" AKIN KA NOON, NGAYON , AT MAGPAKAILANMAN "
WRITTEN BY : SHERYL FEE
CHAPTER 2
Hindi na siya umimik dahil alam niyang magsasayang lamang siya ng laway at panahon kung papatulan niya ang kinaiinisang babae. Hiyaan na lamang niya itong nakikipagkuwentuhan sa lola at lolo niya kaysa mainis siya ng tuluyan.
" Sige na insan mauna na ako babalik na lang ako bukas." paalam ni BC kay Adrian matapos nilang isalansan ang mga pinamili ng dalaga.
" Eh insan alam mo namang may dala din ako pati mga pinamili nina CJ at JP dagdag pa ang ipinadala nina papa Shane at mama Marga baka naman puweding---" alanganin at nakangiwing aniya ni Adrian dahil alam niyang magagalit na naman ito.
" Umayos ka sa pananalita mo insan I have to go so speak up now or else lalayasan kita na hindi pa nagsasalita diyan." yamot na sagot ni BC.
" Kung maari sana insan sa car mo makikisakay si Joy wala ng space sa car ko eh." tugon ni Adrian at hindi nga siya nagkamali ng sapantaha.
" Ano!? Sa akin makikisakay ang malapalakang babaing iyan? Your crazy indeed!" pinaghalong yamot at inis na sambit ni BC in loud voice.
" Hey young man why your shouting out loud? Your just besides your cousin's yet your still shouting? " kunot noong sabad ni grandpa B.
" Paano grandpa sa akin daw makikisakay ang babaing iyan you all know how I hate-----"
" It's not a valid reason apo ko para sumigaw ka diyan . Kung ayaw mo siyang isabay eh you can say it in a nice way." pangungunsensiya pa ni grandma D.
" Hmmm okey lang po grandma D kung ayaw niya akong isabay maybe next time na lang akong sasama. Kayo na lang ang bahala sa mga pinapimili ko. Siya sige na po grandpa, grandma, pinsan mauna na ako sa inyo." sabad ni Joy at akmang tatayo na para umuwi.
" Okey fine! Sasabay ka sa akin bukas pero zipper your mouth alam mo namang ayoko ng maingay at ikaw na yata ang pinakamaingay sa lahat ng mga nakilala ko!" bawi ni BC na parang biglang nakukunsensiya ng makita ang lungkot sa mukha ng dalaga. Iyun nga lang mabigat ang pagkasabi niya.
Sabi nga nila, ang taong mababaw ang kaligayahan ay madaling matunaw ang tampo o inis dahil pagkarinig pa lang ni Joy sa binitawang salita ng binata ay lumuwag na ang kanyang ngiti na nagpalitaw sa mga biloy niya sa magkabilang pisngi.
" Yes insan sasama din ako. Pakisabi sa pinsan mo salamat at peksman mamatay man ang mga epal magbebehave ako." tuwang tuwa na aniya ng dalaga na may kasamang paglalambitin kay Adrian pero para kay BC ay nang aasar ang dalaga.
Hindi na lamang siya nagsalita at siya na ang naunang umalis pero nasa main door pa lamang siya ay muli siyang lumingon saka nagwika.
" Kung gusto mong sumama as I've said zipper your mouth you frog! Dadaanan na lang kita sa bahay ninyo at five flat! Bawal ang late di bale ng bago mag five basta hindi late. It's up to you if you'll take it or leave it." aniya nito bago tuluyang lumabas.
Hinintay muna nilang nakaalis ito bago nila pinakawalan ang kanilang mga tawa dahil akala mo'y parang commander ito sa isang platon kulang na lang ang " is that clear " nito.
" Ikaw Joy ha alam mo namang allergic si BC sa maingay inasar mo pa." nakatawang aniya ni Adrian dito ng makaalis ito ng tuluyan.
" Ang sarap niyang asarin insan and I found him cute kapag naiinis. " sagot nito with giggling effect na hindi niya napansin ang pagtinginan ng dalawang matanda.
" Baka naman crush mo ang pinsan ko Joy? Abah mahirap baka maging aso't pusa kayo niyan." tugon ni Adrian.
" Eh ano naman kung crush pinsan? Haller pinsan ko na walang love life ang crush ay paghanga lang noh." sagot nito at huli na para marealise ang sinabi.
Ngumiti naman ang dalawang matanda dahil dito lalo na ng makita ang dalaga na nakatakip ang dalawang palad sa bibig.
" I like you iha. It's not because your a grand daughter of my friends but I like you because your so honest. Don't worry iha sabi mo nga paghanga lang iyan and besides malay mo crush ka din niya kaya nagsusungit sa iyo." panggagatong pa ni grandpa B.
" Kita mo insan may blessings na si grandpa kaya wala ka ng dapat alalahanin diyan. All you can do now is to go home maraming naghihintay sa iyo doon na toblerone ni kuya Garreth." panggagatong, pangangantiyaw, at pang aasar ni Adrian sa dalagang pinsan.
" Eh ikaw kasi insan madaldal ka pero akin muna ang paborito ko. Bilisan mo at ng makauwi na ako." tugon ng dalaga.
" Mayroon sa ref sa kusina apo palaging may stock dito dahil alam kung pumaparito ka. Your so lovely iha I like you." masuyo ding sagot ni grandma D.
" Thank you po grandma. I love you both ni grandma D and grandpa B. Insan uuwi na ako." masayang paalam ng dalaga at hinagkan ang dalawang matanda sa noo at sa pisngi naman ang pinsan niya at dumaan sa kusina ng mga ito at kinuha ang toblerone saka tuluyang nilisan ang tahanan ng mga Mckevin.
" Kung ako si insan mamahalin ko na lang si Joy kaysa ang asarin ito kaso ewan eh parang diko maarok ang damdamin niya." kibit balikat na aniya ni Adrian.
" Ang sabihin mo apo mataas ang pride ng pinsan mong iyun. Ano pa ba ang hanap niya kay Joy ang kaingayan lang naman nito ang lagi niyang naipipintas bukod doon ay wala na." sang ayun naman ni grandpa B.
" Ikaw na rin asawa ko ang nagsabing mataas ang pride ni BC kaya hindi na nakapagtataka kung gano'n ang asal niya at saka malay ninyo kung way lang niya iyon para pinagtakpan ang nararamdaman niya at siya ang aamin dito balang araw. " aniya naman ni grandma D.
Kibit balikat na lamang ang isinagot ng matandang Mckevin samantalang ipinagpatuloy ni Adrian ang ginagawa.
Sa kabilang banda, nakasimangot na dumating sa kanilang tahanan si BC na hindi nalingid sa kanyang ina.
" Anak what's on that furious face?" salubong na tanong Yana sa anak.
" Wala mommy." tugon ng binata at tuloy tuloy sa kanilang sala saka pabagsak na umupo sa sofa.
" Wala daw eh parang pasan mo ang mundo eh. Aba'y sayang ang lahi nating mga Harden kung tatanda kang binata diyan anak." tukso naman ng ama na halos kasabay lang niyang dumating.
Ano daw?
Tatandang binata siya?
No way!!!
" Daddy naman porke't nakasimangot na ako eh tatandang binata na ako? Aba'y malay mo kung sa akin ka magkakaapo ng kambal as they say it runs in the family." tugon ni BC na napaupo ng tuwid dahil sa tinuran ng ama.
" Magkakaapo agad anak aba'y wala ka pa ngang naipapakilala sa aming nobya mo ah." salungat naman ni Yana.
" Anyway anak common anak ano ba ang nangyari at parang pasan mo ang mundo? May problema ba sa kumpanya? Tell us now malay mo matulungan ka namin ng mommy mo?" pangungumbinsi namang aniya ni Terrence.
Napabuntunghininga na lamang siya dahil wala na siyang lusot sa mga magulang. Hindi siya perpektong tao pero hindi rin siya marunong magsinungaling kaya ipinagtapat na rin niya ang dahilan.
" Just the same mommy, daddy, ang palakang iyun binuwesit na naman ako kina grandpa B at ang malala pa eh sa akin siya makikisakay bukas papuntang Ilocos. I really hate it ang ingay pa naman niya. She's a human version of a frog!" mariing aniya ni BC pero mas napakunoot siya dahil napahagalpak ng tawa ang kanyang mga magulang.
" What's so funny with you mommy, daddy? " muli ay tanong niya sa mga ito.
Pero lumipas ang ilang segundo bago sumagot ang ina na halatang pinayapa muna ang sarili mula sa katatawa bago ito sumagot pero halatang natatawa pa rin.
" Sa tagal ninyo dito sa mundo anak, simula pagkabata ninyo, at taon taon naman kayong nagtutungo sa Ilocos Sur hanggang ngayon ba naman anak hindi ka pa rin nasasanay kay Joy? Sa ganda ng dalagang iyun palaka pa ang naisip mong itawag sa kanya? Wake up son baka naman may lihim ka lang na pagtingin sa kanya at pilit mo lang itong pinagtatakpan kaya nagagalit ka sa kanya?" sa kabila ng natatawang si Yana ay nasabi rin niya ang nais niya dito.
Akmang sasagot sana si BC pero nauhan naman siya ng ama na sinigundahan ang tinuran ng kanyang ina.
" Your mom is right anak. Alam mo anak minsan tayong mga lalaki idinadaan natin sa pagsusungit o ibang bagay ang ating nararamdaman. Imbes na umamin tayo mas ninanais pa nating itago ito. Pero sa panahon ngayon anak aba'y magmuni muni ka na baka maunahan ka ng kapatid mo na mag akyat dito sa bahay ng apo namin kaysa sa iyo. Remember ikaw ang lalaki kaya dapat huwag kang masungit kung ayaw mo sa kanya or sa kaingayan niya eh sabihin mo ng maayos huwag ang awayin siya. Tao lang din siya na may damdaming nasasaktan kahit idinadaan lang niya sa pang aasar din sa iyo. Mark my word anak try to be civil with her in pretty sure she will change her behaviours unto you. " pangaral naman ni Terrence sa anak.
In a few seconds, saka lamang nakuhang sumagot ni BC na para bang inunawa lahat ang mga binitawang salita ng mga magulang.
" I'll to be civil to her but I don't think so specially when she started to talk. But as I've said I'll try." sukong aniya ng binata. Pero ang ina niyang kahit may edad na para mangantiyaw ay nakuha pa rin nitong humabol.
" Oh kitam anak? What if aminin mong may pagtangi ka rin sa kanya?" panghuhuli pa nito.
" NO as in big NO mommy." iyun lang at tumayo na ang binata saka umakyat sa hagdan patungo sa pangalawang palapag kung saan naroon ang kanyang kuwarto.
" Nangantiyaw ka pa kasi hon alam mo namang allergic ang anak natin sa maingay eh." dinig pa niyang sabi ng ama sa mommy niya pero mas napailing siya sa sagot nito.
" Pustahan tayo hon, darating ang panahon na magiging sila ng anak natin." aniya ng mommy niya.
" At kung hindi?" hamon pa ni Terrence.
" Dito ka sa baba matulog at ako sa kuwarto natin pero kapag oo naman eh siyempre vice versa lang honey." agad namang sagot ni Yana.
" Ayos a hon aba deal tayo diyan." dinig pa niya ang usapan ng mga magulang pero hindi na niya ito binigyan ng pansin at ipinagpatuloy ang pag akyat.
Kinabukasan, alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay gising na si Joy dahil alam niyang may pupuntahan siya.
" Hmmm doon na lang ako magsimba Bossing total mga Madre naman at pari ang namamahala doon kaya't may misa like every year." bulong niya habang nakatingala.
Matapos siyang naligo ay inayos na niya ang kanyang kuwarto lalo na ang higaan niya and as usual ang king size teddy bear na laging yakap niya ay nasa pinakagitna ito ng queen size din niyang higaan. Akmang lalabas na siya ng room niya pero muli siyang bumalik at kinuha ang ilan sa collection niyang toblerone at inilagay sa bag niya.
" Well alam mo ng tsokolate ka kung para kanino ka." animo'y tao ang kausap habang isinilid ito sa bag niya at tuluyang lumabas sa kuwarto niya na paawit awit.
" Baby, oh
Even in my heart I see
You're not bein' true to me
Deep within my soul I feel
Nothing's like it used to be
Sometimes I wish I could turn back time
Impossible as it may seem
But I wish I could so bad baby
Quit playin' games with my heart
[Chorus:]
Quit playin' games with my heart (with my heart)
Before you tear us apart (my heart)
Quit playin' games with my heart
I should've known from the start
You know you've gotta stop (from my heart)
You're tearin' us apart (my heart, my heart)
Quit playin' games with my heart
I live my life the way
To keep you comin' back to me
Everything I do is for you
So what is it that you can't see
Sometimes I wish I could turn back time,
Impossible as it may seem
But I wish I could so bad, baby
You better quit playin' games with my heart."
Dahil maaga pa lang naman at alam niyang wlaa pang tao na gising lalo at Sunday ay with matching action pa siya sa pagkanta kahit malakas lang ito sa bulong. Huli na ng napansin niya na nandoon na pala sa kanilang sala ang sundo niya na pinapasok na ng night guard.
Agad niyang tinakpan ang bibig dahil akala niya ay siya lang ang gising iyun pala ay may nakarinig na sa boses niya.
She's about to greet him a pleasant morning pero hindi na niya ito nagawa dahil sa pagkataranta niya dahil nandoon ang paborito niyang asarin, ay nakalimutan niyang nasa hagdan siya.
And before anything else!
Sumemplang na siya dahilan para mapatili siya ng paglakas lakas!
The successor of the CLUMSY QUEEN 😂😂😉😉😉
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY! !!!