Wanted: SomeoneTo Love

iDangs

7.3M 208K 30.1K

Kung ang lahat ng tao sa paligid mo masaya, parang automatic na nagiging masaya ka na. Kung lahat naman sila... Еще

Wanted: Someone to Love
Prologue
Chapter 1: I don't love you
Chapter 2: Grounded
Chapter 3: Jaydee and Phoenix
Chapter 4: National Bungguan Day
Chapter 5: Offer
Chapter 6: Good and Bad News
Chapter 7: Prank Call
Chapter 8: What hurts the most
Chapter 9: Be careful what you wish for
Chapter 11: Faith
Chapter 12: Doubts
Chapter 13: Patching things up
Chapter 14: Desperate
Chapter 15: You're okay
Chapter 16: Friends to the rescue
Chapter 17: Improving
Chapter 18: I will marry you
Chapter 19: You're nice.
Chapter 20: Possible
Chapter 21: If I'm Gonna Fall in Love
Chapter 22: Issues
Chapter 23: Pizza Delivery
Chapter 24: Are you sure?
Chapter 25: Minus two
Chapter 26: Text
Chapter 27: Another Story
Chapter 28: Soulmates
Chapter 29: All About Timing
Chapter 30: Last Chapter
Other Stories

Chapter 10: Gitara

206K 6K 708
iDangs

Bwisit.

Itatapon ko na 'tong gitara na 'to. Bakit ko ba naisipan magpabili nito? Hindi naman ako marunong.

Kung hindi ako nagpabili, e ‘di sana hindi ako nagpapakahirap ngayon. Bakit din ba kasi ma-pride akong tao? Hindi tuloy ako makaatras sa deal namin ni Kuya kahit ayoko naman na ng gitara.

"Ugh! Bwisit! Bwisit! Ang sakit sa kamay! Ayoko na!"

Ibabalibag ko sana ang gitara nang may biglang magsalita sa gilid ko, "Don't mind the pain. You'll get used to it sooner or later."

"Bakit ba nandito ka?! Huwag ka ngang mangialam at manggulo. Nananahimik ako dito ha!"

Sa rooftop na nga lang ang peaceful place para magplay ako ng gitara tapos may manggugulo pa. Huwag na huwag  lang sasabay ang unggoy na 'to at mainit na ulo ko. Kapag ako pinikon nito ihahampas ko talaga sa pagmumukha niya ang gitara na ‘to.

"I arrived here first. Ikaw ang nanggugulo dyan. You disturbed my sleep for your information."

Hindi na rin nakakagulat na natutulog siya. Lahat na lang talaga tinulugan niya.

"Whatever! Alis! Shoo!" Pagtataboy ko pa sa kanya.

"Tuturuan kita."

Kuminang ang mata ko sa narinig ko. Totoo ba talaga ‘to? Tuturuan ako ng expert (sabi nila) sa gitara na si Jaydee? Oh my God! May pag-asa na akong matalo si Kuya Ice.

Ha! Wait and see, Kuya. Ibibili mo ako ng gitara.

"But you'll keep your mouth shut, and you'll follow my instructions. Are we clear?"

"Clear clearin mo mukha mo. Ano 'yan, ikaw ang boss? Duh. Ako ang nangblablackmail tapos ako ang underdog? Ano kaya ‘yun?"

"Ako ang magtuturo kaya ako ang susundin mo."

"No. Ako ang susundin mo. Hindi kita susundin."

"Saan ka nakakita na ang teacher ang sunod sunuran sa estudyante? Ako. Ako ang susundin mo. Ako ang masusunod dito."

"Wow naman pala. Saan ka nakakita ng kidnapper na sinusunod ang hostage niya?"

"Bakit, kindnapper ka ba?"

"Blackmailer! Pero ganun na rin naman 'yun. Kaya huwag ka ng magulo. Tuturuan mo lang ako pero hindi kita susundin. Ako ang nasa upper hand. Kung ayaw mo sa rules ko, e di huwag. Madali naman akong kausap. Isang click lang naman ng upload sa video at isang sentence lang kay Ate Sab ang kapalit nito."

Inilabas ko ang cellphone ko at saka siya nginisian. Nakatanggap ako ng napakasamang tingin galing sa kanya pero as if naman matakot ako doon.

“Fine. Just shut your mouth.”

"Ang kulit! Sabi na ngang huwag mo kong utusan kung ano ang gagawin ko e!"

"That's what you're supposed to do anyways. To shut your mouth."

Inirapan ko na lang siya at ibinalik ang atensyon ko sa gitara.

“Gawin mo ang basics.” E kung ipang-strum ko sa gitara ang mukha nito. Ni hindi ko nga alam ang basic dito. "Hindi mo pa rin alam ‘yun? Slow.” Makalait naman ‘to!

Kukuhanin niya pa lang sana ang gitara sa akin nang magring ang phone ko.

Tinatawagan na naman ako ni Phoenix. Namiss na agad ako ng kolokoy na 'to? Parang ilang araw ko pa lang naman siyang hindi nakikita dahil lagi akong tambay ditto sa rooftop.

"Anong problema at napatawag ka?"

"Tinataguan mo ba ulit ako?"

"Feeling lang? Ano nga, bakit?"

"Mamaya ang date. Umuwi ka ng maaga. Bye!"

 What?! Agad agad? At sa kalagitnaan talaga ng week? Papayagan ba ako nito sa amin?

"Phoenix! Hoy! Letse ka! Bakit mo ko binagsakan ng phone?! Sumagot ka nga!"

"Paano sasagot kung ibinagsak na nga ang phone?"

"Kausap ka? Kausap ka?"

Eepal pa 'tong isang ‘to e hindi naman siya kausap. Manong manahimik na lang sa isang tabi. Mangingialam pa.

"Hoy, bukas turuan mo ko ha. Dito sa rooftop. After class. Lalayas na ako at may date pa ako."

Tumayo na ako at dinala ang gitara nang bigla siyang tumawa ng malakas.

Hala. Nabaliw na. At marunong pala siyang tumawa ha? Ngayon ko lang nalaman.

"Tawa tawa ka dyan?"

"Nag joke ka 'di ba? Bastos naman kung hindi ako tatawa."

Inaalala ko kung ano ang huling sinabi ko sa kanya.

Ano naman kaya ang joke dun? Wala naman. Parang nagpaalam lang naman ako na aalis na kasi may date pa ako.

Wait..

Walanghiya ‘to! Gets ko na. Hindi siya naniniwalang may ka-date ako. Grabe!

Sinamaan ko siya ng tingin, "Sa ganda kong 'to, maraming nagkakandarapa para lang maidate ako."

Tinaasan niya ako ng kilay at tumayo saka lumapit. "Sa sobrang dami halos magmakaawa ka na sa isang lalaki na nakatambay sa labas ng No Name para lang maging boyfriend mo. Kapanipaniwala nga naman."

Tinap niya ako sa balikat saka umalis.

What the hell! Pinaalala pa niya! Past is past na nga e! Bakit binabalikan niya pa ‘yun?!

***

"Blue polo shirt. Maghanap ka ng ganun. Chinito. Medyo -- "

"E kung sinasamahan mo kaya ako ngayon dito 'di ba? Ang usapan natin, hindi ako makikipagdate ng hindi ka kasama. Dali na!"

Inend ko ang call saka siya pinamaywangan. Para kasing ewan at nagtatago pa sa gilid ng nagpiapiano, e pwede naman siyang sumama. Feeling agent din 'to.

Nang makita namin 'yung ipapakilala daw niya, umandar na ang radar ko. Gwapo, check. Loyal, malambing, matalino, sporty at pursigido na lang.

"Hi. I'm Patrick. You're Ashley, right?" Nginitian ko siya at nakipagshakehands, "It’s nice to finally meet you."

Nagkwentuhan kaming tatlo at napag-alaman kong varsity siya ng school nila. Sporty, check.

Everything's running smoothly. Mukhang papasa na ‘tong isang ‘to.

Napatingin sa akin si Phoenix at nagthumbs up. Ganun din naman ang ginawa ko sa kanya. Gwapo na sporty. Astig 'to. Mukha rin naman siyang mabait. Mukhang first try pa lang nakabull's eye na kami ha.

Nagpaalam siya para mag-CR sandali. Nang makaalis na siya ay agad akong tinanong ni Phoenix kung ano ang tingin ko kay Patrick.

“He’s okay. Sana mas maging maayos pa siya kapag nagtagal na.”

“Yeah.”

Itinuro siya ni Phoenix habang papalapit sa amin. Pabalik na siya sa table nang may makabunggo sa kanyang bata at naapakan ang paa niya.

"What the fuck? Hey, kid! Tingnan mo ginawa mo! Narumihan na ang sapatos ko, puti pa man din 'yan!"

Hinawakan nung ale 'yung bata at humarap kay Phoenix, "Sorry po."

"Wala namang magagawa ang sorry mo."

Napatingin ako kay Phoenix dahil sa nangyari. Mukhang pati siya ay nagulat sa inasal ng kaibigan niya. Okay na talaga sana kaya lang sumablay pa. Talo sa ugali.

***

Hinatid ako ni Phoenix pauwi pagkatapos nung date. Dapat talaga si Patrick ang maghahatid sa akin kaya lang tumanggi ako at sinabi kong si Phoenix na lang para hindi na siya malayo. Pero sa totoo lang.. ayoko sa kanya. Ang chaka ng ugali niya.

"Ano?!”

Tinaasan ko ng kilay si Phoenix nang magulat siya sa sinabi ko.

"Joke ba 'yan? Itatanong mo pa talaga 'yan?"

"Okay naman siya ha?"

"Ang sama kaya ng ugali niya. Kunyaring mabait kapag kaharap tayo pero wala naman palang galang sa ibang tao. Naapakan lang naman siya pero kung makareact parang nilait ang pagkatao niya. OA lang. Pakain ko sa kanya sapatos niya e."

"Paano’yan? E ‘di wala na? Next target na?"

Tinanguan ko siya, "Ikaw na."

"Ang next target mo?!"

"Kapal ng mukha mo! Hindi syempre! Ikaw na ang makikipagdate."

Napatango siya at ngumiti. Excited lang? Sabagay, malay ba namin baka mamaya ito na 'yung hinahanap niyang babae.

Pagkatapos nun ay pinauwi ko na rin siya dahil baka gabihin pa siya lalo sa daan. Mahirap na.

Nang makapagpaalam na si Phoenix at makapasok na ako sa bahay ay inabutan ko si Kuya Ice na nanunuod ng basketball.

"O, nandito ka na pala. Nagpapalate ka ba ng uwi para mapag-aralan ang paggigitara?"

Bwisit! Epal talaga nito. Yabang! Feeling niya naman.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa kwarto ko. Kunyari na lang nagsalita siya sa hangin. Iwas bad vibes, Ash. Iwas bad vibes.

Nang makapagpalit na ako ng damit, nagbukas ako ng facebook.

Nakatambay ako sa news feed nang mahagip ng mata ko ang isang video na ni-like ng mga kaibigan ko. Kabog ako sa likers ng videong 'to. Libo na.

Dahil sa likas akong chismosa, binuksan ko ang video. Lalaking naggigitara. Kalahati lang ang kita sa mukha nung naggigitara pero halata naman na si Jaydee ‘yun. Nacurious ako kung gaano ba talaga siya kagaling sa paggigitara kaya pinanuod ko na.

Nang matapos ko ang video ay napangiti ako. Kahit mainit ang ulo ko sa unggoy na ‘to, aaminin ko na magaling talaga siyang maggitara.

Naiisip ko pa lang na siya ang magtuturo sa akin, mukhang alam ko na ang mangyayari. Sure win na ako nito.

Makikita ni Kuya Ice na mali siya ng hinamon.

May pakinabang ka rin pala kahit papaano, Jax Drake Samonte.

***

Kunyari si Sungha Jung si Jaydee. Kunyari siya 'yung naggigitara na nasa multimedia. :))

Продолжить чтение

Вам также понравится

Broken Melody (EndMira: Ayen) Aly Almario

Любовные романы

11.4M 426K 47
Mia Mills is an aspiring singer with a painful past. Jarren Reyes is a known song writer with a broken heart. When two lonely souls met, they start t...
For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED) beeyotch

Подростковая литература

42.8M 904K 54
After being dumped by her boyfriend because 'she's too much of a prude,' straight-A student Dana Ferrer enlists the kissing tutorial services of the...
Best Friend pilosopotasya

Короткий рассказ

1.5M 66.2K 17
Mahal kita, ikaw na best friend ko.
Stay Wild, Moon Child Aly Almario

Подростковая литература

1.7M 108K 68
Her only goal is to finish the last year of her High School life in peace. But then she met a guy who is so good at destroying peace.