EXO: We Are JUAN!

kimjunmens द्वारा

11.6K 380 179

Paano ang buhay ng EXO bilang isang JUAN? Kung lagi na lang nating nakikitang maayos, mapostura, mayaman at p... अधिक

Chapter 1: Bertdey ni Mayla
Chapter 2 Ang daldal ni Suhoho!
Chapter 3: Wala eh, weekend eh
Chapter 4: Ang Jordan ni BENBEN
Chapter 5: BOOM PANES (Fart 1)
Chapter 5: Boom Panes (Fart 2)
Chapter 6: Ang Kalbaryo ni Sehun

EXO: We Are JUAN!

6.2K 108 42
kimjunmens द्वारा

EXO: We Are JUAN!

All rights reserved  ©. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical or by any information storage and retrieval system without permission in writing from the authors.

Authors:

@howfishylifeis

@ERIS_0619

@bygail

Cover By: HiStrangerStranger :D THANKS PO TALAGA! DAEBAK YUNG COVER :)) <3

 ------------------------------||----------------------------------

Ang tema ng istoryang ito'y hindi kaaya-aya. Nawa'y unawain nyo na lamang na itong lahat ng ito ay kathang isip lamang ng mga nagsulat nito at sadyang pinaglaruan lamang nila ang kanilang kukote't imahinasyon sa pagsusulat. Kung hindi nyo makakaya ang mga pangyayari, ngayon pa lamang ay pinapaalis ko na kayo sa istoryang ito dahil hindi ito ang magandang tambayan para sa inyong mga nilalang. Pendong peace. ^__^V

Ito ay isang crackfic kaya maaaring may mga tema na hindi nyo magugustuhan. Maaaring babaliktad ang inyong sikmura sa katatawa at kakauutot. Iyon lang ang aming masasabi.

Tandaan na hindi ito ang reyalidad. hindi ito ang sumasalamin sa totoong katauhan ng EXO. Hindi ito ang mga tunay na pangyayari. Anything na maisusulat dito ay PIKSYON LAMANG AT WALA KAYONG DAPAT IPAG-ALALA. Ilang beses pa ba ako magsasabi ng ito ay isang Katarantaduhan lamang? -___-

Okay mga nilalang, magsimula na tayo sa MAANTOT NA PROLOGUE.

----------------------------------------||--------------------------------------------

ANG MAANTOT NA PROLOGUE.....


Paano kung isang araw, ang tinitingala at hinahangaan mong grupo ay mamuhay ng ganto?? 

 .

.

.


Umaga na naman at tumilaok na naman ang manok na nakatambay sa bubong ng bahay ng nag-iisang gilagid na si Kris. Magbabanat na naman ng baba, este ng buto si Kris upang pangtawid gutom nila ng pamilya sa araw-araw.

Tumayo siya sa kanyang hinihigaang papag na animo'y pinamana pa sa kanya ng lolo ng lolo ng lola ng nanay ng pamangkin ng lolo ng ate ng pinsan nya. Butas butas na ito at tanging pakong may kalawang na lamang ang sumusuporta para makaya nito si Kris. Pumunta na siya sa mini-lababo nila na gawa lamang sa pinagtagpi-tagping kahoy at bakal na binigay sa kanya ng kaibigan nyang mangangalakal na si Sehun..

Naghilamos iya doon ng kanyang mukha at lumabas upang kunin ang kanyang 'Good Morning' towel na nakasampay sa mini sampayan nila sa garahe. Naabutan nyang nagkakape ang kaibigang si Lay. Sakto nama't papainom ito ng kape't biglang napaso ang kanyang dila sa init nito't at naidura ito dahil sa madilim ang paligid (dahil sa walang kuryente, di uso!), akala nya'y nakakita siya ng kapre.

Noong medyo maaninagan ni Lay kung sino ang nilalang na lumabas mula sa pintuan, nakita nya ang wet-look ni Kris at good morning towel nito.

"Oh?! Ang aga ah natin ah!" bati sa kanya ni Kris. Bukod kasi sa madaling araw ito gumising, napansin rin ni Kris na may 'Good Morning' towel rin ang kaibigang si Lay.


"Oo pare. Kasi pinapakayod ako ng maaga ni Camille eh. Alam mo naman yon. Para daw sa mga anak namin." sagot ni Lay.

Nagkamot ng batok si Kris at inalala nya ang kanyang pamilya, ang kanyang kambal na si Kristina at Kristoffer at ang kanyang asawang si Erika.

"Ano? Punta na tayo don?" alok ni Kris sa kaibigang si Lay. Tumango naman ito at sumunod.

Paano kung isang araw makita mo silang ganto ang kalagayan?

.

.

.

 .

Sabay na naglakad ang dalawa patungo sa terminal ng jeep na pinangangasiwaan ng kabarangay nilang nagngangalang D.O Kyungsoo.

"Malinta, Makamot, double-highway! Malinta!" sigaw ni Lay sa pinapasadang jeep ng kaibigang si Kris. Kahit sobrang aga pa lang ay sumisigaw na ito't mabuti naman at may mga nakapila nang mga pasahero.

Nagsakayan na ang mga pasahero ng jeep. "MALINTAAA! MAKAMOOOT! MAKATI!!! DOUBLE-HIGHWAY! MALINTA!!" pinupukpok ni Lay ang likuran ng jeep upang umayos ang mga pasahero. "AALIS NA OH! KINSEHAN YAN!" sigaw ulit nito. "ATE! MAKIKIAYOS LANG PO!!" sabi nito sa pasaherong akala mo'y nagbayad para sa dalawang tao.

Halos mapahawak si Lay sa lalamunan dahil sa natutuyo na ito sa araw-araw nyang kasisigaw. Natural na mahina ang boses ni Lay pero pinipilit nyang ibuka ang vocal chords nya maitawid lang ang pamilya. "Hay. Nakakapagod naman to!' Yan ang sa isip-isip ni Lay.

Inabot na sila ng tanghalian sa pamamasada, tumagaktak na ang pawis ni Lay sa sobrang init. Kaya't hiniram nya muna ang 'Good Morning' towel ni Kris. Nalimutan nito na may face towel siyang inihanda ng kanyang asawa na nakasabit lang naman sa may bulsa nya.

Habang nasa byahe ng pinapasada ni Kris na jeep (rutang: Makamot, Malinta at double-highway).

"Manong! Bayad ho! Malinta!" inabot naman ito ng mga tao't ibinigay sa nakatingin sa rear mirror na si Kris. Barya at eksakto ang bigay kaya naman inilagay na ito ni Kris sa kanyang mahiwagang lata.

"Makamot po, estudyante!" iniabot ng binata ang buong isang-daang piso kay Kris.

"Saan itong isang daan?" muli nyang tanong.

"Makamot po! Estudyante." sagot ng binata.

"Wala ka bang sampung piso dyan? Para masuklian na kita." sabi ni Kris.

"Nako wala po!" sagot nung binata.

"Aissh!" nagpaliko si Kris at nagpapalit ng barya sa panaderya ni Xiumin. Mabuti naman at nabaryahan ito kaya't nagpatuloy lang ang kanilang byahe.

"HOP HOP!" sumigaw ang barker na si Lay noong may nagtangkang sumabit sa jeep.

"BAWAL SUMABIT! Mahuhuli tayo!" sabi ni Lay at agad na bumaba naman ang pasaherong dakilang pasaway.

"Manong, yung sukli po ng singkwenta, Malinta lang po yun" sigaw ng babaeng mataba sa nagmamanehong si Kris at inabot naman niya agad ang sukli sa babae.

"Para po!" sigaw ng lalaki habang walang habas hilahin ang string sa jeep.

"Saglit lang, itatabi ko lang!!!" sigaw ni Kris

"Oh lima pa lima pa" sigaw ni Lay at nagsipasukan ang grupo ng mga estudyante "Kaliwa't kanan pa yan, galaw galaw mga ate kuya baka ma-stroke" sigaw ni Lay sa mga pasahero habang kinakampay ang kanyang mga kamay kaliwa't kanan

"Kuya, magkano po hanggang Makamot?" tanong ng estudyante kay Kris

"Kinse lang." sagot naman ni Kris 

"Kuya, dadaan po ba to ng Dod por dos?" tanong ng isang estudyante.

"Oo, dadaan pero hindi papasok sa loob." sagot ni Lay.

Pagkalipas ng isang oras na byahe tumigil si Lay at Kris sa karinderya upang mag-tanghalian.

"Ano sa'yo pareng Kris?" tanong ni Lay kay kris na nagtetext gamit ang kanyang mamahaling 3210.

"Ano, gulay na lang. Kalahating order, kinse pesos ba yun?" sagot naman ni Kris.

"Ahh oo, kinse lang. Sige ako din gulay na lang" sagot ni Lay sabay punas sa kanyang pawis na tumatagaktak sa init ng panahon.

"Ale, isang order ng pakbet at dalawang kanin" order ni Lay sa tinderang kasing edad nila.

"Huh? isang pakbet lang sa dalawang tao?" tanong ng isang customer na babae na nakikialam sa order nila Lay.

"Ahh opo, nagtitipid e. Kelangan po." sagot ni Lay dito sabay kamot sa ulo.

"Magda, bigyan mo sila ng dalawang order ng adobong baboy. Ako magbabayad." sambit ng customer na babae,kung tatansyahin may edad na ito.

"Wag na po ale, ayos na po samin yung pakbet." pagtanggi ni Kris.

"Tanggapin niyo na, nanalo naman ako sa Jueteng e." sagot ni ateng customer sabay pakita ng napanalunan niyang pera.

"Okay na yan pare, masarap kapag libre!" bulong ni Lay kay Kris "Salamat po ale!" sambit ni Lay sa babaeg customer . "Walang anuman mga iho, osya aalis na ko at makataya ulit" sabay alis ng babaeng customer.

At sabay ng pag-alis ng matanda, sabay na dina ng pagdating ng order nila kasama ang adobong baboy na inorder sa kanila ng babaeng customer.

"Ilang byahe tayo ngayon pareng Kris?" tanong ni Lay pagkatapos kumain

"Mga limang byahe" sagot ni Kris at dumiretso na sila sa jeep at nagsimula na namang mamasada.

Natapos ang byahe ng magkaibigan at nakauwi na sila sa kani-kanilang bahay....

"Mahal, ito lang ang kinita ko ngayon. Kahit kayod kabayo ako ngayon, wala pa rin eh." inilapag ni Kris ang latang puno ng barya. "Si pareng D.O kasi eh, hindi ko mapakiusapan, ang laki ng boundary na kinuha nya eh." dagdag pa nito.

"Ayos lang Kris, pagkakasyahin ko na lang ito para sa isang linggong gastusin natin"

Paano mabubuhay ang EXO bilang isang JUAN?

 .

.

.

.

.

"TUBIG! TUBIG KAYO DYAN!!!"

"Masarap ang iuulam natin bukas, pangako yan."

"Bwisit! Ang baho-baho ko na! Kailangan kasi magkayod kabayo eh! Andami ko kasing kailangang pakainin!"

"TAPOOON! TAPON BASURAAAA!! ANG MALAS KO SA ASAWA KO! BAKIT ANG PANGET PANGET NYA?! SIYA NA LANG KAYA ITAPON KO?"

"Ang dami nilang utang, di pa ako binabayaran. Nalulugi na ako ah!"

"Nagstrike kasi yung EXO TODA! Di tuloy ako makapasada!"

"ANONG KAGULUHAN NA NAMAN ITONG PINASOK MO?! LAGI KA NA LANG LAMAN NG BARANGAY AH!"

"Lagi na lang akong nagpapasensya! Sawang-sawa na ako!"

"Huhulaan ko ang iyong kapalaran! Wait lang, nawawala ang bolang kristal!"

"BAKAL BOTHE! BAKAL BOTHE KAYO DYAN! BATHURAAA! BIBILHIN KO!! BAKAL BOTHEEE!!"

 

Alamin ang kanilang kapalaran, sa EXO: WE ARE JUAN! :D

------------------

author's note:

okay po ba ang prologue? hehehe. :D salamat po sa mga tatangkilik!

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

1K 59 22
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...
181K 12.2K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
42.7K 1.3K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine
2M 45.9K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...