatayo si April. Mukhang illegal ang trabahong ipapagawa nito sa kanya at hindi pa siya nababaliw para gawin iyon.

"Didiritsahin na rin kita, Anthony. I don't do illegal stuffs." Tumalikod na siya dito.

"Kahit pa 100 million ang ibabayad sa'yo para lang sa isang formula?" Napatigil si April sa paglalakad at napabalik sa kinaroroonan ni Anthony.

"Say that again?"

"100 million for a formula."

Napabalik sa tabi ni Anthony si April.

"Anong formula at bakit 100 million ang ibabayad sa akin?"

"Huwag mo ng itanong kung para saan ang formula. Ang itanong mo ay kung kanino mo kukunin ang formula kaya ganoon nalang ka mahal ang ibabayad namin sa'yo." Nakangising turan ni Anthony. Alam niyang its a done deal. Sigurado siyang sa itsura ni April ngayon ay napapayag na niya ito sa inaalok na trabaho.

"Okay. Kanino?"

"Isang formula na nasa pangangalaga ng Chemist na si Alana Perey ang kailangan mong makuha. I'm sure kilala mo siya. Wala kaming pakialam kung paano mo gagawin basta mapasaamin ang formulang iyon. Mapapasa'yo rin ang 100 million ng walang kahirap-hirap kapag nagawa mo iyon."

Sandaling nag isip si April. kakangiting hinarap si Tonyo at inilahad ang kamay nito sa lalaki. "Consider it done."

Continuă lectura

O să-ți placă și

23.8K 1.1K 7
After defeating White Star and finally achieving his dear Slacker life, Cale Henituse started enjoying his days. It wouldn't last as the God of Death...
102 6 2
This is gonna be a story fallowing my path. It'll update as new things appear. All the names of these people close to me will be changed. But if they...
9 0 1
In June 2004, I opened mollderm family denstistry in eden prairie , Minnesota to provide the type of dental care for others as I would want for my ow...
102 4 1
Oops u have a vagina